Eight

2787 Words
NILAPITAN ni Carrie ang anak na kasalukuyang nasa garden. Nakapangalumbaba ito habang nakatingin sa kawalan. “Xander, why do you look so sad?” “'Tagal kasi ni Daddy. I've been waiting for him for almost an hour already,” nakasimangot na sambit ng anak niya. Pinilit niyang ngumiti at bahagyang ginulo ang buhok nito. “Don’t worry, he’s already on his way here,” pag-aalo niya rito. Ngayon kasi ang araw kung kailan ipinangako ni Alexis sa anak nila na ipapasyal nito ang huli. Kanina pa nakabihis si Xander pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Alexis. Muli siyang napatingin sa mukha ng anak. He looked so disappointed. At iyon ang emosyong ayaw niyang nakikita sa mukha nito. She tried to call Alexis pero unattended ang phone nito. Lihim na nagngitngit siya. Paano kung hindi pala ito makakapunta ngayon? Ito na nga ba ang sinasabi niya, eh. Nangangako ito pero hindi naman tutuparin. Pinapaasa lang nito ang anak nila. Kapagkuwan ay natanaw na rin niya ang paghinto ng kotse sa tapat ng bahay nila. Hindi na niya pinigilan ang anak sa pagsalubong nito kay Alexis. Paglapit ng mag-ama sa kanya ay binigyan ng masamang tingin si Alexis. “Xander, will you please call ate Elisa. She’s in the kitchen,” wika niya sa anak. Agad naman itong tumalima. Ngayon ay silang dalawa na lang ni Alexis ang nandoon. Maaari na niyang ipakita ang pagkayamot niya rito. “Bakit ngayon ka lang?” sikmat niya rito. “Pasensya na kung na-late ako ng dating,” apologetic na wika nito. “Next time, huwag mo nang paghihintayin si Xander. O kaya, huwag ka ng mangangako kung hindi mo naman mapapanindigan,” salubong ang kilay na saad niya. “Alam mo bang halos mamuti ang mata ni Xander sa kahihintay sa’yo.” “I’m really sorry, Carrie,” wika nito. “Nagkaroon kasi ng kaunting aksidente sa daan kaya na-late ako.” “Next time umisip ka naman ng kapani-paniwalang dahilan.” Umismid siya. Ano’ng akala nito? Maniniwala siya rito basta-basta? Baka may kasama lang itong babae. Gusting magngitngit ng kalooban niya sa isiping iyon. “Ma’am Carrie, pinapatawag n’yo raw po ako?” Nandito na pala si Elisa kasunod ang kanyang anak. “Ah, wala Elisa. Ituloy mo na lang ang ginagawa mo.” “Daddy, shall we go?” naiinip na tanong ng kanyang anak kay Alexis. Sinulyapan siya ni Alexis bago sinagot ang anak. “Ask your mom?” Itinaas niya ang isang kilay. “Ha? I’m not going with you.” Wala naman siyang balak na sumama sa lakad ng mga ito. Gusto niya kasi na magkasolo time ang mag-ama. Para naman makapag-bonding ang mga ito. Hinawakan ni Xander ang kamay niya at hinila-hila iyon. “Sama ka na, mommy.” “Oo nga naman,” segunda ni Alexis na ngayon ay ngingiti-ngiti na. “Sumama ka na para mas masaya.” “Please, mommy,” wika ni Xander na nagpa-cute pa sa kanya. Ginagawa nito iyon sa tuwing nanghihingi ng pabor sa kanya. She let out a sigh. “Alright. I’ll just change my clothes.” “Thank you, mom. You’re the best!” Pinisil niya ang pisngi nito. “Anything for you baby.” Tumalikod na siya. Sa peripheral vision niya ay nakita niya ang pag high five ni Alexis sa kanilang anak. Ipinagkibit balikat na lang niya ang bagay na iyon. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagbihis ng damit. She decided to wear a simple light blue dress. Nag-apply din siya ng manipis na make-up. Nang makontento sa ayos ay agad na siyang bumaba. “You’re so beautiful, mommy,” nakangiting wika ng anak sa kanya. “Nambola ka pa.” Napatingin siya kay Alexis. Nakita niya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito. “Our son is right. Hindi siya nambobola,” nakangiting sambit nito. Pakiramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. She was going to thank Alexis for the compliment nang maalala niyang may kasalanan nga pala ito. “Ang mabuti pa, umalis na tayo,” sa halip ay wika na lang niya. “Okay,” Alexis said. Nauna nang tinungo ni Xander ang kotse. Siya naman ay inalalayan ni Alexis. “'Wag mo ma akong alalayan,” saway niya rito. “I can handle myself.” “Galit ka pa rin ba?” Ipinagpatuloy niya lang ang paglalakad hanggang makarating sa kotse. Napaawang ang labi niya nang mapansin ang malaking gasgas sa kotse ni Alexis. Kung gayon, ay nagsasabi nga ito ng totoo kanina. Binalingan niya ang lalaki. “Naaksidente ka?” “May nakagitgitan lang,” kibit-balikat na sagot nito. She bit her lower lip. She felt guilty. Nagawa pa naman niyang magalit at magngitngit dito samantalang totoo naman pala ang sinabi nito. Hindi naman pala talaga nito sinadya ang pagiging late nito. “O-okay ka lang ba?” tanong niya habang nakaiwas ang mga mata. Hindi siya makatingin ng diretso dito. Nahihiya siya sa inasal niya kanina. “Don’t worry. Kotse ko lang ang nagasgasan,” sagot nito. Binuksan nito ang pinto ang passenger seat. “Get in.” MASAYANG pinagmasdan ni Carrie si Alexis at si Xander. Nandito sila ngayon sa amusement park. Ngayon lang niya nakita ang ganoong klaseng kasiyahan sa mukha ng anak. Enjoy na enjoy ito sa pamamasyal kasama ang ama nito. Ilang araw pa lang ang mga itong magkasama pero kung titingnan ay parang matagal na ang pinagsamahan ng dalawa. She was happy, at the same time, worried. Masaya siya para sa kanyang anak. Pero nangangamba rin siya sa kung ano’ng maaaring kahantungan ng pagiging super close ng mag-ama. Hindi niya pwedeng kalimutan na nagbabakasyon lang sila dito sa Pilipinas. Paano na kapag kailangan na nilang bumalik ng Amerika? Tiyak na mahihirapan ang anak niya kung masyado itong maging attached kay Alexis. Kaya nga hangga't maaari ay ayaw niyang magkalapit ng loob ang anak niya kay Alexis. Pero ano ba ang magagawa niya kung nakikita niyang ang sobrang kasiyahan sa anak niya kapag kasama nito si Alexis. Hindi niya iyon kayang ipagdamot sa anak. “Mommy!” Hinatak nito ang kamay niya para makuha ang atensyon niya. “Yes, Xander?” Itinuro ng isang daliri nito ang direksyon ng haunted house. “Let's go there.” “Ha?” Nanlaki ang mga mata niya. “No, baby. We can't go there.” “Daddy please.” Ang ama naman nito ang binalingan nito. “Sure.” Then he looked at her. “No.” Medyo napalakas ang boses niya. “Something wrong?” baling sa kanya ni Alexis. “Namumutla ka yata.” Umiling-iling siya. “W-wala. Basta hindi tayo pwedeng pumasok roon.” He smiled mockingly. “Why? Huwag mo’ng sabihing natatakot ka?” “Of course not,” mariing tanggi niya. “Hindi naman pala, eh.” Makahulugang tiningnan nito ang anak nila. Hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Hinila siya ng dalawa palapit sa haunted house. Bago pa sila pumasok ay biglang huminto ang anak nila. “Mommy, it looks scary,” nakangiwing wika nito. She felt relieved. “Then we should go somewhere else.” Umiling-iling ang anak niya. “Kayo na lang ni Daddy, please.” Napaawang ang mga labi niya. “Ha?” “Yeah, tayong dalawa na lang,” biglang saad ni Alexis. Pagkatapos ay nakangiting bumaling ito sa anak nila. “Xander, stay here and wait for us, okay?” Nagsalubong ang kilay niya. “Ano ba Alexis? Hindi natin pwedeng iwan dito si Xander.” “Don’t worry, mom. I’ll be okay here,” nakangiting wika ni Xander. “Ma’am, sir, kami po muna ang bahala sa anak n'yo,” sambit ng isang crew na nangingiti sa kanila. “See?” nakangising wika ni Alexis. “No need to worry. Tara na.” Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Hindi pwede.” Pinilit niyang kumawala mula rito pero hindi niya magawa. Nakakaasar. At talagang pinagkaisahan pa siya ng mag-ama. “Miss, ‘wag ka nang umarte d’yan. Nakaharang kayo sa daan,” kunot-noong wika ng isang babae sa likod niya. Bago pa siya tuluyang mapahiya ay nahila na siya ni Alexis sa loob ng haunted house. She immediately close her eyes. “Bakit ka nakapikit? Natatakot ka ba?” narinig niyang wika ni Alexis. “Shut up!” singhal niya rito habang nakapikit pa rin. “I’ll kill you for this, Alexis!” He chuckled. “Takot ka pala sa mga ganitong lugar.” Napakislot siya ng makarinig ng mga sigawan. Bata pa lang siya ay takot na siya sa mga ganitong lugar. Hindi rin niya alam kung bakit. Lalo pang nadagdagan ang takot niya nang pagtrip-an siya ng mga classmate niya noong high school. Iniwan siya ng mga ito sa loob ng haunted house. She was very scared that time. Simula noon ay ipinangako na niya sa sarili na hindi na siya tutuntong pa sa lugar na iyon. Until now. At dahil iyon kay Alexis. Muli siyang nakarinig ng mga malalakas na sigaw. Awtomatikong isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Alexis. “Don’t be scared, Carrie. You’re safe with me,” masuyong wika nito sa kanya. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. Ngayon ay nakasubsob na siya sa dibdib nito. Suddenly, she felt safe and secured. Dagling nawala ang takot na naramdaman niya. Subalit napalitan naman iyon ng mabilis na t***k ng kanyang puso. Nagumpisang magrigodon ang dibdib niya sa kakaibang pagkislot ng kanyang puso. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Doon niya napagtanto ang posisyon nila. Mabilis siyang kumawala mula kay Alexis. But it was a wrong move. Dahil sa ginawa niya ay hindi sinasadyang natapilok siya. Mabuti na lang at maagap siya nitong nahawakan kaya hindi siya natumba. Narinig niyang pumalatak ito. “Kaya mo pang maglakad?” “Yeah,” nakangiwing wika niya. Sinikap niyang humakbang pero masakit talaga. Isa pa, talagang mahihirapan siya dahil naka high-heeled pumps siya. Kahit madilim ang paligid ay nakikita niya pa rin ang concern sa mga mata nito. “Let me help you.” Sa gilalas niya ay kinarga siya nito. Tila walang kahirap-hirap na ginawa nito iyon. “Hey, ibaba mo ako,” utos niya rito. “Paano kita mababa, eh, mukhang hindi ka nga makalakad ng maayos. Isa pa, baka lalo lang lumala iyang sprain mo. Madilim pa naman.” “Kaya ko namang maglakad. Put me down.” “Kapag ibinaba kita, iiwan kita rito,” tila nagbabantang wika nito. “Nakakatakot pa naman.” Natahimik siya bigla. Hindi niya gustong maiwan. Kahit labag sa loob niya ay hinayaan niyang buhat siya nito. Nang makalabas sila ay nilapitan sila ng ilang crew kasama ang anak nila “Sir, ano po’ng nangyari kay ma’am?” tanong ng isang crew. “Na-sprain siya,” sagot nito. “Get some cold compress, please,” utos nito sa crew. “Mommy, are you alright?” tanong ni Xander. Alanganing nginitian niya ang anak. “Yeah.” “Alexis, ibaba mo na ako,” utos niya sa lalaki. Dahan-dahan siyang ibinaba ni Alexis sa isang bench. Pagkatapos ay yumukod ito sa kanya. “Let me see it.” “Ha?” Namalayan na lang niyang tinatanggal na nito ang high-heeled shoes niya. Malakas na pumalatak ito nang makita ang bahagyang pamumula ng bukong-bukong niya. “Daddy, I think we should bring mom to the hospital,” suhestiyon ni Xander. “You’re right, Xander. We will bring mommy to the hospital.” “No need,” kontra niya sa mga ito. “Simpleng sprain lang iyan. Konting pahinga lang ang kailangan.” Nagsalubong ang kilay na binalingan ni Alexis ang isa pang crew ‘di kalayuan sa kanila. “Nasaan na iyong cold compress na hinihingi ko? Bakit wala pa?” “Sir, parating na po iyon,” sagot nito. “Gusto n’yo bang ireklamo ko kayo sa manager n’yo? O kung idemanda ko na lang itong amusement park na ito?” “Alexis,” saway niya sa lalaki. Sumosobra na kasi ang sinabi nito sa pobreng crew. Kung tutuusin ay wala namang dapat sisihin sa nangyari kundi ang sarili niya. Kapagkuwan ay dumating na rin ang isang crew na may dalang cold compress. “Sir, pasensya na po kung natagalan.” She smiled at the crew. “It’s okay.” Idinampi ni Alexis ang cold compress sa sprain niya. Inagaw niya iyon mula rito. “Ako na.” Masuyong hinawi nito ang kamay niya. “No. Ako na. Ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sa’yo ‘to.” She let out a sigh. Hinayaan niya na lang itong gawin iyon kaya nga lang, naiilang siya sa ginagawa nito. “Mommy, daddy, I’m hungry. Let’s eat na,” kapagkuwa’y wika ni Xander. Binalingan niya ang anak. “Then let's go. Okay naman na itong paa ko,” wika niya. Nabawasan na kasi ang pamamaga niyon. Sa tingin niy ay hindi na siya mahihirapang ilakad iyon. “’You sure?” tanong ni Alexis. “Yeah. Give me back my shoes,” utos niya rito. Nasa gawi nito ang sapatos niya. Kinuha nito ang pares ng sapatos. Pero sa halip na ibigay sa kanya ay sa basurahan ito dumiretso. Shoot sa basurahan ang sapatos niya. “Why did you do that?” nanlalaki ang mga matang tanong niya rito. Nagkibit-balikat ito. “Walang kwenta ang nag-imbento ng sapatos na ganoon. Next time, ‘wag ka nang magsusuot pa noon.” Wala naman siyang pakialam kung itapon man nito iyon. Ang tanging problema lang ay wala siyang maisusuot ngayon. “Ano nang isusuot ko ngayon, ha?” naiinis na wika niya. “That’s not a problem,” balewalang wika nito. “Madali lang solusyunan iyan.” He took a glanced at their son. “Just stay here with your mom. Take care of her.” “Sure, daddy.” Tumango naman si Xander. Pagkatapos niyon ay umalis si Alexis. “Daddy’s so sweet, isn’t he?” “Ha?” Napamulagat siya sa sinambit ng anak. “W-what did you say, Xander?” Nakangiting umiling ito. “Nothing, mommy. Anyway, daddy’s here.” Natanaw na nga niya si Alexis. May dala itong isang kahon. Ang bilis naman nito. Kaaalis lang nito pero heto na agad. “Here.” Inabot nito sa kanya ang kahon paglapit nito sa kanila. “Ano ‘to?” nagtatakang tanong niya. “Kapalit ng sapatos na itinapon ko. Minus the heels.” PAGPASOK nila sa loob ng isang fast food chain 'di kalayuan sa amusement park ay nakuha nila ang atensyon ng karamihan sa mga naroon. Pulos mga high school students ang customers ng oras na iyon. Narinig pa nga niya ang ilan sa usapan ng mga ito. “Ang cute naman ng family nila.” “Oo nga, eh. Ang gwapo ni kuya at ang ganda ni Ate. Tapos ang cute-cute pa ng anak nila.” She smiled dryly. Tama naman ang sinabi ng mga ito maliban sa isa. They’re not a family. Naupo sila sa bakanteng pwesto ni Xander habang si Alexis naman ang um-order para sa kanila. Kaunti lang naman ang nakapila kaya mabilis na nakabalik si Alexis. Inilapag nito ang biniling pagkain sa mesa nila pagkatapos ay naupo ito sa tabi ni Xander. “Huwag mong sabihing nagda-diet ka?” kapagkuwa'y wika ni Alexis sa kanya. French fries lang kasi ang in-order niya para sa sarili. “Wala lang akong ganang kumain,” sagot niya habang pinagmamasdan ang anak na abala na sa sarili nitong pagkain. “Okay na ba talaga iyang paa mo?” tanong nito pagkatapos kumagat ng burger. “Gusto mo ipa-check-up muna natin bago tayo umuwi, para sure?” “No need,” tanggi niya. “Okay na talaga.” Komportable na siyang nakapaglalakad dahil sa flat shoes na suot niya. He smiled at her. Napansin niya na parang kakaiba ang tingin nito sa kanya. He stared at her as if he wanted to kiss her. “M-may problema ba Alexis?” Nananatili pa rin itong nakatitig sa kanya. “You have something on the corner of your lips.” Bago pa siya makakuha ng tissue ay naunahan na siya ng kamay nito. His thumb gently brushed the corner of her lips. Napatulala na lang siya sa ginawa nito. Kung hindi pa nagsalita ang anak nila ay mukhang hindi pa siya matatauhan. “Mommy, Daddy, I really enjoyed this day,” wika ni Xander. “Me, too, Xander,” sambit ni Alexis. Pakiramdam niya ay may kahulugan ang sinabi nito base sa tingin nito sa kanya. Tumikhim siya. “I-I need to go to the comfort room.” Nagmamadaling tumayo siya at tinungo ang CR. Pagpasok niya roon ay napahawak siya sa dibdib niya. What was happening to her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD