Walang nagawa ang mataas na sikat ng araw para makapanood ang mga tao ng street dancing competition. Ito kasi ang isa sa mga inaabangan tuwing Fiesta sapagkat dinagsa ng mga tao ang lugar. Mabuti na lamang at nakasuot siya ng preskong damit at nakahanap sila ni Cale ng lugar na nalililiman ng malaking punong-kahoy. “Here.” Inabot nito sa kanya ang biniling sa malamig na itinitinda sa plaza. Hinihintay nila ang pagdating ng mga contenders. Naramdaman niya ang masuyong pagsuklay ni Cale sa kanyang buhok at inipon iyon. Ngunit dahil hanggang balikat na lamang iyon—maraming tumatakas na buhok, ay hindi niya iyon naitali. “Why did you cut your hair? The black and long hair looks good on you.” Napanguso siya. “I just feel like it. For a change. Why? Hindi ba bagay?” Ang sabi nam

