Laking pasasalamat ko nang makarating kami ng ligtas sa aming unit. Bukas na bukas din ay lilipat na ako sa ipinabili kong bahay kay Galvin dahil nasisikipan na ako dito sa unit. Habang lumalawak ang aking kaalaman sa kasong hawak ko ay mas lalo namang sumisikip ang aking lugar. Pakiramdam ko ay hindi ako makakilos ng maayos.
Ibinaba ko ang aking mga armas sa ibabaw ng table at nagsalin ng alak sa aking kopita. Hindi ko lubos akalain na magkikita kaming muli ni Diego Montenegro sa ganoong sitwasyon. Kamuntikan na kaming mabulilyaso kanina. Mabuti na lamang at maagap akong nakaisip ng paraan upang linlangin ang aking mga kalaban.
Ang ipinagtataka ko bakit kailangan akong tutukan ng baril ni Diego? Ah, oo nga pala. Malamang iniisip noon isa akong kalaban.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-inom ng alak ng biglang tumunog ang aking cellphone ngunit pagtingin ko sa caller ay unknown number lamang ito.
Hindi ko na lamang ito pinansin at patuloy na umiinom ng alak hanggang sa makaramdam ako ng kaunting hilo. Kailangan ko ng alak upang sa gayon ay makatulog ako ng maayos.
Dahil sa kakulitan ng tumatawag ay sinagot ko na lamang ito dahil nakakarindi na.
"Hello!" galit na anas ko. Ngunit walang nagsalita sa kabilang linya.
"Kung pinagtitripan mo lamang ako, pwes humanap ka ng taong kakagat sa pantitrip mo!" anas ko sabay patay ng tawag nito.
Nakaramdam naman ako ng init ng katawan dulot ng alak na aking iniinom kung kaya't tinanggal ko ang lahat ng aking saplot. Itinira ko lamang ang aking undies at bra.
Nang biglang tumunog ulit ang aking cellphone kasabay noon ang pag-doorbell sa aking unit. Agad kong isinuot ang aking robe at kinuha ang aking baril. Mabilis ko itong ikinasa. Nawala rin ang aking kalasingan dahil walang sinuman ang nag dodoorbell sa aking unit maliban na lamang kung may inaasahan akong panauhin.
Pagsilip ko sa keyhole ay isang taong may hawak na pizza. Wala naman akong inoorder na pizza. Napansin ko namang matanda na ang delivery man. Huminga muna ako ng malalalim at binuksan ng bahagya ang aking pinto. Ngunit ang aking baril ay nakaabang lamang. Dahil hindi ako maaring magtiwala kahit pa may edad na ang nagdedeliver.
"Mawalang galang na ho, pero ano po ang kailangan nila?" anas ko sa matanda.
"Idedeliver ko lamang ang iyong order na pizza." anas nito na siyang ikinakunot ng aking noo. Wala akong inoorder na pizza.
"Wala ho akong inoorder na pizza. Mukhang nagkamali ho kayo ng address." anas ko dito. Nakatingin lamang ito sa akin na parang sinisigurado kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Iha, matagal na ako sa trabahong ito, kaya hindi mo ako maloloko." anas nito. Anak ng teteng. Mukha ba akong nagsisinungaling?
"Ano hong pangalan noong nag-order?" anas ko dito.
"Teka...Ah...D.M ang pangalan na nakalagay. Room 205" anas nito na siyang ikinahinga ko ng maluwag. Room 204 ang aking kwarto mukhang nagkamali lamang si tatay ng kwarto.
"Tay, room 204 po ito. Tignan ninyo" anas ko sa matanda na agad naman nitong tinignan ang numerong itinuro ko.
"Iyon ho ang room 205. Katabi lamang po ng aking kwarto. Mabuti pa samahan ko na kayo" presenta ko dito ngunit ang aking baril ay isinuksok ko sa secret pocket ng aking roba.
Sinamahan ko na rin itong katukin ang naturang pinto upang hindi na mahirapan pa ang matanda gayong nahihirapan na rin itong maglakad. Bakit ba hinahayaan siya ng kanyang mga anak na magtrabaho pa. Dapat ang tulad niya ay nagpapahinga na lamang sa kanilang bahay.
"Ako na ho ang magbubuhat niyan, tay" presenta ko rito na siyang tinanguan naman nito.
Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses hanggang sa ito ay kusang bumukas.
"Pizza delivery!" malakas na anas ko ngunit walang tugon akong narinig.
Sinabihan ko na lamang si tatay na mag iwan ng sulat sa taong nag order upang kami ay makaalis na ngunit hindi pala marunong magsulat si tatay. Naawa ako sa sitwasyon nito. Napag-alaman ko ring hindi pa pala bayad ang inorder na pizza.
Nang ilalapag ko na sa ibabaw ng center table ang pizza ay biglang bumukas ang isa pang pinto, sa tingin ko ay CR iyon. Kahit hindi ako mag-angat ng mukha ay alam kong lalaki ang nagmamay-ari ng unit na ito. Ngunit pakiramdam ko ay nanigas ang aking katawan ng may maramdaman akong tumusok sa aking pwetan.
Nakayuko kasi ako at inilalapag ko ang box ng pizza sa table kaya ako ay nakatuwad. Hindi ko na lamang iyon pinansin at mabilis na inayos ang aking sarili.
"Iwan na kita tay" anas ko sa matanda at nilingon ang taong nag-order ng pizza. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang taong umuukopa ng silid na ito. Walang iba kundi si Diego. Malalim akong napalunok nang makita kong nakatapis lamang ng towel ang pang ibabang bahagi ng kanyang katawan habang tanaw na tanaw ko ang kanyang malapandesal na tiyan.
Wala sa sariling nakagat ko ang aking ibabang labi dahil ang tubig na umaagos mula sa kanyang ulo patungo sa kanyang dibdib ag nagbigay sa akin ng kakaibang init.
Natauhan lamang ako ng marinig ko ang malakas na pagtikhim ng tao sa aking harapan. Nakikita ko rin kung gaanong mas gumwapo ang kanyang hitsura kumpara kanina noong nasa Underground kami. Medyo may kadiliman kasi ang lugar na iyon kaya hindi ko pansin ang kanyang hitsura.
Dahil sampung taon ang agwat ng aming edad ay parang hindi naman tumatanda ang kanyang hitsura. Sa edad niyang 34 ay parang mas lalo siyang nagmukhang mas batang tignan sa edad niya. Idagdag pa ang malakas nitong appeal.
"Ah..ano... ahm...Hinatid ko lang si t-tatay. M-mauna na ako" anas ko dito at akmang tatalikod na ako ng bigla niya akong hilahin sa aking kamay dahilan kaya ako napasubsob sa kanyang malapad at matigas na dibdib.
Nanunuot din sa aking ilong ang sabong ginamit nito. Napakabango. Parang ang sarap ubusin ng amoy nito.
Ngunit kailangan kong pairalin ang aking isipan upang makapag-isip ng maayos.
"Let me go!" halos pabulong na anas ko dahil mas lalong humihigpit ang pagkakayakap nito sa aking beywang. Napansin ko naman ang mahinang tawa ni tatay na siyang ikinapula ng aking mukha.
"Mukhang magkasintahan kayo, Lord D.M. Maiiwan ko na ho kayo" anas ng matanda ngunit mabilis ko itong tinawag.
"Tay, no. Hindi kami magkasintahan. Hindi ko siya kilala" anas ko sa matanda. Ngunit pinakatitigan lamang ako nito sabay ngiti.
"Pasensiya na ho kayo sa misis ko, tay. Salamat po sa pagdeliver ng aking order. Ipahahatid ko na lamang kayo kay Lando. Mag iingat kayo" anas ng lalaki habang mahigpit pa rin akong yakap sa aking beywang.
Nang makaalis na ang matanda ay mariin kong kinagat ang dibdib nito dahilan kaya ako nito nabitawan. Ngunit mabilis ang mga kilos nito dahil mas hinila lang naman nito ang aking kamay sabay hagis sa akin sa ibabaw ng kama.
Gulat na gulat ako sa kanyang mga ikinikilos kaya mabilis akong bumangon ngunit dumagan lamang ito sa aking ibabaw. Habang ang aking mga kamay ay inilagay nito sa tuktok ng aking ulo.
I can feel his hardness pressing on me.
"Can you feel it?" he asked seductively.
"Huh?" maang na tanong ko dito kahit alam ko naman kung ano ang tinutukoy nito.
"Wala akong maramdaman dahil mukhabg maliit naman" anas ko dito. Napansin ko naman ang pag-igting ng kanyang panga sa mga tinuran ko.
"Hindi ko akalain na magkikita tayong muli." anas nito sabay lapit ng kanyang mukha sa aking mukha. Kaunting kaunti na lamang at maghahalikan na kami.
"10 years, Katrina. 10 long years!" anas nito. Naguluhan naman ako sa kanyang mga sinabi. Pagkakataon ko na rin sigurong tanungin kung anong ginawa nito sa aking kapatid.
"Yeah! 10 f*****g long years...Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" mariing tanong ko dito. Galit na napatitig ako sa mga mata nito dahil kailangan kong makuha ang kasagutan. Ngunit imbes na sagutin ang aking tanong ay bigla na lamang ako nitong hinalikan sa aking mga labi. Hidni ako makapalag dahil hawak nito ang dalawang kamay ko.
Natigil lamang ang paghalik nito ng biglang may tumawag rito. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na lumabas ng kanyang silid.
Kailangan ko ng umalis dito ngayon din.