Chapter 6

3255 Words
Napakunot-noo si Jenza ngunit awtomatikong nag-init ang kanyang mga pisngi nang lubusang maintindihan ang ibig sabihin ng Ale. Ang akala nito ay may ginagawa silang kabastusan ng lalaking hindi niya kilala kahit pangalan man lang. Pumasag ulit siya at sa pagkakataong iyon ay binitawan na siya ng lalaki. “Mali ang iniisip niyo,” depensa niya at lumayo sa lalaki. Tarantang lumapit siya sa mag-asawa para magpaliwanag. Wala siyang paki-alam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya. Ngunit ang mag-asawang ito ay hindi iba sa kanya. They have a special place in her hearts at hindi niya gusto ang kaisipan na mabahidan ng kabastusan ang reputasyon niya sa mga ito. “Intruder po siya---” “She attacked me first,” the bastard cut her off. “And I’m not intruder.” She glared at him. Hindi siya sanay na pinuputol siya kapag nagsasalita siya. No one dared to do that to her. Only this man with no manners has the guts to do so. “Hindi ikaw ang kinaka-usap ko,” sikmat niya sa lalaki. “Excuse me? Who say’s I’m talking to you? I’m talking to them,” he rudely said and motioned his hands to couple. Nagtagis ang kanyang mga ngipin dahil sa kabastusan ng ugali nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi sa pagpipigil sa sarili na muling sugudin ito dahil sa pagkapikon. This man is getting into her nerves. Hinarap niya ang mag-asawa na pabalik-balik ang tingin sa kanila ng poncio pilato. “Sino po ba siya? At bakit sinasabi niyang dito siya nakatira?” tanong niya sa mga ito na halatang nagising nila dahil sa ginawang ingay nilang dalawa. “Bago mo siyang kasama dito sa bahay.” Ipinaliwanag nito sa kanya na hindi na siya nito nasabihan na may bago siyang kasama sa bahay sapagkat hatinggabi na siya naka-uwi. Hindi na siya nahintay ng mga ito sapagkat antok na raw ang mga ito. “He’s a man!” pagbibigay niya ng punto. “Do you have any problem with that?” singit ng lalaki sa walang ekspresyon na boses. His coldness makes her irritated even more. “Zaza, wala na kaming nagawa kasi naawa kami sa batang ‘yan. Wala na siyang matutuluyan nang masakyan niya ang taxing minamaneho ni Pedring. Punuan ngayon ang hotel. Alas-nuebe na ng gabi ng pumarito ‘yan, eh,” paliwanang sa kanya ni Manang Erma. Napabuntong-hininga siya sapagkat pumasok sa kanyang isipan na nalagay rin siya sa sitwasyon nito at tinulungan rin siya ni mang Pedring na makahanap ng tirahan. “Siya nga pala, Anak,” wika ni Mang Pedring na ikinapatda niya sa kinatatayuan. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at halos kapusin siya ng hininga ng mga oras na iyon. Did he just call her ‘Anak’? Exaggerated na kung exaggerated. But this is the first time that someone call her ‘Anak’ with tender tone. Kahit ang sarili niyang mga magulang ay kailanman ay hindi niya narinigan niyon. “Siya nga pala si Cale, ang bago mong boardmate.”             Hindi masyadong nakatulog si Jenza ng gabing iyon. Maraming bumabagabag sa kanyang isip dahilan para magpagulong-gulong siya sa hindi kalakihan niyang kama. Tuloy ay nahulog siya sa kama at lumagapak sa sahig. Naka-idlip lang siya ng halos dalawang oras ngunit ginising siya ng malakas na tunog ng alarm clock sa mumurahin niyang cellphone na nabili noong isang linggo. Inis niyang pinatay iyon dahil nalimutan niyang i-off ang alarm na tumutunog tuwing ala-sais ng umaga. Alas-otso pa naman ang pasok niya ngayon kaya inabot niya ang kanyang unan at itinakip sa kanyang mukha at namaluktot sa kanyang kumot. Ngunit hindi na siya dinalaw pang muli ng antok. Kahit anong baluktot niya sa kumot at pagpikit ng mata ay hindi talaga siya napapatulog. Kaya sa huli ay inis siyang umupo at gigil na ginulo ang kanyang buhok. Padabog na binato niya ang kanyang unan sa sahig at tumayo. Nakapamaywang na pinulot niyang muli ang unan at itinapon sa kanyang kama bago sumilip sa bintanang kanyang kuwarto. Maliwanag na sa labas at nakikita na niya sina Aling Erma na nagwawalis at si Mang Pedring na nagkakape. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi at tila may humaplos sa kanyang puso nang muli niyang maalala na tinawag siyang anak nito. Faking her death is not really a bad decision. Hindi lang pala kalayaan ang natamo niya, nakakuha rin siya ng pag-aaruga at concern sa mag-asawa. Mula ng dumating siya rito ay kabaitan agad ang naranasan niya kay Mang Pedring. Na kahit estranghero siya rito ay pinatuloy pa rin siya sa teritory nito. Gayundin kay Aling Erma na naalala ang kanyang kalagayan ng unang araw niya dito sapagkat binigyan siya nito ng pagkain. Kumaway sa kanya si Aling Erma nang makita siya nitong nakasilip sa bintana. Ngumiti siya rito at kinawayan rin ito. Pagkatapos ay kumuha siya ng kanyang damit sa cabinet at lumabas ng kanyang kuwarto. Humihikab na naglakad siya papunta sa banyo. Ini-stretch pa niya ang kanyang braso bago walang katok na binuksan ang pinto ng banyo para lamang mapatili. “Ahhh!” eskandalosang tili niya at natatarantang hindi alam kung ano ang gagawin. “What the f*ck?!” bulalas ni Cale at saka hinablot ang tuwalya para takpan ang dapat takpan. “Ahhh!” muli niyang tili at saka niya lang naalala ang dapat gawin sa mga ganong sitwasyon. Mabilis siyang tumalikod at nanlalaki ang mga matang muling tumili. Sa twenty years niyang existance sa mundo ay ngayon lang siya tumili ng ganito. Paano ba naman kasi, napagbuksan niya ang hubo’t hubad na si Cale na naliligo sa banyo. And she swears to all deities and saints that she didn’t look down. Never. Just a glimpse of his triceps and biceps and those…intriguing line. Tarantang tumakbo siya paalis sa harap ng banyo at tinungo ang kusina. Lumapit siya sa lababo at binuksan ang gripo. Isinalok niya ang kamay sa rumaragasang tubig at inihilamos sa nag-iinit niyang mukha. Hindi man niya nakikita ang sarili sa salamin ay siguradong pulang-pula na ang kanyang mga pisngi. “Didn’t you know how to knock?” bruskong tanong ni Cale na kapapasok pa lamang sa kusina. He’s now on his basketball short at nakabalandra sa harapan niya ang lean nitong katawan but with those broading muscles and eight pack abs. “Hindi ka ba marunong maglock?” she snapped back at him. Humuhupa na ang pagpula ng kanyang pisngi which is good thing dahil alam niyang hindi niya masasagot-sagot ang lalaki kung nag-iinit parin ang kanyang mukha dahil sa nangyari. “So ako pa ang mali?” he pointed out, sarcastically. “May kasama ka na sa bahay na ito, you should use your common sense and knock the f*ck out.” Bastos talaga ang bibig ng walanghiya. Ang init din ng dugo nito sa kanya which she felt the same towards him. “Iyon na nga. May kasama ka na sa bahay na ito kaya matuto ka rin na maglock ng pinto.” Hindi siya magpapatalo sa lalaking ito. Tamaan man ito ng kidlat ngayon din mismo. Mas kumunot pa ang dating kunot na noo nito and give her a death glare. Ganon din ang ginawa niya. They glared at each other for almost two minutes and she never back down. Isa sa mga katangian niya ang pagiging palaban lalo na sa tinginan. She never let anyone intimidate her. Sinisiguro niya na hindi siya ang unang magbaba ng tingin. Simpleng tingin man iyon o masamang tingin. She smiled secretly as Cale look away first. “D*mn this sh*t,” mura nito at saka padabog na lumabas ng kusina. She smirked sarcastically. Mukhang hindi nga talaga sila magkakasundo ng bago niyang housemate. Unang araw pa lang nilang magkasama ay nagsasabong na sila. Hindi siya nakatulog kagabi dahil isa sa mga iniisip niya kung siya ba ang mag-aadjust sa bago niyang housemate which she finds the idea hilarious. Siya ang nauna sa bahay na ito kaya ang lalaking iyon ang dapat na mag-adjust sa kanya. Ang unang impresyon niya kay Cale ay mainitin ang ulo base na rin sa ipinapakitang ugali nito sa kanya. He’s also cold and mysterious. He has also skills, she admits. At dahil wala siyang magawa ay nagluto na lamang siya ng pagkain niya. Nakita niya si Cale na lumabas ng bahay at mukhang may pupuntahan. Hindi niya na lang pinakialaman ito dahil inaasahan niya rin na hindi siya nito pakiki-alaman. She cooked fried rice, scrambled egg and dried fish. Tinuruan siya ni Aling Erma magluto nang tuyo. Its yummy and practical. Lalo na kapag may kamatis at suka. She loves the blended taste of sour and salty. Matapos niyang kumain ay itinabi niya ang kanyang tira. Kakainin pa niya iyon mamayang gabi. Alam na niya ang salitang tipid ngayon dahil bukod sa marami pa siyang paparating na gastusin ay hindi pa siya nagsesweldo sa La Felda Café. Every half of the month ang suweldo doon at dahil isang linggo pa lamang siya ay matagal-tagal pa ang panahon na hihintayin para dumating anag araw na mahawakan niya ang suweldo na galing sa malinis na paraan. Nang sumapit ang alas-syete y medya ay nagbihis na siya ng pang-eskwela at saglit na nagpaalam kay Aling Erma na papasok na siya ng paaralan. At katulad ng mga nagdaang araw ay naglakad lamang siya patungo sa Unibersidad. Her schoolmates are from wealthy families in town and some of them are also poor with striving parents to sent them in school. Sa isang linggong pamamalagi niya roon ay na-obserbahan niyang most of the bullies came from rich families, as usual. She stops on her track and stand at the side of the road when a car behind her horned. Kilala niya ang blue Chevrolet na ito. It was owned by Alice. The mayor’s youngest daughter. Kapatid ito ni Ismael. Ang boss ng mga lalaking nakasagupa niya noong nakaraang linggo. Speaking of the devils, hindi na ito muli pang bumalik gaya ng inaasahan niya. Gayon pa man ay hindi pa rin siya na nagpapakampante. Iniwan man niya ang trabahao niya sa mafia ay dala-dala parin naman niya ang ugaling kinalakihan niya. “Hey B*tch, get out of the way,” galit na sigaw sa kanya ni Alice mula sa loob ng kotse nito. Na-aninag niya rin sa loob ng kotse nito ang dalawang lalaki at isa pang babae na mga kabarkada nito. Hindi siya gumawa ng reaksyon at sa halip ay binigyan niya lang ito ng malamig na tingin matapos ayusin ang kanyang salamin sa mata. She’s wearing eyeglasses because of her amber eyes. Sa unang araw niya sa eskwela ay napansin agad ng isa niyang kaklase sa isang subject ang kanyang mata. Her eyes are amber. She knows that her eyes are uncommon and it will gain attention that she hates. Tinalikuran niya ang mga ito at hindi na pinansin. Dumiretso na siya sa Information Technolgy building dahil malapit ng mag alas-otso. Pagdating niya sa klasroom para sa una niyang klase ay napansin niyang malalaki ang ngiti ng kanyang mga kaklase. And because she doesn’t have a friend here, she just shrugged her shoulders and went straight to her chair. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang professor nila para sa asignaturang ito. Their subjects for today are about microcomputers applications. Ito ang unang beses na pumasok ang guro nila simula ng pumasok siya. But her jaw dropped when she saw who her professor was. “Good morning, class,” wika ng baritonong boses with the same cold tone in his voice.             What the f*ck is this man doing here? Paano naging professor ang kanyang housemate sa paaralang ito? “Good morning, Sir.” A flirtarious voice greet from the door of the room. They turned their head and she almost roll her eyes when she saw Alice smiling at Cale. Ngunit hindi naman ito pinatulan ng lalaki at sa halip ay tinanguan lang ito at ibinalik ang tingin sa kanila. She swallowed the sudden lump on her troat because Cale cold eyes met hers. “Take a seat, Miss.” Cale commanded at Alice group without breaking their eyes contact. And just like earlier she never looks away. Ito pa rin ang unang nag-iwas ng tingin mataposang halos isang minuto. Nakita niyang umupo ang grupo nina Alice sa pinakahulihang bahagi ng upuan. And Cale start to introduce himself as the students take their seats. “I’m Professor Cale Petrov. A new teacher of this university.” May nagtaas ng kamay mula sa klase. “Yes?” “Do you have a girlfriend, Sir?” tanong nito na umani ng tukso mula sa kaniyang mga kaklase. But the man is cold as ever. He doesn’t even lift his lips to smile because of the teasing nor make any expression. “Quite!” he commanded. “I don’t have one and doesn’t have any plan to have an affair with students or any other human being.” Tumahimik ang buong lugar dahil sa diretsahan na sagot ng lalaki. Mukhang napahiya naman ang babaeng nagtanong sapagkat yumuko ito. “Now, introduce yourself. Tell me the name, your age, parents and any other information that you want to share. Let’s start with the woman at the back,” wika niya na ang tinutukoy ay si Alice. Tumayo naman ang babae and tell her whole name, age and family. Pulos magaganda ang sinabi nito at perfect na sana iyon para sa image nito not until someone interrupt her. “May nakalimutan kang banggitin, Alice.” That was Bruce, the big bully of campus. She heard that he spent freshman for three years. This is his third year in first year college. “I didn’t hear the name of Jalara. She is your father’s mistress, right?” “Shut up!” Hindi ito pinakinggan ni Bruce at sa halip ay nagpatuloy pa ito na may nakaka-asar na ngisi. “So apparently, she will be your mother anytime soon.” “No way! I will kill that b*tch before that happen,” galit na galit nitong wika at halos patumbahin na ang upuan nito. Sinaway naman ang mga ito at saka nagpatuloy ang pagpapakilala. As for her, she just said her name and get back to her seat. Wala naman nag reaksyon roon si Cale. Matapos ang pagpapakilala ay nagsimula na itong magturo. At aaminin niyang napahanga siya nito sa aspetong iyon. Maliban kasi sa dapat na itinuturo nito, he also mentioned some codes and hacks in computer. It was basics at naririnig niya ang ibang terms na binanggit nito kay Aradelle. Ilang subject pa ang pinasukan niya bago sumapit ang tanghali. Dumaan siya sa kanyang locker room bago tumungo sa cafeteria upang kunin ang ilang notebook at paper sheets niya para sa asignatura niya mamayang hapon. She opened her locker just to be stunned by the things that was in there. A black box with red ribbon is lying above the pile of her notebooks. Kinuha niya iyon at binuksan. And she gone pale as she read what was written on paper inside the box.             A soul punisher needs to be punished as well.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD