Lumipas ang mga araw at natapos rin ang summer kaya't balik eskwela na naman sila. Pakiramdam ko ay napakabilis ng araw at ni hindi man lang kami palaging nagkakasama ni Sir Mavi. Kahit na palagi kaming nagkikita rito sa bahay ay parang ang layo pa rin namin sa isa'-isa.
Paano naman kasi iyon mangyayari kung palagi ring may Ube'ng halaya sa paligid. Gusto ko na nga siyang sabihan na dito na lang tumira eh dahil palagi rin lang namang narito. Wala yatang pinipiling araw at daig pa ako dahil parang wala siyang day off. Palagi pa kung makalingkis kay Sir Mavi na akala mo isang tuko, tapos 'yung isa naman ay hahayaan lang.
Wala rin naman akong magawa.
Gustuhin ko mang sabihin na wala na siyang karapatan kay Sir Mavi pero alam ko namang gano'n rin ako. Umamin lang kaming gusto namin ang isa't-isa. Umaakto kaming parang mag-nobyo kahit ang totoo ay wala naman talagang kami. Hindi ko nga alam kung anong meron kami. Wala kaming malinaw na usapan. Ni wala ngang nangyayaring ligawan eh. Basta ang alam ko lang, may nararamdaman kami para sa isa'-isa.
Siguro ang magandang balita lang na ngayon ay nagpapakampante na sa akin ay ang nalamang bumalik na ng ibang bansa si Violet. Doon pala 'yun nag-aaral.
Tss, buti naman.
Natauhan ako sa pagkatulala nang marinig ang pagtunog ng telepono. Ako lang ang mag-isa rito ngayon sa bahay dahil nasa eskwela ang mga amo ko. Iniwan ko sandali ang ginagawa at dali-dali iyong pinuntahan.
"Hello, good morning!" sagot ko sa kausap.
["Ida? Is this you?"] Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya
Agad akong kinabahan nang marinig ang boses ng isang lalaki. Ibababa ko na sana iyon sa pag-aakalang baka si Jake na naman ang tumatawag pero nang mapamilyaran ko ang kanyang boses ay nahimasmasan rin ako.
"Sir Thomas . . . Napatawag po kayo?"
Rinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.
["Is Mavi there? I've been calling him since this morning but he's not answering. Mom and dad want to talk to him."]
Hindi ko alam kung anong meron sa kanila bakit ganito ang turingan nilang dalawa. Gusto ko iyong itanong sa tuwing nagkakasama kami pero ayaw ko namang manghimasok sa pamilya niya. Gusto ko ay siya mismo ang magkuwento sa akin. Sa ganoong paraan, mapapanatag ako dahil ibig sabihin lang no'n ay pinagkakatiwalaan niya ako.
Natapos ang usapan namin matapos kong ipaalam na nasa iskwelahan sina sir. Kinahapunan rin no'n ay nagsidatingan na rin sila. Minsan ay ginagabi na sila ng uwi, siguro ay dahil mas marami na ang units na tini-take nila.
"Kumusta po 'yung school niyo, mga sir?" panimula ko habang nasa hapag-kainan kaming lahat at kumakain ng dinner.
"Well, it's built strong and sturdy so it's fine there. I guess," sagot ni Sir Odin na kumibit-balikat pa.
"Yeah. Marami pa naman ang nag-enroll ngayong school year kaya 'yun . . ." dagdag ni Sir River na abala sa pagkain.
Maang lang akong nakatingin dahil sa mga naging sagot nilang ang lalayo sa tanong ko.
"Grabe, mas namiss mo pa yata 'yung school namin kesa sa amin mismo, Ida. I'm hurt." Madramang inilagay ni Sir River ang kamay sa kanyang dibdib at umakto pang tila nasasaktan. Sinabayan naman iyon ni Sir Odin na sapo ang dibdib matapos umaktong sinaksak iyon ng tinidor.
Napailing na lang ako. Mga baliw talaga ang dalawang 'to.
Nagtawanan sila dahilan para mapanguso ako. Ang hilig talaga nilang mang-asar.
"You're so adorable," ginulo ni Sir Vander ang aking buhok.
Napangiti ako. Sa paglipas kasi ng mga araw ay napapansin kong nawawala na ang kaunti naming ilangan at bumabalik na sa dati ang aming samahan.
Nawala lang ang ngiting iyon nang tapikin ni Sir Mavi ang kamay na nasa ulo ko.
"You don't have to do that," may bahid ng iritasyong sabi niya. Ang kanyang kilay ay unti-unti na ring nagbabanggaan sa kanyang mukha.
Pero hindi nakinig si Sir Vander at inulit lamang ang ginawa. Mas bumadha ang iritasyon ni Sir Mavi kaya’t matunog siyang ngumisi at kung hindi ko lang pinandilatan ng mata si Sir Mavi ay baka nasapok niya na itong katabi ko.
Napabaling ako sa harap kung saan nakaupo ang dalawang loko-loko at buti na lang ay abala sila sa tinitignang cellphone. Sila na lang kasi ang sa tingin ko'y walang alam sa kung ano man ang nangyayari. Hindi tulad ni Sir Vander at Sir Ramses na mabilis maka-gets ng mga bagay-bagay sa paligid nila.
"So possessive," rinig kong sagot ni Sir Ramses. Iiling-iling siyang uminom sa kanyang baso bago ako tignan na agad ko namang iniwasan.
Hilig-hilig ni sir sa ganyan 'no?
"Talagang nagpapagulo ka pa ng buhok 'no?"
Kapapasok ko pa lang ng kwarto ni Sir Mavi ay iyon agad ang bungad niya sa akin.
Natawa ako sa iritasyon ng kanyang boses habang siya ay abala lamang sa pagbabasa ng libro, ni hindi nga tumitingin sa akin.
"Hoy, ako ba nagsabi sa kanya na guluhin ang buhok ko ha? Kinuha ko ba 'yung kamay niya para ilagay sa ulo ko? Kaloka 'to."
Inis siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.
"Nang-aasar ka?"
Ang cute-cute niya talaga pag nagtatagalog. Akala ko puro ingles lang ang alam nito eh.
"Bakit, naaasar ka ba?" ganti ko sa kanya. Naupo ako sa paanan ng kanyang kama at sinalubong ang naiinis niyang tingin.
"Tss." Ingos niya.
Ang sungit talaga nito.
Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto. Malinis iyon. Ang mga libro ay maayos na nakasalansan sa shelves. Ganoon rin ang kanyang mesa kung saan nakalagay ang mga gamit niya sa iskwela. Nang masigurong wala nang kailangang linisin sa kanyang kwarto ay binalingan ko siyang muli.
"Tumawag pala si Sir Thomas kanina." Panimula ko. Napansin ko ang pagkatigil niya pero agad ring nakabawi.
Hinintay ko siyang magsalita pero nanatili lamang siyang tahimik.
"Tinatawagan ka raw niya kanina pero hindi mo raw sinasagot . . . Gusto ka raw makausap ng mga magulang mo." Mabagal kong dagdag.
Mataman ko siyang pinanood, inaalam ang kanyang ekspresyon.
Pakiramdam ko ay ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang pamilya. Pero paano ko siya lubusang makikilala kung hindi ako gagawa ng hakbang.
Mahina akong tumikhim. Umalis ako sa pagkakaupo at naglibot-libot sa kanyang kwarto.
Natigil ako nang may makitang maliit na picture frame sa may katabi ng mga libro. Wala ito noon kapag naglilinis ako, o baka naman hindi ko lang nakikita? Ewan.
Kinuha ko iyon at tinignan. Isa iyong family picture. Matagal na siguro ito dahil mukha pa siyang bata rito.
Napangiti ako nang bumaling sa kanya ang aking paningin. Ang bata bata pa pero napakasungit tignan. Pero kahit na gano'n ay alam mong lalaki siya ng gwapo. 'Yung tipong maraming paiiyaking babae.
Nakaupo ang Mommy at Daddy niya sa harao habang sila namang dalawa nina Sir Thomas ay nakatayo sa likod ng mga ito, at parehong hindi nakangiti. Susungit.
"Ang cute niyo rito ni Sir Thomas."
Ipinakita ko sa kanya ang picture frame na hawak kaya roon napunta ang kanyang tingin. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon kahit nang tumayo siya at marahan iyong kunin sa akin.
"That was taken when I was in second year high school. I was having a stomach ache during that time and they really insisted on taking that picture."
Nailing siya at may munting ngiti sa labi na tila inaalala ang mga nangyari noon.
"Mom became hysterical when she knew about that."
Ibinalik niya ang picture frame sa pinagkunan ko kanina saka siya bumaling sa'kin.
"Siguro, alalang-alala 'yung mommy mo no'n kaya gano'n. Wala namang nanay ang hindi nag-aalala para sa mga anak nila. 'Yung nanay ko nga, palagi na lang gano'n kahit noong naroon pa ako sa 'min. Kaya ngayong malayo ako sa kanya, malamang, doble ang pag-aalalang nararamdaman niya. Buti na kang at palagi ko siyang nakakausap kaya't nababawasan ang alalahanin niya."
Bumuntong-hininga siya.
"Well that's good." Tatangu-tangong sagot niya. "At least, the phone I gave helps you."
Oo nga pala, may nakalimutan ako.
"Wait lang ha?"
"Where are you going?"
Hindi ko na siya sinagot at dali-dling lumabas ng kwarto saka bumaba. Pumasok ako sa aking kwarto at kinuha ang bagay na gusto kong ibigay sa kanya.
Nang makuha iyon ay dali-dali akong bumalik sa kanyang kwarto at naabutan siyang nakaupo sa kanyang kama.
Nakatago ang kamay sa likod, nakangiti akong sumampa ng kama at tumabi sa kanya.
"Where have you been?" kunot-noong tanong niya.
Imbes na sagutin ay kinuha ko ang kanan niyang kamay at doon inilagay ang gusto kong ibigay sa kanya.
"What is thi—"
Napatigil siya nang makita ang regalo kong keychain na gitara. Tumingin siya sa akin at muling ibinaling sa binigay ko.
"Pasensya na, 'yan lang 'yung nakayanan ko. Pero maganda naman 'yan saka pinalagyan ko siya ng quotes sa likod, tignan mo."
Ako na ang kumuha no'n at nagpakita sa kanya. Pero kalilingon ko pa lang ay sinalubong niya na ako ng halik. Hindi agad ako nakakilos kaya't natulos na lamang ako sa aking pwesto.
Siya ang unang nagbawi ngunit hindi roon natigil ang pagbigay ng patak-patak na halik sa labi at ibang parte ng mukha ko.
"Damn."
Nakangiti niyang usal habang magkadikit ang aming mga noo. Ramdam ko pa rin ang kanyang labi sa labi ko kahit na nga kanina niya pa binawi ang kanya.
"I swear Ida, you'll be the death of me," natatawa niyang sagot habang sapo pa rin ang aking mukha.
Napanguso ako.
"Bakit, wala naman akong ginagawa ah? Binigyan lang naman kita ng keychain kasi nga 'di ba, mahilig ka sa musika. Saka, ako nga binigyan mo ng phone eh. Regalo ko na rin 'to sa 'to tutal nauna naman 'yung birthday mo sa 'kin."
Natawa siya at hinila ako para mahiga kasama siya. Idinipa niya ang isang braso para gawin kong unan habang ang isa naman ay hawak ang bigay kong keychain na nakangiti at patuloy niya pa ring pinagmamasdan.
"You don't have to. But thank you."
Napabaling ako sa kanya, kunwaring nagugulat.
"Marunong ka pala niyan? Ang mag-thank you?"
Umirap siya at pinitik ang aking noo kaya't sinamaan ko siya ng tingin. Natawa siya at hinapit ako palapit sa kanya.
"Do you want me to sing you a song?" Tanong niya na agad nagpaliwanag ng mukha ko.
Mabilis pa sa alas-kwatro ang aking pagtango. Pinatakan niya ako ng halik sa aking noo saka siya umalis sa pakakahiga. Kinuha niya ang gitarang nasa ilalim ng kanyang kama. Sinimulan niya ang pag-strum at agad kong nahulaan ang tinutugtog niya. Ito 'yung kantang tinugtog nila noong gabing isinama nila ako. 'Yung gabing hinalikan niya ako sa unang pagkakataon.
Nakangiti ako habang pinanonood siya. Naalala ko ang mga salitang ipinalagay ko sa keychain at mas napangiti ako dahil doon.
"Ikaw ang musikang hindi ako mapapagod pakinggan."