MASIYADO KANG PAKI-ALAMERA!

1227 Words
"Boss ang mga grupong nagpanggap ng hostage taking ay kagagawan rin ng TELAPIA SYNDICATE. Napag-alaman kong isang Mayor ang may pakana nito. Mahilig gumawa ng katarantaduhan ang mayor ng kabilang bayan. Dahil sa paggawa ng pekeng hostage taking ay makakakulimbat sila ng salapi sa sinumang tutulong dito. Napag-alaman ko ring patong patong ang kaso ng mayor, ang kaso ay hindi siya maipakulong kulong dahil malakas ang kapit nito" anas ni Dante. Mukhang alam ko na kung sino ang uunahin ko. Mayor. Mayor. Mayor. "Alam mo ba kung saan nakatira ang mayor na ito?" anas ko dito. "Yes boss. Narito ang address" Marahas akong napangisi. Kung sinuswerte ka nga naman. "Sige, maghanda ka Herardo dahil lulusubin natin ang lungga ng mayor na iyan" "At ikaw Herardo, kamusta ang ipinaguutos ko sayo?" "Boss, mukhang matinik si Diego Montenegro, dahil nararamdaman nito agad kung may nagmamanman sa kanya. Katunayan ay nasuntok ako ng isa sa mga tauhan nito sa mata. Pinilit nila akong sabihin kung sino ang nag-utos upang sundan siya. Ngunit hindi ako nagsalita. Pero worth it naman ang sakripisyo ko dahil nakakuha ako ng impormasyon. Sa susunod na dalawang linggo ay may gaganaping auction ng mga high caliber na mga armas sa isang lugar na mas kilala sa tawag na UNDERGROUND. Makikilahok si Diego sa bulwagang iyon." ano ang gagawing ng isang Diego Montenegro sa auction ng mga de kalibreng baril? Hindi kaya totoong may kaugnayan ito sa mga krimen sa bayang ito? Ang lalaking hinangaan ko noon ay isa ng kriminal ngayon? Kaya ba ganun na lamang karami ang mga goons nito? "Salamat. Magpahinga ka muna. Ngunit kailangan mo ring alamin kung nasaan ang aking kapatid. Heto, magagamit mo ito sa iyong pagpapagamot. Umaaso ako sa anumang impormasyong makukuha mo. Mag iingat ka" anas ko dito. Bago ito tuluyang umalis. Mukhang kailangan ko na yatang bumili ng sariling bahay. Hindi kasi ako makakilos ng maayos kapag nandito ako sa aking unit. Bukas na bukas din ay bibili ako ng aking bahay. Nahilot ko na lamang ang aking sintido sa mga impormasyong ibinalita sa akin ng aking mga tauhan. Mainam kong pinindot ang button ng aking relo upang makausap ang aking boss. Kailangan nitong malaman ang mga impormasyong ito. Hindi naman nagtagal ay sinagot ng aking boss ang tawag. Kita ko sa hologram ang kanyang hitsura kahit hindi na kami gumamit ng cellphone ay high-tech na ang aming kagamitan. Isang pindot lamang sa relong ito ay makikita na namin ang aming kausap na parang totoong nasa harapan talaga namin. "Boss ayon sa nalakap ng isa sa mga tauhan ko ang grupo ng TELAPIA SYNDICATE ang may pakana ng lahat ng krimen sa lugar na ito. Uunahin ko ang mayor ng kalapit na bayan dahil sa ginawa nitong paggawa ng pekeng hostage taking upang makapangikil ng mga tao. Kung makikita mo sa screen, ay nandiyan ang bangkay ng isang lalaking natagpuan kanina lamang. May pulang marka ito sa kanyang leeg. Posible kayang kasapi ito ng isang sindikato?" mahabang litanya ko dito. "Tama ka nga ng iyong hinala, agent Katrina. Ang pulang markang iyan ay simbolo ng samahan ng TELAPIA SYNDICATE. Ngunit mag iingat ka agent. Mabibigat ang mga makakalaban mo riyan dahil hindi lamang sila mga sindikato kundi matataas din ang mga posisyon nila sa Gobyerno." pagkasabi niyon ay malakas akong napabuga ng hangin. "Kung gayon, malakas ang kutob kong may kinalaman ang mga otoridad sa krimeng ito. Dahil base sa aking nakalap na imbestigasyon, maliliit na isda lamang ang nahuhuli ngunit ang mga malalaking buwaya ay patuloy pa rin sa paggawa ng krimen." "Naniniwala ako sa kakayahan mo agent Katrina. Mag iingat ka sa iyong misyon." anas nito at namatay na ang tawag. Lalo yatang sumakit ang ulo ko. Mukhang marami pa akong kailangan alamin. Sa ngayon mag uumpisa muna ako sa letseng mayor na yan. ----- Kasalukuyan akong nandito ngayon sa isang park kung saan nagsasalita ang mayor ng lugar na ito. Hindi naman kalayuang ang bayang ito sa bayan ng Montefaldo. Ayon sa aking mga naririnig ay puro kaguluhan ang namumutawi sa lugar na ito. "Manang ano hong mayroon ngayon diyan sa park, bakit ang daming tao?" anas ko sa matandang nagtitinda ng kendi at sigarilyo sa tabi. "Ah, si Mayor may mahalagang sasabihin daw" anas nito "Pero alam mo wala namang ginagawa si mayor sa mga nangyayaring kaguluhan dito eh. Puro siya salita wala namang gawa. Ang alam ko ang sasabihin na naman niyan ay magtataas ang buwis dito. Nauubos na nga ang kita namin dahil kahit maliliit na tindera't tindero ay nagbabayad pa ng buwis" dagdag pa nito. Mapapansin sa mukha nito ang pangamba at kalungkutan. Mahahalata rin ang pagod sa kanyang mga mata at katawan. Grabe naman pala ang mayor na ito. Mukhang kailangan na niyang masampolan. Akmang aalis na sana ako ng biglang may magsalita sa likuran ko. "Nasaan ang bayad mo tanda. Ilang linggo ka ng hindi naglalagay sa amin ha. Gusto mo bang sunugin ko ang mga paninda mo?!" "H-huwag p-po. Wala naman akong kita ngayong araw e. Katunayan bente pesos pa lang ang napagbebentahan ko. Huwaaaaag—" anas ng matanda. Wala na akong sinayang na oras at basta ko na lamang sinipa ang lalaking walang awang itinapon ang mga paninda ng matanda. Samantala maagap naman akong umiwas sa pag atake nito dahil balak ako nitong saksakin sa aking sikmura. Malakas akong tumalon sa ere at buong lakas kong sinipa ang dibdib nito. Dahilan kaya ito tumalsik sa mga tindahan ng palamig. Marami na ring tao ang nanonood sa aming laban. Ang iba ay kumukuha pa ng bidyo. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng bandana sa aking mukha. Kung kaya't mata lamang ang tanging nakikita. Mabilis akong umangat sa ere ng balak akong hampasin ng isang baseball bat at malakas na suntok ang iginawad sa kanyang labi. Tumalsik pa nga ang ilang dugo mula sa labi nito. "Masyado kang paki alamera!" anas ng lalaking malaki ang tiyan. "Hindi ko hahayaang hamakin ninyo ang mga taong nagtatrabaho ng marangal!" anas ko dito. Napansin kong naglabas ito ng kutsilyo. Nag handa ako sa kanyang pagatake. Maliksi akong umiwas sa pag atake nito dahil balak nitong itarak sa aking sikmura ang hawak nitong patalim. Isang mabangis na ngisi ang pinagkaloob ko dito at malakas akong tumalon sa ere sabay pulupot ng aking mga hita sa ulo nito. Ibinagsak ko ang aming katawan sa lupa. Habang pinilipit ko ang leeg nito gamit anh aking mga hita ay aktibo naman ang aking isip at mga kamay upang barilin ang mga hayup na kasama nito. Inisa-isa ko silang patamaan sa kanilang mga paa. Nang mapansin kong wala ng malay ang taong pinilipit ko ay nagmamadali akong umalis. Inabutan ko muna ng pera ang matanda dahil nasira ang lahat ng paninda nito. Natanaw ko sa di kalayuan ang papaalis na sasakyan ng mayor ng bayang ito. Kung kaya't minadali ko ang mga kilos ko. Mabilis kong binunot ang aking baril at walang pagdadalawang isip na barilin ang apat na gulong ng sasakyan nito. Umpisa pa lamang iyan ng apoy na sinindihan mo, Mayor. Hindi naman ako nagtagal sa lugar na ito dahil nahihinuha kong pinaghahanap na nila ang taong bumaril sa mga gulong ng sasakyan ng mayor. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa aking ducati at matulin itong pinatakbo patungo sa aking unit. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD