Chapter 2: The Deal

3200 Words
"You're gonna be a household maid." Maid, my a*s. The exact moment I heard the information, my feet automatically moved on its own to ride something as soon as possible to say all my sentiments to Master Phoenix personally. Bahala na si Joshua mag-asikaso ng mga bagahe ko. Basta ako, mauuna na ako. Buryo akong nakapara kaagad ng masasakyan. Huli ko na lang narinig ang boses ni Joshua kung kailan nakapasok na ako ng sasakyan. Sorry, pal. This is emergency. "Minato chiku ni watashi o jisan shite kudasai." (Trans: "Please bring me to Minato District.") turan ko sa drayber at maagap naman siyang tumugon dito sa pamamagitan ng pagpapaandar kaagad sa sasakyan. The hidden headquarters of the Phoenix Organization here in Japan will be located somewhere near the Nezu Museum at the Minato District, Tokyo. Yes, our headquarters can not only be found here in Japan but also on New York, St. Petersburg on Russia, Qingdao, and many more. We want to put our flag on every country that we could reach to make the communications handy in case something unexpected happens during one of our agents' mission. Luckily, it only took us about fifteen minutes to arrive at our destination. I gave my payment to the driver and asked him to keep the change since I no longer have the time to talk about the fare price. Dali-dali na akong naglakad papunta sa liblib na lagusan para makapasok sa ahensya. Aha! Found it! It's an old bench here in this particular isolated garden. The flowers waving anyone's attention away from the secret this bench have kept for years. Abang nilapat ko naman ang hintuturo ko sa ilalim ng pinakadulong kahoy kung saan nilagyan ng identification censor ito. I felt the heat coming from the device as it scans my thumbprint. Sa isang iglap lang ay tumaob ang upuan at kusa namang nagbukas ang lupa upang lamunin ako papasok. Napasigaw na lang ako sa mabilis na pagdulas ko pababa. Kalaunan naman ay napakalma na ako nang masilayan ko ang paisa-isang pagbukas ng mga ilaw na nagpakita sa akin ng higanteng padulasan na ito na siyang susi papasok ng himpilan. As I have reached the end, the agents who were working a while ago have hurriedly made a line to greet me. Hindi naman sa mas mataas ang posisyon ko sa kanila. Walang mas nakatatas sa amin dito maliban sa tinuturing na ama ng lahat. Sadyang naging kilala na ako ng lahat dulot na rin ng mga misyong napagtagumpayan ko. "Hisashiburi." (Trans: "It's been a while.") ganting bati ko sa kanila at sinenyasan ko na sila na magsibalik na sa kani-kanilang mga gawain dahil hindi ko naman intensyon na abalahin sila sa pagdating ko. Mabilis akong dinala ng mga binti ko sa Head Office. Ni hindi ko na nga nagawa pang silipin ang mga naging pagbabago man sa lugar na ito nang umalis ako dahil sa kating-kati na ako na masagot ang mga katanungan ko. Head Office. Ang kwarto kung saan tanging maaaring makausap si Master Phoenix. A room filled with speakers, cameras, and such. Aside from that, we don't have any more means to talk to this mysterious billionaire. **** "What?!" I exclaimed when I was able to confirm what Joshua told me back on the airport. I can't believe this! Of all the professions they can make me play, they chose the maid thing! "Lower down your voice, Rieda. We are still on the process of negotiating with the client," saway sa akin ni Master Phoenix na siyang personal pa lang pinakiusapan ng kasama naming kliyente. We were currently on the third half of the Head Office where the deals are being settled. But as of now? I think I'm not yet settled for what this client is requesting. Napabuntong hininga na lang ako dahil paniguradong masisita ang aksyon ko sa oras na masampal ko ang noo ko nang dahil sa daloy ng pangyayari. "I'm sorry but may I ask how will a position of being a maid a beneficial one to us? I mean, I can protect him more closely as a bodyguard," I suggested, calming my nerves down for a bit. Yes, I demanded a new assignment but being a maid is out of the topic. Must I protect his son of his using a mop? "My son doesn't want any bodyguard following him around. It annoys him... a lot. I've hired numerous guards already but they ended up quitting the job. The only way to monitor him most of the time is to play the role of a maid," the old man said as if it's a very alarming situation. Mr. De Guzman of the famous clothing enterprises is about on his late 40s. He is very neat and formal while wearing an expensive kind of suit that is probably brought from America. The face and the charisma of being a leader is evidently around him but whoever he is, he won't be able to convince me that easily to accept his offer. Both of us are looking intently with one another. Matira matibay kumbaga habang nagtatagisan ng tingin nang siya na ang unang bumawi na tila ba may naisip siyang kung anong bagay. Napalapit naman sa tabi niya ang isa sa mga dala niyang tauahan at may ibinulong siya rito. Whatever he whispered to him, it made one of his staff to reach for the suitcase they brought along here and put it on top of the table. Abang nagsubukan kami sa tingin. Pawang pinapakita kong hindi ako masisindak sa kung anumang mayroon sa loob nito at mas lalong hindi magbabago ang isip ko. Mr. Romuel De Guzman then slides a folder towards me in a very business-like manner. Tiningnan ko naman ito na tila walang ideya sa kung ano ang nakapaloob dito. "Inside that folder are the things you will need. Information about my son, records of threats, list of our family's relatives and people who may have a motive of attacking us, a plane ticket, and your profile once you accepted the role," he prudently explained as he still looks intently on me. But do you think that is enough to convince me? "Hindi po porket inihanda niyo na ang mga iyan ay mapipilitan na akong tanggapin ang trabaho. I am a well-known agent with a one hundred and one percent of success rate on her missions. I can reject it if I want. Or if you really insist, please do pick another agent to do the job," panabla ko rito. Akala ba niya ay basta-basta lang ang pinapagawa niya? Kahit sa isang tulad ko na sampung taon na na bihasa sa ganitong hanapbuhay, hindi ko pa rin masasabi na walang mangyayaring masama sa akin at sa taong kinakailangan kong protektahan kung nasa ilalim ako ng ganitong pagpapapanggap. Hindi naman agad nagpatinag ang lalaki at sinunod naman niya ang bagahe na nasa pagitan naming dalawa. Iniharap pa niya sa akin ito at bara-barang binuksan para lang maisambulat sa pagmumukha ko ang sandamakmak ng mga kumpol ng pera. Do you really think money can sway me? I'm not that low, old man. Money can't compensate the thousands of things that I can do for your son. I was about to stand up in disgust to how he is thinking of persuading me when I saw him stand up as well. I thought he'd try to block my way but the next thing I knew is that Mr. Romuel De Guzman is on his feet and with his head on the floor. "Nagmamakaawa na ako sa'yo. Pakiusap! Kahit anong oras pwede akong mamatay! Galit sa akin ang anak ko dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng nanay niya. Wala akong magawa kung hindi ang protektahan siya mula sa malayo! Hindi ko maatim isipin na maaaring sa isang iglap ay mawala sa akin ang nag-iisa kong anak!" pagmamakaawa nito sa akin. Dinig ko na rin ang magkahalong hikbi at pagkadesperado nito. "Please!" he cried. Woah. I'm seeing a crying father. And not just any crying father. A father who only wants to protect his one and only son. A father who, despite the distance between him and his son, desires to shield his child from any harm while he is still breathing. His determination somehow didn't falter even though I have pushed him away. "What if I failed to hide my identity? Will you consider the mission a failure?" ito na lang ang nasabi ko. Dalawang katanungang hindi direktang binubulgar ang tunay nitong kahulugan. What can I do against the power of the love of a father? Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng ama. Nakakabaliw. Nakakapampumiglas sa realidad. Should I make someone suffer the same tragedy? Worse, even let them face the tragedy together? Unti-unti namang napaangat ng ulo ang matanda kasabay ng unti-unti ring pagsibol ng isang ngiti sa kanyang mukha dulot ng isang kislap ng pag-asa. Bigla ring nagsitigil ang paghikbi nito at napalitan ng pagkautal. "A-Are you g-going to a-accept the offer? W-Will you p-protect my son? Ah! A-About your question, n-no! Just save him from anyone who will dare hurt him and I will be more than grateful to you," sagot nito habang dahan-dahan siyang inaalalayan pabalik ng guwardiya niya sa muling pagkakatayo. Sa pagkakataon na ito, may mga napag-isip-isip naman ako. Wala naman sigurong masama sa pagsisilbi sa isang anak mayaman 'di ba? Isa pa, pang isang taon ang kontrata. Mababawas-bawasan ang pagiging tambay ko dito sa himpilan kapag nagkataon. Hindi ko na rin muna iisipin ang pag-uwi ko sa bahay ko kung saan ako lang naman ang nakatira. Napabuntong hininga naman ako at bumalik ako sa kaninang kinauupuan ko. "I can't say no to a determined and loving father. Kaya naman, sige. Tinatanggap ko na. Let's see what I can do for your son." Wala namang mapagsidlan ng tuwa at saya ang amang kaharap ko. Halos mapatalon pa nga ito. Napatingin pa nga siya sa tauhan niya na para bang binabahagi niya ang kasiyahang dulot ng pagkakumbinsi niya sa akin. Binalikan din naman siya nito ng isang masiglang ngiti. Hindi ko na rin tuloy maiwasan na mapangiti sa pagkakatitig lang sa matanda. Tunay ngang mahal niya ang kanyang anak. I can't help but to miss my dad. "Rieda, Daddy will do anything for you, okay? I will be your knight in shining armor. So you don't have to be scared, alright? No one will be bold enough to hurt my little girl." "I love you, Dad!" "I love you too, baby." Parehong nakakabigat at nakakagaan sa pakiramdam ang kasiyahan na mayroon ang kliyenteng kaharap ko. Nakakabigat kasi naaalala ko ang amang kinuha kaagad sa akin. Nakakagaan ng loob dahil nakikita ko ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Kahit na ba hindi ako. Kahit ang iba na lang. Dumaan ang ilang sandali at kinailangan na ring lumisan ng kliyente upang magtungo sa kanyang trabaho. Iniwan niya ang pera at ang mga papeles na kakailanganin kong basahin at isaisip bago ako lumipad papuntang Pilipinas. Lumabas ng silid na puros pagpapasalamat ang lumalabas sa bibig nito. Lalo na at bitbit na niya ang kopya niya ng kontratang kapwa na naming napagkasunduan at napirmahan. "As I expected, you won't decline someone who has the sincerity of protecting their loved ones. You keep on remembering your family, Rieda." Sinigurado ko naman na na maayos kong naisara ang pinto at saka iniharap ang taong higit kaninuman ay mas nakakakilala sa akin ng buong-buo. Napasalampak na lang ako sa sopa kasabay ng isang malakas na pagbuntong hininga. "Hindi naman sa ganoon. Sincerity may be not as practical of an answer but it guides an individual to do the right thing. The father's sincerity made me agree," paglilinaw ko. Dumapo naman ang tingin ko sa mga papeles na nakapatong sa mesa. Since Mr. De Guzman mentioned that he have prepared everything I need for the assignment, I chose to pick that folder he brought. Derek De Guzman, age 20. He's on his last year of college, taking up the course of business administration. A leader of a fraternity called Cerberus. A prodigy of sports especially track-and-field. "You seem to be interested in the profile," punang boses ng lalaking nagkukubli sa likod ng mga speaker. Napangisi naman ako. "Paanong hindi? He's interesting. Strangely, he started on having a set of records on his school's office ever since his mom died from breast cancer." "What do you mean?" pang-uusisa nito sa marahil ay nakita niyang pag-angat ng sulok ng labi ko. "Master Phoenix, this Derek is on the stage of being a rebel, that's all. A bird who has lingering disappointment and loneliness inside him wants to get out of the nest even though he is not aware of the danger waiting for him outside. Tsk tsk," turan ko habang paisa-isa pang inililipat pa ang mga pahina. You are quite lucky, Derek De Guzman. You still have a father who cares for you and for your future. You grew up with a shining silver spoon in your mouth. You never worry about the money, the food, and the shelter. You are living a very comfortable life compared to the kids on the streets. Maswerte ka at hindi pa rin sumusuko ang ama mo sa'yo. "Ishtar, what happened to Luxwell by the way?" Ako naman ang napaangat ng tingin mula sa mga papeles. "As of now, I don't have any solid proof if he is still alive or not after the explosion. However, I somehow agree with the idea that he was able to survive and went into hiding. Tulad nga ng sabi nila, hindi basta-basta namamatay ang mga masasamang d**o," I quoted as I close the folder. Abang napatahimik naman ang silid na para bang pinapahiwatig nito na kasalukuyang nag-iisip pa ang pinuno ng organisasyon. Habang hinihintay ko ang mga susunod na sasabihin niya ay naabot ko na lang ang unang nasa sahig at tinangay ito upang maunanan ng ulo ko. "Tired?" muling pagpaparamdam niya. Napapikit na lang ako sa nagbabalik na pagkirot ng ulo ko. "Sort of. But to tell you honestly, Master Phoenix. Medyo nangangamba ako sa pinapagawa ng kliyente kanina. May kutob ako na hindi magiging madali ito. Na magiging iba ito kaysa sa dati," at tinakpan ko pa ang mga mata ko gamit ang braso ko. "Pfft. The oh-so-famous Agent Ishtar is nervous?" natatawang asar nito. Tignan mo 'tong si boss. Nagawa pa akong biruin. I'm neither optimistic nor pessimistic, that's why. I'm more of a realistic type. Pinag-iisipan ko muna nang maigi ang bawat detalye ng mga galaw ko nang sa ganoon ay umayon lahat ng bagay sa gusto ko. Hindi ako naniniwala na dapat lagi kang mag-iisip ng mga masasayang bagay para kumapit sa'yo ang swerte. Law of attraction? Nah. Good luck? Nah. Hindi rin naman ako naniniwala na porket nagdrama ka lang sandali ay makakapitan ka ng kamalasan. For me, everything happens for a reason. Kung wala kang kumpiyansa o pananampalataya, mas mabuti pang huwag mo na lang gawin ang kung anuman na binabalak mo. "As if. Hey, Master, can you say a few words to comfort me? I'm not really feeling well," paglalambing ko rito. Sanay naman na siya sa akin sa tuwing tila inaantok na ang boses ko. Nagsasama-sama na ang pagod, antok, at sakit ng ulo ko. Every time I need some comfort, every time I need to go back to square one, he has always been there for me. The father who groomed me to be the best agent. The best friend who has always look out for me and the employer who never failed to teach me what I need to know to be a better person and to be a better citizen of this cruel yet beautiful world. "No matter what happens, you will always be my angel. So, have faith on yourself and to your skills. I know you will do great." Umabot naman hanggang tainga ang ngiti ko. "Thank you," I said. Kahit papaano, gumaan na ang pakiramdam ko. He's really good on giving encouragements. Nang makaipon na ako ng lakas para puntahan ang kwarto ko ay napagdesisyunan ko ng tumayo at lisanin ang opisina. Akma ko ng bubuksan ang pintuan nang tumikhim ang taong hinding-hindi mawawala ang presensya sa silid na ito. "I heard your motorcycle was crushed into pieces. Do you want me to get a new one for you?" mas lumapad pa ang ngiti ko kaysa kanina nang dahil sa alok niya. Sometimes, he really loves to spoil me. And I love being spoiled by him sometimes. "Ha! Surprise me," iyon na lang ang naitugon ko at lumabas na ako. I headed for where the elevator is located. As I push for the 'up' button, the doors have opened automatically, welcoming me with no one on the inside. Pagpasok ko ay hindi ko na napansin pa ang pagsarado nito dahil napako na ang atensyon ko sa nakikita ko sa labas ng salamin. Everyone is busy on their jobs. Ni hindi rin napipirmi ang iba sa pagkakaupo sa kani-kanilang mga upuan upang magtungo sa iba't ibang pwesto o hindi kaya'y mga opisina. Kung ano ang kinarami ng problemang nasasalo ng Regular Category Department ay siya namang ikinadalang ng mga bagong trabaho para sa Special Duties Department. When I heard the signal tone from the elevator's system, tinanggal ko na rin ang tingin ko sa labas. Limitado lang ang bilang ng mga ahente na napagbibigyan na magkaroon ng sariling silid dito at isa na ako roon. Gawa na rin na sadyang nagpapakahanda ang ahensya sa kahit anong mangyari kung kaya't sinisigurado lamang nila na nandirito ang mga nasa unang linya ng tanggulan. I swiped my DNA card to the machine that looks like a magnetic strip card reader that you can see on the restaurants and markets. In here, we don't use keys or common cards that the hotel room occupants use to access their respected rooms. Instead, we use a program-based card where a sample of our DNA, saliva, and thumbprints are attached. This is for us to be easily recognized and to ensure that no one will just sneakily enter our rooms without our notice. Nang makapasok na ako ay una kong pinuntahan ang aparador ko kung saan nakalagay ang mga damit at iba ko pang kagamitan. Naisipan kong i-empake na ang ilan sa mga gamit ko nang sa gayon ay kapag dumating na si Joshua ay madalian ko ng maisasaproseso ang pagpunta ko sa Pilipinas. Kakabalik ko lang, aalis na naman ako. Hays. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Habang nag-eempake, natagpuan ko ang isang lumang photobook sa ilalim ng mga patong-patong kong lumang gamit. Hinila ko ito ng marahan at saka kumuha na rin ako ng tuyong basahan upang mapunasan ito gawa ng hindi na makita pa ang mga nakaimprinta rito nang dahil sa makapal na alikabok. Habang paunti-unti kong nakikita ang tunay na kulay nito ay naaakit ang mga mata ko. The cover looks so colorful and gorgeous yet somehow mysterious. There's a huge looking bird flying among the unpredictable clouds on the sky. When I'm done wiping the cover, I read the photobook's title aloud. "The Man Who Have Searched Far and Wide"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD