ANONG PAKAY MO?!

1310 Words
KINAGABIHAN. Kasalukuyan kaming naghahanda ng aming gagamitin ng aking nga tauhan. Dahil malakas ang kutob kong maraming nga nagkalat na kalaban sa buong paligid ng underground. Kailangan rin namin nakahanap ng sapat na ebidensiya upang malaman kung anong ugnayan ni Diego sa telapia syndicate. Naglagay ako ng sapat na bala sa aking baril at isinuksok ko ang aking paboritong patalim sa aking likuran maging ang aking katana. Na kapag pinindot ang button ay kusang hahaba ito. "Handa na ba kayo?" tanong ko sa aking mga tauhan. Sabay sabay naman silang napangisi sa aking tinuran. "Yes, boss. Kating kati na ang aking mga daliring kumalabit ng gatilyo" nakangising anas sa akin ni Galvin na sinegundahan naman ni Dante at Herardo. Ito ang gusto ko sa mga ito, matatapang, walang sinasanto. Sumakay na kami sa aming mga sasakyan. Ako ay nakasakay sa aking ducati samantala ang tatlo ay magkakasama sa iisang sasakyan. Bale nagconvoy na lamang kami. Hindi naman nagatagal ay narating namin ang sinasabi nilang underground. Kailangan naming makapasok dito kung kaya't hinanda namin ang aming mga fake ID. Abo't abot ang aking kaba ng makalapit kami sa mga taong bantay. Sila ay puno ng armas. Napansin ko rin ang pulang tuldok sa aking dibdib. s**t! May sniper sa di kalayuan. Ngayon lamang ako kinabahan ng ganito sa lahat ng aking misyon. Pakiramdam ko ay pumasok kami sa isang napakalaking kuta ng mga makapangyarihang tao. Pinalilibutan kami ngayon ng mga lalaking nakasuot ng itim na kasuotan habang may mga naglalakihan baril sa kanilang mga katawan. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makapasok ng matiwasay ang tatlong tauhan ko. Ako na ang susunod na kikilatisin. Ngunit... "Mukhang may bagong dating sa ating kuta" anas ng taong kilalang kilala ko ang boses. Hindi ako maaaring magkamali. Bakit naman ang aga yata nito. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking batok. Mabuti na lamang at nakapag disguise ako. Naglagay ako ng nunal sa tungki ng aking ilong. "Hmmmm. Ang bango!" anas nito. Nagtayuan naman ang aking mga balahibo dahil sa ginawa nitong pagsinghot sa aking batok. Napakamanyak talaga nito kahit kailan! Mas lalo pa akong kinabahan nang magprisenta itong siya na ang kikilatis sa akin. Naku po! Nalagot na. Hindi niya maaring malaman na ako ito. Dahil kung hindi, paktay ako nito. Mabubulilyaso pa ang aking misyon. "Maari bang ako na lamang ang kikilatis sa ating panauhin?" anas nito. Napansin ko ang bahagyang pagkagulat nito nang sulyapan ako. Pinakatitigan ako nito ng matagal. Parang sinusuri ang bawat anggulo ng aking mukha. Hindi naman siguro ako nito makikilala dahil sa pekeng nunal sa aking ilong. Napataas ang isang kilay ko nang mapansin ko ang kakaibang ngisi nito. Samantala mas lalo namang nadagdagan ang bilog na pula sa aking dibdib. Mayroon na rib ako sa aking magkabilaang braso. Ibig sabihin. Tatlo ang sniper. Isa sa kanan at isa sa kaliwa. Habang ang isa ay nasa itaas ng katapat kong building. "Yes, lord" anas ng taong nagchecheck ng mga ID. Lord? Lord na ba ang pangalan ni Diego? Kailan pa siya nagpalit ng pangalan? "So...Anong pangalan mo?" tanong nito habang nakatitig sa aking mukha pababa sa aking labi. "Katuray Singko" anas ko. Bahagya akong napangiwi dahil sa pangalan na aking pinili. Wala naman na akong ibang pag pipilian dahil napili na nina Galvin ang magagandang pangalan. Ito na lamang ang natira. Kaya paninindigan ko na. Napansin ko naman na parang matatawa ito sa aking pangalan. Kaya agad na pinamulahan ang aking mukha at inis akong tumingin dito. "Pinagtatawanan mo ba ang pangalan ko, mister?" at walang paki-alam na lumapit ako dito sabay hawak sa kwelyo nito ngunit narinig ko ang mga kalansing ng mga baril. Pagtingin ko sa aking paligid ay nakatutok lahat ng baril nila sa akin. Ngunit isang kumpas lamang nito sa kanyang kamay ay nawala ang bilog na pula sa aking katawan maging sila ay ibinaba nila ang kanilang mga armas. "Anong ginagawa ng isang tulad mo sa lugar na ito?" ramdam ko ang pagdududa sa mga tanong nito. Sino nga naman ang magtitiwala kaagad kung may isang estranghero ang dumating. "Isa akong dealer ng mga baril. Kaya't nais kong malaman kung anong mga kalibre ng baril ang available upang aking ibenta sa black market" Seryosong anas ko dito. Bigla namang nagsalubong ang mga makakapal na kilay nito sa aking tinuran. "Dealer ng mga baril?" anas nitong nakangisi. Bakit ba ang tagal ako nitong papasukin. Samantala sinensayasan ko naman sina Galvin na mauna na gamit ang aking mga mata. Kung kaya't nagmamadali na ang mga kilos nila. Alam na nila ang kanilang gagawin. "Oo. Dealer ng mga baril. Pwede ba, Panginoon. Nangangalay ba ako dito. Kanina pa tayo andito. Daig mo pa ang imbestigador sa tagal mong magtanong." iritang anas ko dito. "Isa sa mga paraan upang malaman kung may nakakapasok na spy sa lugar na ito ay ang kakapkapan ang katawan ng sinuman" napataas ang kilay ko sa tinuran nito. "Ano ka, hilo? Excuse me, iyong tatlong nauna za akin kanina hindi naman kinapkapan. Tapos ako kailangan kapkapan!" "Mas marunong ka pa sa akin" hindi na ako nakapagsalita ng bigla nitong kapkapan ang aking katawan. Ngunit ang paraan ng pagkapkap nito ay kakaiba. Dahil hinihimas na niya ang aking dalawang bundok, pababa sa aking tiyan hanggang sa marating nito ang aking puson. Agad kong pinigilan ang balak nitong paghimas sa gitnang bahagi ng aking katawan. Masamang tingin naman ang ipinagkaloob nito sa akin. Isang ngisi ang ibinigay ko rito at walang sabi sabing nilampasan ko ito. Ngunit nagulat ako dahil bigla nitong hinila ang aking kamay at isinandal sa madilim na bahagi ng lugar na ito. "Anong ginagawa mo dito, Katrina De Guzman?" napaawang ang aking mga labi at gulat na gulat sa sinabi nito. Paano niyang nalaman na ako si Katrina? Ngunit kailangan kong makaisip ng paraan. "Katrina De Guzman? Sino naman iyan? Ang pangalan ko ay Katuray Singko!" Mariing anas ko dito. Balak ko na sanang umalis ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa aking beywang. Mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa aking panga. "Hindi mo maloloko ang tulad ko, babae! Isang tanong isang sagot, anong ginagawa mo rito? Anong pakay mo?!" Galit na anas nito. "Bitawan mo ako!" nagpupumiglas na anas ko dito dahil ayaw nitong pakawalan ang aking aking beywang. "Lord, nariyan na po sila." anas ng lalaking biglang dumating sa aming harapan. Masamang tingin naman ang ipinagkaloob ko rito ganoon rin sa kanya. Ngunit mas lalo akong di makahuma ng walang sabi sabi nitong halikan ang aking labi. Peste! Manyak! "Manyak!" anas ko dito kundi isang nakakalokong ngisi lamang ang ibinigay nito sa akin. Hinintay ko muna silang makaalis bago ko nilisan ang lugar. Nakita ko naman agad sina Galvin, Dante, at Herardo na ngayon ay nakikipag-usap sa ilang mga negosyante. Pinakikiramdaman ko lamang ang buong paligid. Masama ang kutob ko. Parang may mali. Mabilis kong binuksan ang maliit na camera sa aking suot na nunal. Kakaiba ang nunal na ito, talagang malaking nunal ang inilagay ko sa king ilong. Ang nunal na ito ay may camera na kayang kuhanan ang buong paligid. Mas lalo akong naging alerto nang makita ko ang sunod sunod na dating ng mga negosyante upahg bumili ng mga baril. Gamit ang aking earpiece ay nakikipag usap sa akin si Galvin. "Boss maghanda ka. Narito na ang governor" anas nito. "Nakasuot ito ng brown na polo shirt, siya iyong may malaking tiyan at may kasamang babae." agad ko namang nakita ang tinutukoy nito. Ngunit napansin ko ang babaeng kasama nito. Mukhang hindi ito masaya at napipilitan lamang habang panay ang himas ng mantandang manyakis na ito sa puwetan ng dalaga. Anong binabalak mo governor? Hanggang sa mapansin ko ang lakaking tumabi sa akin. Amoy pa lamang nito ay kilala ko na kung sino. Pasimple kong sinenyasan ang mga tauhan ko na magmatyag sa buong paligid. Dahil masama ang aking pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD