Can someone please tell her that this man is just joking around? Nakaawang ang mga labi ni Jenza habang nakatingin sa bagong dating na si Cale. Hindi agad pumasok sa utak niya ang sinabi nitong guardian niya ito.
Teka? Paanong nangyari? Sa hula niya nasa middle twenties pa lamang ang lalaking ito kaya paano niya ito naging guardian? Isa pa kakikilala pa lamang nila kagabi.
“Mr. Petrov, please take a seat.” Imunuwestura ni Mrs. Gilmore ang espasyo sa tabi ng mommy ni Alice. Umupo naman doon ang lalaki and as usual poker face pa rin ito. Siya naman ay nakasunod lamang ang tingin dito.
Nakita niya pang nakatulala si Mrs. Ellorin sa kanyang housemate.
Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang mga magulang ng iba pa. Maliban na lang kay Maude dahil ang lola nito ang dumating.
The guidance counselor discussed their issue at kung ano ang magiging consequences nila dahil sa nangyari.
“I’m sorry to tell this pero papatungan ng expulsion si Ms. Allegro at Ms. Laskaris,” wika nito na ang tinutukoy ay siya at si Maude. Napaikot siya ng kanyang mga mata dahil halatang-halata na takot ang babaeng ito na mapatalsik sa trabaho. Kapangyarihan nga naman.
Hindi na niya tinangkang sumalungat kahit pa nakita niyang halos maiyak na si Maude sa kinauupuan nito dahil alam naman niyang kapag hindi sinunod ni Mrs. Gilmore ang gusto ng witch na iyon ay may kalalagyan ito.
“Expulsion?” sabat ni Cale na ikinalingon nila dito. “Why are you giving them expulsion when in fact they are not the one who started it.”
“Excuse me?” Alice interrupt. “That’s not true, siya ang unang sumugod.” Dinuro siya nito.
“I believe you're lying Ms. Ellorin,” walang ekspresyon nitong bintang.
“And who are you to tell that to my daughter?” Si Mrs. Ellorin na bagamat ay mataray ang tabas ng dila at mukha ay trinaydor itong ng mga mata. She’s eyeing Cale like she saw someone who’s make her day great.
“I have proofs. CCTV in the rooftop say’s it all.” Inilabas nito ang cellphone sa suot nitong slacks at iwinagayway sa harap nila. Ibinaling ni Cale ang paningin sa katabing ginang at seryosong nagsalita. “Your daughter is a bully, Mrs. Ellorin. Did you know na kung hindi dumating si Zaza ay maaring nakulong na ang anak mo sa kasong murder. Ms. Laskaris almost jump from the building out of fear with them,” tila nakikipagnegosasyon ang tono nito.
Ang lahat ng sinabi nito ay totoo ngunit hindi masyadong pumasok sa isip niya sapagkat nai-stuck sa kanyang pandinig ang pagtawag nito sa kanyang ‘pangalan’. This is the very first time she heard him saying his name. And she doesn’t like the idea that him, calling her name sounds sexy on her ears.
“Now, giving them expulsion is not necessary since I believe that all of you doesn’t want to leak this shamefull behavior of ours. Don’t we?” Sa pagkakataong iyon ay nakapaskil na ang ngisi sa labi nito. And she knows that smirk of him. Nagbabanta iyon.
“You’re right,” wika ni Mrs. Ellorin matapos ang halos isang minutong katahimikan.
“Bu, Mom,” Alice started—whining.
“Shut up, Alice! Gumagawa ka ng kahihiyan sa pamilya,” sikmat ng Ginang dito. Tumahimik naman ang babae at muli na lang umupo sa kinauupuan.
“I’m sorry for the trouble that cause by my daughter, Mr. Petrov. I’ll make sure na hindi na guguluhin pang muli ng anak ko ang kapatid mo,” malumanay at flirty ang boses ng ginang ng sabihin iyon. Halos panindigan siya ng balahibo nang marinig iyon sapagkat, una; anong kapatid ang sinasabi nito? Cale is not her freaking brother. What the f*ck? At pangalawa; malandi ang matandang ito! Kanina ay masyadong mainit ang dugo nito sa kanila ni Maude tapos ngayon ay ang lumanay na ng boses ng bruha.
Sa huli ay binigyan na lang silang lahat ng Guidance counselor ng punishment. Sabay-sabay silang lumabas ng opisina at hindi niya alam kung bakit kumusot ang ilong niya nang makitang humawak ang kamay ni Mrs. Ellorin sa braso ni Cale.
Narinig niyang pang niyaya ng ginang ang lalaki na magkape minsan. Nauna ng nagsi-alisan ang grupo ni Alice. At syempre matalim na tingin ang huling ibinigay sa kanya ng mga kaibigan nito.
Ipinagkibit-balikat niya lang iyon at tumalikod na upang pumunta na sa kanyang susunod na klase. Ngunit hindi pa man siya nakakadalawang hakbang nang pinigilan ni Maude ang kanyang braso.
“S-Salamat nga pala,” kiming pasasalamat nito sa kanya. “K-Kung hindi dahil sa’yo baka napahamak na ako.”
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “You’re so stupid,” matalas ang bibig niyang wika dito at saka iwinaksi ang kamay nito.
Gumuhit ang sakit sa mga mata niya na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo. “Kung magpapakamatay ka, siguraduhin mo na worth it ang dahilan no’n.” Hindi siya naiinis dito. Sa halip ay naiinis siya sa kaisipang sadyang may mga taong nagiging dahilan para magpakamatay ang isang indibidwal.
“W-Wala kasi akong c-choice kundi umakyat sa railing. Mas okay na iyon kaysa naman paglaruan nila a-ako,” nanginig ang boses nito sa pagkakataon na iyon.
Napakuyom ang kanyang kamao at muling pumasok sa isip niya na dapat pala ay tuluyan na talaga niyang binasag ang ilong ni Alice. Muli niya sana siyang magsasalita para pagsabihan si Maude nang sumabat si Cale.
“That’s enough,” pigil nito. “Pumunta ka na sa klase mo. Ako na ang bahala sa kanya,” anito kay Maude.
“Yes, Sir.” Tiningnan siya nitong muli. “Thank you ulit.” Pagkasabi nito niyon sa kanya ay tumalikod na ito.
Siya naman ay matalim na tiningnan si Cale bago tumalikod din.
“You should learn how to say ‘thank you-101’,” sarkastikong wika nito sa kanya hindi pa man siya nakakalimang hakbang.
She looked at him over her shoulder and say, “Thank you,” labas sa ilong niyang wika. “But you shouldn’t have done that. Hindi ko naman hiniling sa’yo na tumayo ka bilang guradian ko.”
“I didn’t. Sina Aling Erma ang nagpapunta sa akin dito. The school trace you’re record and since wala kang magulang, they called Aling Erma to be your guardian.” Humalukipkip ito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “You should be thankful that I defend you against them dahil kung hindi ay baka nakick-out ka na,” he said matter-of-fact.
Hindi niya na ito nagawang kontrahin sapagkat totoo naman ang sinasabi nito. Gayunpaman ay hindi naatim ng pride niya na nakagawa ito ng pabor sa kanya. Sa totoo lang naman kasi ay ayos lang sa kanya ang hindi na pumasok ng college ngunit naisip niya na paano naman ang pangarap niyang makapagtapos ng kursong Information Technology.
“Kunsabagay, hindi rin naman ako tumatanggap ng pasasalamat lang ng basta-basta,” wika nito at saka sumandig sa barandilyang naroroon at pinagkrus ang mga paa.
“Anong gusto mo?” gusot ang ilong niyang tanong dito.
Ngunit sa halip na magsalita ay nginisihan siya nito at muling pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Later, at home,” wika nito bago siya tinalikuran na kunot na kunot ang noo dahil sa pagtataka.
Bakit kailangan pa na sa bahay niya malaman at hindi na lang nito sabihin? And one thing more, bakit parang sinusuri nito ang kabuoan niya kanina?
Hindi naman ito mukhang manyak kung iyon ang iisipin niya. Ito pa yata ang mamanyakin kapag nagkataon. She admits that Cale is a very attractive man.
Mula sa makapal nitong kilay, pangahang mukha na bumagay sa matangos nitong ilong and his lips are sultry like it was made for kissing. Ang awra nito ay mas lalo pang naging misteryoso dahil sa kulay abo nitong mga mata.
Matapos ang ilang minutong paglalakad patungo sa Information Technology building ay nakarating rin siya sa susunod niyang subject. Late na siya ng limang minuto ngunit nakahinga siya ng maluwag sapagkat wala pa ang professor nila para sa asignaturang iyon.
But the stares of her classmates make her uncomfortable. Halos lahat nakatingin ang mga ito sa kanya nang pumasok siya sa loob ng classroom. It was strange dahil kahit naman nalalate siya dati ay hindi naman siya binibigyan ng ganong klase ng tingin ng mga ito.
They’re staring at her like they see her for the very first time.
Walang ekspresyon siyang naglakad patungo sa isang bakanteng upuan na naroroon at tahimik na hinintay ang kanilang professor. She decided to ignore all the stares like she always did.
But the peacefulness she wants, doesn’t last long because one of her classmates approach her.
“Hi!” Nakilala niya ang nagsalita bilang isa sa mga cheerleader ng university. “Ikaw si Zaza Allegro, diba?” tanong nito sa kanya na may malaking ngiti.
Blangko ang mukha na tiningnan niya ito bago tipid na tumango.
“Ako nga pala si Chelary,” pagpapakilala nito sa sarili bago walang paalam na umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. “Alam kong hindi tayo close but gusto ko sanang magpasalamat sa pagkakaligtas mo kay Maude,” daldal nito habang malaki ang ngiti sa labi.
“Magkaibigan kasi kami ni Maude. And I am so thankful talaga na niligtas mo siya.”
“Hindi ko siya niligtas. Huwag mo akong itrato na para akong superhero.”
“Hero ka naman talaga, eh,” tutol nito sa sinabi niya. “Kasi wala naman na nakakagawa noon kay Alice dahil bukod sa anak siya ng mayor ng bayan, may stock share rin ang mga magulang niya sa university.”
Patuloy lang itong dumaldal ng dumaldal sa tabi niya na para bang matagal na silang magkakilala. And somehow this girl reminds her of Delta.
Kinagabihan ay natagpuan ni Jenza ang sarili na nakikipagsiksikan sa loob ng bar sa bayan. Mausok, nakakahilong ilaw at maingay ang bar na iyon kung saan isinama siya ni Cale bilang companion nito.
Papasok na sana siya sa La Felda Café nang hablutin siya ni Cale mula sa waiting shed ng unibersidad at ibinigay sa kanya ang paper bag na naglalaman ng dress. Tutol sana siya sa ideya nitong lumiban siya sa trabaho ngunit naisip niya na may utang pa nga pala siya rito kaya naman hinayaan na lamang niya.
Now, wearing the fitted blue turtle neck dress that paired with three inches stiletto, nakikipagsiksikan siya sa dagat ng mga taong nagsasayawan sa bar na ito habang sinusundan niya si Cale. Her dress maybe looks conservative at front but her back is naked. Ipinusod niya rin ang kanyang buhok na siyang dahilan upang mas lalong ma-emphasize ang magandang kurba ng kanyang batok at likod.
“Hey, Cale. Wait up,” inis niyang tawag sa lalaking malalaki ang hakbang sa paglalakad sa mataas na tono.
The crowd was wild kaya naman kinailangan niyang lakasan ang kanyang boses para marinig siya nito.
But Cale just look at her over his shoulder with a knotted forehead. Pagkatapos ay ipinagpatuloy nito ang malalaking hakbang. Muntik pang mawala ito sa paningin niya dahil may humaharang sa kanyang daraanan. Kaya naman nang maabutan niya ito sa puno ng hagdan patungo sa second floor ng lugar ay halos pukpokin niya ito ng heels na suot niya.
“Ang bagal mo,” reklamo nito sa kanya.
“Ang laki ng mga biyas mo,” bawi niya rito at inikotan ito ng mga mata. Nasasanay na yata siya sa lalaking ito sapagkat sa bawat pagsusungit nito ay may sagot siya.
“Let’s go!” Hinawakan siya nito sa braso at saka inakay paakyat sa second floor.
The second floor of the bar is for VIP rooms. Doon pumupunta ang mga taong gusto ng tahimik na lugar at malayo sa dagat ng mga taong wild sa ibaba.
Nilagpasan nila ang mga nadaanang pinto at tumigil sa harap ng pinto ng pinakadulong kwarto.
“Anong gagawin natin dito?” she asked boredly. Kung iinom lang naman ito ay mas mabuti pang umuwi na lamang siya o kaya naman ay pumasok sa trabaho. Wala siyang balak uminom dahil may klase pa siya bukas and hangover is not a good idea.
Saglit siya nitong sinulyapan bago muling ibinalik ang tingin sa nakasarang pinto.
“Just behave and everything will be fine. And if everything went mess up, I’m sure that you can handle yourself,” sagot nito sa kanya bago walang kakatok-katok na binuksan nito ang pinto.
Bumungad sa mata niya ang mga naka-itim na lalaking naroroon. May dalawang lalaki na naka-upo sa kulay lilang sofa habang ang iba naman ay nakatayo lamang sa likod ng mga ito. They are their bodyguards at lahat ng mga ito ay armado.
“Anak ng pucha,” mura niya sa isipan at umarangkada agad ang mga plano sa isip niya kung paano niya ililibing ng buhay si Cale.
“Mabuti naman at nakarating kayo,” wika ng lalaking may bigote na mas lalong nakapag patapang sa mukha nito. Lumipad ang tingin nito sa kanya at ngumisi.
“Ikaw pala ang babaeng sumagupa sa mga bata ko.” So, this is Ismael that Aling Erma and Mang Pedring’s talking about. The mayor’s son.
Hindi niya ito sinagot bagkus ay tinapunan niya ng nakakamatay na tingin si Cale. This devil just trow her at the demon’s lair. But the devils’s face remain expresionless. Nanatili lamang ang tingin nito sa unahan.
“Alam mo, hindi talaga ako makapaniwala no’ng una na nagawa mo iyon. But not until I saw my mens situation,” tumawa ito ng pagak. “Broken ribs, broken bones and few are comatose.”
“Deserve nila iyon,” payak niyang wika na umani ng mala-demonyong halakhak ni Ismael.
“So feisty, I wonder kung masasabi mo pa yan kung gawin ko ito.” With a just blink of an eye, Ismael has a gun pointing at her while his other hand is cupping her jaw.
Ngunit ang mas nakapagpabigla sa kanya ay ang pagtutok rin ni Cale sa sintido ni Ismael ng baril nito. And she doesn’t freaking know kung saan nito iyon nakuha.
And awtomatically, the bodyguards point their gun at him. Namayani ang katahimikan ng ilang segundo hanggang sa umere ang halakhak ni Ismael sa buong lugar.
“I always know that this will happen. Traitor!” he snapped at Cale who still had no expression on his face. Ni hindi niya man lang nakitaan ng takot ang mga mata nito.
“You’ll never know,” makahulugang sagot ni Cale dito kasabay ng pagbukas ng pinto at sumulpot ang tauhan ni Ismael na pawisan at mukhang takot.
“Boss, may mga parak!” anunsyo nito.
“Ano? Kailan pa nakialam ang mga pulis sa aktibidad ko. Tawagin mo si Chief, sabihin mo may nakikialam na bata niya.” Bakas ang pagka-irita boses nito.
But the new guy shooked his head. “Hindi sila tauhan ni Chief, mga armado.” Segundo ang nakalipas matapos sabihin nito iyon ay may gumulong na smoke bomb sa loob ng kuwartong iyon.
Awtomatikong tinakpan niya ang ilong at umuklo sa kinatatayuan. Mabilis siyang gumapang papunta sa likuran ng sofa nang magkagulo at nagsimula ang putukan ng baril. Sari-saring mura ang lumipad sa isip niya dahil naka-engkwentro na naman siya ng gulo.
Mula sa pagkakayuko ay napatingala siya nang may bumagsak na duguang lalaki sa harap niya. Wala na itong buhay kagaya ng ilan pang kasamahan nito. Patuloy pa rin ang barilan sa loob ng lugar at dahil ayaw niyang magpakampante na hindi siya mamatay ay pagapang na inabot niya ang baril ng nakabulagtang lalaki.
Ngunit bago pa man niya iyon maabot ay may humila sa paa niya. Umigkas ang kanyang paa pasipa sa kung sino mang humawak roon ngunit mabilis ang reflexes nito at nailagan nito iyon. And she almost rolled her eyes when she saw who it was. Cale.
Nakayukong dinaklot siya nito na parang bata at ibinagsak sa likod ng malaking estante ng mga alak. “Stay the f*ck in here,” matigas nitong utos sa kanya bago siya tinalikuran.
Gusto man niyang makipagbarilan ay hindi niya ginawa dahil wala siyang armas. Nanatili lang siya sa kinatataguan at hinintay na humupa ang mga putok ng baril. Nang may lalaking nakafull gear ang bumagsak sa malapit sa kanya ay pilit niyang inabot ang baril nito. Sa palagay niya ay hindi ito tauhan ni Ismael. But something caught her attention.
Crashes of bottles and bullets firing are visible in the place. Ngunit naging bingi siya sa tunog ng mga iyon sapagkat nakatuon lamang ang paningin niya sa pendant ng lalaking nakabulagta. Hindi siya pwedeng magkamali.
That pendant. It was the pendant of Sigma.