Ten

1338 Words
“ANDREA, ano ba kasi iyong surprise na sinasabi mo?” naguguluhang tanong ni Carrie kay Andrea. “'Pag sinabi ko sa'yo, eh 'di hindi na iyon surprise,” narinig niyang wika nito. She pouted. Nandito siya ngayon sa kotse nito at hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. At para daw talagang ma-surprise siya ay piniringan siya nito sa mga mata. Hindi na nga siya nakapagprotesta. “Baka mamaya kung saang lupalop mo na ako dalhin?” nag-aalalang tanong niya. Narinig niyang tumawa ito. “'Wag ka nang masyadong maraming tanong. ‘Wag mo na rin alalahanin si Xander dahil si Brian na ang bahala sa kanya.” She let out a sigh. Hindi niya maintindihan kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Parang kinakabahan siya sa surpresang iyon ni Andrea. Ah, ewan. Ito naman kasing si Andrea, may pa surprise pang nalalaman. Nate-tense tuloy siya. Pagkatapos ng ilang sandaling byahe nila ay naramdaman na niya ang paghinto ng kotse nito. “Here we go,” sambit ni Andrea. Inalalayan siya nito paglabas ng sasakyan hanggang sa pagpasok nila sa building. “Andrea, baka naman pwedeng tanggalin na 'tong piring na ito. Nakakahiya na.” May pakiramdam kasi siya na pinagtitinginan na siya ng mga tao kung saan sila naroon. “Hindi pwede,” tanggi nito. Mahigpit nitong hinawakan ang dalawang kamay niya. Nagpagiya na lang siya rito hanggang sa narinig niya ang pagbukas ng pinto. Ang hirap pala kapag hindi niy nakikita ang paligid niya. Hindi niya malaman kung saan eksaktong lugar na siya. “Nandito na tayo,” imporma sa kanya ni Andrea. “Pag-alis ko, pwede mo nang tanggalin iyang piring mo.” “Aalis ka?” “Malamang. Hindi pwede na dito lang ako. Babalikan ko pa si Xander.” “Teka.” Pagtanggal niya sa piring niya ay wala na si Andrea. Kunot-noong inilibot niya ang paningin. Napagtanto niyang nasa condo unit pala siya. At pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. Kahit limang taon na ang nakalilipas ay malinaw pa rin sa kanya ang hitsura ng condo unit na iyon. Ilang bagay ang nagbago pero sigurado siyang ang unit na ito ay pag-aari ni Alexis. “Carrie.” Napatingin siya sa direksyon nito. Nakatayo si Alexis 'di kalayuan sa kanya. Well, sino pa ba ang inaasahan niya, eh, nandito siya ngayon sa condo unit. Ibig sabihin ay ito ang sinasabi ni Andrea na surprise? Ang dalhin siya sa condo ng kuya nito. Ano ba ang nasa utak nito at nagawa nito ang ganoong bagay? Talagang malilintikan sa kanya ang babaeng iyon. “A-alexis.” He looked damn handsome in his navy blue suit. Ano ba ang meron at napakagwapo nito ngayong gabi? Unti-unti siya nitong nilapitan. “Happy birthday,” masuyong bati nito sa kanya. Kasabay niyon ay naglabas ito ng isang bouquet ng roses. Atubiling tinanggap niya ang bulaklak mula rito. “T-thank you.” Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan na siya. Bakit umaakto ito ng ganoon. Kinuha nito ang kamay niya at iginiya siya sa isang naka set up na candlit dinner. Ipinaghila siya nito ng upuan. Wala sa loob na naupo siya roon. “Pasensya na kung naging busy ako these past few days,” wika nito pagkatapos maupo sa harap niya. “Tinapos ko kasi ang trabaho sa office para makapagbakasyon ako. Para ma-spend ko ang panahon sa anak natin.” Kaya naman pala nitong nakaraang araw ay sandali lang ito kung pumunta sa bahay. Kadalasan ay sa telepono na lang nito kinakausap ang anak. Na pabor sa kanya dahil gusto muna niyang iwasan ang binata. Inilibot ni Alexis ang paningin sa buong condo unit. “Hindi ko talaga ipinabago itong condo. I tried to maintain all the things here because this place is very special to me.” Natahimik siya bigla. Sa bawat pagbaling niya ng tingin ay isa-isang bumabalik sa ala-ala ang nakaraan. Ang mga panahong nagsilbi siya rito bilang maid. Ang mga araw na nakasama at nakausap niya ito. Ang araw kung kailan niya napagtanto na mahal na niya ito. At ang sandaling kung kailan niya isinuko ang sarili rito. Kailan man ay hindi niya magagawang kalimutan iyon. “Hindi mo ba itatanong sa'kin kung bakit naging special ang lugar na ito sa'kin?” tanong nito. “B-bakit nga ba?” Mataman siya nitong tiningnan. “Dahil dito kita nakilala at nakasama.” Tinangka nitong hawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa pero iníwas niya iyon. “W-what's the meaning of this, Alexis? Bakit ba nandito ako?” He smiled that could melt her heart. “Let's eat first, okay?” Naguguluhang tiningnan niya ang romantic dinner na inihanda nito. “Cut this crap, Alexis. Sa tingin mo ba, makakakain ako ng maayos kung hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari?” Sumeryoso ito pagkatapos ay naglabas ng isang velvet box. Kaagad na sinalakay ng matinding kaba ang dibdib niya nang tumambad sa kanya ang isang diamond ring. “Will you marry me, Carrie?” buong suyong sambit nito. Hindi na siya nakahuma nang hawakan nito ang isang kamay niya. She don't know what to say. Napaawang ang mga labi niya. Paano nangyaring inaalok siya nito ng kasal? “J-joke ba ito?” “I'm serious Carrie,” masuyong wika nito. “Gusto kitang pakasalan.” “P-pero bakit?” “Dahil kay Xander. Para sa anak natin.” She smiled bitterly. That realization hit her. “I'm sorry Alexis. I can’t accept your proposal.” “CARRIE, bakit nandito ka na?” nagtatakang tanong ni Andrea sa kanya pagdating niya sa bahay. Dumako ang tingin nito sa mga kamay niya. Tinutop nito ang bibig nang marahil ay mapagtanto ang nangyari. “Hindi mo tinanggap ang marriage proposal ni Kuya?” “Why would I?” walang emosyong sambit niya. “Hindi ko siya kailangang pakasalan.” “Ha? Hindi mo ba siya mahal?” “Where’s Xander?” sa halip ay tanong niya. Hindi niya gustong sagutin ito. “Nasa kuwarto niya, kasama si Brian,” sagot nito. “Carrie, ano ba’ng nangyari?” “Hindi namin mahal ang isa’t-isa kaya hindi kami puwedeng magpakasal.” “You don’t understand, Carrie,” nakakunot-noong wika ni Andrea. “What I didn’t understand is you, Andrea,” sikmat niya rito. “Bakit kailangang gawin mo pa ang bagay na ito?” Andrea sighed. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari. But I want to clear something to you Carrie. My brother lo—” “I'm sorry Andrea,” sansala niya rito. “Gusto ko munang magpahinga ngayon. Next time na tayo mag-usap.” Iyon lang at dire-diretso siyamg umakyat mula sa kwarto niya. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Andrea. Nang mapag-isa siya sa silid ay saka niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong umalpas mula sa mga mata niya. Kung hindi ganoon ang sitwasyon ay siguradong masaya siya ngayon dahil sa kasal na inalok sa kanya ni Alexis. Pero hindi, eh. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito gayong alam niya na ginagawa lang nito iyon dahil sa anak nila. Malinaw sa kanya na wala itong pagmamahal sa kanya. At iyon ang labis na nakapagdudulot sa kanya ng sakit. At lalo siyang masasaktan kung tinanggap niya ang alok nitong kasal. “Mommy.” Nag-angat siya ng tingin. Hindi niya namalayang nandito na pala sa kwarto niya ang anak. Marahas na pinahid niya ang mga luha bago pa tuluyang makalapit sa kanya si Xander. “Xander, what are you doing here?” “Are you alright, mommy?” kunot-noong tanong ng anak. She forced a smile. Hindi niya gustong ipakita rito ang sakit na nararanasan niya. Nagsalubong ang kilay nito nang makita ang pamumula ng kanyang mga mata. “Did daddy made you cry?” “No, sweetheart,” tanggi niya. “I just missed your Mamita,” pagdadahilan niya rito. Mahigpit na niyakap niya ang anak. Ito na lang talaga ang natitira sa kanya at hindi niya hahayaang pati ang anak ay mawala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD