Eleven

1037 Words
"CARRIE, what's the meaning of this?" tanong sa kanya ni Andrea habang nakatingin sa mga maletang nakaayos sa sala. Tiningnan ni Carrie si Andrea. "We're going back to States. Xander and I," sagot niya sa kaibigan. Pagkatapos ng naganap nang nakaraang gabi ay napagdesisyunan niyang bumalik na ng Amerika. Nakausap na rin niya ang kanyang anak tungkol sa bagay na iyon at naipaliwanag na niya rito ang lahat. "Alam ba ito ni Kuya?" Umiling siya. "And please, Andrea. Huwag mo itong ipaalam sa kanya." Nagsalubong ang kilay ni Andrea. "I'm your friend, Carrie. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na makaalis kayo kung anuman ang problema sa pagitan niyo ng kuya ko, ayusin mo muna. Si Xander ang higit na maaapektuhan dito." "Wala nang makakapagpabago sa desisyon ko, Andrea. Aalis na kami ni Xander mamaya. I'm his mother kaya karapatan ko 'to," matatag na wika niya. "And my brother is Xander's father kara may karapatan din siya sa anak n'yo," giit ni Andrea. "Bakit mo ba kasi tinanggihan ang proposal ni Kuya?" Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ba kasi gustong-gusto mong magkaayos kami ng kuya mo? Hindi ka naman ganyan dati, ah." "I had my reasons," sambit ni Andrea. "Ginawa ko iyon dati dahil ayaw kitang masaktan. Engaged noon si kuya kaya ayaw kong mapalapit ka sa kanya. Pero ngayon, wala na akong nakikitang dahilan para pigilan kayo. Lalo pa't alam kong pareho niyo namang mahal ang isat-isa." "What are you talking about?" "Mahal mo naman si kuya 'di ba?" "Oo." Wala naman nang dahilan para itaggi pa iyon. "But he doesn't love me." Pagak na tumawa ito. "Ang gulo mo naman Carrie. Parehas kayo ni kuya na hindi makausap ng matino. Kayo na nga lang ang mag-usap. Tutal nand'yan lang naman siya." "Nandito si Alexis?" "Yup. Nasa garden siya. Ayaw niyang pumasok, eh. Ang mabuti pa kausapin mo na siya para siya na mismo ang makapagsabi sa'yo kung gaano ka niya kamahal." Naguguluhang tinahak niya ang garden. Ayaw niyang umasa pero sinasabi ng puso niya na kausapin si Alexis at alamin dito ang totoo. "Alexis," tawag niya sa lalaki para makuha ang atensyon nito. Tila kasi malalim ang iniisip nito habang nakatayo. Napansin din niya na bahagyang nangingitim ang ilalim ng mata nito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito. "Carrie." Sinikap niyang umakto ng normal. "Bakit hindi ka pumasok sa loob?" "About what happened last night." "Sorry kung nag-walk out ako," nakaiwas na wika niya. "Pero hindi ko talaga-" "Pwede bang pakinggan mo muna ako?" putol nito sa sinasabi niya. Humugot siya ng malalim na hininga. "Puwede bang magtanong muna ako?" Tumango ito. Inipon niya ang lahat ng natitirang lakas ng loob sa dibdib niya. "Totoo ba ang sinabi ni Andrea na mahal mo ako?" It's now or never. Siguro nga ay kailangan na niyang magpakatotoo. Bahala na kung masaktan siya. Basta ang importante ay masagot ang tanong sa dibdib niya. Para wala siyang pagsisihan kung sakali. "Mahal kita, Carrie." "Pe-" Itinapat nito ang daliri sa labi niya. "Ako naman ang pakinggan mo. Mahal na kita, dati pa," pagsisimula nito. "Noong una pa lang kita nakita, na-attract na ako sa'yo kahit alam kong maid ka. Sa paglipas ng mga araw, naramdaman ko na hindi lang ako basta attracted sa'yo. When I kissed you at the night of the party, I knew right then and there na mahal na kita. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi pwede. Dahil that time, engaged ako kay Myla. That's the reason, kaya sinadya kong lumayo at umiwas sa'yo. Sinabi ko sa sarili ko na makakalimutan din kita. But I was wrong. Maraming nagdaang babae sa buhay ko pero sa'yo ko lang naramdaman ang ganito. Kung paano totoong magmahal." Halos sumabog ang puso niya sa galak na nararamdaman. Hindi siya makapaniwalang all this time pala ay mahal din siya ni Alexis. "A-alexis, totoo ba ito?" "Yes, babe," ginagap nito ang mukha niya. "I think it's now my turn to ask you. Do you love me Carrie?" "Matagal na matagal na," buong pusong sagot niya. "Kaya nga ako nagpanggap na maid dahil noon pa lang crush na kita. Lalo na nang makilala kita, tuluyan na akong nahulog sa'yo. At hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nilalaman nito." Itinuro niya ang dibdib kung saan ang puso niya. "Pero bakit umalis ka agad? I left you a note. Bakit hindi mo ako hinintay?" "Natakot kasi ako na alam kong wala akong pag-asa sa'yo. Akala ko walang katugon ang nararamdaman ko sa'yo?" "What about my proposal? Alam mo bang halos magpakamatay ako nang tanggihan mo ako?" "Akala ko kasi gusto mo lang akong pakasalan dahil may anak tayo." Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Silly you. I want to marry you because I love you. Pangalawang rason na lang ang pagkakaroon natin ng anak." Umingos siya. "Kasi naman ikaw, eh. Hindi naman iyan ang sinabi mo noong tinanong kita." "I'm sorry babe," wika nito. "Kinakabahan din kasi ako. Hindi ko na naisip kung tama ba ang mga sinabi ko," nahihiyang sambit nito. "Let me do this again," wika nito. Lumuhod ito sa harap niya at inilabas ang kahita. "Will you marry me, Carrie Rodriguez?" "Hindi mo na kailangang lumuhod pa dahil yes na talaga ang sagot ko." Naramdaman niya ang pagpatak ng mga luha nang isuot ni Alexis ang singsing sa daliri niya. This time, luha na iyon ng kaligayahan. Siniil siya ng halik ni Alexis. They shared a passionate kiss. Napilitan silang humiwalay sa isa't isa nang makarinig sila ng mga boses. "Hay, sa wakas." Nilingon niya ang nagsalitang si Andrea. Kasama nito si Manang Dely at Xander na mukhang kanina pa nandoon. Bakas sa mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan. "Manang, pakibalik nga po iyong mga maleta sa kwarto. Hindi na kami aalis," masayang wika niya. "No." Nabigla siya sa sinabi ni Alexis. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito. "Aalis pa rin kayo, pero kasama na ako. Ipagpapaalam na kita sa parents mo. At para masundan na natin si Xander." Natatawang pinalo niya ito. Muli siya nitong hahalikan nang sumingit bigla ang anak nila. "Mommy, daddy I want a baby brother." "Sure, Xander," nakangising sagot ni Alexis pagkatapos ay kumindat sa kanya. Wakas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD