YOU'RE HIRED

1314 Words
Manghang napatingin ako sa bahay na binili ni Galvin. Marunong talaga itong pumili ng bahay. Nagpahanap na rin ako ng ilang mga kasambahay na maaring makatulong sa akin sa pang araw araw. Marunong naman akong magluto. Iyon nga lang ay hindi ko mahaharap dahil sa busy akong tao. "Magandang umaga ho, ma'am. Ako ho si Inday, ipinadala ho ako ng kumpanya bilang kasambahay ninyo at ito naman po si Diday" mukhang mapagkakatiwalaan naman ito kaya sinabi ko rito ang mga dapat nilang gawin kapag nandito at nasa labas ako. Mabilis naman nilang nakuha ang aking ipinag-uutos. Napansin kong maganda ang anak ni manang Inday na Diday. Dala ng kuryosidad ay napatanong ako dito. "Ilang taon kana Diday?" tanong ko dito. Nahihiya pa itong tumingin sa akin. Napakaputi ng batang ito. "Labing walong taon po, ma'am" nahihiyang sabi nito. "Nag-aaral ka pa ba?" tanong ko habang sumisimsim ng kapeng iniabot ni manang Inday. Nagpunta ito ng kusina ng kausapin ko ang anak nito upang ipagtimpla ako ng kape. Natuwa naman ako sa ginawa nito. "H-hindi na po. Huminto po ako sa pag-aaral at tinulungan si inay na mangatulong po. Nasa first year college na po ako ngunit dahil wala pong sapat na pera ay napilitan po akong magtrabaho" nakayukong anas nito. Nakaramdam naman ako ng awa sa mga sinabi nito. Mahirap ang maging mahirap. Natutuwa ako at naisip niyang tulungan ang kanyang ina. Dahil sa may likas naman akong kakayahan upang tumulong sa mga nangangailangan ay sinabi ko ritong ako na ang magpapaaral sa kanya. "Sige, pag-aaralin kita sa sunod na pasukan. Mag inquire kana rin ng school na nais mong pasukan, Diday." anas ko dito habang iniinom ang huling kape sa aking tasa. "T-talaga po ma'am?!...Naku maraming salamat po" mangiyak ngiyak na turan nito. Nagulat pa nga ako ng bigla ako nitong yakapin. I just caressed her back pagkatapos ay nagtatakbo na itong pumunta sa kusina upang ipamalita ang sinabi ko sa kanyang ina. Natutuwa naman ako dahil marunong magpahalaga ang bata. Pagkatapos kong ubusin ang aking kape ay nagpasiya na akong pumanhik sa aking silid dahil kailangan kong mag-apply ng trabaho sa kumpanya ni Diego. Kailangan kong makakuha ng ebidensiya na magpapatunay kung anong kinalaman niya sa Telapia Syndicate at sa pagkawala ng aking kapatid. Malalaman ko lamang iyon kung palagi ko itong kasama. Tamang tama at hiring ito ngayon ng secretary. Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas syete na ng umaga. Ang call time sa mga interviewees ay alas otso ng umaga. Nagmamadali na ang mga kilos ko. Binilisan ko na lamang maligo. Nagsuot lamang ako ng isang corporate uniform, long plain black skirt at white long sleeves. Nagsukbit rin ako ng maliit na bag. Hindi lamang ito ordinaryong bag kundi may mga armas ako sa ilalim nito na ako lamang ang may access. Sinuot ko rin ang aking relo upang makausap ko ang aking boss via hologram call. Nag lagay ako ng matte red lipstick at inayos ang aking kilay, bahagya ko ring kinulot ang dulong bahagi ng maigsi kong buhok at naglagay ng nunal sa gilid ng aking mata. Hindi naman na siguro ako noon makikilala. Hindi naman kakakihan ang aking nunal. Nagsuot rin ako ng eyeglasses. Hindi lamang ito ordinaryong eyeglasses. Kaya nitong kumitil ng buhay dahil sa taglay nitong deadly laser na oras na pindutin ang gilid na button ay mamamatay ang taong tatamaan nito. "Manang Inday, mauuna na ho ako sa inyo. Nandito naman sina Galvin, Herardo, at Dante. Sila muna ang bahala sinyo" tinanguan ko naman ang aking mga tauhan na mabilis na pinaandar ang aking sasakyan. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya nakarating agad ako sa D'Montenegro's Enterprise. Mabuti na lamang at mabait ang guard kaya pinapasok ako nito. Sinabi ko lamang dito na aplikante ako at naghahangad ng secretarial position. Pagdating sa 5th floor ay napakarami naman palang aplikante ang nandito. Ang iba ay halos kita na ang dibdib dahil sa napaka revealing ng kanilang mga suot. Ano bang inaapplayan ng mga ito? porn star? I just rolled my eyes and waited for my turn. "Balita ko napakagwapo daw ng CEO, buti na lamang at nagsuot ako ng ganito. Ayos ba?" rinig kong sabi ng isang aplikante. Pagtingin ko dito ay para akong nasura sa hitsura nito. Paano ba naman, halos kita na ang kaluluwa nito sa suot nitong spaghetti strap at sobrang igsing skirt. Nagtatakang napasulyap ako sa taong nagmamadali ang lakad dahil sa iyak nito. "Bakit? Anong nangyari?" rinig kong tanong ng isang aplikante ng lapitan niya ito. "Napaka arogante ng CEO na yun. Porket gwapo siya!" anas nito at nagmamadali ng umalis. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Malapit ng tawagin ang aking pangalan. Ngunit nagulat ako ng sunod sunod na nagiiyakan ang mga taong lumalabas sa mismong opisina ng CEO. Bakit sino ba ang mag iinterview? Parang ang harsh naman yata at laging lumalabas na umiiyak ang kanyang mga aplikante. "Koring Monte!" rinig kong tawag sa aking pangalan. Nagbuntong hininga muna ako at inayos ang aking sarili. Nginitian naman ako ng assistant at iginiya patungo sa opisina kung saan gaganapin ang interview. Bahagya akong nagulat at hindi na nagtaka ng makita ko kung sino ang mag iinterview. Walang iba kundi si Diego Montenegro. Hindi pa ako nito sinusulyapan kaya naupo na lamang ako sa upuan na nasa table nito habang binabasa nito ang aking isinumiteng resume kanina. "So, ikaw si Koring Monte? tama ba ako?" anas nito. "Yes, sir" maagap kong tugon. Nagulat pa ako ng makalimutan kong ibahan ang aking boses. Kaya tumikhim ako. "Ayon sa iyong record, nakapagtapos ka ng medisina. Ngunit bakit hindi iyon ang iyong inaapplyan?" "Dahil mas gusto ko ang posisyon bilang isang secretary ng inyong kumpanya. Dahil balita ko mataas ang sahod at de kalidad ang mga aral na aking matututunan dito" kumpiyansang anas ko. Napansin ko naman ang pagtango nito sa aking mga tinuran without looking at me dahil kanina pa siya nakatutok sa papel na hawak nito. "It seems to me that you are competent enough based on the skills you've attained when you were still studying in the U.K... okay... you're hired, Miss Monte" anas nito. Nag-angat na rin ito ng tingin sa akin. s**t, bakit namana ng gwapo nito sa suot nitong blue coat. Napansin ko naman ang paggalaw ng adams apple nito at ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paniningkit ng mga mata nito habang nakatitig sa akin ng mariin. Kampante naman akong hindi ako nito makikila dahil sa aking ayos. "50,000 a month ang magiging sahod mo bilang secretary ko, Miss Monte. Kailangan rin kung nasaan ako ay nandoon ka. Pirmahan mo na ang ating kontrata" anas nito. Maingat kong binasa ang nilalaman ng kontrata bago ko pirmahan. Mahirap na baka magkaproblema sa hinaharap. Nang masiguro kong pawang trabaho lamang at mga tungkulin ko bilang sekretarya ang nakapaloob dito ay maagap kong pinirmahan ang kontrata. "Ikinatutuwa kong makilala ka, Miss Monte." anas nito pagkatapos ay inilahad nito ang kanyang kamay upang makipag kamay sa akin. Ngumiti ako rito ng bukal sa aking puso at malugod na tinanggap ang kamay nito. Ngunit nabigla ako nang hindi lamang pakikipagkamay ang ginawa nito kundi hinaplos nito ang aking kamay. Agad ko namang hinila ang kamay ko mula rito. Napansin ko pa ang kakaibang ngisi nito. "Ipagtimpla mo na ako ng aking kape Miss Monte." utos nito pagkatapos ay walang paki alam nitong kinalas ang butones ng kanyang white shirt at hinubad ang suot nitong coat. Mas lalo pa akong nabaliw nang halos natanggal na nito ang butones sa kanyang dibdib. Wala sa loob kong napakagat ako sa aking labi sa aking nasaksihan. Pinamulahan naman ako ng mukha nang makita ko ang kakaibang ngisi nito. Kaya nagmamadali na akong magpunta sa pantry area dito mismo sa loob ng opisina nito. Madali lang naman hanapin ang pantry area dahil sa mga signages na nakalagay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD