SUBUKAN NATIN

1320 Words
"Kailangan muna naming masuri ang mga armas na ito bago ko bayaran, Mr. Montenegro" anas ng governor. Napansin ko naman ang bahagyang pag protesta ng babaeng katabi nito. Tila hindi nito nagugustuhan ang mga ginagawa ng governor sa kanya. "Go ahead, governor" kalmadong sabi ng aking katabi sabay abot nito ng isang armalite. Mabilis namang inabot ng gobernador ang baril at mariing sinuri ang bawat anggulo ng baril na hawak nito. "Huwag kang mag-alala, governor. Ang mga ito ay de kalidad na mga armas. Tiyak na magagamit mo ang mga ito sa iyong mga kalakaran" Mariin kong ikinuyom ang aking kamao sa aking mga narinig. So, ito ang negosyo ni Deon Montenegro? Ang magbenta ng mga unregistered guns. Huwag ko lamang malaman na pati droga ay ibinebenta nito. Talagang ako ang magpapakulong dito. "Maganda nga ang mga baril mo, Mr. Montenegro. Ngunit sa tingin ko'y mas maganda kung subukan natin. Bakit hindi natin ipasubok diyan sa babaeng katabi mo? Mukhang ngayon ko lamang nakita ang mukhang iyan dito. Teka...huwag mong sabihing...shota mo yan?" malalim akong napalunok sa mga sinabi nito. Parang labas ay hindi ito makapaniwala dahil pinatulan nito ang pangit na tulad ko. "Ngayon ko nga lang din nakita ang mukhang iyan dito, Governor. Nais ko ring malaman ang kaalaman nito sa mga baril. Tama ka...bakit hindi natin ipasubok sa kanya?" malalim akong napalunok sa mga sinabi nito. Dahil kailangan kong magpanggap na isa nga akong dealer din ng mga baril ay napilitan akong hawakan ang isang Glock 19 at mabilis na inassemble sa harap nila. Nakikita ko kung gaanong kamangha ang mga panauhin sa kanilang nakikita. Pagkatapos kong naayos ang baril at malagyan ng bala ay mabilis ko itong kinasa at itinutok sa gobernador. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin at sa baril na hawak ko. Ngunit naramdaman ko ang pagpisil ng taong katabi ko sa aking beywang. "Mukhang palabiro ang babaeng iyong kasama, Mr. Montenegro. Nakakamangha." Anas nito habang nakangisi. Ngunit hindi ako makapaniwala sa ginawa nito. Mabilis nitong binunot ang kanyang at itinutok iyon sa akin. Pasimple akong tumingin sa aking paligid at doon ko napagtantong ang mga tao ay may tutok na baril sa ilang negosyante at ganun rin sila. Mas lalo akong nilukuban ng kaba ng maramdaman ko ang baril na nakatutok ngayon sa aking batok. Nakasisiguro akong si Diego ang nasa likod niyon. Pasimple kong tinignan ang aking mga tauhan na ngayon ay nakapwesto sa di kalayuan kung saan nakatutok ang kanilang mga baril kay Diego, kay Governor at ang isa kong tauhan ay ibinaling baling ang kanyang mga baril sa mga kalaban. Nararamdaman ko ang tensiyong namumuo sa loob ng pasilyong ito. Iisa lamang ang aking target ang governor ngunit hindi pa sapat ang aking ebidensiya kung kaya't hindi ko muna ito kakalisin sa ngayon. Nababanaag ko naman ang takot sa mukha ng batang babaeng kasama nito. Kailangan kong pairalin ang aking isip. Sa huli nagpasiya akong ibaba ang aking baril. "Kayo naman...Hindi na kayo mabiro! Ganito ba ang kalakaran dito? Ninanais ko pa namang bumili ng sampung kahon ng mga baril. Ngunit mukhang nagbago na ang aking isip dahil masiyado kayong pikon!" anas ko sa mga tao sa paligid. Malakas na nagtawanan naman ang mga taong narito at isa isa nilang ibinaba ang kanilang mga baril. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko ay nanuyo ang aking mga pawis dahil sa tensiyong naganap kanina. "Bueno, mukhang may bago tayong ka transaksyon. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" anas ng isang lalaki sa tantiya ko ay nasa edad 50 years old na ito. May hawak itong tobacco at baston. Nakasuot rin ito ng gray na hat. "Ako si Katuray Singko" anas ko. Inabot ko naman ang kamay nitong nakalahad ngunit napansin ko ang tattoo nito sa kanyang kamay. Kapareha ng tattoo ng taong natagpuang patay kamakailan lamang. Ang tattoong ito ay sumisimbolo ng samahang telapia syndicate. Hindi ako maaring magkamali. "Ikinagagalak kitang makilala, Katuray Singko. Pagpasensiyahan mo na si Governor Pindang. Ipakikilala kita sa aking mga kasamahan." anas nito. Malugod kong tinanggap ang pakikipagkamay sa mga taong narito. Halos lahat sila ay may tattoo na hugis telapia at may bungo sa gitna. Kailangan kong makuha ang loob ng mga ito. Mukhang mabibigat at malalaking tao ang aming kakalabanin. Kaya pala sobrang laki ng offer sa akin dahil hindi pala basta basta ang mga kakalabanin namin. Parang sumakit bigla ang aking ulo. "Bakit hindi mo ipakilala ang iyong sarili, Diego Montenegro?" anas ng matanda na ang ngalan ay Don Mariano. Mabilis ko namang nilingon ang taong tinutukoy nito na matamang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang nilalaman ng kanyang isip. Sa huli ay umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero sa paraan ng titig nito ay parang kinikilatis ako nito. Hindi nito maaring malaman na ako tala si Katrina kahit ilang beses niyang banggitin ang aking pangalan ay hindi ako aamin. Ngunit ang ipinagtataka ko paanong nakilala niya agad ako gayong sampung taon na ang nakalipas mula ng lisanin ko ang bansang ito. At ang pagkikita namin sa UK paano niyang nalaman na ako iyon? Tsaka ko na lamang aalamin. Iisipin ko muna ang kaganapan sa ngayon. "I'm Diego" anas nito at inilahad ang kanyang kamay. Maagap ko namang tinanggap ito ngunit labis akong nagtataka dahil wala siyang tattoo sa kanyang kamay. Walang paki-alam kong inabot ang isa niya pang kamay at hinawakan ito ngunit wala talaga akong makitang tattoo. Bigla kong nabitawan ang kamay niya ng marinig ko ang pagtikhim nito. Napansin ko ring seryosong nakatingin sa akin ang mga tao sa paligid kung kaya't nakaisip ako ng paraan upang hindi sila magduda sa akin. Mabilis kong kinuha ang kamay nitong binitawan ko at hinaplos haplos. "Hindi ko akalaing may pagkahugis babae pala ang mga kamay mo Mr. Montenegro" anas ko ditong nakangiti. Bigla namang nag-iba ang tabas ng mukha nito. Tila hindi yata nito nagustuhan ang aking sinabi at walang pag-iingat niyang binitawan ang aking kamay. "Lando, ihanda ang sampung kahon para kay Miss Katuray Singko!" maawtoridad na anas nito. Mukhang mapapagastos yata ako ng mahal nito dahil sampung kahon ba naman ang aking binanggit dito. Kakamot kamot sa ulong binalingan ko ang ibang mga narito. "Maari ka ba naming kumbidahin sa isang pagsasalo sa darating na biyernes sa ikalawang linggo, Miss Katuray? Ipapakita ko rin sa iyo ang ibang mga armas at baka may nais kang bilhin sa akin. Mukhang nakabenta naman ng mahal ang ating iginagalang na Diego Montenegro" anas ni Don Mariano. Hindi ko na ito tinanggihan pa at buong galak kong tinanggap ang alok nito. Mukhang mapapadali ang aking pagpasok sa kanilang teritoryo. Marami rami pa akong ebidensiyang kailangan kuhanin. "Miss Katuray, sumunod ka sa akin" tila galit na anas ni Diego. Nagkibit balikat na lamang ako at sinundan ito. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng gusaling ito. Pumasok kami sa isang silid. Namangha ako sa taglay nitong ganda. Ang daming mga baril ang nandito. Nakita ko rin ang iba't-ibang klase ng mga baril ang naka organize sa may wall shelves. "Pumirma ka rito, Miss Katuray" anas nito at inilahad sa aking harapan ang isang piraso ng papel. Masusi kong binasa ang papel na pinapipirmahan nito. Ito lang naman ang katibayang kumuha ako ng baril sa kanya. Ang lahat ng iyon ay nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. "Wala bang discount diyan? Nakita mo naman siguro kung gaanong karaming baril ang aking nakuha hindi ba?" "Hmmm... Okay..." Pagkasabi niyon ay nagprint uli ito ng bagong resibo. Maluwang ang pagkakangiti kong inabot ang pipirmahan kong resibo. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Mr. Montenegro." Ngunit nakatitig lamang ito sa akin. Kung kaya't nagpasya na lamang akong umalis na sa lugar na ito. Agad kong inayos ang papel at inilagay sa aking suot na maliit na bag. Muli pa akong nagpasalamag rito at umalis na ngunit nakatingin lamang ito sa akin. Ano bang problema nito? Kanina pa nakatingin ha. May dumi ba ako sa mukha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD