Nine

2093 Words
CARRIE took a deep breath. Inilibot niya ang mga mata sa building kung saan matatagpuan ang opisina ni Alexis. Nandito siya ngayon kasama si Xander. Nakiusap kasi ito sa kanya na dalawin ang ama nito. Kahit ayaw niyang pumunta ay wala naman siyang magawa. Mahirap talagang tanggihan kapag si Xander ang kumulit sa kanya. Ayaw kasi siya nitong tigilan. Lately ay nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang sarili sa tuwing nakikita niya si Alexis. Actually, hindi naman talaga kakaiba. Dahil naramdaman na niya iyon five years ago. Noong panahong na-realize niyang mahal niya si Alexis. At natatakot siya ngayon dahil pakiramdam niya ay muli na namang nahuhulog ang loob niya kay Alexis. Ayaw niya iyong mangyari. “Is there a problem, mommy?” untag sa kanya ni Xander. “No Xander.” Iginiya niya ang anak sa elevator. Pagdating nila sa harap ng opisina nang lalaki ay naabutan nilang bakante ang pwesto ng secretary nito. “Let's go inside, mom,” excited na wika ng anak niya. Pinigilan niya ito. “Let's wait first for the secretary,” sambit niya. Inaalala niya na baka mayroong importanteng meeting o kausap si Alexis. Nag-aalala siyang baka makaistorbo sila sa lalaki. Subalit ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa rin ang sekretarya nito. Napagpasyahan niyang pumasok na. Napansin niyang nakaawang ang pinto ng opisina nito. Bago pa siya kumatok ay naunahan na siya ni Xander. Walang habas na pumasok ito sa loob. “Daddy!” Naabutan niya si Alexis na may kausap na babae. “Xander,” Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa mukha ni Alexis. Ginulo nito ang buhok ni Xander pagkatapos ay bumaling sa kanya. “Carrie.” Wrong timing yata ang pagpunta nila ni Xander. “Pasensya na kung nakaabala kami sa'yo. Ayaw kasing magpapigil ni Xander, eh.” He smiled lopsidedly. “It's okay. Hindi naman ako masyadong busy ngayon.” Tumayo ito at iginiya siya sa bakanteng couch. “Have a seat.” Then he turned his head sa babaeng naabutan nilang kausap nito. “Myla, okay lang bang bukas na natin 'to pag-usapan?” Nagsalubong ang kilay ng babae. “Hindi puwede Alexis. It's a very important deal. Hindi na pwedeng ipagpabukas pa ito.” Napapantastikuhang pinagmasdan nito ang anak nila. “Is he really your son?” “Yes,” walang habas na sagot ni Alexis. “And this beautiful woman here, is my soon to be wife.” Hindi nagsalita si Myla pero nakita niya ang pagtalim ng tingin nito. Maging siya ay nagulat sa sinabi nito. Bakit siya nito ipinakilala ng ganoon? Marahil ay dahil sa anak nila. Ano nga naman ang iisipin ng Myla na iyon. “Ah, by the way, Carrie, this is Myla de Guzman. Business partner ng company.” Lihim na pinagmasdan niya ang babae. She admit that the woman was beautiful. At may pakiramdam siyang hindi nito gusto ang presensiya niya sa opisina ni Alexis. Well, hindi rin naman niya ito gusto kaya quits lang sila. “Daddy, can I play here?” tanong ni Xander. Nakaupo ito sa bakanteng swivel chair ng ama nito. “Sure.” sagot ni Alexis. “Do want something to eat, Xander?” “Hmm, chocolate, daddy,” sagot ni Xander habang pinaglalaruan ang ballpen na nakita nito sa executive desk ni Alexis. “How about you, Carrie? Ipapatawag ko na lang ang secretary ko,” baling sa kanya ni Alexis. Umiling siya. “Okay lang. Ako na lang ang gagawa ng chocolate drink ni Xander.” “Hayaan mo na siya Alexis,” kunot-noong sabad ni Myla. “Wala d'yan ang secretary mo.” Bago pa makasagot si Alexis ay lumabas na siya ng opisina nito. Nagtanong siya sa empleyadong nakita niya kung saan ang pantry. Nagtimpla siya ng chocolate para sa anak. Hindi pa siya tapos sa ginagawa namg maramdaman niya ang pagpasok ng kung sino. Nang lumingon siya ay napag-alaman niyang si Myla pala iyon. Pinukol siya nito ng matalim na tingin. “Now I know kung bakit nag-back out si Alexis sa kasal namin five years ago.” So ito pala ang dapat sana'y asawa na ngayon ni Alexis. Hindi naman kasi niya pinagaksayahang alamin pa kung sino ang babaeng iyon dati. “Pinikot mo pala siya,” patuyang sabi nito. Doon niya naramdaman ang pag-iinit ng tenga niya. Isang salita na lang nito at talagang makakatikim na ito sa kanya. Mahinang tumawa ito. “You’re pathetic. Huwag kang umasa na pakakasalan ka ni Alexis dahil mahal ka niya. Gagawin niya lang iyon para hindi malagay sa kahihiyan ang anak niyo.” Gusto niyang sugurin ang babae pero nagtimpi siya. Hindi siya dapat magpadala sa mga sinabi nito. Walang imik na nilagpasan na lang niya ito at lumabas ng pantry. Pagbalik niya ng office ni Alexis ay inilapag niya ang chocolate drink ng anak. “Wala ba'ng para sa'kin?” tanong ni Alexis sa kanya. “Wala, eh,” aniya. He chuckled. “It's okay. Nagbibiro lang ako.” Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na rin si Myla. May dala itong dalawang baso ng juice. “Alexis, nagtimpla ako ng juice para sa'yo.” “Thanks, Myla,” wika ni Alexis. “Nag-abala ka pa.” Lihim na umismid siya. Kapagkuwan ay kinalabit siya ng anak. “Mommy, I want chicken.” Pasimpleng sinaway niya ang anak. Pero sa halip na tumahimik ito ay tinawag pa nito ang ama. “Daddy, I want some chicken.” Nag-angat ng tingin si Alexis mula sa mga dokumentong binabasa nito kasama si Myla. “Okay, magpapa deliver ako ng chicken.” “No need,” giit niya. “Ako na ang bibili.” Akmang tatayo si Alexis nang pigilan ito ng katabing si Myla.”Let her do what she wants, Alexis.” Binilinan muna niya ang anak na mag-behave bago umalis. May malapit namang fastfood chain sa kaya hindi naman siya magtatagal. Nagngingitngit na tinahak niya ang daan palabas ng gusali. Naikuyom niya ang palad nang maalala ang sinabi sa kanya ni Myla sa pantry. Kung hindi lang siya nakapagpigil ay baka kung ano na ang maaanghang na salita ang lumabas sa bibig niya. At isa pa itong si Alexis, hindi man lang ba ito aware na grabe na kung makadikit dito ang Myla na iyon. Mukhang tuwang-tuwa pa ito. Nakakainis talaga. Ang sarap nilang pagbuhulin. Ang sabihin mo nagseselos ka lang. Selos? She smiled bitterly. Oo na. Nagseselos na siya. Shame on her. “ARE you alright, baby?” puno ng pag-aalalang tanong ni Carrie sa anak. Pagbalik niya sa opisina ni Alexis ay naabutan niyang may benda ang isang daliri ng anak. Muntik na nga niyang mabitawan ang dalang paper bag at humahangos na tinungo ang anak sa tabi ni Alexis. Ininspeksiyon niya ang nakabendang daliri nito. She gently cupped her son's face. “Okay ka lang ba talaga?” Tumango ito. “I'm a brave boy.” Pagkatapos makasigurong okay na talaga ang anak ay salubong ang kilay na binalingan niya ang katabi nitong si Alexis. Wala na ang mga papeles na binabasa nito. Wala na rin si Myla. “What happened?” Nabasag niya iyong baso ng chocolate,” paliwanag ni Alexis. “Don't worry, hindi naman malalim iyong sugat niya. Nagamot na rin ni Myla.” “Myla?” gagad niya. “Yes, mommy,” sabad ni Xander. “She's so kind and beautiful.” Halos mag-isang linya ang kilay niya sa sinabi ng anak. At talagang ginamit pa ang Myla na iyon ang anak nila ni Alexis. “But mommy, you're prettier than her,” wika ng anak ng marahil ay nakita nito ang reaksiyon niya. Tipid na nginitian niya ang anak. “Of course.” Pagtingin niya kay Alexis ay nakita niya ang pinipigil nitong ngiti. Sa halip na matuwa ay lalo lang siyang nayamot. Hindi pa siya tapos dito. “Bakit mo hinayaang masugatan si Xander?” “I'm sorry,” seryoso nang wika nito. “Hindi ko nabantayan ng mabuti si Xander.” She smirked. Talagang hindi nito mababantayang mabuti ang anak nila dahil abala ito sa ginagawa kasama ang Myla na iyon. “Bakit hindi mo man lang ako tinawagan. You should have call me.” “Nataranta na rin talaga ako. Mabuti na lang at nandito si Myla.” Muli siyang nagngitngit. So ngayon ay may utang na loob pa pala siya sa Myla na iyon sa ginawa nito kay Xander. “Xander, let's go,” aniya sa anak na ngayon ay abalang-abala na sa paglantak ng binili niyang fried chicken. Agad na nagprotesta ito. “No.” “Carrie, galit ka ba?” wika ni Alexis. She looked at him. Apologetic ang mukha nito. Oo, galit ako sa'yo, ngali-ngaling isigaw niya rito. Pero mas gusto niyang magalit sa sarili dahil hinahayaan na naman niya ang sariling mahulog rito. Ano nga ba ang magagawa niya? Hindi niya kayang pigilan ang sariling puso. Sa Amerika ay nahirapan siyang mag move-on. Pero nang dumating si Xander ay doon niya ibinuhos ang lahat ng atensyon niya. To the point na unti-unti na rin niyang nakalimutan ang nararamdaman kay Alexis. Ginawa niya ang lahat para maging isang mabuting ina. Para magampanan ng tama ang responsibilidad niya para rito. At ngayon, na-realize niyang mahal pa rin niya si Alexis. “Ayoko lang na mauulit pa ito,” mahinang sambit niya. “I promise.” NAGISING si Carrie sa tunog ng kanyang cell phone. Pupungas-pungas na bumangon siya sa kama at inapuhap ang cell phone sa bedside table. Pagkatapos niyang kusutin ang mga mata ay saka niya binasa ang isa sa mga text message galing sa ate Celine niya. Happy birthday sis. Kailan ba kayo uuwi ni Xande?. Miss na namin si Xander. Hindi niya namalayang sa paglipas ng mga araw ay birthday na pala niya. Ilang linggo na rin kasi sila ni Xander dito sa Pilipinas. At wala pang eksaktong date kung kailan nga ba sila makakabalik ng Amerika. Babalik sana siya sa paghiga nang marinig niya ang pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Akmang tatayo siya para buksan iyon nang kusa na iyon bumukas at iniluwa si Andrea. “Andrea?” Tila nawala ang antok na natitira sa kanyang katawan. “Bakit parang gulat na gulat ka?” nakangising tanong nito. Supposedly ay dapat na nasa honeymoon pa ito. “Ba't napaaga ang balik n'yo?” Naupo ito sa kama niya. “Umuwi talaga ako para sa birthday mo. happy birthday.” Niyakap niya ito. “Thanks.” She was touched. Kapagkuwan ay bumitaw ito sa kanya. “Where's my nephew?” “Let's go to his room,” yakag niya rito “Baka nga tulog pa iyon, eh.” Kagigising lang din ni Xander nang pasukin nilang dalawa ni Andrea ang kwarto nito. “Goodmorning, mommy. And happy birthday,” bati sa kanya ng anak. Niyakap siya nito. She kissed his forehead. “Thank you, sweetheart.” Napansin ni Xander na may kasama siya. “Tita. .” Tila inaapuhap pa nito ang sasabihin. “Andrea, right?” Andrea hugged her son. “I'm your very pretty aunt.” “Xander, Tita Andrea is your daddy's sister. And my best friend,” paliwanag niya sa anak. Nagliwanag ang mukha ng bata. “Hi, aunt Andrea. I'm so glad to meet you again.” Nangigigil na kinurot ni Andrea ang pisngi ni Xander. “Me too, swettie. Hay..you're so cute talaga. Sana maging kamukha mo rin ang maging anak namin ni Brian.” “At may balak ka pa yatang paglihian si Xander kung saka-sakali, ah,” wika niya sa kaibigan. “Pwede naman 'di ba?” nakangising saad nito. “Anyway, marami nga pala akong pasalubong para inyo. Lalo na sa pamangkin ko.” “Nag-abala ka pa. Eh, halos mapuno na nga itong bahay sa mga laruang binili ni Alexis.” “Ganoon talaga.” Muli na naman nitong pinagdiskitahan si Xander. “I'm sure masu-surprise sina mama pagbalik nila rito. Matagal na nilang gustong magkaapo.” Nalaman na niya mula kay Alexis na pagkatapos ng kasal ni Andrea ay umalis din agad ang mga magulang nito para sa Carribean cruise ng mga ito. “Ano nga palang plano mo ngayon?” kapagkuwa'y tanong sa kanya ni Andrea. Nagkibit-balikat siya. “Wala.” Hindi naman kasi niya inaasahan na dito siya sa pilipinas aabutan ng birthday. “Ang boring naman,” komento nito. “Pero okay lang, may surprise naman ako sa'yo, eh.” She raised her eyebrow. “Surprise?” “Yup. At sigurado akong magugustuhan mo iyon.” Makahulugang ngumiti ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD