One

1657 Words
"HAY, Alexis, ang guwapo mo talaga,” mahinang sambit ni Carrie habang pinapanood ang mga players na naglalaro sa field. Kasalukuyan siyang naroon sa soccer field kung saan nagaganap ang isang match. Namilog ang mga mata niyanang maka-goal ang player na may suot na jersey number eight. Napalakpak pa siya sa sobrang tuwa. Napatingin tuloy sa kanya ang ilang katabi. Marahil ay nagtataka ang mga ito sa ginawa niya. Kasi naman, imbis na school niya ang suportahan ay sa kalabang team pa siya nag-tsi-cheer. And it was all because of the handsome guy in jersey number fifteen. Alexis Mariano. Her ultimate crush. Kilala itong member ng soccer varsity team ng kalaban nilang unibersidad. Matagal na rin niya itong crush pero hanggang pantasya lang siya. “’Sabi na nga ba’t nandito ka lang, eh.” Nilingon niya ang nagsalita. It was her bestfriend Andrea. Naupo sa tabi niya. “Akala ko ba, mag re-review ka sa library?” tanong niya rito. “Bakit nandito ka?” Nagkibit-balikat ito. “Tinamad ako bigla, eh. Ikaw nga, imbis na mag-review, puro pag-tambay sa soccer field ang inaatupag mo.” Pumalatak ito. “At sa kabilang team pa ang sinusuportahan mo. Mahiya ka naman.” They were bestfriend since first year college. Magkaklase kasi sila sa kinukuhang kurso. Sa kasalukuyan ay pangatlong taon na nila sa kursong Journalism. Nag-pout siya. “Eh, ikaw ba, sino ba’ng bet mo?” Andrea rolled her eyes. “’S’yempre yung team natin.” “Ikaw talaga. Wala ka talagang support sa kapatid mo.” “Loyal ako sa school natin, eh,” giit nito. “At saka hindi kawalan iyon sa kanya dahil marami nang mga babaeng nagtsi-cheer for him. At kabilang ka na doon.” She smiled sheepishly. “Alam mo namang matagal ko nang crush iyang kuya mo, eh.” Andrea snorted. “At matagal ko na ring sinasabi sa’yo na lubayan mo na ang pagkahumaling sa kuya ko.” Nakakatandang kapatid ng kaibigan niya si Alexis. At ito ring kaibigan niya ang dahilan kung bakit hanggang pantasya lang siya kay Alexis. Tuwing napag-uusapan nilang dalawa ang kuya nito ay nagiging ganoon ang reaksiyon ng kaibigan niya. Lagi nitong sinasabi na lubayan na niya ang pagkahumaling sa kuya nito. Ilang ulit nga niyang ipinakiusap dito na ipakilala naman siya nito sa kuya nito pero tigas ang pagtanggi ng kaibigan niya. “Tell me Andrea, bakit ba ayaw mo akong ipakilala sa kuya mo mo? Pati cellphone number niya hindi mo man lang maibigay sa'kin,” medyo naghihimutok na sambit niya. “Maganda naman ako, ah. Sexy pa. Bagay naman kami. At saka hindi naman kasiraan sa lahi niyo kapag ako ang napangasawa niya.” She heard her sighed. “I just don't want you to get hurt, Carrie. Alam mo namang playboy si Kuya ‘di ba? Walang sineseryosong babae iyon. Isa pa, masama rin ang ugali no'n.” Alexis is twenty three years old and a fifth year engineering student sa isang sikat na unibersidad. Actually, kalaban nga ng eskuwelahan nila ang pinapasukang university ng binata. Limitado lang ang alam niya tungkol sa lalaki. Kapag kasi nagtatanong siya kay Andrea tungkol sa kapatid nito ay hindi naman siya nito sinasagot. “Alam mo Andrea, ikaw lang ang kilala kong tao na sinisiraan ang kapatid nila.” “Sinasabi ko lang naman ang totoo, eh,” nakaingos na sagot nito. “Kaya hindi kayo bagay ni Kuya. You deserve someone better.” “Ang sama mo talagang kapatid. Isumbong kita sa Kuya mo, eh.” “As if naman magkakilala kayo.” Inirapan niya si Andrea. “Nakakainis ka talaga. Basta kahit anong sabihin mo, crush ko pa rin si Alexis. Don't worry, crush lang naman, eh.” Narinig niya ang pagpapakawala nito ng buntong-hininga. “Ewan ko sa'yo. Bahala ka na. Basta ako, mag-aaral na lang ako. Bahala kang bumagsak sa midterms bukas.” “Hey, wait for me.” Isang beses pa siyang sumulyap kay Alexis bago sinundan ang papaalis na kaibigan. NGINITIAN ni Carrie ang sarili sa harap ng salamin. Hindi siya makapaniwala na nandito siya ngayon sa loob ng condo unit ni Alexis. Matutupad na ang isa niyang hiling na makilala ang hinahangaang lalaki. Hindi nga lang bilang si Carrie Rodriguez na kaibigan ni Andrea kundi bilang isang maid. Yeah. Isa siya ngayong katulong. At iyon ay dahil sa kaibigan niyang si Andrea. Naalala pa niya ang naging huling pag-uusap nila ni Andrea. “Andrea, I have something to tell you.” “Ano naman iyo? Huwag mo'ng sabihing may kinalaman kay Kuya iyan.” “Well. Sort of.” Nakita niya ang pagsaslubong ng kilay nito. “Let's not—” “Makinig ka muna sakin Andrea,” sansala niya rito. Agad naman itong tumahimik. “I'm leaving,” sambit niya. “Sa States na ako mag-aaral.” Napagdesisyunan na ng mga magulang niya na sa Amerika na tuluyang manirahan. Doon kasi naka-base ang family business nila. Nagulat ito sa sinabi niya. “Seryoso?” Tumango siya. “Yeah.” “Kailan ka naman aalis?” “Next month.” “Next month?” gagad nito. “Bakit ang bilis naman yata.” She sighed. “Doon na kasi kami titira. Alam mo na, business.” “I will miss you, Carrie.” Nabahiran ng lungkot ang boses nito. “Ako rin.” Tiningnan niya ito. “Andrea, can I ask a favor?” Ngumiti ito. “Sure. Ano ba iyon?” She bit her lower lip. “It's about your brother.” Nawala ang ngiti nito. “Kahit anong favor, Carrie. ‘Wag lang may kinalaman kay Kuya.” “Please Andrea. Tulungan mo na akong mapalapit sa kuya mo. One month lang naman, eh. Hanggang sa makaalis na ako. Gusto ko lang talaga siyang makilala ng personal bago man lang ako maalis.” “I'm sorry—” “Please,” pakiusap niya. “Sige na Andrea. Ito lang naman ang favor ko sa'yo, eh.” Saglit na tumahimik ito. “Alright.” Napayakap siya rito sa sobrang katuwaan. “Thanks Andrea.” “But you should promise me one thing.” “And that is?” Seryosong tiningnan siya nito. “Do not fall in love with him.” “Syempre hindi,” kampanteng sagot niya. Iyon ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa ganoong ayos. Akala kasi niya ay ipapakilala siya ni Andrea nang personal sa Kuya nito. Iyon pala ay gagawin siya nitong katulong sa pad ng binata. Nakakainis naman. Pero kunsabagay ay okay na rin iyon. Tiningnan niya ang sarili sa habang suot ang maids uniform. Maganda pa rin naman siya kahit ganoon ang porma niya. May access pa siya sa pad ng binata. Imagine, mahahawakan niya ang mga gamit nito. Hindi niya lang ito basta makikilala. Araw-araw niya itong makikita sa loob ng isang buwan. Kapagkuwan ay inilabas niya ang isang papel mula sa kanyang bag. Ibinigay iyon sa kanya ni Andrea kasama ng uniform na suot na niya ngayon. Nakasulat sa papel na iyon ang mga trabahong dapat niyang gawin. Binasa niya iyon pagkatapos ay bumuntong-hininga siya. Bigla siyang nagdalawang isip kung tama nga ba ang napasok niya. Hindi naman kasi siya marunong sa kahit na anong gawaing bahay. Mas lalong hindi siya sana'y na utusan ng kung sino. Pero hindi basta kung sino ang paglilingkuran niya. Si Alexis lang naman. Bahala na nga, nasabi na lang niya sa sarili. Basta ang mahalaga, makikilala na niya si Alexis. NAALIMPUNGATANG iminulat ni Carrie ang mga mata. Mabilis siyang tumayo sa sofa nang biglang matauhan. Sinulyapan niya ang orasan sa dingding. Alas siyete na pala. Medyo napagod siya sa paglilinis ng pad ni Alexis kanina kaya siya nakaidlip. Hindi naman ganoon karumi ang condo nito pero dahil hindi nga siya sanay sa mga ganoong klase ng gawain ay napagod siya agad. “Mabuti naman at gising ka na.” Nanlalaki ang mga matang binalingan niya ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Si Alexis! Oh my gosh! Muntik na siyang mapahawak sa kanyang dibdib sa pagkabigla. Talaga ngang si Alexis ito. At papalapit ito sa kanya. Grabe, napakaguwapo pala nito sa malapitan. At ang tangkad pa. Ngayon niya lang ito nasilayan sa ganoon kalapit. Nakikita niya lang kasi ito kapag naglalaro ito ng soccer. Bigla siyang na-conscious sa sarili. Kagigising lang niya mula sa pagkakaidlip kaya siguradong haggard ang hitsura niya. Shucks! Pinagmasdan siya nito. “Ikaw ba iyong bagong katulong na ipinadala ni mama rito?” Tumikhim siya. “Yes, S-sir. Ako nga po.” Oo nga pala. Kailangan niyang ipakilala rito ang sarili bilang isang katulong. “Ano'ng nangyari kay Manang Celia?” kunot-noong tanong nito. Manang Celia? Ah, baka ang tinutukoy nito ay ang dating katulong na nagpupunta sa pad nito. Ibig sabihin pala, matanda ang katulong nito sa condo. Mabuti naman kung ganoon. “W-wala na po siya, sir. Umuwi na siya ng probinsya.” Kainis, bakit ba siya nag i-stummer. Ito naman kasing si Andrea, tinuturuan pa siyang magsinungaling. Nakita niya ang pagtango nito. “Siguro naman alam mo na kung ano ang mga dapat gawin?” “Yes sir,” sagot niya. “Nakapagluto na rin ako ng dinner.” Ang totoo niyan, hindi naman talaga siya nagluto. Bumili lang siya ng pagkain sa may malapit na restaurant. “Okay.” Tiningnan nito ang suot na relong pambisig. “Pwede ka nang umalis.” “Wala ka na bang ibang ipapagawa, sir?” tanong niya. “Wala na. Siga na. You can go.” “Sige, sir. Goodnight.” Palabas na siya ng pad nito nang muli siya nitong tawagin nito. “I forgot to ask your name,” wika nito nang lumingon siya. She smiled. “My name’s Carrie, sir.” Kumunot ang noo nito. “Carrie?” Nakangiting tumango siya. Bakit parang ang sarap pakinggan ng pangalan niya kapag ito ang bumigkas? “Yup. C-A-R-R-I-E. Carrie.” Tumango ito. “Okay. Goodnight, Carrie.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD