Ilang oras ang itinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa pribadong paliparan sa Russia na sa tingin niya ay pag-aari rin ng Mafia. Both of the Funtellion’s and Ivanovich’s are d*mn filty rich. Kaya hindi na siya nagulat sa mga nakikita niyang pag-aari ng mga ito na milyon milyon ang halaga. May mga itim na sasakyan siyang nakita nang lumabas siya sa eroplano. Maraming lalaki rin ang naroroon at halos lahat mga armado habang nakatingin sa kanya. Gusto niyang iikot ang mga mata dahil tila pinaghandaan talaga ng mga ito ang pagdating niya at sinisigurado na hindi siya makakagawa ng kahit anong kaguluhan sa mga ito. Well, she killed their legendary assassin, after all. And that makes her a legend. Tumigil si Captain Balker sa harapan ng isang lalaki na kalbo at may mahabang balbas. M

