NAGUSTUHAN MO BA???

1339 Words
MR.BAYAG POV "Hanapin ninyo kung sino ang tarantadong sumira ng mga gulong ko!" anas ko sa aking mga tauhan. Dahil kabibili ko lamang ng kotseng ito. "Ikaw! anong balita sa pinapatrabaho ko sa iyo? tukoy na ba kung sino ang pumaslang kina totoy Bibo, Bilat, at Wawang?" anas ko sa isa kong tauhan. Dahil natagpuan naming nakasabit ang mga ito sa isang puno. Lintek lang ang walang ganti. Magbabayad ang sinumang bumangga sa akin. Lalo na ang negosyo ko. "Boss, napag alaman kong babae ang pumaslang sa kanila. Ngunit hindi nakita ang mukha niya sa CCTV dahil may takip itong bandana" napahilamos ako sa aking mukha sa mga tinuran nito. Hindi rin magtatagal ay mahahanap din kita. "Nga pala boss may dumating na isang package kanina lamang" "Oh, akin na! baka kung ano na yan" anas ko dito sabay abot ng aking kamay upang kuhanin ang isang package. Walang ingat ko itong binuksan, ngunit mas lalong nalukot ang mukha ko nang makita ko kung ano ang nasa loob. Mga litrato namin ng babaeng kaulayaw ko ang nandito. Paanong nakakuha sila ng larawan namin gayong alam kong ekslusibo ang hotel na pinupuntahan namin. Mabilis ko namang isinara ang box. Hindi ito maaring makita ng asawa ko, kung hindi baka hindi na nito ibibigay sa akin ang perang dapat sa akin. "Hanapin ninyo kung sino ang taong nagpadala nito!" mariing utos ko sa aking mga tauhan. "Nagustuhan mo ba mayor? nakatitiyak akong iiwan ka ng iyong asawa oras na malaman niya ang kahayupang ginagawa mo habang siya ay abala sa mga negosyo niyo. Ayaw mo naman sigurong malaman ng buong sta Ana ang kababuyan mo?" galit na galit kong pinagpupunit ang papel sa loob ng box. Ang lakas ng loob nitong takutin ako. Bigla namang nagring ang cellphone ko. Pagcheck ko sa caller ay unknown number. Pero sinagot ko pa rin baka isa sa mga kliyente ko ito. "Hello" anas ko sa kabilang linya. Ngunit walang sumasagot. "Hello!" "Hello!!" "Tangina mo kung hindi ka magsasalita, huwag ako ang pagtripan mo!" "Oops galit na agad si mayor. Mr. Bayag, pakinggan mo ito" anas ng nasa kabilang linya "Aahhh sige pa, sige paaa Mayor. aahhhh shet ahhh. Sige pa John. ahhh" "huwag mo ng hintayin pang ipadala ko ito sa iyong asawa, Mr. John Bayag." "Ano bang kailangan mo hayup ka!" "Isang milyon kapalit ng mga malalaswa mong videos. Tatahimik ako." "Hindi pa ako nababaliw upang bigyan ka ng isang milyon!" mariing anas ko dito. "Okay. madali lamang akong kausap mayor. Isang pindot ko lamang, malalaman ng buong Pilipinas ang kababuyan mo" Mas lalo mamang nalukot ang aking mukha at mariin kong niyamukos ang aking mukha. Mariin ko ring sinabunutan ang aking buhok dahil sa aking kausap. Peste! malalagasan pa yata ako ng isang milyon. Okay. sige. hindi na bale. Mababawi ko naman agad iyan. isang batang babae lamang ang kapalit niyan. "Okay sige. ibibigay ko ang nais mo" "Ngunit, nagbago na ang isip ko mayor. Ang tagal mo kasing magdesisyon!" anas ng babaeng tumatawa pa. baliw ba itong kausap ko? "Ahhhhhh!!!". anas ko sabay hagis ng aking telepono dahilan ng pagkawasak nito. KATRINA POV Natatawang ibinaba ko ang aking telepono dahil pikon pala ang bayag na iyon. Mas maganda siguro kung tatawagin ko itong walang bayag. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa isa sa mga planta ng mayor bayag na iyon. Ayon za aking tauhan ay dito madalas may ginagawang subastahan. Maraming mga tsekwa at mga malalaking tao ang nandito upang bumili ng kanilang mga precious items. Nakasuot lamang ako ng isang long dress na may slit sa gilid. Dahil hindi ito basta bastang subastahan. Ito ay subastahan ng mga makakapangyarihang tao sa mundo ng business at politika. "Ladies and gentlemen. Maraming salamat po sa inyong pagdalo sa ating pagtitipon ngayon. Hindi ko na patatagalin pa. Mag uumpisa na ang ating subastahan" anas ng host. Unti unti namang bumubukas ang pulang kurtina at unti unting inilalabas ang mga cages ng mga hayop. Ngunit imbes na hayop ang aking makita, ay isang dalaga ang nasa loob niyon. Mariin kong ikinuyom ang aking kamao. Napakasama nila. Mga hayup sila. Anong kasalanan ng mga batang ito at basta na lamang gagawing kasangkapan sa mga ilegal na aktibidades nila. "The price starts at 200 thousand" "500 hundred thousand" anas ng lalaking malaki ang tiyan at may mahabang balbas. Mga pedophile ba sila? halata namang batang bata pa ng batang nasa loob ng cage. "Going once, going twice..." "1 Million" anas ko. "Wow! going once, going twice! alright... The lady in the cage is sold to the lady in red" anas nito. Isang malalakas na palakpakan naman ang aking narinig mula sa mga manonood at partisipante ng naturang auction o subastahan. Mabilis kong tinungo ang banyo ng lugar na ito upang mas alamin kung ano talagang nangyayari. Bakit may subastahan ng mga bata? Sa aking paglalakad patungo sa restroom ay may naririnig akong kakaiba. Habang papalapit ako sa ay mas lumalakas ang mga ingay na nagmumula sa kabilang silid. Kung kaya't imbes na tutungo akong restroom ay mas naglakad ako ng diretso patungo sa mga ingay na iyon. Ngunit laking gulat ko ng makarinig ako ng impit na sigaw na tila nahihirapan. Buong tapang kong binuksan ang pinto. Suot ang aking salamin ay nakikita ko ang daan kahit pa sobrang dilim nito. Hindi nagtagal ay narating ko ang silid kung saan nagmumula ang ingay. "Miss, parang awa mo na tulungan mo kami" nakiki-usap na anas ng batang babae. Nakikita ko ang mga pulang marka sa kanyang mukha. Dulot ito ng matinding pambubugbog dito. Sinenyasan ko naman itong huwag maingay. Dahan-dahan kong binuksan ang mga cages ngunit ilang mga yabag ang aking narinig papunta sa silid na ito. Mabilis akong nagtago sa dilim upang hindi ako makita ng sinuman. "Oh, Berto mamili ka na ng babaeng pagsasawaan natin bago natin ibigay sa itaas." kuyom ang mga kamao ko sa aking narinig. Hanggang sa walang babala kong hinampas sa batok ang isang kasama nito dahilan kaya ito bumagsak at nawalan ng malay tao. Mabuti na lamang at nakasilencer gun ako. Mabilis kong kinalabit ang gatilyo at walang awang pinatamaan ito sa kanyang ulo. Nagmadali na ako sa mga kilos ko. Isa isa kong binuksan ang cages at inilabas ang mga batang babae na sa tantiya ko ay nasa 15 years old lamang. Mabilis kong tinawagan si Galvin upang dalhin ang mga bata sa isang safe na lugar. Hindi kami maaaring dumaan lumabas kung saan akong pumasok kanina. Mabuti na lamang at tanda ng isang bata ang isang pinto kung saan sila pumasok kanina. Dito kami nagpunta sa backdoor, ngunit... "Magtago muna kayo sa likod ng punong iyon dahil parating na sila. Huwag kayong aalis hangga't hindi ako dumarating" anas ko sa mga ito. "Ang lakas ng loob mong patakasin ang mga bihag namin! Baka gusto mong ikaw ang aming isubasta ngayong gabi?!" "Ang dami mo pang sinasabi-" mariing anas ko dito at walang habas ko itong sinipa sa kanyang sikmura dahilan kaya ito tumalsik. Samantala isang mabilis na kalabit sa aking gatilyo ng maramdaman kong may taong papalapit dito sa amin. Ilang magkakasunod na putok ng baril ang aking ipinagkaloob sa mga ito. Hanggang sa bigla akong tumalsik dahil sa taong sumipa sa aking likuran. Peste! Mabilis kong pinunasan ang aking labi na may bahid ng dugo at naghanda ako sa pag atake nila. Agad kong binunot ang aking katana. Isang pindot ko lamang ay lumabas ang kahabaan nito. Walang awa kong tinagpas ang ulo ng taong papalapit sa akin at isang sipa naman ang ipinagkaloob ko sa isa pang kalaban. Ngunit malakas akong napadaing dahil sa isang suntok ang natamo ko sa aking labi. Hayup na yan! Mukhang marami pa akong kakalabanin dahil mas lalo silang dumarami. Sa tantiya ko ay nasa sampu pa sila. Ngunit kailangan ko ng magmadali dahil anumang oras mula ngayon ay sasabog na ang buong building. Dahil sa mga bombang inilagay ko dito. Ang batang nasa subastahan kanina ay sina Galvin na ang bahala doon dahil kailangan ko munang harapin ang aking mga kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD