KATRINA's POV
Unti unti nang nagkakaroon ng kulay ang aking imbestigasyon. Inaayos ko ngayon ang mga pangalan ng mga taong konektado sa Telapia Syndicate.
Idinikit ko ang pangalang MR. JOHN BAYAG, MADAM AA, at Governor Pindang sa aking bulletin board. Dinikitan ko ito ng pin at naglagay din ako ng thread para kumonekta sa taong nasa gitna, walang iba kundi ang pangalan ni Diego.
Nilagyan ko ng pulang marka ang mukha ni Mayor Bayag at Madam AA dahil tuluyan na silang nalagas sa grupong kinabibilangan nila.
Lahat ng miyembro ng Telapia Syndicate ay idinikit ko sa bulletin board kahit wala pang pangalan ng iba. Mukhang alam ko na kung sino ang susunod kong target.
Malalaman ko rin ang sagot sa aking mga katanungan kung anong kinalaman ni Diego sa Sindikatong ito.
Balak ko na sanang maligo nang biglang tumunog ang alarm system ng aking relo hudyat na tumatawag ang aking boss.
"Anong balita sa iyong imbestigasyon, Agent Katrina?" Seryosong tanong sa akin ng aking boss. Oo nga pala nakalimutan kong ipaalam dito kung ano ng progress ng aking misyon.
"Napag-alaman kong si Madam AA at Mayor Bayag ang may kagagawan ng mga nawawalang mga bata sa siyudad. Ngunit ayon kay madam AA ay mayroon silang sinusunod na boss ito ay isang governor ng aming lugar. Unfortunately, Madam AA and Mayor Bayag, met their tragic death. Mas ginusto nilang magpakamatay matapos ikanta ang kanilang boss. Ayon pa sa kanila, hindi lamang governor ang may hawak sa kanila kundi malalaking negosyante rin. Dahil gusto nilang mas lumakas ang kanilang organisasyon kaya sa pagbebenta ng droga, illegal na armas, at pagbebenta sa mga bata ang mas mabisang paraan upang makakulimbat sila ng mas maraming pera" mahabang litanya ko dito.
"Mag-iingat ka Agent Katrina. Dahil nagpag-alaman kong ang Telapia Syndicate ay nagbabalak na ubusin ang mga tao sa lugar ninyo. Lalo na ang mga dalaga. Nais kong alamin mo ang pinakang tunay na motibo kung bakit mga dalaga lamang ang nais nilang kuhanin. Ayon sa bagong impormasyong aking natanggap ay nag-uumpisa na sila sa kanilang laboratoryo. May tiwala ako sa iyong kakayahan, Agent." malalim akong napaisip sa mga tinuran ng aking boss.
Kung gayon hindi sapat na dahilan ang pagbebenta ng mga dalaga kung kaya nanaisin nilang magkaroon ng mas maraming limpak na salapi. Sumakit yata lalo ang aking ulo sa aking mga nalaman.
Kaya para mahimasmasan ay nagmadali na akong naligo at nagbihis. Dahil pupunta ako ngayon sa bar upang kahit papaano ay maibsan ang stress na aking nararamdaman. Marami pa akong dapat imbestigahan. Kailangan kong malaman kung sino ang governor ng lugar na ito. Hindi yata matunog ang kanyang pangalan sa lugar na ito.
Labis akong nagtaka dahil alas dyes pa lang ng gabi ngunit wala ng mga tao sa paligid. Ang aga naman yata ng curfew dito.
Nakarating naman ako ng ligtas sa bukas na bar. Isinukbit ko ang aking baril at kutsilyo sa aking likuran. Inihanda ko rin ang kutsilyo sa aking sapatos na kapag ginamit mong isipa sa kalaban ay kusang lalabas ang patalim nito.
Agad akong mag-order ng isang bucket ng alak. Napili kong pumwesto sa medyo madilim na parte ng lugar. Ayaw ko ng maraming katabi. Gusto ko solo ko lamang ang mesa at ang lugar kung saan kami mag ba-bonding ng aking mga alak.
Hindi na ako nakapaghintay pa at mabilis kong nilagok ang isang bote ng alak. Kasarapan ng aking pag-inom ng biglang may umupo sa akinh harapan. Taas kilay akong napatingin dito.
"Sinong nagbigay sa iyo ng pahintulot na maupo sa aking pwesto!" mariing anas ko dito. Tsaka bakit naman ito nakasuot ng facemask at shades eh sobrang dilim na ng paligid. Baliw ba ito?
Naiiling na tinungga ko pa ang isang bote ng alak habang siya ay nag-oorder na maiinom. Seryoso ba siya na sa harap ko siya mag iinom? Pansin kong maraming bakanteng silya ang narito ngunit mas pinili niyang maupo sa aking pwesto.
"Bingi ka ba?!" malakas na sabi ko dito dahil hindi ito nagsasalita. I just rolled my eyes and quickly chugged the rest of the alcohol in my bottle. Nang maubos ko ang ilang bote ng alak sa aking bucket ay walang sabi-sabi kong kinuha ang isang bote ng alak ng taong aking kaharap.
"Dahil nakikiupo ka sa aking pwesto ay kailangan mo akong bayaran ng isang bote ng alak." Medyo nakakaramdam na ako ng hilo. Ilang saglit pa ang lumipas tuluyan ko ng naubos ang bote ng alak. Nagdesisyon na akong umalis ngunit hinila ako ng taong nakasuot ng facemask kung kaya't napaupo ako sa kandungan nito.
Gulat na napatingin ako dito. Kinurap kurap ko pa ang mga mata ko. Nananaginip ba ako or hindi? Bakit ang gwapo naman ng nilalang na ito? Mabilis nitong inalis ang kanyang suot na mask at salamin.
Mas lalo akong nagulat nang makita ko si...Diego Montenegro. Mabilis akong nilukuban ng kaba at tila nawala ang aking kalasingan.
"Mister, mukhang lasing na yata ako. Maari bang bitawan mo ako kung ayaw mong masaktan!" mariing anas ko dito. Ngunit hindi man lang ito kumilos. Mataman ako nitong tinitigan sa mukha. Mukhang pinag-aaralan nito ang bawat anggulo ng aking mukha. Peste! Mukhang kinikilala ako nito. Kaya mabilis kong iniwas ang aking mukha rito ngunit ang lokong lalaki ay bigla na lamang pinadaan ang kanyang dila sa aking exposed na leeg. Napaka-halay talaga nito kahit kailan. Naalala ko pa ang ginawa nitong paghalik sa akin back in the UK.
"Hmmmm. Delicious!" anas nito sa pagitan ng pagdila nito sa aking leeg. Samantala may kakaiba akong naramdaman sa mga ginagawa nito. Hindi maaari. Matagal ko ng itinapon ang pag-ibig ko para rito. May anak na rin ito at asawa.
Hindi na ako nag-isip pa, dahil wala na akong ibang masabi ay-
"P-pasensiya na mister, ngunit hinahanap na ako ng aking anak at asawa" palihim akong napangiwi sa aking mga tinuran. Mabilis naman ako nitong inilayo sa kanyang katawan. Waring hindi makapaniwala sa aking mga tinuran. Nababanaag ko rin ang galit sa kanyang mga mata. Anong problemo nun? Basta na lamang akong inalis na parang isang laruan sa kanyang kandungan. Dahil sa wala itong pag-iingat sa sexy kong katawan ay walang babalang hinalikan ko ang mga labi nito. Naramdaman ko ang gulat sa kanyang katawan ng ginawa ko ang bagay na ito.
Hindi naman nagtagal ay pinaglayo ko rin ang magkahinang naming mga labi at walang lingon-lingon akong umalis sa kanyang harapan. Mabilis ang mga lakad ko dahil pinahahabol ako nito sa kanyang mga tauhan.
Naku! Nalagot na!
Hanggang sa marating ko ang aking sasakyan. Mabilis ko itong pinasibad patungo sa aking unit.
Pabagsak akong nahiga sa aking kama nang makarating ako. Hinaplos ko ang aking labi dahil hindi ko lubos akalain na maglalakas ako ng loob upang halikan ang lalaking iyon.
Ngunit bakit ako nakakaramdam ng kakaiba sa pagitan ng mga halik namin. At bakit ako parang kinakabahan sa tuwing nakikita ko ito? Matagal na panahon ko ng ibinaon sa limot ang pag-ibig ko sa kanya. Ngunit tila bigla yatang umuusbong ulit ang natutulog kong paghanga sa kanya? Hindi ito maaari!
Nagpagulong gulong ako sa ibabaw ng aking kama dahil hindi ako makapaniwala sa aking mga naiisip. Oo nga at parte siya ng aking misyon. Ngunit paano ko malalaman kung anong kaugnayan niya sa sindikato kung hindi ako lalapit dito?
"Ahhhh!!!!" malakas na hiyaw ko. Bahala na! Bukas na bukas ay pupunta ako sa kanyang opisina. Tanda ko pa naman ang address ng kanilang kompanya. Mag-papanggap akong aplikante sa kanilang kumpanya. Ngunit kailangan kong baguhin ang aking hitsura upang hindi nito malaman kung sino ako. Mahirap nang mabisto. Baka lumundag sa tuwa ang aking puso. Oh! s**t!
Nagpasiya na lamang akong uminom pa ng alak dshil nakukulangan ako. Nawala rin ang aking kalasingan dahil sa nangyari kanina. Mas mainam pang ubusin ang isang bote ng alak.
Nakatatlong bote na ako at pakiramdam ko ay lasing na ako. Hindi naglaon ay binalot na ako ng kadiliman. Dito na rin ako sa sahig natulog. Hinila ko na lamang ang nagkalaylay na kumot sa ibabaw ng aking kama.