Chapter 7

2736 Words
She became pale when she read what was written on the piece of paper. Pasimple niyang inilibot ang paningin sa paligid upang hanapin kung sino man ang naglagay nito sa kanyang locker. Maliban sa dalawang babae na nasa hindi kalayuan sa kanya ay wala ng iba pang naroroon. She crumpled the paper and tossed it in the nearest trash can together with the box. Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga kailangan at matalas ang pakiramdam na naglakad siya palabas ng locker room. Sino ang maaring nagpadala niyon sa kanya? Could it be the Funtellion mafia? Alam na ba ng mga ito na buhay siya. Hindi man alam ni Aradelle kung nasaan siya ay hindi imposibleng matunton ng mafia ang kinaroroonan niya. With their power and connections, alam niyang isang pitik lang ng mga ito ay mahahanap siya. Inaasahan na niya na malalaman din ng mafia na buhay siya. But not this soon. Hindi pa siya nagtatagal sa buhay na pinangarap niya.             “Paano kung hindi sila?” tanong ng kabilang bahagi ng utak niya. Paano nga kung hindi ang Funtellion mafia? She takes so many sinner’s souls. Kaya hindi nakakapagtakang balikan siya ng mga may koneksyon sa pinatay niya. Okupado pa rin ang isip niya habang naglalakad siya patungo sa cafeteria ng paaralan. Kaya naman ay hindi niya napansin ang papasalubong na babae sa kanyang direksyon. Tumatakbo ito na animo’y may tinatakasan. At dahil nakatingin siya sa kawalan ay nagkabungguan sila nito. The girl stumble down on the floor. Nabitawan nito ang mga dala-dalang libro at papel dahilan upang magsiliparan iyon sa ere. “I’m sorry po,” hingi ng paumanhin nito at saka mabilis na pinagpupulot ang mga nagkalat na papel sa sahig. “Ayos lang.” Tinulungan niya itong magpulot. Subalit hindi pa nila napupulot lahat nang tumayo ang babae at tarantang nagpalinga-linga sa paligid. “Anong problema?” kunot-noong tanong niya dito. She sensed that something is wrong. Parang may tinatakbuhan ito na hindi niya alam. “Wala, wala.” Kanda-iling ang babae. She had a big glass in her eyes that remind her of Aradelle. Nakasuot ito ng simpleng jeans at red na t-shirt. “Are you sure?” muli niyang tanong at inabot dito ang papel na napulot niya. Panicking is still evident on the girl’s eyes. Mabilis na kinuha ng babae ang inabot niya at mabilis na naglakad ulit matapos magpalinga-linga sa paligid at mamutla. Sinundan niya ito ng tingin at nang nakita niya itong lumiko sa engeneering building ay tumalikod na rin siya para ipagpatuloy ang paglalakad papunta sa cafeteria. Ngunit napahinto siya sa paghakbang nang mamataan niya ang grupo nina Alice na nagtatawanan habang nagpapalinga-linga sa paligid. Ang dalawang lalaking barkada nito ay may kakaibang ngisi sa mga labi. “Nasaan na ba ang nerd na iyon? Nakawala pa. Wala tuloy tayong laruan,” narinig niyang wika ng isa na sa pagkakatanda niya ay Redenton ang pangalan. Mabuti na lang at natatakpan siya ng katawan ng malaking puno. Hindi siya makikita ng grupong iyon. “Ikaw kasi, ang ta*ga mong tumingin. Nakatakas tuloy,” pangsisisi ni Alice sa kaibigan. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan habang naririnig niya itong nagsisisihan. Ikinuyom niya ang kanyang kamao at paulit-ulit na pinaalalahanan ang sarili na gusto niya ng tahimik na buhay at upang mangyari iyon ay hindi siya makikialam sa kung ano man na gulo ng iba. Huminga siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang paghakbang patungo sa pinto ng cafeteria. She gets her tray and fall in line in the counter. She gets rice and fried chicken for lunch and a piece of apple. Umupo siya sa pinakalikod na bahagi ng lugar kung saan hiwalay sa karamihan. This is her place since the very first day. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil ayaw niya ng masyadong atensyon. She pours the ketchup on her chicken and take a spoonful of rice when the girl’s image earlier pop into her mind. Umiling-iling siya at muling pinaalalahanan ang sarili. Ngunit wala pang minuto ang nakalipas ay pabagsak niyang ibinaba ang kanyang kubyertos at padabog na tumayo. Isinukbit niyang muli ang kanyang bag sa balikat bago kinuha ang fried chicken niya sa kanyang plato. Kinagatan niya iyon ng malaki bago malalaki ang hakbang na lumabas sa cafeteria. She run through the field and make her way at engineering building. “D*mn it!” mura niya nang hindi niya makita sa likod ng Engineering building ang grupo nina Alice. Muli siyang bumalik sa entrance at tuloy-tuloy na pumasok sa gusali. May iilan estudaynte roon na naka-upo sa mga monoblock chair na nasa labas ng bawat classroom. Pinagtitinginan siya ng mga ito dahil siguro ay hindi siya taga-roon. Iniisip kung bakit naligaw ang isang Information Technology student na katulad niya sa building ng mga ito. Ngunit wala siyang paki-alam doon. Ang tanging mahalaga lamang sa kanya ay mahanap ang grupo ni Alice pati na rin ang babaeng iyon. Inisa-isa niya ang bawat classroom upang tingnan kung naroroon ba ang kanyang hinahanap. Ngunit wala. Kaya naman ay nilapitan niya ang grupo ng mga kalalakihan na naroroon. “Nakita niyo ba si Alice at ang mga kaibigan niya?” tanong niya sa mga ito. Ngunit sa halip na sagutin siya ng mga ito ay nagtinginan lang ang mga ito sa isa’t isa at nagbulungan pagkatapos ay nagtawanan. Huminga siya ng malalim, gathering all her patience not to smash these morons heads off. “Uulitin ko. Nakita niyo ba si Alice at ang mga kaibigan niya?” muli niyang tanong. Ngunit ganon pa rin ang naging reaksyon ng mga ito. She gritted her teeth and close their distance. She raised her fist and smashed it on the table that surrounded by the boys. Bakas ang gulat sa mga mukha nito dahil sa ginawa niya ngunit wala siyang pakialam. Kwinelyuhan niya ang isang lalaki roon at malamig na nagtanong. “Where is Alice and her friends?” Her voice will bring fear to anyone who can hear it. “N-Nasa rooftop,” takot na sagot nito sa kanya. “A-Ano ba kasi ang k-kailangan mo sa kanya? Kung b-binabalak mong maki-alam huwag mo ng ituloy. Hindi mo magugustuhan na kalabanin si Alice.” Ngunit sa halip na matakot sa binabanta nito at inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha nito at saka ngumisi. “Mukha ba akong natatakot?” Umiling ang lalaki at iyon lang ang hinihintay niya para pakawalan ito. She pushes the man as she loosens her grip on his shirt. Mabilis niyang tinungo ang rooftop gamit ang hagdanan. Hinihingal man ay binuksan niya ang pinto ng rooftop nang marinig ang pagsigaw ng babaeng nakabungguan niya kanina na sinabayan ng tawanan nina Alice. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang nakasampa sa railing ang babaeng may salamin sa mata habang nagtatawanan naman ang grupo nina Alice. Nanginginig ang babae habang nakakapit sa railing ng rooftop. Isang maling galaw lang nito ay maari itong mahulog doon at mamatay. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang mga ito at nilagpasan ang nagtatawanan na grupo. “Anong ginagawa mo? Bumaba ka diyan,” utos niya sa babaeng pinagpapawisan at bakas ang takot sa mga mata. Hinuha niya ay ayaw naman nitong umakyat roon at napilitan lang. Umiling ito at takot na nakatingin sa likod niya kung saan naroroon ang grupo. “What are you doing, B*tch?” Alice asked her with irritation as she she felt someone pulled her hair from behind. “Pabibo ka!” She let her pulled her hair at saka siya umikot at pinasalubong ang kanyang kamo sa ilong nito. Alice shrieked on what she did. Dumugo ang ilong nito at naghestirikal sa kinatatayuan. Dinaluhan ito ng mga kaibigan at nang makitang masama ang tama ni Alice ay sinugod siya ng babaeng kaibigan nito. She could almost see the girl’s long, manicured finger nail that will scratch her skin. But she’s faster enough to block it with her fist. The girl cried in pain when her manicured finger nails broke. “Oh my God! Oh my God! My nail,” iyak nito at napupo sa sahig. Binalikan niya ang babaeng nasa railing at inilahad ang kamay dito. “Come on!” aya niya rito. Nanginginig ang kamay na inabot nito ang kanyang nakalahad na palad. The moment she touched her palm is the same time she felt the attacked from her behind. Nahila niya ng marahas ang babae kasabay ng pag-ilag niya sa atake ni Redenton. Nakita niya ang pagkasubsob ng babaeng may salamin sa semento ngunit hindi niya muna ito binigyan ng pansin sapagkat pinagtulungan siya ng dalawang lalaki sa kanyang harapan. Redenton attacked her but she simply dodge it all. Ngunit ang hindi niya napaghandaan ay ang pagdamba sa kanya ng isa pang lalaki. She was caught-off guard kaya naman ay napasadsad siya sa sementadong sahig. She can feel the sharp cut on her arm. Nagngalit ang mga ngipin niya lalo pa’t binigyan siya ng isang sipa sa tagiliran ng lalaki ng makatayo ito. Sumigid ang kirot doon but she managed to raise her feet and kick the man’s ball. Namilipit ito sa sakit. Kasabay niyon ay ang muling pagbukas ng pinto ng rooftop at nagsipasukan ang ilang gwardya at teacher ng paaralan. One hour later, Jenza found herself in the guidance office sitting infront of the guidance counselor. Nasa tabi niya ang babaeng nakasalamin na nangangalang Maude. Nasa harapan naman nila si Alice at ang mga kabarkada nito. Dumudugo pa rin ang ilong nito kaya naman ay may nakatapal na tissue sa ilong nito. Kung normal lamang siyang estudyante ay malamang pagtatawanan niya ang itsura nito. But she’s Jenza Weinstein, at ang tanging nasa isip niya ngayon ay dapat pala tuluyan na niyang binasag ang ilong nito. “Let’s wait for your guardians to come,” wika ng guidance counselor na sa tantiya niya ay nasa early forties na ang edad. Hindi sila umimik sa sinabi nito bagkus ay ipinagpatuloy nila ang masasamang tinginan na ibinabato sa bawat isa. The woman beside Alice is still grieving for her fingernails. At kung wala lang ang guidance counselor sa harap nila ay malamang ito ang mangunguna sa pagsugod muli sa kanya. “What’s happening here?” tanong ng babaeng bagong pasok sa opisina. Sabay-sabay silang napalingon roon. A sophisticated woman on her early fifties came in. Bakas sa mukha nito ang pagiging mataray lalo pa’t nakakurba ang kilay nito sa perpektong guhit. “Mom.” Tumayo si Alice at lumapit sa bagong dating. Akmang yayakap ang babae dito nang umiwas ang ginang at medyo lumayo. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mata ni Alice dahil sa ginawi ng ina. She knows that pain. Alam niya kung gaano kasakit maranasan ang malamig na pakikitungo ng magulang sapagkat naranasan niya iyon. Being ignored by your parents is hurter than being beat up. “What is this, Alicia?” nakataas ang kilay nitong tanong sa anak. “Madam, please take a seat firs—” “I’m not talking to you,” putol ng ginang sa sinasabi ng guidance counselor. Napipilan ang guidance counselor at tila napahiya pa dahil yumuko ito at walang imik na bumalik sa kinauupuan. She snorts silently out of disgust. Hindi niya napigilan ikumpara ito sa kanyang mga magulang. Her parents are manipulative and cunning. But they are not rude to others. They are not cutting someone who’s talking just to put her on shame. Inilibot ng ginang ang paningin nito sa paligid at inisa-isa silang suriin mula ulo hanggang paa. Nakita niyang yumuko si Maude sa tabi niya nang daanan ito ng tingin ni Mrs. Ellorin. But not her, inayos lang niya ang kanyang salamin sa mata nang tingnan siya nito at nakipaglaban ng titigan dito. “Who are these filthy rats? Sila ba ang dahilan kaya nasayang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay?” “Madam please—” On the second time around, the witch cut the guidance counselor off. “I want them to be kicked out of this school,” wika nito na para bang ang disisyon nito ay hindi mababali ninuman. “But we can’t do that, Madam. May rules po kaming sinusunod sa university and besides si Alice po ang nagsimula ng gulo.” “Are you disobeying what I want, Misis Gilmore. You know that I can get rid of you anytime,” pagbabanta nito. “I know, Madam. Please wait for their guardians.” Hindi na muli pang umimik si Mrs. Ellorin at eleganteng umupo na lamang ito sa isang couch na naroroon. Bumalik naman si Alice sa dating kinauupuan nito ngunit hindi na muling tumingin ng matalim sa kanya. Sumandig siya sa kanyang kinauupuan habang naghihintay ng mga magulang ng mga kasama niya sa loob. Magulang lang ng mga kasama niya dahil sigurado naman siya na walang darating na parents niya o guardian man lang. Hindi niya alam kung sumasang-ayon ba si Misis Gilmore sa gusto ng witch na iyon ngunit base sa sagot ng kanilang guardian counselor ay ayaw nitong mawalan ng trabaho. Napabuntong-hininga siya at mariin na napapikit sapagkat maraming nasira sa kanyang plano. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyari nang isagawa niya ang kanyang plano. Gusto niyang batukan ang sarili dahil hinayaan niyang umiral ang pagiging pakialamera niya. Kung hinayaan niya na lang si Maude at sina Alice ay paniguradong magtatagal pa siya sa unibersidad na ito. “Sorry, I’m late.” Napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Lumipad ang mata niya sa pinto ng guidance office para lamang makita si Cale na nakatayo roon. “And who are you?” the witch asked. “I’m Cale Petrov, her guardian,” sagot nito at saka itinuro siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD