Mabilis niyang dinampot ang robang nadaanan niya sa isang lounge chair at isinuot iyon habang tumatakbo. Wala ng tao sa dalampasigan at nagmistulang may dumaang vacumm at hinigop ang mga turistang naroron kanina. “Sh*t!” mahinang mura niya at pilit na pinunas ang mga luha sa kanyang pisngi. Ngunit hindi iyon naging dahilan para mapigilan ang muling pagbuhos ang kanyang mga luha. Mas binilisan niya ang pagtakbo dahil sa mga balang humahabol sa kanya. Napaigik at malutong siyang napamura nang may balang bumaon sa kanyang tagiliran at balikat. Nakarating siya sa mabatong bahagi ng resort. Pinigil niya ang sarili na mapadaing nang maramdaman niya ang kirot ng kanyang sugat sa paa nang madampian iyon ng tubig dagat. Pagod na itinago niya ang sarili sa likod ng malaking mga bato na dati niya

