Halos ayaw ng bumangon ni Jenza mula sa pagkakahiga ng araw na iyon. Puyat pa siya dahil madaling-araw na siya nakatulog. Bukod doon ay masakit rin ang kanyang ulo dala ng hangover. Aside from that, it’s a rainy morning, gusto niyang mamaluktot sa kanyang kumot. Ngunit gustuhin niya man na manatiling nakahiga at matulog buong araw ay hindi pwede.
It was Saturday at may punishment pa siya na dapat gawin sa university. Kaya naiirita man ay bumangon na siya at kinuha ang kanyang mumurahing cellphone para tingnan kung anong oras na.
s**t! It’s already nine in the morning. Paniguradong hinihintay na siya ng guidance counselor na nagpatong sa kanila ng parusang iyon. Pupungas pungas siyang bumangon at dumiretso sa kanyang cabinet para kumuha ng damit.
Halos lundagin na niya ang hagdan patungo sa unang palapag para lang makarating sa banyo. Malakas siyang kumatok sa pinto ng banyo nang tumapat siya roon. Nakaugalian na niyang gawin iyon sapagkat nadala na siya sa unang beses na napagbuksan niya si Cale ng hubo’t hubad sa banyo.
Nang walang sumagot ay mabilis siyang pumasok roon at binuksan ang gripo upang punuin ang balde na naroroon. Halos mapasigaw pa siya dahil sa lamig ng tubig. Hindi tulad sa banyo niya sa mansyon, maliit lamang ang banyo sa bahay na ito. Wala din shower na pwede niyang i-set ang tubig sa maligmgam o malamig.
Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang dumiretso sa kusina habang nagpupunas ng kanyang buhok. But she halts on her steps when she saw a muscled back of a man. Hubad baro ito at tanging boxer lamang ang suot.
Gustuhin man niyang iiwas ang paningin sa nakabalandra nitong katawan ay tila siya nahihipnotismo na hindi niya maalis ang tingin sa katawan ni Cale. Those broading shoulder, the biceps and tricep that flexes everytime he moves…
Sa mga sumunod na segundo ay ninais niya na pumaloob sa mga bisig na iyon at ibaon ang kanyang mukha sa leeg nito upang maamoy niya kung mabango pa rin ba ito sa kabila ng pawis na tumutulo roon.
Ngunit ang kanyang kahibangan ay agad na naglaho nang isang malakas na tikhim ang nanggaling kay Cale.
“What are you doing?” he asked rudely, as always. Kunot ang noo nito at walang emosyon ang mukha, again, as always.
Napakagat-labi siya at kulang na lang ay pektusan niya ang sarili dahil sa naisip. Halos mangaligkig siya nang ma-realize na pumasok sa isip niya ang ‘nakakahindik’ na eksenang iyon.
“Wala, sinisigurado ko lang na hindi ka naki-alam sa supplies ko,” palusot niya na may parteng totoo. She and Cale always fight over supplies in the kitchen at sa paggamit ng comfort room. Mabuti na lang at walang television ang bahay, dahil kung meron ay paniguradong mag-aagawan din sila ng lalaki.
Cale brows jerked up at tuluyan na itong humarap sa kanya. Halos mapaantada pa siya dahil bumalandra sa harap niya ang eight pack abs nito. Hindi naman iyon ang unang beses na nakakita siya ng ganon, pero hindi niya lang talaga alam kung bakit nag-iba ang epekto sa kanya ni Cale.
“Really?” he snorted like she doesn’t believe on him.
Napasinghot siya dahil masarap na amoy na bumalot sa buong kusina. Walang-imik na tuluyan siyang pumasok sa kusina at sumilip sa likuran ni Cale. Nasa kawali ang fried chicken at ham na siyang nagbibigay ng aroma sa buong kusina. Maliban doon ay mayroon ring cheese, bacon at bread na naka-separate sa iba’t ibang lalagyan.
Halos maglaway siya sa nakikitang mga pagkain. At literal na nagcramps ang sikmura niya dahil sa pagpigil niya sa sarili na dumampot sa mga iyon.
“That’s my supply, if you don’t know,” payak na wika ni Cale mula sa kanyang likuran.
“A-Alam ko.” Napalunok siya at nangigiwing humarap dito. “A-Ano—”
Cale brows jerked up even more. Hindi pa man ay parang tatanggi na ito sa sasabihin niya.
Kaya sa huli ay tumikhim siya at taas-noong tiningnan ito. “Wala!” Nakairap na tinalikuran niya ito at nagsimulang humakbang palabas ng kusina.
Mabilisan ang kanyang naging kilos nang makapasok siya sa kanyang kuwarto. Nagsuot lamang siya ng pedal at maluwang na t-shirt na nabili niya sa ukay-ukay no’ng nakaraan.
Palabas na siya ng pinto ng bahay nang lumabas sa kusina si Cale habang nasa kamay nito ang isang brown paper bag. Walang ka ngiti-ngiting inabot nito sa kanya iyon na ikinakunot ng kanyang noo. Tatanungin na sana niya kung ano iyon nang tinalikuran siya nito.
He is certified rude.
Nagdadabog at simangot na tuluyan siyang lumabas ng bahay. Pati na rin ang walang kamuwang-muwang na paper bag ay napagbalingan niya ng matalim na tingin. Ihahagis na sana niya iyon nang mahaplos niya ang mga parihabang bagay na nasa loob.
She took a peak inside and gulp when she realized what is inside.
“Mapagbigay din pala,” she murmured and her lips stretched a thin smile. Inilabas niya ang homemeade sandwhich na nasa tupperware at nilantakan iyon habang naglalakad siya patungo sa Molave State University. Ang pagmamadali niya kanina ay napalitan ng mabagal na paglalakad habang ninanamnam niya ang lasa ng sandwhich. The taste of cheese, ham and bacon and vegetable just blended perfectly.
Hindi niya alintana na para siyang tanga na mabagal naglalakad sa tabi ng kalsada habang umuulan na tanging payong lamang na nahiram niya kay Aling Erma ang panangga niya.
Anim na pirasong sandwhich iyon kaya naman nang makarating siya sa unibersidad ay mabigat na ang tiyan niya. Bukod sa sandwhich ay mayroon din nilagay si Cale na dalawang tumbler na ang isa ay nilalagyan ng fresh squeeze orange habang ang isa naman ay tubig. And there’s also a rice and a fried chicken with tomatoes.
“You’re late, Ms. Allegro,” seryosong bungad sa kanya ni Mrs. Gilmore.
“At least nandito na,” payak niyang sagot. “Pwede bang sabihin mo nasa akin kung saan ako maglilinis. Hindi ko naman siguro lilinisan ang buong campus, diba?”
It would be unfair on her part kung siya ang maglilinis ng buong campus ng mag-isa gayong marami silang napatawan ng parusa.
Ibinigay nito sa kanya ang paglilinis ng mga comfort room sa main building na ikina-ikot ng kanyang mga mata. Oh, come on! Hindi siya marunong maglinis ng CR.
Ang inaasahan niya ay pagwawalisin lang siya ng mga tuyong dahon o papupunasan ang mga upuan at mesa. Ang mga ganon klaseng trabaho ay marunong siya sapagkat nasanay na siya sa Café at kay Aling Erma.
Pero ang paglinisin siya ng comfort room, hinihiling niya na lamang na hindi masyadong madumi ang mga iyon. Kinuha niya ang mga cleaning tools sa storage area bago siya pumunta sa main building katabi lamang ng kinaroroonan ng guidance office.
May mangilan-ngilang mga estudyante at professor ang nasa unibersidad. Kadalasan ay ang mga irregular students o kaya naman ay nagma-masteral at doctorate. Pagdating niya sa comfort room ng unang palapag ng main building ay agad na nalukot ang kanyang ilong dahil sa umaalingasaw na mabahong amoy. Difenitely not a pooped but smell of nasty urine.
At halos ibalibag niya ang hawak hawak na mop nang makitang maraming mura ang nakasulat sa malaking salamin gamit ang lipstick. At pulos mga putik na natuyo ang nasa tiles na sahig.
How could I even clean this mess?
Ngunit bago pa man siya makalabas ng pinto upang bumalik kay Misis Gilmore upang magreklamo ay bumukas ang pinto ng comfort room at pumasok si Maude na katulad niya ay may dala-dala ring cleaning tools.
“Tutulungan na kita. Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko,” wika nito at saka nagsimulang basain ang mop na hawak-hawak.
Kunot-noo niya itong pinagmasdan at nang hindi makatiis ay inagaw niya ang mop na hawak nito.
“Anong ginagawa mo? This is my place to clean, find yours.”
“Tapos na ako. Kanina pa ako ditong six,” sagot nito at muling inagaw sa kanya ang mop.
“What?” hindi siya makapaniwala na ala-sais pa lamang ay nandito na ito. Who in their right mind will do that?
“Oo, kasi kailangan pa kitang tulungan. Dahil naman sa akin kaya ka nandito, diba?” humaba pa ang nguso nito bago nagpatuloy sa paglilinis.
Sa huli ay wala rin naman siyang nagawa dahil totoo naman ang sinabi nito. Kahit nga may parte sa kanya na hindi sumasang-ayon na sinisisi ito ang sarili. Tinuruan siya nitong maglinis ng mga bowl nang makita nitong hindi niya alam kung ano ang gagawin doon.
At napahinga siya nang maluwag dahil sa mga sumunod na comfort room ng ibang palapag ay hindi na ganong karumi. Kaya nang sumapit ang lunch time ay patapos na sila ni Maude roon.
Niyaya siya ni Maude sa cafeteria upang mananghalian. Pumayag naman siya at sumama rito matapos niyang kunin ang lunch niya na inilagay niya sa locker kanina.
Pagdating nila sa cafeteria ay namataan nila ang grupo nina Alice ngunit katulad ng mga nakaraang araw ay binigyan lamang sila ng mga ito ng matalim na tingin ngunit hindi nagtangkang lapitan o guluhin sila.
Pumuwesto siya sa paborito niyang mesa habang inilalabas niya mula sa paper bag ang tupperware mula kay Cale. She never expects that Cale just actually exert an effort to prepare those for her. Sinulyapan niya si Maude na nasa counter na kumukuha ng pagkain. At dahil kakaunti lamang ang tao sa cafeteria ay kitang-kita niya ito.
Hindi na niya naalis ang kanyang paningin sa counter nang makuha ng isang lalaki ang atensyon niya. Ngayon niya lang ito nakita and she doesn’t like that fact na hindi maganda ang pakiramdam niya dito. The man is tall and hunk. He has beards and his hair almost turn ash gray. But what took his attention is his aura that screams authority. Hula niya ay halos kasing edad lamang ito ng kanyang ama.
Hindi ito ang unang beses na may nakasalamuha siyang klase ng tao katulad ng aura nito. Ngunit bilang isang batang lumaki na napapalibutan ng mga makapangyarihang tao, she knows what kind of atmosphere he has.
“Who’s that?” tanong na naunlas sa kanyang labi nang makalapit sa kanya si Maude.
Nilingon nito ang taong tinutukoy niya matapos nitong mailapag ang pagkain na dala-dala sa mesa. “That’s Mr. Argonedo, espeyal na bisita siya ng paaralan—ni school president to be exact. Bakit?”
Huminga siya ng malalim at umiling siya, maybe she’s wronged this time. Tinapos nila ang lunched na hindi na siya muling nagbanggit tungkol sa estrangherong lalaki. Gayunpaman, ay nakasunod ang kanyang mga mata nang lumabas ito ng cafeteria.
Nang bandang ala-una na ng hapon ay niyaya siya ni Maude na pumunta sa bahay nito. Pumayag naman siya dahil bukod sa wala naman siyang ibang gagawin ay gusto naman niyang mamasyal at makasagap ng hangin.
Sumakay sila sa dumaang tricycle sapagkat maulan ng mga oras na iyon. At matapos ang ilang minuto ay tumigil sila sa isang two-story bungalow house. Pangkaraniwang bahay ang itsura niyon.
Isang babae na nasa late fifties ang nagbukas sa kanila nang makarating sila sa pinto ni Maude. Medyo may kalakihan ang babae at puti na rin ang buhok. Pangalawang beses na niya itong nakita ngunit hindi niya pa rin maiwasan na maging komportable sa presensya nito. Siguro dahil iyon sa kinalakihan niya.
The old lady smiled at them after Maude get her hands para magmano dito. Gayundin ang ginawa niya.
“Pasok kayo,” malumanay nitong wika at tuluyang binuksan ng malaki ang pinto.
Nang makapasok sila ay agad niyang inilibot ang tingin sa paligid. Pangkaraniwang ayos ng bahay ang nakita niya. May sofa, center table at telibisyon sa living room.
“Kumain na ba kayo? Maghahanda ako,” sabi nito. Sa edad nito ay malakas pa ito.
“Hindi na po ‘La. Tapos na po kami. Si Kuya po?” tanong ni Maude matapos umiling.
“Umalis. May pupuntahan daw sa bayan.”
Sa totoo lang ay hindi niya pa nakikita ang nakatatandang kapatid ni Maude ngunit minsan na nitong nabanggit iyon. Ipinigkibit-balikat na lamang niya iyon dahil wala naman siyang paki-alam doon.
“Sige po ‘La, sa taas lang po kami ni Zaza,” paalam ni Maude matapos umupo ng lola nito sa harap ng telibisyon.
Again, hindi siya kumportable sa sandaling tingin na ibinigay sa kanya ng matanda bago ito tumango.
“There is something wrong with that old lady, really,” she tought.
Pumanhik sila ni Maude sa ikalawang palapag at tumigil sa pangalawang pinto na nakita niya. Her room, she guessed.
Nakumpirma niya ang kanyang hinala nang buksan iyon ni Maude at nakita niya ang larawan na nasa picture frame sa tabi ng kama nito.
Her bedroom is organized. Hindi man iyon kasing-laki at kasing gara ng kwarto niya sa mansion ay masasabi niyang komportableng matulog roon. Malinis at organisado ang mga gamit kahit maliit lamang ang kuwarto.
Pina-upo siya ni Maude sa kama nito habang ito naman ay binuksan ang cabinet na naroroon at may hinanap.
“May gusto lang ako sa’yong ibigay. Wait lang, hinahanap ko pa,” wika nito sabay halungkat.
Walang ganang ipinatong niya ang siko sa kanyang nakabaluktot na tuhod at ipinatong ang kanyang mukha sa kamay niya. Ipinalibot niyang muli ang kanyang tingin sa kabuoan ng silid para hindi siya mabored.
Narinig niya ang pagtayo ni Maude at lumipat sa iba pang cabinet at naghalungkat sa mga iyon.
“Saan ko ba iyon nilagay?” she murmured to herself.
Sa pangatlong pagkakataon ay muli na naman itong tumayo at tila problemado na napa-isip.
“Ano bang hinahanap mo?” tanong niya nang hindi siya makatiis.
“Iyong t-shirt.” And her eyes lit up like an idea came to her mind. Malaki ang ngiti nitong humakbang sa isang sulok ng kuwarto kung saan maayos na nakasalansan ang mga libro. Tumayo siya at nilapitan ito nang walang pasubaling pinag-aalis nito ang mga libro roon ng walang pag-iingat.
At dahil bahagya itong naka-squat sa sahig ay ginaya niya rin ang postura nito. Maya-maya pa ay bumungad sa mga mata niya ay isang parihabang kahon na gawa sa kahoy. Alikabok ang sumalubong sa kanilang mga mukha nang mabuksan iyon ni Maude.
“Ay, sorry. Sorry,” natatawa pa ang babae habang nagsabayan sila sa paghatsing.
Dinaklot niya ang kwelyo ng kanyang damit at ipinantakip iyon sa ilong niya. May kinuha si Maude mula sa baul na iyon at ipinakita sa kanya.
“Tsaran!” she beamed. “Friendship shirt namin ito ni Che. Nabili namin ito ng tatlong piraso. At dahil trio na tayo sa squad, dapat meron ka rin nito. Here.
But Muade’s words didn’t enter in her head dahil sa isang bagay na naka-agaw ng atensyon niya na nasa baul. Kinuha niya iyon at pinagmasdang mabuti.
“Alam ko naman na palaging kunot ang noo mo. Pero hindi ko talaga ine-expect na pati ang walang kamuwang-muwang na bagay na iyan ay pinag-iinitan mo,” pabirong wika ni Maude at saka tumawa.
But she didn’t laugh nor stretch her mouth. Instead she turned to look at Maude seriously.
“Saan mo ito nakuha?” seryosong tanong niya.
Napawi ang ngiti nito nang makita kung gaano siya kaseryoso. Kinuha nito ang may kalakihang pendant mula sa kamay niya.
“Bigay iyan sa akin ng nanay ko nang bata pa lamang ako. Sabi ni Lola, huwag ko raw iwala iyan. At hindi rin pwedeng ipakita kung kani-kanino. Kaya nga nakalagay iyan diyan sa baul, eh.” Bahagyang kumunot ang noo ni Maude.
“Bakit? Ang seryoso mo naman. It’s not like may mystery or something sa pendant na ito.” She chuckled and the next word she said make her eyes widen.
“Si Chelary nga, meron din niyan, eh.”
No way!
“Ayos ka lang ba?” tanong nito nang mamutla siya. She nods a bit but she’s actually not.
Dahil kahit maalikabok iyon at isang beses niya lang nakita noon ay nakatanim sa isip niya kung para saan ang pendant na iyon.
It’ is a symbol of sigma. The pendant has an intricate design of sigma in mathematics, almost forming the shape of letter E. Kulay ginto iyon na nagsisimbolo ng kapagyarihan kasama ang pakpak ng anghel at espada.
At ang tanging mayroon lamang noon ay ang mga taong namumuno sa Sigma. Mga katas-taasan kung saan nagmumula ang mga utos sa kanila.