"Ang lakas ng loob mong pasukin ang aming lugar. Tiyak na matutuwa si Madam AA nito dahil mapapatay namin ang taong hadlang sa kanyang mga negosyo!" Mapang uyam na anas ng babaeng nakahawak ng kadena.
Hindi na lamang ako nagsalita ngunit isang nakakalokong ngisi ang ipinagkaloob ko dito. Agad kong ihinanda ang aking katana dahil lulusob na ito sa akin. Balak akong tagpasin sa aking ulo kaya isang malakas na iwas ang aking ginawa at sinamantala ko ang pagkakataon dahil open ang kanyang sikmura. Mula sa aking pagyuko ay siyang wasiwas ko ng aking katana dahilan kaya nahati sa dalawa ang katawan nito.
Mabilis naman akong tumalon sa ere at nagpagulong gulong dahil sa mga balang tatama sa akin. Agad akong nagtago sa likuran ng malaking drum at iyon ang aking ginawang panangga. Mabuti na lamang at may lamang mga tubig ito.
Dinagdagan ko ng mga bala ang aking baril at isa isa ko silang pinatamaan sa kanilang ulo. Bulls eye!
Dalawa na lamang ang aking kakalabanin. Kubg kaya't mabilis kong inihagis ang aking patalim sa patungo sa leeg ng isang kalaban. Sinamantala ko ang pagkakataon at buong lakas kong sinipa sa likuran ang natitirang kalaban. Hindi ko muna ito papatayin dahil kailangan kobg malaman kubg sino si Madam AA.
"Sino ang si Madam AA?!" mariing anas ko dito habang pilipit ko ang kamay nito. Dinaganan ko rin ang likuran nito.
"Kahit anong gawin mo hindi ko sasabihin!"
"Ah ganon ha...Madali lamang akong kausap!" anas ko dito ang buong lakas kong sinuntok ang tagiliran nitong may tama ng bala. Hindi pa ako nasiyahan ng pabasta ko na lamang ipasok ang aking daliri sa tama nito.
"Aahhhhhhhh... Magsasalita na ako..." malakas na hiyaw nito.
"S-si M-madam AA ang may ari ng gusaling iyan. Siya rin ang may pakana kubg bakit maraming mga bata ang sinusubasta"
"Saan ko matatagpuan itong madam AA na ito?"
Pagkatpos nitong ikanta ang lugar na kinaroroonan ni madam AA ay walang awa kong pinilipit ang leeg nito dahilan ng agarang pagkamatay nito.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis kong nilapitan ang mga bata. Dumating na rin sila Galvin at ang ilang tauhan ko. Sila na ang bahala sa mga batang ito.
Nagmamadali na ang mga kilos namin dahil isang segundo na lamang ay sasabog na buong building.
KASALUKUYAN akong nandito sa lugar kubg saan nakatira itong si Miss AA. Malaki ang bahay nito at may ilang tauhan ang nasa labas. Sa likuran ako dumaan at walang tunog akong tumalon patungo sa loob ng kanyang bakuran. Maingat ang aking mga galaw dahil ayokong makalikha ng anumang ingay. Baka mabulilyaso pa ang aking binabalak.
Hindi ko muna sa ngayon pahihirapan itong si Miss AA kailangan ko munang makakuha ng sapat na ebidensiya upang tuluyan na itong wasakin.
Miss AA POV
"Mga inutil! Hindi man lamang ninyo nakita o nahuli kung sinong lapastangan ang nagpasabog ng building ko at nagpatakas sa aking mga bihag!" galit na galit na anas ko sa aking mga bobong tauhan. Ang dami dami nila pero nuknukan sila ng bobo!
Binuhat ko ang isang flower vase at basta na lamang ibinato sa aking tauhan.
"Hanapin ninyo ang taong may kagagawan sa lahat ng ito! Mga tonta!" sigaw ko sa kanila.
Ngunit nagulat kaming lahat sa pagsabog na nanggagaling sa labas ng bahay. Bigla akong nanlumo nang makita kong nasusunog at wasak ang aking kabibiling sasakyan.
May malaking karatula din akong nakita na may sulat na
"Maghanda kana Ms. AA" sinong lapastangan ang basta na lamang pumasok sa aking teritoryo. Ang lakas ng loob niyang kalabanin ako at sirain ang mga gamit ko.
"Ano pinag hinihintay ninyo diyan?! Hanapin ninyo ang taong may kagagawan nito. Puro kayo mga bobo!" Mabilis kong kinuha ang aking baril at matuling pinaandar ang aking sasakyan.
Agad ko namang nakita si Mr. Bayag na ngayon ay nagwawala sa galit dahil ayon sa aking narinig ay may nagpadala sa kanya ng isang package na nilalaman ng bidyo niya ng kanyang kabit.
"Ano naman ang ipinunta mo dito at ganyan ka makatingin!" galit na anas nito.
"Alam mo bang ang mga batang isinusubasta ay pinatakas ng hindi pa nakikilalang tao! Ang nakaka bwisit pa ay pinasabog ang buong subastahan!" nag ngingit ngit sa galit na anas ko dito.
"Sigurado akong ang taong nagpadala ng mensahe sa akin at ang taong nagpatakas sa mga bihag ay iisa."
"Kailangan nating mahanap kung sino ang kumakalaban sa ating grupo!"
"Hindi kaya si...Diego Montenegro? Alam naman natin kung gaanong kagalit iyon sa ating grupo."
"Hmmm. Kailangan nating makalakap ng sapat na ebidensiya alam naman natin kubg gaano katuso ang mafia lord na iyon. Kailangan nating pag-isipan" tama nga naman ito. Dahil ang mafia lord na iyon ay kilala bilang mabagsik at walang awa kubg pumatay!
Sabay sabay kaming napayuko dahil sa malakas na pagsabog sa labas ng bahay ni mayor. Hayup! Malakas akong napamura dahil nakita kong ang aking sasakyan ang sumabog.
Marahas akong napabuga ng hangin at mabilis na inagaw ang armalite na hawak ng isang tauhan ni Mayor. Buong tapang akong lumabas ng kabahayan. Ngunit napadaing ako ng biglang may sumipa sa aking sikmura dahilan kaya ako tumalsik sa pader ng bahay ni Mayor.
Dali dali namang lumabas ang mga tauhan ni mayor at walang takot nilang pinauulanan ng bala ang kalaban. Sa aking pagtataka ay mag isa lamang ito ngunit napakahusay nito sa pakikipaglaban. Mabibilis din ang mga galaw nito hindi ko nga ito masundan.
Hanggang sa tatalo na lamang ang natirang mga tauhan dito. Maliksi kong kinuha ang isang baseball bat sa aking tabi at buong pwersa ko itong inihampas patungo sa aking kalaban. Ngunit laking gulat ko ng bigla niya itong salagin gamit ang hawak niyang katana.
Gulat na napaatras ako sa aking nasaksihan dahil nahati sa dalawa ang baseball bat. Akmang tatakbo na sana ako upang tumakas ng targetin nito ang aking hita. Malakas akong napahiyaw dahil sa pagkakatarak ng kutsilyo sa aking hita.
"Aaahhhhh...Putangina!!" malakas na hiyaw ko dahil sa sakit na ang nadarama. Nararamadanan ko ang mga dugong umaagos mula sa aking sugat.
Kailangan kong makaalis dito. Ngunit malakas akong napadaing nang apakan nito ang aking sugat at hilahin ang aking buhok. Dahilan ng pag-angat ng aking ulo dito.
"Nakikita mo ba yang taong iyan?" anas nito habang itinuturo ang taong nakatali at may busal ang bunganga. Hindi...Hindi ito maaari!
"Ganyan ang mangyayari sa iyo kapag hindi ka nagsabi ng totoo" anas nito. Marahas akong napalunok dahil kung hindi ako magsasalita baka matulad ako kay Mayor Bayag na nakatali sa puno habang binubuhusan ng gasolina.
"Isang tanong isang sagot" mariin akong napapikit sa kanyang tinuran.
"Anong dahilan bakit ninyo dinudukot ang mga batang babae?!" galit na tanong nito. Ramdam ko ang panggagalaiti nito sa galit.
"Wala akong sasabihin!" ana ko dito. Ngunit isang malakas na daing ang aking pinakawalan dahil mas idiniin nito ang nakatarak na kutsilyo sa aking hita. Pinaikot ikot din nito kaya nagdulot ito ng matinding sakit sa aking kaibuturan.
"Ahhhhhh!!! M-magsasalita na ako!" anas ko dito.
"Ang...Ang mga batang dinudukot namin ay isinusubasta namin ayon sa kagustuhan ng aming boss. Mamatay na rin lang ako. Mabuti pang sabihiin ko na sa iyo. Siya si Governor Pindang. Siya ang may pakana ng lahat ng ito. Dahil, mas malaki ang pumapasok na pera sa amin kapag nagsubasta kami ng mga batang babae, dahil sila ay sariwa." Tama naman ang aking mga sinabi rito. Ngunit nakatitiyak akong papatayin din ako ni Governor dahil ikinanta ko ito.
"Saan ko matatagpuan ang Governor na iyong sinasabi?!"
"Sa susunod na linggo may bentahan ng de kalibreng mga armas sa underground. Doon siya magtutungo. Iyan lamang ang nalalaman ko. Ngunit paki-usap kailangan mo na akong patayin ngayon dahil nakatitiyak akong papatayin din ako maya maya dahil may tracker ang aking katawan at nakikita nito ang lahat ng kilos ko" Pagbibigay alam ko dito.