Chapter 10

2985 Words
It was Friday, naglalakad papunta sa La Felda Café si Jenza nang bigla na lamang may humablot sa kanyang braso. Handa na sana siyang balibagin ang kung sino mang pangahas na iyon nang mabungaran niya ang mukha nina Maude at Chelary. “Ano ba?” taong niya habang pilit kumakawala sa mga ito. “Akala mo makakatakas ka, ha?” Nakangisi si Chelary na para bang naisahan siya ng mga ito. Naikot niya na lang ang kanyang mga mata dahil natumbok talaga ng mga ito ang plano niya. Ang totoo ay pinagtataguan niya talaga ang dalawang ito sapagkat alam niyang kukulitin na naman siya tungkol sa birthday party ni Chelary. Ang hindi niya alam ay sa daan siya nito aabangan, sayang ang effort niya na dumaan sa back gate ng unibersidad. “Ayoko. May trabaho pa ako,” payak niyang tanggi sa mga ito. “Huwag kang mag-alala. Ipinagpaalam na kita kay Ate Fel, she’s my cousin.” Malaki ang ngiti ni Chelary na pumuwesto sa kanan niya at isinukbit ang braso nito sa braso niya. Ganon din ang ginawa ni Maude sa kaliwa niya na para bang ikinukulong siya ng dalawa—pinipigilan sa pagtakas. Almost a half-hour later, natagpuan niya ang sarili sa isang high-end class bar. Hindi iyon katulad ng bar na napuntahan niya kasama si Cale. This one is a classy and peaceful bar. There are tables for costumers, a counter for drinks and an elegant music is playing. Inukopa nila ang isang pantatluhang mesa na medyo malapit sa counter kung saan may isang bar tender na nagpapakitang gilas sa pag mi-mix ng mga nakakalasing na inumin. “Order na kayo guys, my treat!” nakangiting anunsyo ni Chelary sabay wagayway ng card nito. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng card na iyon. It was limitless card na tanging mayayamang pamilya lamang ang nakaka afford. Alam niya iyon dahil meron din siya niyon—noon. Since the day she faked her death, hindi na rin siya nagwithdraw ng pera sa kahit anong bank account niya sapagkat malaki ang posibilidad na ma trace siya pagnagkataon. Same goes with her cellphone. Mas pinili niyang gumamit ng mumurahin at lumang modelo ng cellphone sapagkat maliit ang tyansa na matrace siya kung gagamitin nya iyon. Nilapitan sila ng waiter at nagbigay ng menu. Habang busy sila ni Chelary sa pagpili sa menu ay napansin niya sa gilid ng kanyang mga mata na patagong kinakausap ni Maude ang waitress na nasa tabi nito. And she definitely knows kung ano ang ibig sabihin noon. Hindi nga siya nagkamali dahil nang dumating ang order nila ay kasabay rin niyon ang cake with candles para kay Chelary. Kitang-kita niya kung paano nagtubig ang mga mata ng birthday celebrant habang nababanaag sa mga mata na sobrang na touch ito sa ginawa ni Maude. And suddenly, she felt envious on their friendship. Sa buong buhay niya ay hindi siya nasorpresa sa kanyang kaarawan ng kahit sino. Kunsabagay, bukod sa napaka busy ng kanyang mga magulang para doon, wala naman siyang matalik na kaibigan. Ang pinakamalapit yata sa kanya ay si Aradelle. But Aradelle just works for her, alam niyang sooner or later ay mawawala rin ito sa tabi niya. Matapos nilang kumain ay lumipat sila sa bar counter para uminom. The good-looking bar tender serves them a hard liquior as what Chelary requested. Todo tanggi naman si Maude at halos magtago pa sa likod niya para lamang hindi dito maabot ng kaibigan ang drinks nito. Good thing is that mataas ang alcohol tolerance niya sa mga ganitong bagay. Nasanay na yata ang sikmura niya sa mga hard drinks sapagkat kasama iyon sa ensayo nila noon. Being immune to hard drinks, some mild poison and pains. “Huwag ka nga magstay sa pineapple juice,” reklamo ni Chelary. “Last birthday ko, iyon rin ang ininom mo. Buti pa ito si Zaza, hindi kill joy.” But Maude just stick her tounge out. Chelary rolled her eyes before placing her arm above her shoulder. Napansin naman niya ang panaka-nakang tingin ng bar tender sa kanila. At nang hindi yata ito makatiis ay, “Are you guys a lesbian?” he asked while looking at her and Chelary. Naningkit ang kanyang mga mata at halos abutin na niya ang bote ng Jack Daniels para ipokpok sa ulo ng lalaking ito. But before she could even do that, umere ang naaaliw na halakhak nina Chelary at Maude sa buong lugar. “What?” nakamaang na tanong nito nang nag-apir pa ang dalawang magkaibigan. “You seriously think of that,” walang emosyon niyang wika dito at saka inalis ang braso ni Chelary sa pagkaka-akbay sa kanya. Nanlalaki ang singkit na mga mata ng lalaki nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Kyeme itong ngumiti sa kanila at humingi ng paumanhin. “That’s okay, this friends of ours are hot-headed sometimes.” Nakuha pang ngumisi ni Chelary. Minutes later, they spent their night drinking mild drinks. Maude still on her pineapple juice, she and Chelary on cocktails while the later is flirting at the bartender. Nakuha pa nitong isayaw ang bartender which he introduced himself as Shin. Napailing-iling na lang silang dalawa ni Maude nang mamataang tuluyan nang nawalan ng huwisyo si Chelary sa bisig ng singkit na iyon. Shin offer them a ride. At dahil hindi naman niya alam kung saan ang bahay ni Chelary ay si Maude na ang pumuwesto sa passenger seat upang ituro ang direksyon. Habang siya naman ay nasa backseat kasama si Chelary na naka-unan sa hita niya—tulog na tulog. Pumasok sila sa isang exclusive subdivision matapos magpakita ni Maude sa guwardiyang naroroon. Naglalakihan at nag gagandahang mga bahay ang nadaanan nila—ibang iba sa bahay na nakikita niya sa lugar na kasalukuyan niyang tinutuluyan, bago nila narating ang bahay ni Chelary. It was a big house, tipikal na malaking bahay para sa mga may kaya sa buhay. Sinalubong sila ng isang kawaksi at tinulungan silang ipasok sa loob ang tulog na tulog na si Maude. Ngunit nang akmang ipapanhik na nila ito sa itaas ay kinuha ito ni Shin sa kanila at pinangko ito. Sumunod naman agad si Maude doon ngunit siya ay nanatili lamang sa bungad ng hagdan. “Mauuna na po ako,” paalam niya sa may edad na kasamabahay, nasa isip na mag-iistay pa si Maude rito at hindi na siya umaasa na ihahatid pa siya ni Shin sa tinutuluyan niya. She gave the old lady a faint smile before she turns her back. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng pinto ay narinig niya ang malakas na pagtawag ni Maude sa kanyang pangalan mula sa taas ng hagdan. Pababa ito ng hagdan habang nasa likod nito si Shin na panay ang linga sa likuran nito. “Saan ka pupunta?” tanong ni Maude sa kanya nang makalapit ang mga ito. “Uuwi.” “Sabay na tayo,” wika nito at isinukbit ang kamay sa kanyang braso. “Hindi mo ba aalagaan ang kaibigan mo?” nagtatakang tanong niya. Umiling naman ito bilang sagot. “Kapag nalalasing siya, inaalagaan naman siya ni Aling Julia,” tukoy nito sa matandang sumalubong sa kanila kanina. “Besides, as much as I want to stay, hindi pwede. Her dad will get mad at us. Ilang beses niya na ba akong pinalayo kay Chelary? At ilang beses niya na bang pinagalitan si Che dahil sa pakikipag kaibigan sa akin?” Sadness was written on her voice. Huminga siya ng malalim nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin nito. Base sa narinig niya, Chelary is the youngest daughter of vice governor. At si Maude naman ay isang tipikal na galing sa mahirap na pamilya at nakapag aral lamang sa unibersidad dahil sa pagiging scholar nito. And just like any other cliché story, pinagbabawalan ng ama ni Chelary na makipag kaibigan ito kay Maude. Shin dropped them on terminal. Salungat kasi ang daan nito at hindi convenient na ihatid pa silang dalawa ni Maude sa kanilang mga bahay. Sabay silang sumakay ni Maude sa buss at pinili nila ang pinakahuling upuan. Lumaki man siya sa maluhong buhay, sanay na siyang sumakay sa pampublikong sasakyan sapagkat bahagi iyon ng kanyang bawat misyon. Pasado alas onse na nang gabi kaya naman ay hindi na siya nagulat nang nakatulog na si Maude sa kinauupuan nito. But what surprise her is when Maude’s head lean on her shoulder. Handa na sana siyang itulak ang ulo nito paalis sa kanyang balikat nang humilik ang babae. Hindi ito ang unang beses na nakarinig siyang humilik ngunit hindi niya napigilan na umalpas ang mahinang tawa sa kanyang labi. Maude looks innocent as she sleeps. Parang hindi ito makakapatay ng kahit langaw man lang. Dumagdag pa ang salamin nito sa mata na lalong nagbigay ng inosenteng awra dito. Inilapat niya ang kanyang hintuturo sa kwintas nito na bahagyang nakalabas sa damit nito. Hindi niya nakita iyon kanina sapagkat nasa ilalim iyon ng damit nito. The necklace is gold. Hindi niya makita ang pendant niyon sapagkat nasa loob iyon ng damit nito. But it brought curiousity in her system. Kakaiba kasi ang design ng lace niyon. Mga simbolo na hindi niya maintindihan. Sa huli ay ipinagkibit balikat na lamang niya iyon at muling sumandal sa kanyang kinauupuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang payapain ang sarili sapagkat unti-unti na niyang nararamdaman ang epekto ng alak na nainom niya. Kumpara sa nainom ni Chelary ay kinaya ng kanyang katawan ang dalawang cocktails, tatlong hard drink at dalawang beer. “Hold up ‘to,” narinig niyang sigaw ng kung sino. Hindi siya nagmulat nang mga mata bagkus ay hinawakan lang niya ang braso ni Maude. Mabuti na lamang at nasa malapit ito ng bintana at siya naman ay nasa daanan. Narinig niya ang sigaw at hikbi ng ilang pasahero. Ramdam niya rin ang takot na bumalot sa buong sasakyan. Sa palagay niya ay nasa tatlo o apat ang mga lalaking nanakot sa mga walang kalaban laban na ito.             Sinners…sinners… I punish them. “Zaza,” mahinang tawag sa kanya ni Maude na nagising mula sa pagkakatulog. Mahina siya nitong niyugyog at mas humigpit pa ang kapit sa kanyang kamay. “Miss, akin na ang pera mo at cellphone,” utos ng lalaki mula sa kanyang gilid. Naramdaman niya ang pagkilos ni Maude sa kanyang tabi kaya nagmulat siya ng mga mata at walang emosyon na tiningnan niya ang lalaki. Nakamaskara ito ng itim na kita lamang ang mga mata. Pati na rin ang mga kasamahan nito ay ganun din. Nasa madilim na bahagi sila ng kalsada, walang street light at kahit umaandar pa ang bus ay makakatakas ang mga sangganong ito bago pa man sila makarating sa may ilaw na daan. “Ang laki mong tao, bakit hindi ka magtrabaho?” tila naiinip niyang wika.             “Hoy, dami mong satsat. Ibigay mo na ang hinihingi ko,” galit na sabi nito sa kanya at itinutok sa kanya ang kutsilyo nito na muntik na niyang ika-ikot ng kanyang mga mata. Seriously? Nang hindi niya ito sinunod ay dinaklot siya nito sa kwelyo. “Ano ba? Susunod ka ba o hindi? Baka gusto mong lagyan ko ng gripo ang tagili—” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil she suddenly grabbed his hand and twist it hard. “Una, ang baho ng hininga mo. Pangalawa, ayaw ko ng hinahawakan ako ng kung sinu-sino.” And she snapped the man’s hand that she heard how his bones cracked. “P*tang*ina!” malakas na hiyaw nito bago namilipit sa sakit. Nakuha niya ang atensyon ng mga kasamahan nito dahilan para sumugod din ang mga ito sa kanya. At dahil ramdam na niya ang pag-epekto ng alak sa kanyang sistema ay hindi na niya nalimitahan ang sarili sa mga ginagawa. She smashed the man’s head at the mirror repeatedly. Ang ibang kasamahan naman ng mga ito ay binalian nya ng braso at paa. Ito ang hindi niya gusto kapag umeepekto ang alak sa kanyang katawan. She can’t control herself in fighting. Lumalabas ang pagiging reaper niya na nakasanayan na niya mula pagkabata. Tilian sa buong paligid ang narinig niya at palakpak ang pumaalinlangan nang matapos niyang patumbahin ang mga lalaking iyon kasabay ng pagtigil ng bus sa istasyon na bababaan niya. Ang ilan sa mga sakay ay kinumbinsi pa siya na magfile ng kaso laban sa mga holdaper at maging witness na rin. But she had enough for this day. Kaya naman ay hindi niya iyon pinansin at nagtuloy-tuloy sa pagbaba ng sasakyan.             Hahabol-habol naman sa kanya si Maude at halos magkanda subsob pa ito. She seems scared but decided to hide it because she knows that Zaza hate weaklings. Inis na tinanong ba naman siya nito kung stupid siya nang pasalamatan niya ito. So, she didn’t even bother to say her thanks to Zaza like the passengers did. Naunang naka-uwi si Maude sa bahay nito sapagkat nadaanan lamang nila iyon mula sa station. Habang siya naman ay ipinagpatuloy ang mabagal na paglalakad patungo sa bahay na tinitirhan. Napakunot pa ang kanyang noon ang may mamataan siyang itim na kotse sa harap ng bahay nina Aling Erma. Dahan-dahan siyang lumapit roon at napatigil sa parting hindi naiilawan ng street light nang may mamataan siyang mga pigura sa harap ng kotse. “Thank you for this night.” Si Mrs. Ellorin. And as what she expected, the old lady is flirting with her housemate—Cale. Maya-maya pa ay sumakay na ng kotse ang ginang. Iyon na ang senyales na hinihintay niya para umalis sa kinatatayuan at nilapitan si Cale na nakatingin din sa kanya. “Sugar mommy mo?” tanong niya upang ikumpirma ang hinila. Hindi siya nito sinagot. Bagkus, ay walang imik na tinalikuran siya nito matapos siyang bigyan ng masamang tingin.             Anong problema no’n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD