"Where's my Mavi baby?"
Paglabas ko ng kusina ay si Ube agad ang bumungad. Umangat ang kanyang kilay pagkakita sa akin saka na siya bumaling kay Sir Vander na natigil sa paglalakad sa hagdan pataas sa kanyang kwarto.
Bumaling sa kanya si sir.
"Violet. You're here . . ." nakapamulsa siyang bumaba muli ng hagdan at nang makababa ay nagtungo siya sa couch at doon naupo, nakaangat ang tingin kay Ube. "It's still early . . . Why are you here?"
Lihim akong napangisi. Para kasing ayaw ni Sir Vander na narito siya dahil sa nakatagong panunuya sa kanyang boses. Apir tayo d'yan sir! Ako rin, ayaw ko ring nandito 'yang Ube'ng halaya na 'yan. Kay aga-aga nabubwisit na agad ako.
"Oh silly! Of course! Didn't I tell you all that I'm going to win him back? So . . . I'm here! I'll be always here." Pagkikibit-balikat niya, saka siya tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Kung may ilalagpas pa 'yang kilay niya sa kanyang noo, malamang ay matagal na 'yang wala sa pagmumukha niya. Ano kayang hitsura niya ng walang kilay 'no? Tignan lang natin kung makapag-taray pa siya, hmmp!
Pare-pareho kaming napabaling sa hagdan nang makarinig ng mga yabag at nakita ang pababang si Sir Mavi. Bagong ligo at umaalingasaw sa bango kahit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay nauuna ng umabot sa aming mga pang-amoy ang kanyang bango. Nakasuot siya ng brown cotton shirt at puting shorts at kay gwapo sa umaga.
Ano ba 'yan? Hindi ba siya aware sa global warming? Umiinit na nga 'yung mundo pinapainit niya pa lalo, charr!
Pinanood ko siya sa bawat paghakbang niya. Alam mo 'yung mga nasa pelikula? 'Yung feeling na aping-api ka na tapos biglang dadating 'yung taong magliligtas sa 'yo kaya nag-i-slow motion ang paligid? Ganu'n! 'Yun na 'yon ang nararamdaman ko ngayon. Isa-isa na naman tuloy na nagsisiliparan ang mga paru-paro sa aking tiyan.
Pero nasira lamang iyon nang pumasok si Ube sa eksena at sinalubong ng halik si Sir Mavi sa pisngi at parang tuko na yumakap sa kanya.
"Baby! Did I wake you up?" Sinapo niya ang mukha ni Sir Mavi at nag-umpisang magsalita na parang bata ang kanyang kinakausap. "I'm so sorry! Do you want to sleep again? C'mon, I'll cuddle you!" niyakap niyang muli si sir.
Napatingin sa 'kin si Sir Mavi. Sarkastiko ko siyang nginisihan at bago pa ako maging bayolente ay tinalikuran ko na sila at pumasok muli ng kusina.
Gustong-gusto ha?! Edi mag-yakapan kayo hanggang gumabi! Pinaganda nga 'yung araw ko tapos sinira rin naman agad. Pwe! Tumama sana sa loob ng isang buwan 'yang hinliliit niyo sa paa ng mesa!
Maganda ang gising ko pero mukhang maghapon na yata 'tong sasama. Sa harap ko pa talaga? Sa harap ko pa talaga lilingkis 'tong baeng 'to? Tapos itong isang 'to naman ay wala lang ibang ginagawa. Titingin sa 'kin na para bang inaalam ang magiging reaksyon ko pero hinahayaan lang naman si Ube sa kung ginagawa nito sa kanya.
Nang matapos sa trabaho ay nagpasya akong magpadala ng pera kina nanay. Pumunta ako ng remittance center para doon magpadala at nang matapos ay dumaan ako sa mall. Bagong sweldo ako ngayon at linggo naman, day-off ko kaya imbes na masira ang araw ko ay mabuti kung aalis na lang ako ng bahay.
Pagkarating sa mall ay pumasok ako sa isang souvenir shop. Wala naman akong pagbibigyan ng pasalubong, sadyang gusto ko lang dumaan rito. Naglibot-libot ako, titingin-tingin ng ilang tinitinda tapos pag nakita ang presyo ay ibabalik rin naman.
Grabe ang mamahal naman nito! Tigbe-bente lang ang mga ganito sa 'min eh, tapos ito, halos umabot ng ilang daan? Gawa ba 'to sa ginto? Sabagay kung gawa 'to sa ginto ay mas mahal pa 'to.
Palabas na ako nang may mahagip ang aking mata. Para mina-magnet no'n ang aking atensyon kaya't nilapitan ko.
Naalala ko si Sir Mavi.
Itim na gitara. 'Yun ang disenyo ng keychain. Itim ang kulay at may gold linings sa mga gilid. Simple lang ang disenyo no'n pero maganda sa paningin ko. Halos kasing-laki iyon ng aking palad.
Nagda-dalawang isip man ay binili ko na iyon. Kakaunti na lang ang mga katulad no'n at itatago ko sana upang balikan na lang pero may kung anong nag-uudyok sa aking bilhin iyon kaya ayun . . .
"675 pesos po lahat ma'am," itinago ko ang pagngiwi sa binanggit niyang presyo.
Naglabas ako ng pera nang magsalita siyang muli.
"Do you want it customized, ma'am? You'll just have to add another 150 pesos ma'am. You can choose from our options, or you can tell us what you want to put in here." Mabilis niyang sabi na ikinatango ko na lang. Gusto ko sanang tumawad kaso hindi naman 'to palengke.
Nang lumabas roon ay dumaan naman ako sa isang boutique ng mga damit kaso agad ring lumabas dahil sa mahal na mga presyo. Hindi na 'yun kaya ng budget ko. Mas gugustuhin ko pang magsuot ng nga ukay-ukay na damit kesa itong ang mamahal. Siguro saka na lang pag malaki na ang sweldo ko.
Akmang sasakay na ako ng taxi nang may makita akong ale na nahihirapang pagpupulutin ang mga gamit sa kanyang bag. Dali-dali akong pumunta roon at nakipulot na rin ng mga gamit niya at ibinigay sa kanya na bahagya niyang ikinagulat.
"O-Oh, thank you hija."
Ngumiti siya sa akin at bahagya pa akong natulala sa kagandahan niya.
"Wala po 'yon."
Hindi ko maialis ang paningin sa kanya. Para bang ngayon lang ako nakakita ng mala-dyosang kagandahan samantalang araw-araw ko namang nakikita ang mukha ko sa salamin. Charr!
"Ang ganda-ganda niyo po. Pwede na po kayong lumaban sa Miss Universe." Manghang-mangha pa ring sabi ko at kulang na lang ay maglaway na ako rito katititig sa kanya.
Ngumiti siya at hinawi ang mahabang buhok.
"Silly girl. Hindi na ako pwedeng sumali sa mga ganyan dahil may mga anak na 'ko."
Bahagya akong nagulat na marahan niyang ikinatawa.
"Hindi po halata, ma'am! Para lang po kayong nasa 20s."
Mas natuwa siya sa sinabi ko at pabiro pa akong hinampas sa braso.
'Ayy?'
Nasa ganoon kaming eksena nang may dumating na lalaking marahil ay nasa edad niya lang. Ngumiti ito saka agad na ipinulupot ang braso sa bewang ng babaeng kausap ko. Nakasuot ito ng itim na polo shirt at maong na pantalon. Bahagya pa akong natigilan matapos makita ang hitsura niya. Mayroon kasi siyang kamukha.
"Who is she, hon?" tanong nito at saka bumaling sa akin.
"She just helped me, hon. What's your name again, hija?"
"A-Ahm, Ida po."
Nagpasalamat lang sila sa 'kin at matapos no'n ay nagpaalam na rin sila.
Hapon na nang makauwi ako sa bahay. Natigilan pa ako nang pagpunta sa aking kwarto ay naroon si Sir Mavi at nakahalukipkip lang sa dingding, tila kanina pa nababagot.
Tumikhim ako at nakuha ang kanyang atensyon. Napaayos siya ng tayo at agad kong nasalubong ang nakakunot niyang noo.
"Where did you go?"
Naalala ko ang eksenang iniwanan ko rito kanina kaya't nanumbalik sa 'kin ang iritasyon.
Nilagpasan ko siya at pumasok sa aking kwarto. Alam kong nakasunod siya kaya't agad kong binuksan ang electric fan dahil wala namang aircon sa kwarto ko.
"Ida, I'm asking you, saan ka galing? I've been texting and calling you but you're not answering!"
Nagpatuloy siya sa pagtatanong pero hindi ko sinagot. Naiinis pa rin ako sa kanya. Buti na lang at mukhang wala na si Ube dahil kung hindi ay talagang ihahalo ko siya sa ginataan!
Akmang bubuksan ko ang cabinet para maghanap ng pampalit ng sarhan niya iyon at ipaharap ako sa kanya.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya habang siya ay nakatitig lamang sa akin.
"What's the problem? Kanina ka pa ganyan. Did I do something?"
Nagpapantastikuhan akong napalingon sa kanya. Talaga ba ha?
"Wala. Wala kang ginawa. Tabe at magbibihis ako." Sarkastikong sabi ko bago siya hinawi. Binasa niya ang kanyang labi habang ang mukha ay unti-unti na ring nilalamon ng iritasyon.
Kumuha ako ng damit sa aking kabinet at saka dumiretso ng banyo para doon magbihis.
Kaloka ang kuya niyo mga 'te! Walang alam? Wala raw ginawa? Eh 'yun na nga 'yon eh, wala siyang ginawa at hinayaan niya lang ang babaeng 'yon na halikan at yakap-yakapin siya!
'Pero hindi ba't ayaw mo namang ipagsabi sa ibang may namamagitan sa inyo?'
Napabuntong-hininga ako at agaran nang tinapos ang pagbibihis. Nang lumabas ako ng banyo ay agad akong napasinghap nang mabilis niya akong inatake ng halik.
"Mmm . . ."
Napakapit ako sa kanyang batok nang mas idiin niya ang kanyang sarili sa akin at isandal ako sa pinto.
Siya rin ang unang bumitaw at halos kutusan ko ang sarili nang habulin ko ang kanyang labi.
"Galit ka pa ba?"
Naguguluhan ko siyang tinignan.
"Huh? Galit? Sinong galit?" Nalilito kong tanong pero nang matauhan ay agad akong napaayos at tinablan ng hiya. "H-Hoy, lumayo ka nga! Ang smooth mo ha!" Tinulak ko siya pero wala naman iyong naging epekto.
Napangisi siya.
"But you like it. Don't deny it, Ida. I know that you're addicted to my kisses." Itinaas-baba niya ang kanyang kilay. Nakangisi at nang-aasar.
"Ewan ko sa 'yo." Napairap ako.
Itong lalaking 'to, ang hilig na ngang mambintang, hilig pang manghalik. Parang ang sarap tuloy magalit palagi.