Natigilan ako sa pagwawalis at diretsong napatayo.
‘Ano ba Ida, umuulit ka na naman! Umayos ka ha! Hindi para sa ‘yo ‘yang kanta!’
Iniisip ko pa lang na hindi para sa ‘kin ang kantang iyon ay nakakaramdam na ako ng inggit sa babaeng aalayan niyo no’n balang-araw.
‘Eh bakit ka naman maiinggit, Ida?’
“Oo nga ‘no? Bakit naman? Tss.”
Napailing na lang ako.
Napalingon ako sa direksyong papunta sa music room nang maalala ang ginawang pagkanta ni Sir Mavi noong nakaraang araw. Palagi ko namang naririnig ang kantang ‘yon hindi lang sa radyo kundi na rin sa telebisyon pero ang kanya lang yata ang pinakamagandang bersyon na napakinggan ko.
Inalis ko ang paningin roon pero hindi pa man ilang segundo ay napapatingin na naman ulit ako sa kwartong ‘yon lalo na’t kanina pa ako may naririnig na tumutugtog roon. Gusto ko iyong puntahan dahil baka si Sir Vander iyon pero alam kong imposible dahil wala siya rito.
Ipinilig ko na lang ang ulo at iwinaglit ang mga gumugulo sa isipan saka ipinagpatuloy ang ginagawa.
Babaliwin ko lamang ang sarili sa kaiisip sa lalaking ‘yon.
Naudlot ang akma kong pagwawalis nang tumunog ang telepono. Patuloy iyon sa pag-ring kaya’t nilapitan ko at ako na ang sumagot.
“Hello! Oliveros’ residence, ano pong kailangan nila?” sagot ko.
[“Ida? Hey Ida, is that you?”] boses iyon ng lalaki. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa teleponong hawak nang mapamilyaran ang boses na ilang linggo ko ring hindi narinig.
Hindi ba’t—
‘Susmaryosep! Paano niya ‘ko natawagan?!’
Napahigpit ang hawak ko roon. Punyeta, pa’no niya nalaman ang numero ng mga amo ko?
Inilayo ko muna iyon at saka tumikhim bago ulit ilapit sa tenga ko.
“Ay nako ser, hendi ko pu kelala iyang benabanggit ninyu. Wala pung Eda ritu.” Kinakabahang sagot ko. Pinatinis ko pa ang sariling boses at iniba ang pananalita para lang hindi niya mahalata.
[“Hoy, anong wala? Kasasabi pa lang noong masungit na bastardong iyon noong isang araw na rito nagtatrabaho si Ida! Miranda Jean Gonzales. ‘Yan ang pangalan ng kasambahay na nariyan!”]
Ano? Aba’t— Sino ‘yon?
[“ ‘Wag kang magkakamaling takbuhan ang utang mo sa ‘kin Ida, sinasabi ko sa ‘yo, ipakukulong—“]
“Wala pu talagang Eda na nakatira ritu. Baybay na pu.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadali ko iyong ibinaba. Punyeta!
‘Eh kung patayin ko kaya siya bago ako makulong!’
Hindi ko alam kung naniwala ba siya sa mga sinabi ko pero sino bang niloloko ko? Malamang hindi ‘yun agad maniniwala.
Sapo ang noo ay dali-dali kong tinipa ang numero ni Eva at tinawagan. Nasa kanya-kanyang lungga pa ang mga amo ko kaya hindi ako mahuhuli. Mabuti at unang ring pa lang ay agad niya na iyong sinagot na para bang inaasahan niya nang tatawag ako sa kanya.
[“Hello Bes—“]
“Ikaw ba ang nagbigay nitong number kay Jake?” nakakunot ang noo ko habang nakapameywang.
[“Eh Bes, binantaan akong ipakukulong eh, kaya no choice ako. Alam mo namang magkasama tayo doon sa video. Saka, noong isang araw ko pa binigay ‘yang number sa kanya ah. Akala ko nga noon mo pa ako tatawagan eh, bakit ngayon lang?”] sagot niya na para bang nanghihinayang pang ngayon lang ako tinawagan ng mokong na ‘yun.
Napapikit ako sa inis. So tama nga ang hinala kong siya ang nagbigay.
“May nakausap daw siyang isa sa mga amo ko . . .” naiinis kong sagot.
Paano na lang kapag nalaman nilang may nagsampa pala sa akin ng kaso? Baka isipin nilang kriminal ako. Baka imbes na si Jake ay sila pa mismo ang magpakulong sa akin.
[“Sinong amo raw? May sinabi ba siyang pangalan?]
“ ‘Yun na nga eh! Wala siyang sinabi. Ang sabi niya lang ay sinagot daw ng masungit na bastar—“ natigilan ako. “Masungit? Masungit!”
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto. Kaya ba panay ang ngisi niya sa akin noong isang araw? Kaya ba may pa-please please pa siya?
“Punyeta!”
[“Anong punye—“]
Agad kong ibinaba ang telepono at naglakad patungo sa music room. Hindi ko alam kung sino ang naroon pero malakas ang kutob kong siya ‘yon. Sa sama palang ng enerhiyang nasasalubong ko ay hindi ko na kailangan pang magtanong.
Kuyom ang mga kamay at nakakunot ang noong binilisan ko ang paglalakad.
Sumusobra na talaga ang lalaking ‘yon! Hindi niya ba alam kung gaano ka-seryoso para sa akin ang itinawag ni Jake! Kaya ba wala siyang masyadong pang-iinis na ginawa at masakit na pinagsasabi nitong mga nakaraang araw dahil meron pala siyang hinahandang pasabog? Kaloka ha!
Pagkabukas ng pinto ay hindi nga ako nagkamali sa nadatnan. Abala siya sa paghampas ng drums habang naka-head set. Lakas loob akong pumasok kahit na tumama na sa akin ‘yang mga nababagot niyang tingin na para bang napaka-walang kwenta ng nakikita niya at hindi nararapat paglaanan ng ilang segundo man lang ng oras niya.
Wala akong mabasang ekspresyon sa kanyang mukha habang papalapit ako. Sa halip ay mas nilakasan niya pa ang paghampas sa mga drums na akala mo ay doon naglalabas ng galit. Wala siyang pakialam kung mabingi na siya, mas lalo na ako. Napatakip ako sa tenga pagkatigil sa mismong harap niya at ng instrumento, napapapikit pa ang isang mata.
“A-Ano ba, Sir Mavi, tumigil ka nga!” malakas na sabi ko, umaawat pa sa kanya pero hindi man lang siya nagpatinag. Aba’t! “Sir!!! Ano ba, ang sakit sa tenga!!!” muling sigaw ko, mas malakas sa una at talagang iniharang ko na ang kamay sa drums na sana ay papaluin niya, mabuti na lang at natinag rin siya. Masasaktan ko na talaga siya kapag nahampas niya ‘tong braso ko.
‘Yun nga lang ay masama na naman ang tingin sa akin dahilan para kabahan ako. Pero imbes na matakot ay tinatagan ko ang loob at buong tapang na hinarap siya.
“Did you just yell at me?” nanliliit ang mga mata niya habang dahan-dahang tumatayo, nilalampasan ang tangkad ko habang ang head set ay nakasabit na sa kanyang leeg.
“E-Eh kasi naman po sir, pinapatigil ko kayo pero hindi kayo nakikinig.”
Akala ko ay hindi na ako kakabahan pero iba talaga ang epekto niya sa ‘kin.
Napaangat ang kilay niya at mula sa puwesto ko ay kita ko kung paano gumalaw ang panga niya. Nalintikan ka na, Ida!
Dinilaan niya ang ibabang labi bago ngumisi, ang paningin ay bumaba sa drums saka nag-angat ulit sa akin.
“And why would I listen to you? I’m your boss, and you’re just my maid. You’re in my f*****g house and I can f*****g fire you anytime I f*****g want.” Puno ng awtoridad ang boses niya habang nakapamulsang naglalakad palapit sa akin. Kalmado ang kanyang ekspresyon pero ang kanyang mata ay ganoon na lamang ang tiim sa akin. Parang ang daming sikreto ang nakatago roon, tila naghahalu-halo ang emosyon kaya mas lalong dumidilim. “Madali ka lang palitan.” Dagdag pa niya.
Grabe talaga ang bunganga neto oh!
“P-Pero hindi naman po ibig sabihin no’n na pwede niyo na akong bastos-bastusin kung kailan niyo gusto. Tao rin naman po ako at nasasaktan rin d’yan sa mga lumalabas sa bibig niyo. Saka opo, kasambahay lang ako rito pero baka nakakalimutan niyo rin po na hindi lang rin kayo ang boss ko.”
Malalim ang paghinga ko pagkatapos. Hindi ko alam kung saan ko pinagkukuha ang lakas ng loob ko sa mga oras na ‘to. Wala na sigurong kasing inis ang nararamdaman niya ngayon sa ginagawa ko pero wala na akong pakialam.
“At saka bakit hindi niyo sinabi sa ‘kin na tumawag pala si Jake at kayo ang nakasagot?! Hindi niyo ba alam kung gaano kaimportante sa akin ‘yon? Sana ipinaalam niyo man lang—“
“I don’t tolerate any kind of flirting in my house, Miss Gonzales.” Matigas niyang sabi. Natigilan pa ako sa pagsambit niya ng apelyido ko. “At anong ikinagagalit mo? Na hindi mo siya nakausap at hindi narinig ang binilin niya? Don’t worry. I told that asshole to visit you, but don’t you ever set those f*****g feet in this house, nor show both of your faces because again, I don’t tolerate any kind of flirting. You’ll regret when that happens.”
“A-Anong flirting? S-Sinong lumalandi? Ako?” tinuro ko ang aking sarili. “Napakalandi ko ba sa paningin mo?” tanong ko, nagugulat sa mga binibintang niya.
“Bakit, hindi ba?” Ngumisi siya nang hindi ako nakasagot.
Agad na nalukot ang mukha ko sa sagot niya.
Mas lumapit pa siya at ramdam ko ang bigat ng presensya niya kaya agad akong napaatras. Akala ko ay titigil siya dahil sa inasal ko pero kinabahan ako lalo nang magdire-diretso lang siya at ako itong atras ng atras hanggang sa mapasandal na ako sa malamig na salamin, kabaligtaran ng pag-iinit ng mukha ko. Nasa harap ko siya at tuluyan na ngang kinain ng kanyang katangkaran ang akin.
Hindi ko maiwasang mapalunok.
‘Lord, ito na po ba ‘yung part na ihaharang niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko para hindi ako makatakas tapos hahalikan niya ako? Tapos dahil ako naman ‘tong si marupok, imbes na manlaban ay agad ring bibigay? Gano’n po ba?’
Susko! Nahahawa na yata ako sa mga pagpapantasya ni Eva!
Nahigit ko ang sariling hininga at nanlaki ang mga mata nang iharang niya nga ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko, kasabay ng paglapit ng mukha niya sa bandang tenga ko.
‘Oh my.’
“And next time, ‘wag mong ugaliing basta-basta lang na sigawan ako. Dahil sa susunod na mangyari ang ganito, uungol na sa sarap ‘yang labi mo,” namamaos niyang bulong.
Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya samahan pa ng mainit niyang hininga na dumadampi sa balat ko. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa sistema ko matapos kong maramdaman ang labi niya roon.
“What are you two doing?”
Mabilis kong naitulak si Sir Mavi at agad na napalayo nang marinig ang boses ni Sir Ramses. Malalim ang nabuga kong hangin na kanina ko pa pala pinipigilan.
“W-Wala po kaming ginagawang masama, sir. H-Hindi po kami nag-kiss.” Agad kong tanggi, natataranta pa sa kaba dahil baka iba ang interpretasyon niya sa nakita.
Nakataas ang kilay ni Sir Ramses habang papalit-palit ng tingin sa aming dalawa ang nanunuring tingin.
“Oh come on, Ida. Why are you denying it? Hindi naman magsusumbong ‘yang si Ramses kaya wala namang masama kung sasabihin mo.” Nanlalaki ang matang napabaling ako sa kanya. Ano bang sinasabi nito?
“A-Ano bang sinasabi mo?” pautal-utal ako tapos heto siya at pangisi-ngisi lang. Agad akong bumaling kay Sir Ramses, mabilis na umiiling. “S-Sir, wala po talaga. Nagsisinungaling lang po ‘yang—“
“Pagkatapos mong masarapan, Ida? You’re just moaning my name earlier tapos ngayon itatanggi mo na? Ouch. You’re hurting my ego.”
“P-Pwede ba! Tumigil ka nga dahil hindi ka nakakatuwa!” sa kaba ay dali-dali akong lumabas ng music room. Naririnig ko pa ang mga pahabol niyang pang-aasar pero mas binilisan ko na lang ang paglalakad patungong kwarto.
Hindi ko alam na may gano’ng side pala ang lalaking ‘yon! Mas mabuti talaga pag nananahimik lang siya eh. Bastos na ‘yon! Ang lakas gumawa ng kwento! Ako, nasarapan? Punyeta talaga siya! Overload!
Sapo ang dibdib na napaupo ako sa gilid ng aking kama. Napatingin ako sa salaming nakasabit sa pader at kita roon ang pamumula ng aking mukha. Iniisip ko pa lang ang mga pinag-iimbento niya kanina ay nag-iinit pa lalo ang mukha ko. Kainis na ‘yon ha!
Gustuhin ko mang magmukmok sa kwarto ay hindi pwede dahil kinakailangan ko pang magtrabaho. Malaki ang bahay na ‘to pero kahit anong iwas ko sa kanya ay hindi ko naman magagawa. Mas hindi ako makaiwas dahil sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ay ngumingisi siya sa akin na siyang nagpapaalala ng mga nangyari kanina.
“Join us for lunch, Ida.” Ani Sir Vander na hindi yata napapagod kaaalok sa ‘kin kahit na parati naman akong tumatanggi. Ngayon pa ba na mas lalong hindi ko kayang makasabay sa pagkain ‘yang lalaking ‘yan? No way highway.
Kita ko siya sa gilid ng mata ko kaya agad akong tumanggi kay Sir Vander.
“ ‘Wag na po sir, sa kwarto na lang po ako kaka—“
“Just sit your ass down.”
Lahat kami ay natigilan kay Sir Mavi at alam kong hindi lang ako ang nagugulat sa biglaan niyang pagpayag.
“What the hell is wrong with you?” takang tanong ni Sir Odin.
“Yeah. May lagnat ka ba? Naubusan ng condom? O nabagok ‘yang ulo mo? Kailangan mo na bang ipadala sa ospital?” sarkastikong ani Sir River.
Tahimik lang si Sir Vander na pasulyap-sulyap lang sa kanya, nagtataka rin samantalang hindi ko naman mabasa ang ekspresyon ni Sir Ramses. Baka naniwala siya kanina ha? Ang uto-uto niya naman kung gano’n.
Alanganin akong ngumiti, iniiwasan pa ring lumingon sa kanya.
“Hindi na po, sir—“
“Ikaw ba ang boss?” pagpuputol niya sa ‘kin.
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at naabutang nakaangat ang kanyang dalawang kilay. Bumaling siya sa upuang katabi ni Sir Vander bago ulit mag-angat sa akin.
“Sit.”
“Go on, Ida. Sit here. Ako na ang bahala sa plate mo.” Tumayo si Sir Vander at inalalayan akong makaupo kaya wala na akong nagawa pa. Pagkatapos ay umalis siya para kumuha ng plato sa kusina.
Napabuntong-hininga ako.
Dalawa kami ni Sir Vander sa parteng ‘to at sa kabila naman sina Sir Ramses, River at Odin habang si Sir Mavi ang siyang nasa gitna. Siguro dahil siya ang may-ari nitong bahay. Ewan.
Nakayuko lamang ako at hindi man lang siya kayang madapuan ng tingin. Hindi ko man lang maiangat ng maayos ang ulo dahil sa tuwing gagawin ko ay nahahapit ng paningin ko ang mapanuring titig ni Sir Ramses.
“Here.”
Bumalik si Sir Vander na dala ang platong kinuha niya para sa ‘kin. Siya na rin ang naglagay ng pagkain roon at ang naghiwa ng karne. Pakiramdam ko tuloy ay pinagsisilbihan niya ako, kainis. Enebe?
“Salamat po.”
Nag-umpisa na akong kumain kahit pa naiilang ako sa mga tinging iginagawad nina Sir Odin at Sir River, lalo na ng isang ‘to.
“Is it delicious, my beautiful Ida?” nakangising tanong ni Sir Odin. Nag-order kasi sila ng pagkain ngayon dahil hindi ako nagluto. Abala ako sa pagnguya nang tumango. Sino ba namang hindi masasarapan sa steak ‘di ba?
“Eh ‘yung kanina, masarap rin ba?” muntik pa akong mabilaukan sa tanong na ‘yon ni Sir Mavi. Agad akong inabutan ng tubig ni Sir Vander na ngayon ay abala sa pagkuha ng tissue saka iyon inabot sa akin.
“Anong masarap? Did you eat something together kanina?” kyuryosong tanong ni Sir River.
Uubo-ubo kong pinandilatan si Sir Mavi na inangatan lang ako ng kilay. ‘Langya talaga ‘to. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko dahil alam ko kung anong tinutukoy niya. Mabuti sana kung may katotohanan ‘yon eh, kaso wala.
“Baka iba ang kinain,” nakangising sagot ni Sir Odin na iiling-iling pa habang sumusubo. Hindi ko maiwasan ang mapairap.
Noon pinangarap kong magkaroon ng mga lalaking kapatid, pero ngayong may lima akong nakakasama, mas na-realize kong kahit papaano ay patas naman pala ang mundo.
Nang kinagabihan ay umalis rin silang lahat. Mukhang magba-bar dahil ang lulupet ng porma. Mabuti naman at hindi ko kinakaya ‘yang mga lumalabas sa bibig niya. Hindi ko alam kung mas mabuti bang mga masasakit ang sinasabi niya o katulad ng kanina na kung anu-anong kalokohan lang.
[“O, kumusta naman ang valentine’s day ng bessy ko d’yan?”] napangiwi ako nang mahimigan ang saya sa boses niya na nasundan pa ng ilang pagtili.
“Anong meron sa ‘yo? Sinagot mo na ba ‘yung Afam na palaging ka-chat mo kaya para kang bulateng sinilihan at inasinan na sinamahan pa ng suka?”
Natawa siya sa kabilang linya.
[“Ano ka ba! Hindi pa ‘no. Natutuwa lang ako kasi sabi nung isa kong ka-chat padadalhan niya raw ako ng pambili ng chocolates mamaya! O ‘di ba, bongga? Inggit ka bes . . .”] pang-iinggit niya pa.
Napailing na lang ako.
“Tuwang-tuwa ka sa chocolates ‘no? Mas matuwa ka kung pinuno ‘yang tindahan niyo. Saka hindi mo pa nga sigurado kung totoo ‘yang profile picture niya. Mamaya, baka maloko ka niyan. Basta pa naman gwapo sa paningin mo ang dali mong mauto eh.” Sagot ko sa kanya. Narinig ko agad ang pag-ingos niya.
[“Ay wow? Nagsalita ang hindi nagpaloko kay Jake, ‘no? Apat na araw ka lang inuto-uto, pumayag ka na agad makipag-relasyon? Sinabihan ka lang na maganda ‘yang brown mong mata, hayun at araw-araw mo kung pagdalhan at paglutuan ng pagkain.”] sarkastikong aniya. Napanguso ako at napairap na lang dahil totoo naman.
Marami pa kaming napag-usapan ni Eva. Nabanggit niya lang ang mga pinaggagawa ni ate na masyado nang lulong sa barkada kaya walang magawa si nanay kundi ang siyang mag-alaga sa mga pamangkin ko.
Ewan ko rin ba d’yan kay ate. Sa tuwing makakausap ako ay wala nang ibang ginawa kundi ang humingi ng pera. Okay lang naman sana kung ginagamit sa bahay eh, pero ngayong naririnig kong mas napapadalas pa ang pagsama niya sa mga barkada niya ay hindi ko na alam ang dapat na gawin sa susunod. Kahit hindi ko ‘yan bigyan ay malamang si nanay rin ang kukulitin niya.
Mabait naman si Ate Monette. Kaso mula nang mawala si tatay ay naging mailap na siya sa amin ni nanay at mas nalapit sa mga barkada niyang hindi niya man lang pinapakilala sa amin. Palagi niyang ipinaparamdam na kung narito lang si tatay ay hindi magiging ganito ang buhay namin. Nakakasakit lang dahil parang sinasabi niyang hindi kami sapat ni nanay para sa kanya. Ni hindi man lang siya nagsasabi ng problema sa amin. Pati nga kung sinong totoong tatay ng mga pamangkin ko ay hindi namin alam, lalo na kung iisa lang ba sila o magkaiba.
Nabanggit rin sa akin ni Eva ang pag-uwi ni Jake ng Maynila. Alam ko namang napakalaki ng Maynila at hindi ko rin alam kung saan siya nakatira pero hindi ko maiwasang kabahan sa tuwing naiisip kong iisang hangin na ang nilalanghap namin. Baka magtagpo ang mga landas namin at iyon ang pinakahuling bagay na gusto kong mangyari.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ng kaluskos sa labas ng bahay. Dahan-dahan akong sumilip roon habang may dalang walis tambong pampukpok. Mahirap na at baka magnanakaw iyon.
Ngunit hindi pala iyon magnanakaw kundi isang napaka-gwapong nilalang. Charot! Si Sir Vander pala ang dumating at mukhang nag-iisa siya.
“I thought you’re already asleep,” sabi niya matapos bumaba ng kotse. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at sa ilalim no’n ay puting shirt. Pinaresan niya iyon ng itim na ripped jeans at puting mamahaling sapatos.
Mula sa kinatatayuan ko ay nalalanghap ko ang kanyang napakabangong amoy.
Bahagya pa akong nahiya matapos niyang pasadahan ng tingin ang kabuuhan ko. Ako lang ang mag-isa rito mula alas-otso kaya’t pagkaligo ay ang manipis kong bestidang pantulog na ang siyang suot ko.
“May tinapos lang po kasi ako sir.” Napapalunok kong sagot matapos makita ang kakaibang kislap sa kanyang mata na hindi pa rin yata napapagod sa pagkilatis sa akin.
Umakyat ang mata niya sa mukha ko at sandaling tumitig. Maya-maya pa ay parang bigla siyang natauhan kaya tumikhim bago nag-iwas ng tingin.
Naupo siya sa couch pagkatapos tanggalin ang suot na itim na leather jacket at maiwan lang ang suot na puting shirt.
“Nasa’n po pala ‘yung iba, sir? Bakit ikaw po yata ‘yung nauna?” tanong ko nang abutan siya ng isang basong tubig. Kinuha niya iyon sa ‘kin at mabilis na ininom na akala mo ay ilang araw na hindi nakatikim ng tubig kaya’t uhaw na uhaw.
“For sure they’re getting laid now.” Nailing na sagot nito bago uli ako pasadahan tapos mag-iiwas na naman ng tingin.
Problema nito ni sir?
Patango-tango lang ako habang napapangiwi pa. Basta talaga mga pakboys eh.
Napatingin ako sa kanya. Baka ito na ‘yung part na dapat ay umalis na ako ‘no?
“Eh ikaw? It’s supposed to be your day-off pero hindi ka man lang umaalis ng bahay at nililibang ‘yang sarili mo. Valentine’s day pa ngayon, don’t you have any date?”
Natatawa akong nailing sa kanya.
“Wala po sir. Saka, wala naman po akong ibang kakilala rito sa Maynila. Kung lalabas man po ako, gagastos lang ako ng pera. Mas mabuti kung ipapadala ko na lang iyon kina nanay, may saysay pa.”
Ilang segundo siyang napatitig sa ‘kin bago ngumiti.
“Your future partner will be very lucky to have you. You’re beautiful, kind, thoughtful, funny and lovable. And most of all, I know that you’ll gonna love him the way you love your family.”
Napangiti ako sa tinuran niyang ‘yon. Sir, paano mo nahulaan na magiging maswerte ka? Advance ka rin mag-isip ha . . .
“So . . . do you want to go out with me now?”