Chapter 4

2902 Words
  “Didn’t I tell you to leave my house last night? What the f**k are you still doing here?”   Nagugulat akong napalingon sa aking likod nang makarinig ng masungit na boses. At hindi nga ako nagkamali nang madatnan ang seryosong mukha ni Sir Mavi.   ‘Ano ba naman’to? Ang hilig niya sa f**k ha? Saka ang aga-aga, nakabusangot ang mukha. Kay gwapo pa naman sana.’   “G-Good morning po, sir.” Kinakabahang bati ko sa kanya. ‘Wag niya naman sana akong palayasin. Alam kong massungit siya pero mapagtitiisan ko pa naman ‘yang ugali niya. Matatag yata ‘to ‘no.   Nakapamulsa siyang naglakad sa direksyon ko na kahit hindi pa man tuluyang nakakalapit ay nangunguna na ang kanyang pabango. Halatang bagong paligo siya. Nang tumigil ay bahagya niyang sinulyapan ang niluluto ko sa aking likuran at saka nababagot na tumingin sa akin.   ‘Lord, ganito po ba talaga ang mga mayayaman at gwapo? ‘Yung tipong kakagising pa lang pero parang naligo na ng pabango?’   Ngayon ko lang mas nasilayan ng malinaw ang hitsura niya. Sa sobrang takot kasi kagabi ay hindi ko kayang iangat man lang ng matagal ang ulo ko.   Walang duda. Gwapo nga talaga siya. ‘Yun nga lang, hindi pala-ngiti, hindi katulad ni Sir Vander at nung dalawang mukhang manyak.   Magulo ang maitim niyang buhok pero hindi ‘yon naging kakulangan sa pagiging bad boy look niya. Lalo na ang mga malalalim niyang tingin na para bang pati kaluluwa ko ay binabasa. Pero kahit na gano’n ay hindi nakakasawang tignan ang mga mata niya . . . para kasing ang lungkot . . . parang misteryo na kahit sino ay gugustuhing alamin iyon para lang malaman kung ano ang nakakubli roon at parang ang daming nililihim na hindi niya lamang masabi kaya mata na lang niya ang nangungusap.   Mayroon siyang maitim at makapal na kilay. Pero hindi gaya ng ibang magulo, sa kanya ay maayos ang pagkakatayo ng malilit na buhok roon. Matangos rin ang kanyang ilong at mapupula ang labi lalo na kapag binabasa niya ito. Ang depina niyang panga na siyang lalong nagpapaganda sa kanyang mukha ay siguradong kaiinggitan ninuman . . . at ang itim at magulo niyang buhok na natatakpan ang kanyang noo ay siyang nagbibigay ng supladong hitsura ngunit kumukumpleto sa kagwapuhan ng kanyang mukha.   Sa murang edad ay halatang pinaglalaanan niya na ng oras ang katawan dahil hindi katulad kay Clinton na siguro’y kaedaran niya lamang, ang katawan niya ay may hubog na ang mga muscles lalo na sa kanyang balikat at braso.   “Dumb or stupid, which one are you?”   Napakurap at natauhan ako sa mga pinag-iiisip, agad ring nataranta. Bigla akong hindi makapag-focus dahil nandiyan siya at nasa likod ko ang pinipritong manok, kaya pabaling-baling na roon ang atensyon ko.   “S-Sandali lang po ha?” agad akong tumalikod para baliktarin ang piniprito at gano’n na lamang ang pagkagat ko sa pang-ibabang labi nang makitang sunog ang kabilang parte no’n.   ‘Ano ba ‘yan, Ida! Unang trabaho palpak agad?’   “So stupid.”   Agad akong napalingon kay Sir Mavi nang magpanting ang sinabi niya sa aking tenga.   “What are you looking at?” sipat niya sa ‘kin.   “Kasi naman po kayo sir eh. Ang aga-aga, napakusungit niyo. ‘Yan tuloy, pati niluluto ko naapektuhan—“ Kusang natutop ang bibig ko sa pagdadaldal nang paningkitan niya ako ng mata.   “What the hell? Did you just dare . . . to talk back at me?” malamig niyang tanong. Nakataas ang dalawa niyang kilay at napaawang ang bibig. Binasa niya ang kanyang labi at maya-maya pa’y ngumisi siya pero alam kong hindi siya natutuwa.   ‘Ano ba ‘yan Ida?! Umayos ka nga! Mapapalayas ka talaga, sinasabi ko sa ‘yo!’   “S-Sorry po sir—“   “Good morning everyone.”   Napatingin ako sa kararating lang na si Sir Vander at gano’n na lamang ang paghinga ko ng malalim dahil pakiramdam ko ay ligtas na ako. Pero agad ko ring nahigit ‘yon nang mapasadahan ang kabuuhan niya.   Puting v-neck shirt at isang itim na pantalon ang suot niya. Napakasimple pero kahit na gano’n ay napaka-linis niyang tignan. Nakaayos ang kanyang buhok na tila dinilaan ng pusa kaya’t mas kitang-kita ang gwapo niyang mukha. Tapos ang amoy hmm . . . ang bango po, Lord.   ‘Grabe, napaka-ganda naman ng umaga mo, Ida!’   “Good morning din po, Sir Vander.”   Ngumiti siya sa akin at bahagyang sinilip ang niluluto ko.   “Oh, kaya pala umaabot ang bango sa taas dahil mukhang masarap ang niluluto mo.” Ngumiti ulit siya dahilan para gumanti ako.   Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka-magaling na kasambahay na mayroon sila dahil sa mga titig niya kahit na nga sunog-sunog ang ibang parte no’n.   “Tss. Is burnt smells good to you, Vander?” nawala ang ngiti ko nang sumingit si Sir Mavi at pagkatapos akong samaan ng tingin ay nakapamulsa siyang lumabas ng kusina. Nakangiwi kong sinundan ng tingin ang papalayong likod niya.   “Grabe, ang sungit niya.” Mahina kong sabi hanggang sa mawala na sa paningin ko si Sir Mavi. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa kaya napapahiya akong napabaling kay Sir Vander. “Sorry po, sir. Nadala lang,” pagpapaliwanag ko.   “It’s okay. Gano’n lang talaga ‘yon si Mavi pero masasanay ka rin sa kanya.” Sinilip niya ulit ang niluluto ko kaya agad akong napabalik sa ginagawa. “Pahatid na lang kami sa dining area, Ida. Pababa na rin ang iba pa.”   “Okay po, Sir. Gusto niyo po ba ng kape?”   ‘Sir sinasabi ko inyo, ‘wag kayong ngiti nang ngiti at baka mahawa ‘yung kape sa ka-sweetan niyo!’   “Okay. It’s black coffee for me.”   May ngiti akong tumango. Pagkatapos no’n ay lumabas na rin si Sir. Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit nang mag-alas otso ng umaga kaya mas binilisan ko ang ginagawa. Pagkatapos ng mga niluluto ay inasikaso ko na ang paghahain sa dining area. Bukod sa pritong manok ay nagluto rin ako ng itlog, hotdog at bacon. Sinamahan ko na rin ng pancakes at baka hindi sila masyado magkanin. Baka nga hindi nila kainin ‘tong niluto ko eh.   “Good morning po, mga sir!” hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sigla ng boses ko gayong nakikita ko sa sulok ng aking mata ang masamang tinging ipinupukol sa akin ni Sir Mavi. Syempre unang araw ko ‘to kaya kailangan kong magpa-sikat ‘no. Mahirap nang ma-disappoint sila at baka agad rin nila akong palitan.   “The morning becomes beautiful when I saw your face, beautiful Ida,” bati ni Sir Odin na kumindat pa sa akin. Pinigilan ko na lamang ang pagngiwi sa ginawa niya. Si Sir River naman ay kinuha sa akin ang bitbit na mga pagkain at siya nang naglagay sa mesa.   Inaalok ako ni Sir Vander na sumabay sa kanila pero dahil bukod sa nahihiya ay sinong gaganahang kumain kung walang kasing sama ang tingin sa ‘yo ng isa mong amo?   Pagkatapos noon ay isa-isa na silang nagsialisan. Nag-iwan sila ng mga ipagagawa sa akin bago umalis ng bahay.   Halos pulutin ko na ang sariling panga dahil sa hindi maitagong pagkamangha habang pinanonood silang magsipasukan sa sariling mga sasakyan. Kay babata pa pero halatang mamahalin ang mga kotse nila.   Nakikilala ko ang iba roon dahil madalas ko iyong makita sa mga palabas at magazines. Ang presyo malamang ng isang piraso noon ay tama na para makapagpatayo ng isang bahay at kung sa akin man ang isa diyan, malamang ay may pambayad na ako kay Jake.   At grabe! Hindi rin magpapahuli ang dalawang naglalakihang motorsiklo na parang pang-karera sa gilid na hindi ko alam kung sino ang may-ari sa kanila.   Binuksan ko ang malaking gate at sinisigurong makakalabas sila nang hindi nababangga ng mga dumaraang sasakyan sa labas.   “Bye, Ida,” paalam ni Sir Vander nang madaan sa gilid ko ang sasakyan niya. Ngumiti lang ako at tumango bago sinundan ang papalayong kotse nito.   Sinundan ko ng tingin isa-isa nang magsilabasan sila at muntik pa akong atakihin sa puso nang may bumusina sa likod ko nang pagkalakas-lakas. Punyeta!   Si Sir Mavi.   “Do your job properly if you don’t want to get fired.”   Iyon lang ang sinabi niya bago pinaharurot ang sasakyan paalis. Sinundan ko ng masamang tingin ang kotse niya hanggang sa mawala ‘yon sa paningin ko.   “Pasalamat ka at gwapo ka— este amo kita. Dahil kung hindi ay baka kanina pa kita na-flying kick. Marunong pa naman ako no’n.” Gigil na gigil ako habang isinasara ang gate. Siniguro kong naka-lock iyon bago pumasok sa loob.   Malalim akong bumuntong-hininga.   “Okay, hinga muna ng malalim Ida. ‘Yan, tama ‘yan. Langhap ng sariwang hangin at ilabas ang stress at inis, okay? Okay.” Pagkausap ko sa sarili habang tinataas-baba pa ang kamay sa harap para mabawasan ang inis sa dibdib ko. Iniisip ko na lang kung gaano pa rin ako ka-swerte na may trabaho na ako ngayon. Kaya naman nang libutin ko ang bahay ay nakangiti na ako. At habang nililibot iyon ay mas lalong lumalaki ang ngiti sa labi ko.   Inuna kong tignan ang labas. Mapa-kanan o kaliwa man ay hindi nawawalan ng halaman. Sa gilid ng bahay sa bandang kaliwa ay mayroong garden kung saan may mga namumulaklak na halaman at mga maliliit na bato na parang kinuha sa tabing-dagat. Sa sulok no’n, sa may malapit sa parihabang swimming pool ay may maliit na bilog na puting mesa, nakapalibot roon ang tatlong upuan at malapit roon ay ang sliding door na diretso papasok ng sala. Sa dulong parte naman ng pool ay may upuan ring katulad nitong isa. Karamihan kasi sa first floor ay mga salamin ang dingding kaya’t nagliliwanag ang loob dahil sa sinag ng araw na pumapasok roon, mas lalong pinatitingkad ang puting pintura na siyang nagpapaganda sa kabuuhan no’n. Sa kabilang parte ng bahay ay may daan rin na papunta sa kusina.   Napagdesisyunan kong mamaya na lang libutin ulit ang labas. May mga hugasin pa ako at dapat ko iyong unahin para na rin malinis ko na ang mga kwarto nilang ibinilin nila sa akin. Kahit na malawak ang bahay ay hindi naman ako masyadong nahihirapan sa paglilinis dahil may katulong naman akong robot dito na bawat madaanan ay nalilinis niya na.   Ang galing ha? Wala kasi noon sa amin eh.   Kung gaano kaganda ang baba ay mas maganda ang taas. Sa nagkikintabang kahoy pa lang ng hagdan ay wala nang paglagyan ang paghanga ko lalo na kapag natatanaw ko ang malaking salaming bintana sa taas na mas lalong nagpapaliwanag sa kabahayan tuwing araw at ang magarang chandelier sa kisame.   “Grabe, bahay niya ‘to? Ang yaman naman niya!”   Hindi natapos roon ang paghanga ko dahil sa pagpasok ko sa kanilang mga kwarto ay halos mahulog na ang panga ko sa nakikita. Mas malaki pa ‘to sa bahay namin! Tapos kwarto lang nila ‘to?!   Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito? ‘Yung tipong hindi na namin kailangang lumipat pa ng bahay sa tuwing bumabagyo dahil sigurado na akong hindi ‘to liliparin ng hangin . . . ‘Yung tipong hindi kami mangangamba kung aabutin ba kami ng tubig-baha . . . na kapag tag-init naman ay hindi kami reklamo ng reklamo dahil kahit saan ay may aircon . . .   Hay! Ang sarap mangarap lalo na kapag pamilya mo ang inspirasyon . . .   “Balang araw, Ida. Balang araw, matutupad mo rin ‘yang mga pangarap mo.” Bulong ko sa sarili bago nagpatuloy sa ginagawa.   Gustuhin ko mang busugin ang mata sa nakikita ay kinailangan ko nang maglinis. Lalo na’t napakagugulo!   Bakit ba karamihan sa mga lalaki ay hindi marunong mag-ayos ng mga gamit nila? Ang damit, kung saan-saan lang nakakalat! Ni hindi ko na alam kung malinis pa ba ‘yun o labahan na, pero kahit lahat mababango ay isinama ko na lang rin ang mga iyon sa dapat labhan.   Papunas-punas ako ng pawis habang papalabas ng kwarto ni Sir Odin. Grabe, napakarumi! Pero syempre, mas marumi pa rin ‘yung bahay namin, hehe.   Ang kwarto ni Sir River ang isinunod ko at katulad ng kay Sir Odin ay ganoon rin ang eksena sa loob! Bitbit ang itim na plastic bag ay isinilid ko roon ang mga basura mula sa basurahan niya.   “Ano ba ‘yan? May sipon ba itong sina Sir River at Odin? Bakit puro tissue ang narito?” puno ako ng pagtataka habang itinatali ang plastic na puno ng basura nila.   Matapos maisilid ang mga iyon ay pinagpupulot ko na rin ang mga damit roon, inayos ang higaan at pinalitan iyon ng bedsheet at cover ng unan, pinunasan ang lamesa at lalagyan ng libro, nagwalis at pati banyo ay sinama ko na rin.   Pinanghuli ko na lang ang kay Sir Vander at ganoon na lamang ang ngiti ko nang madatnan ang kwarto niya kung saan ako nagising kagabi.   Walang gaanong kalat. Ang mga labahang damit ay nakalagay na sa tamang lalagyan at kakaunti na lamang ang kailangang linisan. Ganito dapat!   Matapos roon ay bumaba na ako. Mukhang wala yatang tiwala sa ‘kin sina Sir Ramses at Sir Mavi dahil hindi nila hinayaang linisin ko ang mga silid nila.   “Enter my room and I would not hesitate to fire you,” seryosong sabi niya saka ako nilagpasan.   Hindi ko maiwasang mapangiwi nang maalala ang banta ni Sir Mavi sa ‘kin kanina. “Edi ‘wag. Buti nga at hindi ako mapapagod, psh.” Bulong ko sa sarili.   Nilabhan ko ang mga damit nila at malapit nang mag-tanghalian nang matapos ako sa pagsampay. Nagpahinga lang ako ng ilang minuto bago nagluto ng makakain ko. Sinabihan naman na ako ni Sir Vander na kumuha na lang ako nang gusto kong kainin habang wala pa akong sariling mga gamit sa kwarto ko at okay lang daw sa kanya.   Grabe, ba’t ang bait niya ‘no? Sana ‘wag muna siyang kunin ni Lord.   Hapon na nang makarinig ako ng magkakasunod na busina sa labas kaya naman dali-dali ko iyong nilabas at binuksan ang gate. Isa-isang nagsipasukan ang mga amo ko at biruin mo nga naman, kahit hapon na ay mababango pa rin sila?   Kung ang tatlo sa kanila ay ganoon na lamang ang ngiti sa akin, ito namang dalawa ay dinaig pang biyernes santo kung makabusangot.   Napahalukipkip ako nang gawaran ako ng matiim na tingin ni Sir Mavi bago ako lagpasan at pumasok sa loob. Sinundan ko pa siya ng tingin pero nang lumingon siya sa gawi ko ay agad rin akong napaiwas, pinalobo ang bibig at pinaglaruan na lamang ang daliri.   Maya-maya pa’y nakarinig ako ng malalim na buntong-hininga. Nang mag-angat ng tingin ay nakita ko si Sir Vander, nakatayo sa harap ko at sinusundan rin ng tingin si Sir Mavi.   Tipid siyang ngumiti nang bumaling sa akin.   “Please bear with him. He’s just often like that but I can assure you that he’s a good guy. Mapagtitiisan mo naman siya, right?”   Agad akong tumango sa sinabi niya.   “Opo naman, sir. Ako pa. Yakang-yaka ko ‘yan.”   Yakang-yaka.   Gusto kong matawa sa tuwing naaalala ko ang pinangako ko kay Sir Vander. Mag-iilang araw na ako rito pero ni hindi man lang yata nagbago ang ugali ni Sir Mavi, hindi katulad ni Sir Ramses na kahit papaano ay namamansin na. Well, namamansin naman si Sir Mavi, pero puro mali ko yata ang napupuna niya, at kung minsan hindi ko lang talaga alam kung anong meron sa akin at ako ang laging pinag-iinitan niya.   Siguro dahil ang ganda ko? Char!   “Didn’t I tell you to clean the pool?” masungit niyang tanong. Nakataas ang kilay at magkakrus ang braso at paa habang nakasandal sa sliding door.   Malalim ang paghingang inayos ko ang pagkakatali ng buhok at saka siya binalingan. Nakaupo ako sa damuhan upang saglit na magpahinga at bahagya pa akong nasilaw nang tumama ang repleksyon ng sinag ng araw sa akin mula sa salaming nasa likuran niya, dahilan para maiharang ko ang kaliwang palad.   “Sige po sir. Lilinisin ko po ulit.” Pagdidiin ko sa huling sinabi saka pinagpagan ang suot na pedal short matapos tumayo.   “Are you mad?” napatingin ako sa kanya at naabutang nakataas ang kilay sa akin.   “Ay hindi po sir. Ako, galit? Hindi mangyayari ‘yon.” Agad kong tanggi kahit nag-uumpisa na akong mainis.   “Good. Because you don’t have the right to get mad. Now, clean that pool and pick those dead leaves on the grass one by one. I’m watching you.” Pagkasabi no’n ay nakapamulsa siyang pumasok ng sala.   ‘One by one? Anong akala niya sa dahon kasing laki niya?’   “Psh. Edi you’re watching me,” nakangiwing bulong ko.   Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko at ganyan siya sa akin. Siguro ay ganoon niya na lang talaga ako kadisgusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD