Seven

2548 Words
“CARRIE, hija. Halika na sa komedor. Nakahanda na ang hapunan.” Nag-angat ng tingin si Carrie mula sa binabasang paperback novel patungo kay Manang Dely na nasa harap niya ngayon. Napatingin siya sa suot wristwatch. Hindi niya namalayang inabot na pala siya ng ilang oras pagbabasa. “Sige po, Manang. Pupuntahan ko lang si Xander.” Naabutan niyang natutulog ang ang anak niya pagpasok niya sa kwarto. “Xander...” mahinang tinapik-tapik niya ang braso nito ng bigla siyang mapakunot-noo. Parang mainit sa karaniwan ang temperatura nito. Sinalat niya ang noo nito. Doon niya nakumpirma na may sinat ito. Naaalimpungatamg iminulat nito ang mga mata. “Mommy, I’m not feeling well,” matamlay na wika nito. “Just stay here, okay? I’ll get some food for you. So you can take your medicine,” masuyong wika niya sa anak. “Bakit hindi mo kasama ang anak mo?” tanong ni Manang Dely sa kanya pagdating niya sa dining area. “May lagnat po siya. Nanibago siguro sa klima dito,” sagot niya rito. “Mamaya na po ako kakain. Dadalhan ko muna ng dinner si Xander. Mauna na po kayo ni Elisa na maghapunan.” Ang tinutukoy niya ay ang anak nito na kasama nila sa bahay. “Ganoon ba?” anang matanda. “Gusto mo ba’ng magpatawag ako ng doktor?” “Huwag na po,” tanggi niya. “Simpleng trangkaso lang po siguro iyon.” Hindi naman ito ang unang beses na nagka-lagnat ang anak niya kaya alam niya ang dapat gawin. “Sige, ikaw ang bahala. Basta kung may kailan ka, tumawag ka lang.” Nginitian niya ito. Talagang napakabait nito. Mula pagkabata ay dito na ito nagtatrabaho sa kanila. Higit pa sa isang kasambahay ang turing ng pamilya niya rito. Pagkatapos makakuha ng pagkain at gamot ay bumalik na siya sa silid na anak. Hindi pa rin ito bumabangon mula sa pagkakahiga. “Get up Xander. You need to eat.” Umiling-iling ito. Pumalatak siya. Sa mga ganitong pagkakataon ay nagsisisi siya kung bakit hinayaan niyang i-spoiled ng mga magulang niya si Xander. “Come on, Xander. You need to take your medicine. But you have to eat dinner, first.” “Mommy, ayaw ko mag-eat.” Kung wala itong sakit ngayon ay malamang na natawa na siya sa pananagalog nito. Sa Amerika kasi ay tinuturuan ito ng mama niya na magsalita ng Tagalog. “Mom, I want to see Daddy,” kapagkuwan ay wika nito. Kumunot ang noo niya. “You’re dad is busy, Xander.” “Please, mom. I will eat dinner if you’ll call dad and tell him to go here.” Wala na siyang nagawa kundi tumango. Nag-aalala kasi siya dahil may sakit ito. Tumayo siya para kunin ang cell phone niya nang ma-realize niyang wala nga pala siyang number ni Alexis. Nag-aalangan naman siya kung tatawagan si Andrea. Baka kasi makaistorbo siya sa mag-asawa. Pero sa huli ay wala rin siyang napagpilian kundi tawagan ang kaibigan. “Andrea?” “Carrie?” Nahimigan niya ng pagkabigla ang boses nito. “Friend, sorry talaga sa nangyari.” “Ayos lang iyon,” balewalang sagot niya. “Okay na rin naman kami ni Alexis.” “Talaga?” Biglang lumakas ang tinig nito. “Kayo na ni Kuya?” Nagsalubong ang kilay niya. “Ano’ng kami na? Hindi, ah.” “Eh, anong sinasabi mo d’yan na okay na kayong dalawa?” “I mean, pagdating kay Xander. Napag-usapan na namin ang tungkol sa anak namin.” Matapos ang naging pag-uusap nila kahapon at tuluyang makilala ang anak niya ay nakiusap sa kanya si Alexis na kung maaari ay magtagal pa sila sa bansa. Wala namang problema iyon dahil naka-indefinite leave siya sa trabaho at summer vacation naman. Ang inaalala lang niya ang kanyang sarili. Hindi lingid sa kanya na magiging madalas ang pagkikita nila dahil kay Xander. Hindi niya alam kung makakaya ba niyang makasama ito ng madalas. Pero bahala na, gagawin niya ang lahat mapasaya lang ang kanyang anak. “Ah...bakit naman napatawag ka?” “Hihingin ko sana ang number ni Alexis sa’yo.” “Number ni Kuya?” tanong nito. “Oh my gosh! Sabi na nga ba hanggang ngayon may feeling ka pa rin kay Kuya,” panunukso nito mula sa kabilang linya. “Of course not,” maagap na sagot niya. “Kailangan ko lang siyang tawagan dahil kay Xander. It’s not what you think, Andrea. Iyon lang iyon!” “Eh, bakit parang defensive ka?” natatawang sambit nito. “Hindi, ah,” mariing giit niya. Bakit ganoon si Andrea? Dati ay naiinis ito sa tuwing pinag-uusapan nila si Alexis. Samantalang ngayon mukhang tuwang-tuwa ito sa pang-aasar sa kanya. “Tama na nga iyan. Ibigay mo na lang ang number ng Kuya mo.” “Oo na. Ise-send ko na lang sa’yo.” Kapagkuwan ay natanggap na niya ang numero ng lalaki. Agad niya itong tinawagan. “Hello, Alexis?” “Carrie?” Nagtaka siya. Paano nito nalamang siya nga iyon? Wala naman siyang numero sa binata. “Alexis, pasensya na kung naistorbo kita.” “Hindi naman ako busy. Mukhang importante ang sasabihin mo.” “Yeah. It’s about Xander.” “What about him?” nag-aalalang tanong nito. “May lagnat kasi siya. Kaya kung pwede sana na pumunta ka rito saglit. Pero kung busy ka, okay lang naman—” “I’ll be there in a minute.” Then he hung up the phone. “DADDY!” Bumangon si Xander mula sa kama para salubungin ang ama nito pero maagap na pinigilan ni Carrie ang anak. “Don’t move too much!” saway niya sa anak. Napatingin siya kay Alexis na sumungaw mula sa bumukas na pinto ng kwarto. Ibinilin na niya kasi kay Manang na padiretsuhin na ang lalaki oras na dumating ito. At talagang tinotoo nga nito ang sinabi nito kanina sa telepono. Ilang minuto lang kasi ang nakalilipas at nandhto na ito. Mukhang kagagaling lang nito sa opisina. Suot pa kasi nito ang business attire nito. Napagalaman niya na vice president ito sa kompanya ng pamilya nito. “How’s my baby?” tanong ng lalaki kay Xander paglapit nito sa kanila. Nagsalubong ang kilay ng anak nila kasabay ng paghalukipkip nito. “I’m not a baby anymore,” reklamo nito. Alexis chuckled. “I’m just kidding.” Itinaas nito ang hawak na basket. “Here. I brought some fruits for you.” Idinampi nito ang palad sa noo ni Xander. “You’re so hot!” Binalingan siya ni Alexis. “Tumawag ka na ba ng doctor?” “No need to call a doctor,” sagot niya. “Napainom ko na siya ng gamot.” Kumunot ang noo nito. “Bakit hindi natin siya dalhin sa ospital?” Hindi niya alam kung matatawa ba o maiinis siya sa reaksiyon nito. Para kasing ito pa ang may sakit kung makapag-panic. Sa huli ay napailing na lang siya. “Don’t worry Alexis. Maya-maya ay bababa na rin ang lagnat niya. Hindi na natin siya kailangang dalhin sa ospital.” “Are you sure?” diskumpiyado pa ring tanong nito. “Paano kung hindi lang iyan simpleng lagnat?” Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Xander. “Mommy’s right, dad. No need to freak out. It’s just a simple fever. Besides, I’m feeling better now.” Doon lang parang nakahinga ng maluwag ang lalaki. Tumikhim siya. “Alexis nag-dinner ka na ba?” Alanganing ngumiti ito. “Hindi pa nga, eh.” “Then daddy, you should eat first,” wika ni Xander na ikinagulat ni Alexis. “Xander, take a rest,” baling niya sa anak. Inalalayan niya ito sa paghiga. “Ipaghahain ko lang si-ang daddy mo ng dinner, okay?” “Okay, mom,” sagot nito sa kanya. Pagkatapos ay si Alexis naman ang binalingan nito. “Thank you for coming, Daddy.” Marahang pinisil ni Alexhs ang ilong nito. “You’re always welcome, little boy.” “Alexander can understand tagalog?” tanong sa kanya ni alexis paglabas nila ng kwarto ng anak. “Yup.” Tumango siya. “Tinuturuan kasi siya ng lola niya na magtagalog.” Tumango-tango ito. Pagdating nila sa dining ay wala roon si Manang Dely kaya siya na mismo ang naghanda ng pagkain. “Pasensya na nga pala kung inabala kita,” wika niya rito habang inilalapag ang kubyertos sa dining table. “It’s my responsibility as his father,” nakangiting sagot nito. “By the way, thank you dito sa dinner, ah,” anito bago magsimulang kumain. “Wala iyon.” “Why don’t you join me?” baling nito sa kanya. Nakaupo lang kasi siya sa harap nito. “Busog pa kasi ako,” tipid na sagot niya. “Marunong ka na bang magluto ngayon?” Bahagya siyang nabigla sa tanong na iyon. “Hindi pa rin, eh. Wala talagang akong talent sa pagdating sa kusina.” Idinaan na lang niya sa biro ang sagot. Bumalik sa ala-ala niya ang mga panahong nagsilbi siyang katulong sa binata. Napatingin tuloy siya rito. “May problema ba sa mukha ko?” kasabay ng pagtitig niya rito ay ang pag-angat nito ng tingin. “W-wala,” mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Unti-unti niyang naramdaman ang pagbabago ng t***k ng kanyang puso. Ang pamilyar na t***k na iyon. Hindi maaari... “Sige. Aakyat muna ako.” Tumayo siya upang lumayo rito. Hindi niya nagugustuhan ang hinahayon ng dibdib niya. Pagpasok niya sa silid ng anak ay narinig din niya ang muling pagbukas ng pinto. Sinundan din pala siya ni Alexis. “Tapos ka nang kumain?” tanong niya. “Yeah.” He smiled lopsidedly. Pinagmasdan niya ang anak. Natutulog na ito ngayon. Inayos niya ang comforter na nakakumot dito. Muli niyang sinapo ang noo nito. Bumaba na ang lagnat nito. “Bumaba na ang lagnat niya,” wika niya kay Alexis. Ngumiti ito. “Mabuti naman.” “Pwede ka na ring umalis para ikaw naman ang makapagpahinga.” Kahit hindi nito sinasabi ay alam niyang pagod ito sa trabaho. “Tinataboy mo ba ako?” “H-hindi naman. Inaalala lang din kita.” Lumawak ang pagkakangiti nito. “Did I hear it right? Concern ka sa’kin?” Lihim na kinagat niya ang ibabang labi. Nang-aasar ba ito or what? Bakit pa niya nasabi iyon. Baka kung ano tuloy ang isipin nito. Lumapit si Alexis at naupo sa isang stool sa tabi ng kama ni Xander. “'Wag mo muna akong paalisin. Dito muna ako.” Biglang naging seryoso ang tinig nito. “Tulog na si Xander. Isa pa, maayos na rin naman ang lagay niya,” wika niya. “Hindi mo na kailangang gawin ito.” Batid niyang nakakapanibago para rito ang biglaang pagkakaroon nito ng anak. Sa isang iglap ay nagkaroon ito ng malaking responsibilidad sa buhay. “Hayaan mo na akong gawin ‘to, Carrie,” mahinang sambit nito. “Aalis din naman ako kapag gusto ko nang umalis.” Matamang tiningnan siya nito na parang nakikiusap. “Sige. Bahala ka,” wika niya. Hindi niya ito masusuway sa nais nitong gawin. Akmang tatayo siya para hayaan itong mag-isa sa tabi ni Xander nang pigilan siya nito. “Bakit?” She creased her forehead. “Can I ask for a favor?” “Ano’ng favor?” Tila nag-aatubili itong magsalita. “Pwede ka bang magkwento sa’kin ng mga bagay tungkol sa anak natin? Kung paano siya lumaki, hanggang sa kung ano siya ngayon?” Napatitig siya rito. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula rito. Napangiti siya. “Sure. Pero mas mabuti siguro kung sa labas tayo. Baka magising si Xander.” Nagpatiuna siya patungo sa terrace at nakasunod naman sa kanya si Alexis. “Saan mo gustong mag-umpisa?” “From the start,” tipid na sagot nito. Huminga siya ng malalim. “Noong time na nalaman kong buntis ako, I admit na natakot talaga ako. Wala kasi akong kasiguraduhan kung ano na ang mangyayari sa'kin. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ang ganoon kabigat na responsibilidad. Hindi ko alam kung magiging mabuting ina nga ba ako sa kanya. Mabuti na lang at nandyan ang parents ko para sa'kin. Sila ang nagpalakas ng loob.” She sighed again then smiled. “Nang dumating si Xander. Napawi ang lahat ng pangamba ko. Isa lang ang nasa isip ko noong time na iyon. Kailangan kong maging isang mabuting ina para sa kanya.” “You’re indeed a wonderful mother, Carrie. Napalaki mo ng mabuti ang anak natin.” “Thank you,” ngumiti siya at itinuloy ang pagkukwento. “Ang kulit-kulit niyang bata. Sa tuwing galing ako sa trabaho, napapawi ang pagod kapag nakikita ko siya. Sa unang hakbang niya, sa unang pagsasalita niya. Hindi ko maipaliwanag kung gaanong kasiyahan ang dulot no’n sa’kin. Hay… ganito pala ang feeling ng isang magulang. Hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko.” “I’m sorry Carrie,” wika ni Alexis. “Sorry dahil wala ako sa tabi mo noong mga panahong kailangan mo ako.” He was looking at her eyes directly. She can see regret in his eyes. “Hindi man lang kita nadamayan. Limang taon akong wala sa tabi mo. Nanghihinayang ako na hindi ko man lang nasaksihan ang anak natin nang isilang siya sa mundong ito. Hindi ko man lang nakita kung paano mo ipinagbuntis si Xander. Wala ako sa mga oras na kailangan ninyo akong dalawa.” “Huwag mo’ng sisihin ang sarili mo,” sinserong pahayag niya rito. “Bakit nga ba hindi mo nagawang sabihin sa’kin Carrie?” Napayuko siya. “I was about to,” mahinang sambit niya. “Bumalik ako ng Pilipinas para sabihin sa’yo ang kalagayan ko. Nagpunta ako sa condo mo pero wala ka roon. Then nagpunta ako sa bahay ninyo. Naabutan ko na kasalukuyang nagaganap ang engagement party mo.” She was very depressed that time. Pakiramdam nga niya ay unti-unting nabibiyak ang puso niya sa nasaksihan. Pero pinilit niyang magpakatatag para sa magiging anak niya. Nabigla ito sa ipinagtapat niya. “Si Andrea? Alam ba niya na umuwi ka pala noong araw na iyon?” “No. Hindi ko rin sinabi sa kanya. Bumalik na rin naman agad ako sa Amerika.” Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kapagkuwan ay naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Nabigla siya nang hawakan nito ang isang kamay niya. “Marami na talaga akong pagkukulang sa inyo ni Xander. Gagawin ko ang lahat para mabawi ko ang limang taong nawala.” Pasimpleng binawi niya ang kamay mula rito. Hindi niya gusto ang epektong hatid niyon sa kanya. “Hindi mo naman ‘to kailangang gawin. Alam ko na nahihirapan ka sa ganitong sitwasyon. Naa-appreciate at ipinagpapasalamat ko ang effort mo pero ayoko rin na makaabala sa buhay mo.” He sighed. “I admit na noong nalaman ko ito mula kay Andrea, I was shocked. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang reaksiyon ko. But when I finally meet Xander, naliwanagan ang isip ko. I want to spend my time with him. I want to be a good father. Sana ay hindi mo ako pagbawalan na gawin ang mga bagay na iyon.” She smiled at him. “Of course.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD