PESTE!

1430 Words
"Galvin, puntahan mo ako ngayon dito sa Pabago bago street. Magdala ka ng mga tali at may kailangan tayong gawin. Dalhin mo rito sina Dante at Herardo" utos ko sa aking tauhan. Hindi naman nagtagal ay nakarating agad ang mga tauhan ko dito sa aking pwesto. Mabilis naming itinali ang mga taong nandito at isa isang ibinitin patiwarik ang mga ito sa itaas ng puno. Nilagyan din naman ng mga karatula ang kanilang katawan na nagsasabing "Ako ay Kriminal" Upang magtanda ang mga taong nais gumawa ng krimen sa lugar na ito. Mukhang marami akong lilinising kalat sa aking bayan. Hindi naman kami tumagal dito at sabay na kaming pumunta sa aking unit. "Galvin alamin mo ang mga nangyayari sa bayang ito. At ikaw Dante, alamin mo kung sino ang mga grupong nagpapanggap ng hostage taking kanina, at ikaw Herardo bantayan mo ang bawat galaw ni Diego Montenegro. Kailangan ko ng update bukas din. Ito ang paunang bayad sa inyong trabaho. Makakaalis na kayo" anas ko sa mga ito. Abot hanggang langit ang mga ngiti ng mga ito. Basta pera talaga ang usapan ay mabilis ang mga galaw nila. Kailangan ko munang gamutin ang aking mga pasa. Paniguradong may mga pasa na ang aking tiyan at ibang parte ng aking katawan dahil sa lakas ng pagkakasuntok at hampas sa akin ng mga hayup na yun. Pakiramdam ko ay wala pa akong nahahanap na lead sa unang araw ng aking imbestigasyon. Kailangan ko munang magpahinga ng ilang oras dahil mamayang gabi ay magmamanman ako sa buong paligid baka sakaling may makuha akong lead sa aking imbestigasyon. Balita ko ang kidnapping ay nagaganap tuwing gabi. Matpos kong gamutin ang aking mga pasa sa katawan ay nagdesisyon akong magluto muna dahil ako ay nagugutom na. Nagluto lamang ako ng instant noodles dahil hindi ko na kaya pang magluto ng pangmatagalan. Sapat na ito pang tawid gutom. Sanay naman akong kumain ng noodles dahil sa ito ang nakasanayan ko sa tuwing may misyon akong kailangang lutasin sa ibang bansa. "Oh, nana Napatawag kayo. Kumusta kayo jan ni Angie?" tanong ko habang kumakain ng noodles. bigla kasi itong tumawag. "Naku, huwag kang mag alala ayos lamang kami dito best friend. Ikaw ang kamusta jan?" ani Angie. "Ano ba ako ang kumakausap jan e. Pakialamera ka talaga?" anas ni nana marie. naku nagbabangayan na naman ang dalawa. Ito kasing si Angie ay malakas mang asar. Alam na nga nitong pikon si nana marie. "ayos lamang ako dito. Teka nagbabangayan na naman ba kayong dalawa?" natatawang anas ko sa mto na siyang ikinatahimik ng kabilang linya. "Naku, hindi. Nag lalaro lamag kami ni Angie. Diba Angie?" anas ni nana marie. "Naku, hindi inaaaway ako ni—" hindi nito natapos ang sasabihin sana nito ng marinig kong tinakpan ni nana marie ang bunganga ni Angie. "Huwag kang maniwala jan sa kaibigan mo. Oh sha. Mag iingat ka jan palagi" Nakakamiss din ang UK at ang aking nana marie. Kung pwede ko nga lang tanggihan ang trabahong ito ay tinigil ko na. Hangga't wala pang hustisya at hindi natatapos ang misyon. Hindi ako susuko. Matapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang aking mga pinagkainan at dumiretso sa aking silid. Kailangan ko munang magpahinga dahil mamayang gabi ay magmamatyag ako sa buong paligid. Maingat kong inilapag ang aking kutsilyo at baril sa ilalim ng aking unan. Ganito ako kapag nasa misyon. Laging may armas sa aking unan dahil hindi natin masisiguro ang kaligtasan sa bawat araw. Ala una ng madaling araw, kasalukuyan akong naglalakad sa kadiliman ng park. Malaki ang ipinagbago ng park na ito ang dating maliwanag ay napalitan ng kadiliman. Tanging mga mumunting liwanag na nagmumula sa maliliit na bombilyang nakakabit sa nga poste ang tanging ilaw sa bawat kanto ng park. Hindi na ako magtataka kung bakit laganap ang mga kidnapping ngayon. Mabilis akong nagtago sa likuran ng malaking puno kung saan kitang kita ng dalawang mga mata ko ang grupo ng mga kababaihan na nakatayo sa gilid ng kalsada. Pinagmasdan ko ang bawat kilos ng mga ito. Nakasuot sila ng kasuotang hindi akma sa mata ng kabataan. Sa aking pagkaka-alam ay mga prostitute ang mga ito. Kailan pa nag-umpisang magkaroon ng prostitutes ang lugar na ito. Dala ng kuryosidad ay naglakad ako palapit sa mga ito. Bahagya kong inayos ang suot kong facemask at hoodie jacket. "Tayo ang malalagot kay boss niyan kapag wala tayong madadalang babae sa kanya." rinig kong anas ng isang lalaki sa babaeng mababa ang lipad. "Ito na nga oh, nag aabang ng mga pasaway na kabataan. Maghintay hintay ka lamang dahil maya-maya ay darating na rin ang mga batang narecruit ko kaninang umaga" anas ng babae. "Siguraduhin mo lang. Dahil kung hindi tayo ang malilintikan kay boss. Kilala niyo naman iyong kung paano magalit" anas ng lalaki sabay hithit at buga ng hawak nitong sigarilyo. Makalipas ang ilang minuto ay may mga grupo ng kabataang babae ang papalapit sa kanilang pwesto. Kunot noong nabaling ang aking atensiyon sa mga kabataan. Anong ginagawa ng mga kabataang ito dito sa ganitong mga oras. "Oh. Andito na pala sila eh!" anas ng babae habang pumapalakpak ng malakas. Tila natutuwa dahil sa pagdating ng mga kabataan. "Magkano ho ang sasahurin namin. Alam niyo naman ho na kailang-kailabgan namin ng trabaho ngayon" anas ng batang babae. "Kararating niyo lamang ngunit sahod na agad ang nasa isip ninyo. Hala sige dalhin na ang mga iyan nang makaalis na tayo!" galit na anas ng lalaki. Samantala kitang kita ko naman ang gulat at kalituhan sa kanilang mga mata. Nababanaag ko rin ang matinding takot sa kanilang mga mukha. Peste, ito ba ang sinasabi nilang kidnapping. Hindi ko hahayaang makuha nila ng tuluyan ang mga batang ito. Ang kakapal ng mga mukha nila. Sinasamantala nila ang kahinaan at sitwasyon ng kanilang mga biktima. Mabilis akong nakalapit sa mga ito. "Teka lang muna. Baka pwede nating pag-usapan ito?!" anas ko sa lalaking salita ng salita kanina. "At sino ka naman? Saan ka kumukuha ng lakas ng loob upang hadlangan kami sa mga plano namin?! Hala sige! Patayin ang babaeng iyan!" mariing sigaw nito sa kanyang mga tauhan. Naku nalintikan na, mukhang mapapalaban na naman ako nito. Naghanda ako sa pag-atake ng aking kalaban. Buong lakas akong tumalon sa ere at walang awang pinagsusuntok ang aking ulo. Isa pang malakas na sipa ang aking iganawad dito dahilan kaya ito tumalsik sa di kalayuan. Mabilis ko namang iniumang ang aking baril dahil balak akong suntukin sa aking sikmura. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Samantala mabilis akong yumuko dahil balak akong hampasin sa aking ulo ng baseball bat. Kung kaya't isang malakas na suntok ang ipinagkaloob ko dito. Walang kahirap-hirap ko namang naagaw ang hawak nitong baseball bat at iyon ang aking ginamit upang hampasin sa ulo ang isa pang kalaban ko. Ngunit marahas akong napadaing nang bigla akong suntukin sa aking labi. Hindi pa nga gumagaling ang aking labi ay napuruhan na naman. Agad ko naman itong pinunasan dahil nalalasahan ko na ang dugo na umagos dito. Peste! Kailangan ko ng tapusin ang laban dahil papatakas na ibang mga kalaban kasama ng mga kabataan. Kung kaya't agad kong kinuha ang aking kutsilyo at walang pag-aalinlangan kong ibinato patungo sa itim na sasakyan dahilan kaya ito nawalan ng gulong. Isang marahas na buntong hininga ang aking ginawa at walang babala kong iwinasiwas ang aking katana sa mga kalaban. Wala akong paki-alam kung saan sila matamaan. Matamaan na sila sa kung saan ang mahalaga ay mailigtas ko ang batang iyon. Mabilis ang aking pagtakbo ng makita kong papatakas ang tatlong babaeng prostitue na lulan ng motorsiklo. Mabilis kong kinuha ang aking darts at walang mintis kong pinuntirya ang gulong ng kanilang motorsiklo. Nagpagewang gewang ang sinasakyan nila at tuluyan silang nahulog. Mabilis kong ikinasa ang aking baril at walang awa kong pinagbabaril ang itim na kotse. Sinadya ko ring patamaan ang lalaking drayber nito. Mabuti na lamang at naihinto ang sasakyan. Agad akong nakalapit sa mga batang babae. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. "Umuwi na kayo at huwag na kayong babalik sa lugar na ito. Ito ang aking calling card. Tawagan ninyo ako kapag kailangan ninyo ng tulong ko" anas ko sa mga ito. Agad naman silang tumalima sa aking tinuran. Mabuti na lamang at nakarating agad sina Galvin. Kaya sila na muna ang maghahatid sa mga batang ito sa kanilang mga tahanan. Samantala ang mga babaeng ito na kasabwat sa pagkuha ng mga bata ay dadalhin sa aming barracks. Kung saan ginaganap ang pag torture at pag amin sa mga tiwaling nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD