Namutla siya sa kanyang nakita. Hindi siya pwedeng magkamali, ang kwintas ng lalaking ito ay may pendant ng sigma. It was a gold sigma sign in mathematics with angel wings. That pendant is the symbol of sigma. Kaya nagtataka siya kung bakit meron nito ang lalaking iyon.
Akmang hahablutin niya ang kwintas ng lalaking duguan na iyon ay may kamay na humatak sa kanya patayo at kinaladkad siya papalabas ng lugar. Panay ilag ito sa mga nagliliparang bala at halos magkandarapa siya sa klase ng pagkakaladkad nito sa kanya.
“I can walk on my own,” reklamo niya kay Cale nang marating nila ang exit ng lugar. Madilim sa bahaging iyon ngunit ramdam niya ang tension ng titig ni Cale sa kanya.
“Shut up!” he commanded like a boss.
But she’s not Jenniea Zanrei Weinstein kung papayag siyang utus-utosan nito. She rolled her eyes and pulled her hand from his grip.
“Don’t shut me up. Hindi mo ako utusan,” singhal niya dito, bumabalik sa isipan niya kung paano siya nito ipinahamak. Trowing her to devil’s lair? Ano bang iniisip ng lalaking ito? Umahon ang inis sa kanyang sistema dahil sa naalala. At bago pa man makapagsalitang muli ang lalaki ay itinaas niya ang kanyang kamao at malakas na ipinadapo iyon sa pisngi ni Cale.
Naramdaman niya ang pagpaling ng ulo nito dahil sa kanyang suntok.
“What the f*ck, b*tch?” tila kulog nitong sigaw sa mukha niya.
“Huwag kang sumigaw,” balik-sigaw niya dito. “Kung may galit ka sa akin, sabihin mo ng diretsahan. Hindi iyong patalikod ka kung umatake!” Inis na inis siya dito. This man is really getting into her nerves!
At mas lalong kumulo ang dugo niya nang hindi siya nito sagutin at tumalikod lamang na parang hindi siya nage-exist sa paningin nito. Tarantado!
Hinabol niya ito at halos talunin niya ang likod nito para maabot ang buhok nito at sabunutan niya. Pero hindi niya iyon ginawa dahil matangkad ang lalaki, hanggang balikat lamang siya nito.
“Hoy, ang bastos mo,” she said furiously habang sinusundan ito sa paglalakad. “Attacking behind my back?” patuloy niya. “Bakla ka ‘no?”
And that made him stop. Napangisi siya. Marahas na humarap ito sa kanya at naglakad papalapit sa kanya na matalim ang tingin na ibinibigay.
“I’m not a f*cking gay,” mariin nitong wika sa kanya.
“So defensive,” she mocked and shooked her head. Makaganti man lang sa ginawa nito.
“Want me to prove it?” he asked harshly and before she could even blink her eyes, he already pushed her on the wall and trapped her with his hands.
And for the second time around, she was caught off guard. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa sobrang lapit nila ng lalaking ito.
“Ano ba? Lumayo ka nga!” Malakas niya itong tinulak palayo ngunit nagmistulang tumulak siya ng pader dahil sa tigas ng dibdib nito. Hindi niya rin gusto ang hindi pamilyar na pakiramdam niya sa kanyang sistema.
She felt uncomfortable with his presence but somewhat love the heat coming from him.
Dinaklot nito ang kanyang palapulsuhan at ipininid sa pader. Mas inilapit nito ang sarili sa kanya and stop his head at the side of her neck. Ramdam niya ang init ng hininga na tumama sa balat ng leeg niya. Naghatid iyon ng kakaibang kilabot sa kanyang sistema.
“I can hear you hearbeat,” paos na wika nito sa kanya.
Napalunok siya at hindi nakasagot. Saan napunta ang tapang niya? Tila nilipad iyon ng hangin at hindi niya alam kung saan napunta. Ano bang meron sa lalaking ito.
“Cat got your tounge?” He tilts his head and caught her eyes. Ngayon lang niya napansin na mahahaba ang pilik-mata nito. And his eyes seem familiar to her, parang nakita na niya ang mata nito, hindi niya lang matandaan kung saan.
Pumiksi siya nang bigyan siya nito ng mapang-asar na ngisi. That smirk that annoys the h*ll out of her. Ngunit hindi pa rin siya nito pinakawalan na lalong nagpadagdag ng inis niya dito. Kaya naman ay pinuntirya niya ang tainga nito na malapit sa bibig niya.
She bit his ear hardly that she could almost taste his blood on her teeth. Her teeth dig on his skin that made him yelp out of pain. Gigil na gigil siya dito.
“Get off b*tch.” Pilit itong kumakawala sa kanya. Ngunit dahil sadyang matigas ang ulo niya ay kumapit pa siya sa balikat nito para mas hindi siya makabitaw sa pagkaka-kagat dito.
“F*ck!” he cursed at pilit siyang iwinawaksi sa pagkakakapit. Ipinulupot niya ang mga binti sa hita nito at mas nangunyapit pa na parang unggoy.
Nang maramdaman niyang halos magdugo na ang tainga nito ay pinakawalan na niya iyon sa pagkaka-kagat at buhok naman nito ang pinagdiskitahan niya. She grabs a fistful of his hair and pulled it harshly.
“Akala mo kung sino ka? Tar*ntado ka, sagad!” hiyaw niya and pulls his hair even more. Ngunit ang sunod na ginawa nito ay hindi niya inaasahan.
Cale cupped her butt and squeeze it that made her eyes widen. Pakiramdam niya ay nagtaasan ang dugo sa kanyang pisngi at tumigil ang pag-ikot ng mundo. She feels like big shock just dropped on her system.
Halos marinig niya ang t***k ng kanyang puso dahil sa pagkagulat. Ilang minuto ang kinailangan niya para makabawi sa pagkagulat.
“Bastos!” tili niya sa mukha nito habang nanlalaki ang mga mata sabay bigwas dito.
Cale almost stumbled in the floor. Ngunit dahil mabilis ang reflexes nito at marunong ito ng balancing ay napa atras lang ito bago siya pakawalan dahil pumiksi siya.
“It’s not my fault!” reklamo nito at saka hinaplos ang nasaktang panga. “Ikaw ang kumapit sa akin, hindi ako.”
“Kasalanan ko pa?” pakiramdam niya ay matutuyuan siya ng dugo sa lalaking ito.
“Exactly!” he answered as a matter of fact at muli siyang tinalikuran na para bang hindi ito nakagawa ng kasalanan sa kanya. Nagkuyom ang kanyang mga kamao at nagdadabog na sinundan ito sa paglalakad. Matatalim na tingin ang ibinabato niya dito at kulang na lang ay damputin niya ang trash can na nadaanan nila at ibato sa hudyo.
Naghihikab pa si Jenza habang naglalakad siya papunta sa unang klase niya ng araw na iyon. Alas-syete pa lamang ng umaga, alas-otso ang klase niya ngunit pumunta na siya sa unibersidad sapagkat ayaw niyang mapang-abot na naman sila ng Cale. Isang linggo na rin ang nakalilipas simula ng isama siya nito sa bar na iyon.
Napabalita sa buong bayan ang pagkakakulong ni Ismael na kahit ang ama nitong Mayor ng bayan ay walang nagawa. Patong-patong na kaso ang isinampa dito at walang itong kawala sa batas sapagkat may naglabasan na ebidensya laban dito.
Kaya naman ay mas tumibay ang hinala niya na Sigma talaga ang sumagupa sa grupo ni Ismael. Sigma moves like a shadow. Sa tagal niyang nagtrabaho sa Funtellion Mafia na isa sa mga asset ng Sigma ay wala pa siyang nakikilalang miyembro ng mga ito. Ang kanilang mga misyon ay dumadaan sa Mafia negotiator bago mapunta sa kanila.
And knowing that powerful group, alam niyang malakas ang koneksyon ng mga ito. Ang alam niya ay legal ang batas ng mga ito sapagkat may koneksyon ang mga ito sa mga lider ng bansa.
And about Cale, wala pa rin nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t isa. He is her professor in University but an enemy in the house. Kahit matanda ito sa kanya ng limang taon ay hindi niya ito inuurungan lalo na kapag nangingialam ito sa mga gamit niya sa bahay at ang tagal nito sa banyo.
Naniningkit ang mga mata niya nang makita niya si Maude at Chelary sa harapan ng classroom niya para sa unang klase. Sa pagkaka alam niya hindi niya kaklase si Chelary sa asignaturang ito. Lalo na si Maude sapagkat ang alam niya ay Accountancy ang kurso nito.
Gayunpaman, ipinakibit-balikat niya lamang ang kaalaman na iyo at nilagpasan ang mga ito para pumasok sa silid-aralan. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob nang harangan siya ni Chelary.
“Good morning, Zaza,” Malaki ang ngiti nitong bati sa kanya.
“My morning was at peace, not until two you came,” sagot niya dito at akmang lalampasan.
Itinaas nito ang dalawang kamay para harangan ang daraanan niya.
“Tabi!” masungit niyang utos ngunit sadya yatang matigas ang ulo nito dahil hindi ito umalis sa kinalalagyan bagkus ay mas lumapit pa sa kanya. Kulang na lang ay iyakap nito ang braso sa kanya para mapigilan siya.
Mabuti na lang at wala pang ibang estudyante ang naroroon kundi siya lamang at saka ang dalawang ito.
“Che, huwag mo ngang iharass si Zaza.” Maude chuckled then give her a gummy smile before handling her a brown paper bag that she’s carrying. Mga novels iyon nang silipin niya ang laman niyon.
“Nandito lang kami para ibigay iyan sa’yo.”
“At saka iimbitahan ka na rin namin sa birthday celebration ko bukas ng gabi,” singit ni Chelary.
“Hindi ako interasado,” diretsahang sagot niya na umani ng simangot kay Chelary.
“Sige na naman, please.” Niyakap pa nito ang kanyang braso at nakangusong nagpaawa sa kanya. Ngunit sa halip na maawa rito ay napailing-iling siya. Hindi sa kanya gagana ang mga ganong taktika. Maingat na inalis niya sa pagkakayakap nito ang braso niya at tuluyan ng nilagpasan ang mga ito.
Ang akala niya ay tatantanan na siya ng mga ito dahil sa mariin pagtanggi niya. Ngunit nagkamali yata siya sapagkat muli na naman siyang inistorbo ng mga ito nang nananghalian siya. Bigla na lamang sumulpot ang mga ito sa harap niya at walang paalam na umupo sa bakanteng upuan na nasa harapn niya.
“What are you doing?” kunot noong tanong niya sa mga ito.
Chelary took a spoonful of her food before answering her. “Kakain,” and offer her a food, “gusto mo?”
“As far as I know, hindi ako pumapayag na may kasabay na kumain at kasalo sa mesang ito,” she pointed out. Making sure that she intimidates the two girls.
Ngunit nagkamali yata siya ng hinuha sa dalawang ito dahil sa halip na matakot sa kanya at binigyan lamang siya ng ngisi ng mga ito.
“Malungkot ang kumain mag-isa,” wika ni Maude at saka tumusok ng isang siomai mula sa plato niya at diniretso nito sa sariling bibig.
“Hey, that’s mine!” reklamo niya.
“Pahingi lang naman, huwag kang madamot,” depensa naman ng Chelary bago tumusok rin ng siomai niya at kinain.
Umawang ang labi niya dahil sa inasta ng dalawang ito. Gayunpaman ay hinayaan na lang niya ang mga ito kaysa naman makipagtalo pa siya rito na alam naman niyang hindi siya mananalo.
“Anyway, nakapagdisisyon na pala kami ni Mau na pupunta ka sa birthday ko.” Puno ang bibig ni Chelary habang nagsasalita kaya mistula itong chipmunk sa paningin niya.
“At nagdisisyon na rin ako na prangkahin ko kayong ayaw ko na kinukulit niyo ako,” sikmat niya sa mga ito.
But the two witches just laugh their ass out and Chelary even had the guts to pinch her freaking cheeks.
“Ang cute!” they cheered.
“Let go, morons!” inis niyang wika at saka tinampal ang kamay ng mga babae. Malakas na nagtawanan ang dalawa.
Minutes later, the two talked like there’s no tomorrow. Hindi niya na sana papansinin ang mga ito ngunit nabanggit ni Chelary ang punishment nila ni Maude sa darating na sabado. She rolled her eyes as she remembered that freaking punishment that Chelary’s talking about.
Kinahapunan, maaga siyang nakapag-out sa trabaho at dahil payday ng araw na iyon ay nagdisisyon siyang pumuta sa mall at tumingin ng mga libro. Matagal tagal na rin nang huli siyang makapagbasa ng fiction novels at sa pagkakatanda niya ay sa Crystal Nights High pa ang huli.
Naramdaman niya agad ang lamig ng aircon na bumalot sa kanyang katawan nang umapak ang kanyang mga paa sa loob ng establisyemento. She decided to treat herself. Pumasok siya sa isang tindahan na naroroon at nang may matipuhan na dress at ilang shorts ay binili niya iyon. Pinuntahan niya rin ang isang Booksale na naroroon and bought some Danielle Steel, Rob Kid and sielalstreim books.
Pagkatapos ay pumasok siya sa isang fast food chain na nagse-serve ng fries which is her comfort food. Ito ang unang beses niyang pumila para makapag-order ng pagkain. Mahaba ang pila ngunit sa halip na mainis siya katulad ng ibang kostumer ay ini-enjoy niya pa iyon.
Kadalasan kasi ay nakaserve na ang pagkain niya pag-upo niya pa lamang sa mesa. And getting order in cafeteria is not difficult. Lalo pa’t minsan ay inumin lang ang binibili niya sapagkat nagbabaon siya ng pananghalian.
She enjoyed the fries, the spaghetti and the chicken that she ate. Napansin niya rin na halos mga bata ang mga kasabay niyang kumain sa fast food chain na iyo. May ngiti sa kanyang labi nang lumabas siya sa establisyemetong iyon sapagkat magaan sa kanyang pakiramdam na gumastos siya galing sa sarili niyang bulsa. Na gumastos siya ng perang pinagpaguran niya.
Nagpalinga-linga siya upang maghanap ng tricycle na masasakyan pauwi ngunit iba ang nahagip ng kanyang mga mata. Kumunot ang kanyang noo at bahagyang nanliliit ang kanyang mga mata habang binibistahan ang mga pigurang nakita niya sa parking lot ng lugar.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi maging ang kanyang kilay nang makumpirma ang kanyang hinala kung sino ang mga iyon. It was Cale and Mrs. Ellorin. Nag-uusap ang mga ito sa tapat ng itim na kotse na sa palagay niya ay sa babae. Mrs. Ellorin even slap Cale’s arm in a flirtatrious way.
At muntik na siyang mabilaukan ng sariling laway nang halikan ng ginang sa pisngi ang lalaki. Sugar Mommy?!