Chapter 1: The Secret Agent

2625 Words
"Crap! Get that f*****g woman here!" sigaw ng sa tingin ko ay isa na naman sa naging biktima ng pagiging tuso ko. Siya si Gray Luxwell. He is known for being one of the notorious serial killers in town. That is why, my mission is to get something that we could use against him, more specifically, something to be used to blackmail a criminal like him. Ang utos naman kasi sa akin ay humanap lang ng pwedeng gamitin laban sa kanya at hindi ang patayin siya. Kung pagpatay lang din naman, madali ko lang matatrabaho iyon. Baka kanina pa ako natapos at wala na ni katiting na bakas ang lalaking ito ngayon. Last night, I tricked him with me disguising as a street bellydancer. Hindi ko naman inaakala na madali lang pala mabulag si Luxwell ng kung sinu-sinong babae sa tabi-tabi. Ayan tuloy. Wala siyang kaalam-alam na madali ko lang naisagawa ang misyon ko sa kanya. Everything he stored in his flash drive, laptop, and cellular phones have been completely transferred to the organization's intelligence network. It just so happened that running away from him and his men are not as easy as I thought it would be. "Bring her to me! Dead or alive!" he exclaimed on the top of his lungs. I can't help but smirk. Just imagining how angry he is now and how he is shouting to the point his lungs and throat will pop out, I am very sure I will leave quite a huge mark on his memory. As if you will be able to catch me. Me? The famous Ishtar? Let's see if they have the capability. Pinaharurot ko pa lalo ang MV Augusta F4 ko. Palayo na nang palayo ang distansya ko sa mga tauhan ni Luxwell nang malapit ko nang madaanan ang isang intersection dito sa Saudi Arabia. Napatingin tuloy ako sa idinikit kong device sa motorsiklo ko. This is the device which serves as an auto-guide by showing me the ways where I can go. It also functions as my radar in order to be aware of the enemies in every direction. Intersection. Jam packed by different vehicles. Kung makikisingit pa ako, malabo na ang tiyansa kong makatakas. Mas lalo lang lumiliit ang pagitan namin. "Bastard," nautal ko na lang nang may anim na pulang tuldok ang gumagalaw papunta sa lokasyon kung nasaan ako. Tsk. They are trying to corner me up from every direction. Sa mismong gitna pa ng kalsada. They're trying to settle this once and for all. I can't allow myself to be cornered here. Once I lose this one, it's either I will be brought to be killed by that maniac or I will be brought to be punished by Master Phoenix. And it seems the latter is way scarier and inescapable so I have to do any means to eliminate these pests. Nang muli kong tingnan ang paligid ko ay sakto namang nakakita ako ng isang kotseng nakapagbigay sa akin ng ideya sa kung ano ang magiging plano ko. Hinanda ko naman na ang sarili ko sa binabalak ko. It's now or never. Mas binilisan ko pa papunta sa kotseng napukulan na ng mga mata ko. Ito ang gagamitin kong tila tuntungan para lumipad sa ere kasama ang motorsiklo ko. Who said only birds can fly? That is why I started increasing the engine for the execution of the move. Ang mga nakasakay naman sa likod ng bawat nagmamaneho ng mga motorsiklong humahabol sa akin ay kapwa nagsikargahan ng kani-kanilang b***l nang papalapit na ako nang papalapit sa kanila. Idiots. Do you really think I would give up that easily? Even before they find an opportunity to shoot me on the scene, I did a front flip together with my vehicle and leave every bullet to my Augusta. Sorry, my baby. Sa pag-ikot na naganap ay nasulyapan ko na pabor sa akin ang kakaunting bilang ng mga taong naglalakad-lakad sa mga gilid. Dahil dito ay agad ko na ring binitawan ang Augusta. I tumbled only to land on one of the cars here in the intersection. Dulot na rin ng malakas na pagbagsak ko sa bubungan nito ay nakarinig pa ako ng malakas na sigaw mula sa drayber nito. Oops. "Tss. Time to go," I whispered as I roll my eyes to the continuous beeps from the other riders. Nagpahakbang-hakbang pa ako sa mga bubungan ng iba pang sasakyan hanggang sa makahanap na ako ng mabababaan. Sunod naman sa pagbagsak ko sa lupa ay ang mga matitinis na na tilian at sigawan ng mga tao sa paligid. I glanced back. The collision of the motorcycles caused an explosion right at the center of the intersection. Nagsiliparan ang iba't ibang piraso ng mga parte ng mga ito at nanaig ang usok sa kapaligiran. Unti-unti na ring nagkukumpulan ang mga nakikimalitang mga tao dito sa pinangyarihan ng insidente. Hindi ko na makitaan pa ng bakas ang Augusta ko at lasog-lasog na rin ang sasakyang ginamit kong tulay kanina. Oh god. That was too scandalous. Oh well. Nevermind. I would just send that man some token of gratefulness for the help his car contributed for me to successfully escape. Napailing na lang ako sa kung anuman ang nangyari kina Luxwell matapos ng salpukan. Told you. You can't get Ishtar. Hindi ko man nakumpirma kung ano talaga ang kinahantungan ni Luxwell, tingin ko ay mas makakabuti kung hindi ko muna siya intindihin. Lalo na't nakuha ko naman na ang kailangan ko sa kanya. As I watch the smoke to take over the place, I notice that my smartwatch gear keeps on beeping and then, it hit me. "s**t. 'Yung flight ko nga pala," I muttered irritatingly as I realize that I only have thirty minutes left to catch the airplane that will carry me off back to Japan. Instead of blaming the traffic and those fools, I decided to find a corner nearby where I can take my mask off. Luckily, I was able to found one. Dali-dali kong kinalas ang pagkakakabit sa damit ko ng black leather bag kung saan nakapaloob ang mga bagay na kailangan ko nang maiuwi sa Japan. Nilapag ko muna ito nang sa ganoon ay mabuksan ko ito at mapaglagyan ng maskara at tabing ko sa mukha. Tumingin-tingin pa ako sa kung saan-saan para makasiguradong walang nakakita sa akin bago ko ito tuluyang tanggalin at nang matapos ko ng itago ang mga ito ay agad na rin akong tumayo para bumalik sa condominium na pansamantala kong tinuluyan dito para sa misyon. What a good morning for me. **** "Do you want to eat or drink something, ma'am?" a flight attendant assigned in the private cabin asked. "Orange juice. No ice. That's all," I answered bluntly. Her smile fades as fast as the lightning strikes. However, she can't blame me at all. I'm too exhausted and I felt like I wouldn't dare to have another shot of any alcoholic drink once I arrive at the headquarters. Sobra-sobra na ang nainom ko kagabi habang inuuto ko ang lalaking iyon. I wasn't even able to have the time to sleep last night since I'm being careful of not waking him and his men up while I am doing the transfer of files. Idagdag pa na kailangan kong mag-ayos ng maaga para makatakas. Pabagsak na lang akong napaupo nang umalis na ang attendant. Unang dumapo ang kamay ko sa sentido ko na nagsisimula ng sumakit. Naumay ako kakainom, ugh. I don't even have any medicine with me right now. Papikit na sana ako kung hindi lang biglang tumunog ang telepono ko. Who the hell dares to disturb me so early in the morning? Nakasandal ang ulo ko sa parteng malapit sa bintana kaya kinailangan ko pang kapa-kapain ang bag ko sa katabing upuan para makuha ang telepono. Balak ko na rin na hayaan na lang ito kaso mas lalo lang akong hindi makakatulog kung patuloy ang pagtunog nito. When I was able to get a hold of the f*****g phone, I am prepared to throw more curses when the person from the other line forestall me from doing so. ["Oops! Bago mo ako murahin, gusto ko lang sabihin sa iyo na inutusan lang ako ni Master Phoenix na kamustahin ka sa misyon mo. So?"] Some may think it's strange for me to do a phone call here but this guy who is, unfortunately, my friend is an agent as well and the one who makes it all possible. What do you expect? Our agency has the most advanced gadgets and technology in the whole world. "Eros, I don't need to answer that. You know how I do my assignments," walang ganang sagot ko sa kanya habang ang mga mata ko ay abala sa panonood sa mga mapuputing ulap sa labas. Hindi na kasi dapat pang itanong 'yan. I never failed a mission. Not even once. Malinis ang record ko. At hindi kakayanin ng dignidad ko na may makakalampas sa serbisyong naibigay ko na sa ahensya. I didn't train to start from when I was six years old to fail my savior's expectations. ["Exactly. What do I expect from Agent Ishtar? Of course, you are always a victor."] natatawang aniya. Mark or the one who has the name of Eros is a part of the Intelligence Department and the laboratory of Phoenix Organization. He is a genius when it comes to computer programming, coding, and such. Half of my stuff were his masterpieces. ["Right, Mr. Phoenix wants to talk to you once you came back so head straight here, okay? Sige na, mamaya na lang. May inaasikaso pa akong laro eh."] pagkatapos nun ay basta-basta na lang niya akong binabaan. Aba't! You're really such an asshole, Mark. Siya pa ang may ganang babaan ako samantalang siya ang unang tumawag. He said he is busy playing a game but actually, he's only giving his concentration on sorting the newly-arrived software from Russia. What could I possibly do with that? Mark is a computer freak after all. Eventually, the flight attendant came in carrying the glass of orange juice that I asked for. Tinuro ko na lang na ilapag niya ito sa mesang nasa harapan ko. Matapos nun ay sumenyas na ako na pwede na siyang makaalis nang makapagpahinga na rin ako. I heaved a loud sigh. Tutal hawak ko na rin ang telepono ko ay sinamantala ko na rin ang pagkakataon para makahugot ng lakas sa natatanging inspirasyon ko. Ang pangunahing dahilan kung bakit wala ng iba pang trabaho maliban sa pagiging agent ang pinili ko. I tapped the gallery icon and the first picture in it. "Mom, Dad," I mumbled as I look to the virtual thing that serves as my last memory to my family. A photo that was taken at our last Christmas celebration back when I was six. How are you, Mom and Dad? Are you doing fine up there? As for me, I'm doing good too. But not as good as when you were still alive. It was all thanks to Master Phoenix that I was able to finish my studies and become an excellent agent that helps people in various ways. I'm sorry I didn't become a chef like you wanted me to be, Dad. Isa pa, hindi ko na rin naman na mamamana ang negosyo natin dahil matagal nang sinamsam ng mga ganid nating kamag-anak ang lahat ng pinaghirapan niyo. Mabuti na nga lang at naisipan pa nila kayong bigyan ng maayos na libing. Mula sa pagpupulot ng mga bote at mga mapapakinabangan sa basurahan, pagbebenta ng mga Sampaguita, paglalako ng mga sigarilyo, at hanggang sa panlilimos. Lahat ng iyon napagtagumpayan ko na. Everything is worth it. If it weren't for these things, I might not be here on where I am today. Thank you for guiding me throughout these years. I hope you're proud of me, Mom and Dad. Balang araw, mabibigyan ko din ng hustisya ang pagkamatay ninyo. Balang araw, ang mga taong pumatay naman sa inyo ang tutugisin ko at ihaharap ko sa korte. Balang araw, ang kaso niyo naman ang mahahawakan kong imbestigahan. Balang araw, maitatayo at maibabalik ko ulit sa dati ang lahat ng mga bagay na ninakaw sa pamilya natin. Matatahimik din ang kaluluwa ng kapatid kong hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na maisilang sa mundong ito. Pagbabayarin ko sila. Pangako. I felt the tears falling from my eyes and that's when I throw my phone off back to my bag. Abang pinunasan ko kaagad ang mga luhang ito. Tears won't do me any good. Silly me. What I should be thinking is the topic I'll be tackling with Master later. I hope it's a new assignment. A quite challenging and thrilling mission, I hope. Hindi 'yung pagtugis lang ng kung anong magagamit na panlaban sa isang kriminal. I am a member of the Special Duties Department. A department which receives all the most difficult and life-risking missions. Kami ang mga nasa unang linya ng mamamatay sa ahensya pero kami rin ang pinakatago-tago nilang alas sa oras na may dumating na bigating kalaban. Hindi naman sa naghahanap ako ng g**o. Sadyang ang pagiging agent na lang ang ginagawa ko sa buhay ko kaya kapag walang utos mula kay Master Phoenix, nabuburyo lang ako sa bahay ko kung saan ako lang mag-isa ang nakatira. What I love about this job is portraying various roles such as being a doctor, businesswoman, lawyer, clerk, police, and many more. I wonder what role am I going to play next. **** "This is the last and final boarding announcement..." My annoyingly favorite public announcement here in the airport. Sabayan pa ng dami ng tao ngayon dito sa paliparan. Pasalamat na lang ako na bahagyang nawala ang sakit ng ulo ko matapos ang ilang oras ding tulog. But I hope I can have more. "Rieda!" Agad naman akong napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa pangalan ko. "Wait. Joshua?" nasambit ko na lang nang maaninagan ko ang lalaking may hawak na isang malaking signboard sa pagitan ng mga taong kapwa naghihintay ng mga susunduing kakilala at mga kamag-anak. What is he doing here? Wala namang nasabi si Mark na ipapasundo ako ah. Labag man sa loob ay nakangiti ko siyang nilapitan. Mamaya mapagkamalan pa siyang nasisiraan at mahatak pa ng mga guwadiya eh. Katrabaho ko pa rin naman 'to kahit papaano. "Okaerinasai! (Trans: "Welcome home!")" bati nito sa akin nang makalapit na ako sa kanya sabay hatak na rin sa mga bagahe ko. "Koko de nani wo shiteiru no?" (Trans: "What're you doing here?") tanong ko rito nang hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Nang dada pa rin nang dada ito nang hindi man lang ako tinitingnan sa mata ay sinadya kong tapakan ang paa niya para maparamdam ko sa kanya na kailangan niyang sagutin ang tinatanong ko bago pa ako maubusan ng pasensya. "Aw! Ah-eh... " "Hmm?" Nakipagtagisan pa siya sa akin ng tingin pero alam naman niyang hindi siya uubra sa akin kaya naman napasuko na lang siya at napabuntong hininga. Joshua came from the same department as Mark and one of the Master's executive assistants. There is a reason for sending him here to escort me. Joshua looks out to every direction and then pulled me off and my baggage to the nearest washroom here. Tsk. Why bother? Ano ba talagang mayroon? "Ganito kasi..." he started off and then he closes our distance to whisper the answer I am demanding. It took me a while to make everything he said to sink into my inner self but the moment I realize it's not a dream, I just don't want to accept the fact that that will be my next role. No way! This is worse than being a stripper!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD