“Oh, inom lang kayo ng inom ha? ‘Yan, pakabusog kayong lahat. Mag-share-share kayo. ‘Wag abusado, sige, mamatay kayong lahat sa lunod,” sabi ko habang nagdidilig ng mga halaman.
“You’re talking to the plants again, beautiful Ida.”
Napatingin ako kay Sir Odin nang sumulpot siya sa aking gilid at agad akong inakbayan. Wala pa siyang suot na damit pang-itaas kaya’t nakabalandra ‘yang katawan niyang walang abs. Well, may korte naman na pero hindi pa buo. Pasimple akong umiwas ng tingin doon at tumikhim saka tumingala sa kanya dahil abot balikat niya lang ako.
“Syempre naman po sir. Isa ‘yon sa mga techniques para lumago sila at mas lalong gumanda.” Nakangiti kong sagot habang pasimpleng tinatanggal ang braso niya sa balikat ko.
“Oh, really? Should I talk to you often then so you’d be more beautiful?” nagawa niya pang itaas-baba ang kilay at kagatin ang labi niya habang nakatitig sa akin.
“Haha! Palabiro talaga kayo sir,” hilaw kong tawa. Sanay naman na sana ako sa mga ganyang kilos niya pero madalas ay hindi ko pa rin maiwasang magulat. Kung napakarupok ko lang siguro, baka unang araw ko pa lang ay pinatulan ko na ‘to si sir.
Pero syempre hindi ako gano’n ‘no. Marupok lang ako, hindi napakarupok.
Napailing lang siya at ngumisi. Napakunot-noo ako nang hawakan niya ang hose na nasa kamay ko at bawiin iyon sa akin.
“You know what, tama na muna ‘yan. You’ve done enough work for today so you should loosen up sometimes.” Nakangising sabi niya bago ako hinawakan sa palapulsuhan, inalis ang hose sa kamay ko dahilan para mahulog iyon sa lupa at masayang ang tubig no’n saka niya ako inakay sa kung saan.
“T-Teka lang po, sir. Saan po ba tayo pupunta?” tanong ko habang patuloy niya lang na hinihila. May kabilisan ang paghakbang niya kaya hindi ako makasabay ng maayos idagdag pang pasimple akong nagpupumiglas mula sa pagkakahawak niya.
“It’s hot, beautiful Ida, so we are going to take a swim.” Nakangising sabi niya kaya’t agad akong napaatras sa pagtutol. Natutuwa akong kahit papaano ay parang kaibigan lang rin ang turing niya sa akin pero kung ito ang palagi niyang gagawin, Diyos ko, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa susunod.
Natigilan ako nang makita ang iba ko pang amo sa pool, abala sa paglangoy at kapareho niya, puro rin sila walang damit na pang-itaas. Susmaryosep! Ito ba ang palagi kong makikita rito? Oh my gosh po Lord.
Natauhan lang ako nang mapako sa direksyon namin ang tingin ni Sir Mavi na prenteng nakasanday sa gilid ng pool at nakabuka ang dalawang braso. Hayun na naman ang nababagot niyang mga tingin na lalong nagpapakaba sa akin. Tumabingi ng kaunti ang ulo niya at napataas ang kilay nang dumapo sa magkahawak naming kamay ni Sir Odin ang kanyang paningin.
‘Panira naman ‘to si Sir Odin, oh! Bakit ba ganito takbo ng utak niya minsan?! Mapapalayas agad ako rito eh.’
Agad akong nataranta habang hindi pa rin naaalis sa mga kamay namin ang paningin ni Sir Mavi.
“S-Sir, hindi po ako marunong lumangoy at saka marami pa po akong gagawin eh. Baka mapagalitan po ako ni Sir Mavi kapag nakita niyang hindi ako nagtatrabaho. Ayaw ko naman pong mapalayas rito nang wala sa oras. Ako na lang po ang inaasahan ng pamilya ko at marami pa po akong kailangang bayaran. Sa banyo na lang po ako maliligo— SIIIRRR!!!“
Walang kasing lakas ang naging sigaw ko nang bago pa man kami tuluyang makalapit sa pool ay walang kahirap-hirap niya na akong pinangko na parang sako ng palay at saka siya tumalon roon . . . kasama ako.
Punyetaaa!
Ganoon na lamang ang pagkawag ng aking kamay at paa sa ilalim ng tubig. May kalaliman itong pool at hindi ako makadilat nang maayos. Halos humapdi na ang ilong ko sa tubig na pumapasok kaya naman kumapit ako sa katawang unang nahagip ng mga kamay ko. Pasalamat na lang dahil agad ako nitong hinapit sa bewang at iahon paitaas. Ramdam ko ang higpit ng hawak nito sa bewang ko, pinipirmi ako sa ganoong posisyon upang hindi na lumubog pang muli.
Peste ka talaga Sir Odin!
Gusto ko siyang murahin at saktan to the max! Grrr!
Nag-uuubo ako at napamulat nang maramdaman ang paghawi ng kung sino mang ‘yon sa buhok na tumatakip sa aking mukha.
“Are you alright?” nahigit ko ang sariling hininga nang tumambad sa harap ko ang mga berdeng mata niya na may bahid ng pag-aalala.
“Sir Vander . . .”
“Okay ka na ba? Ikaw na naman ang napag-tripan ni Odin.” Naiiling niyang sabi.
Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa lapit ng distansiya namin. Pakiramdam ko ay hindi lang panahon ang mainit kundi pati na rin ang buong mukha ko dahil sa pagdidikit ng mga katawan naming dalawa. Hindi rin nakakatulong ang ginagawa niyang pag-aalala at pagngiti sa akin.
‘Sir, ‘wag kang ganyan! Marupok ako . . .’
Sunud-sunod ang aking paglunok at wala sa sariling tumango. Nakatitig ako sa kanya at para bang hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Kung wala lang tumamang tilamsik ng tubig sa amin ay hindi pa ako matatauhan.
“Tss. So sweet.”
Napalingon ako at ang papalayong likod ni Sir Mavi ang naabutan ko. Nang muli akong bumaling kay Sir Vander ay saka lamang ako tinablan ng hiya kaya agad akong napabitaw, gano’n pa man ay hindi niya pa rin ako binitawan agad.
“O-Okay na po ako, sir. Salamat po.” Nahihiyang sambit ko habang papalayo.
“Are you sure?” tumango lang ako sa kanya.
Tinulungan ako ni Sir Vander na makaakyat sa gilid, paalis ng pool at inabot niya pa sa akin ang tuwalyang dapat ay para sa kanya kaya’t agad ko iyong ibinalot sa katawan ko. Mabuti na lang at malaking itim na t-shirt ang suot ko at maong rin ang aking short kaya’t hindi halata ang suot kong panloob.
“Hey, Ida! You can join us here, now that you’re already . . . wet.” Natatawang sabi ni Sir Odin na nasuntok pa sa braso ni Sir River.
Nginiwian ko siya.
“Pasalamat ka sir at amo kita. Kung hindi, kanina pa kita nasaktan.”
Hindi ko na naitago ang panggigigil sa kanya na tinawanan lang nilang dalawa ni Sir River. Kahit si Sir Vander ay nakitawa na rin. Ang mga tingin niya ay tila ba may halong pagkamangha sa inasal ko kaya nahihiya akong nagpaalam na sa kanila.
Yakap ang sarili, mas lalo ko pang ibinalot ang tuwalya sa aking katawan para maibsan ang lamig na nararamdaman. Sa kanang parte na ako ng bahay dumaan kung saan diretso na ng kusina at sa aking kwarto. Pagkapasok roon ay agad akong naligo at nagpalit ng damit. Gaya ng nakagawian, isang maluwang na t-shirt at abot tuhod na short ang suot ko. Mabilis lang ang naging pagkilos ko dahil malapit na ring gumabi at kailangan ko pang magluto ng hapunan.
Abala ako sa pagluluto sa kusina nang makaamoy ng pamilyar na pabango dahilan para maglapat ang labi ko.
Hindi ko man siya lingunin, alam kong siya ‘to. Mukhang tapos na silang magsilanguyan sa pool.
“That’s right. Magluto ka. Para naman hindi mo makalimutan kung ano talagang papel mo rito sa bahay ko. And that is being our maid.”
Napakagat-labi ako sa mga binitawan niyang salita. Mas mabuti talaga pag tahimik lang siya eh. Kapag bumubukas kasi ‘yang bibig niya, puro masasakit na salita lang ang lumalabas. Ang sarap i-stapler.
“And just because mabait sa ‘yo si Vander doesn’t mean he’s interested with you. He has a bunch of women to taste with and you’re not the main course, not even included on the menu. Know where to place yourself and don’t put your toe out of the line.”
Hindi ko alam kung bakit ganito siya kung makitungo sa akin, pero isa lang ang malinaw.
Ayaw niya sa akin.
Napayuko ako sandali at bumuntong-hininga. Nang humarap ako sa kanya ay nakita ko siyang papalabas na ng kusina.
“Alam ko po kung saan ako lulugar, sir. Salamat po sa paalala pero hindi ko po ‘yon kinakalimutan.”
Natigil siya sa akmang paglabas nang marinig akong magsalita. Alam ko namang hindi ko dapat siya sinasagot-sagot pero minsan talaga ay hindi ako makatiis lalo na kapag may nambibintang sa akin ng kung ano-ano.
Kinabahan ako nang lumingon siya sa gawi ko. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit hindi rin naman nagsalita at saka ipinagpatuloy na ang pag-alis.
Bumuga ako ng malalim na hininga.
Napailing ako at napahawak sa suot na kwintas.
Wala pa ang mga ‘yon sa mga masasakit na salitang narinig ko pero hindi sila nagkakaiba ng mga talim. Lahat ‘yon, nakakapagpasugat ng puso at nakakapagpabigat ng kalooban. Ganoon ba niya ako kadisgusto para pagsabihan ng mga masasakit na salita?
Whatever, Ida! Hayaan mo siyang hanapin ‘yang pake mo!
“Bahala siya riyan!”
Napaismid ako.
Pagkahatid ng pagkain sa kanila ay sa kwarto na ako dumiretso. Doon na ako kumakain dahil may sarili naman na akong lutuan rito at mga gamit pang-kusina. Lumabas lang ako para asikasuhin ang mga hugasin at linisin ang dapat na linisin. Sinilip ko rin ang gate para tuluyan nang maisara iyon, at nang makapasok ay nadatnan ko silang nanonood ng nakakatakot na palabas sa sala.
“Ida, come here, join us.”
Agad na gumawi ang mata ko kay Sir Mavi nang alukin ako ni Sir Vander at mula sa kinatatayuan ay nasalubong ko ang mga titig niya. Nakapandekwatro siya ng upo katabi si Sir Ramses sa mahabang couch habang sumisimsim ng alak. Agad na napataas ang kilay niya sa akin na tila ba pinapaalala ang pinag-usapan namin kanina.
Ako rin ang unang nag-iwas ng tingin at tipid lang na ngumiti kay Sir Vander.
“Salamat na lang po sir pero may aasikasuhin pa po ako eh. Saka mas mahilig po ako sa comedy kaysa horror. Baka mapanaginipan ko pa ‘yan.” Sinundan ko ‘yon ng mahinang tawa, iniiwasan ang mga titig ni Sir Mavi.
“Oh, okay. We will watch comedy next time, then.” Ngumiti siya sa akin.
“Sige po, mauna na po ako.” Nahagip pa ng mata ko ang mga titig ni Sir Mavi na parang binabantayan ang mga kilos ko kaya dali-dali na akong umalis roon.
Grabe siya ha? Baka dahil sa pinag-usapan namin ni Sir Vander ay pagbintangan na naman niya ako ng kung ano-ano?
Ewan ko rin ba do’n. Kung anu-anong nakikita at binibintang. Kulang na lang bantayan niya bawat galaw ko para lang masigurong tama nga ang mga hinala niya sa akin.
Kinulang ba ‘yun sa aruga o pinaglihi lang sa sama ng loob?
Saka nakita niya bang ako ‘yung nakikipag-feeling close sa kanila lalo na kay Sir Vander?
Bakit hindi ‘yung mga kaibigan niya ang pagsabihan niya ‘di ba? Ako ba ang naghulog sa sarili ko doon sa pool? Ano ‘ko buang? Saka alangan namang iwasan ko ang mga iyon eh hindi lang naman siya ang amo ko rito. Ano na lang ang iisipin nila kapag hindi ko sila pinansin? Baka iyon pa ang maging dahilan para matanggalan ako ng trabaho.
Ba’t hindi siya tumulad sa mga kaibigan niyang imbes na magsungit ay ini-enjoy lang ang mga buhay nila? Hindi ‘yung akala mo siya ang ino-obligang lumutas sa problema ng mundo at hindi man lang marunong ngumiti.
Hindi ko naman sinasabing gayahin niya ang pagiging malandi at matinik sa babae nina Sir Odin at Sir River. Okay na ‘yung kahit si Sir Ramses na lang. ‘Yung tipong hindi man namamansin, at least hindi masakit kung magsalita. Pero syempre mas maganda kung si Sir Vander na ang gagayahin niya. Nasa kanya na lahat ng magagandang katangian eh. Complete package na kung baga.
“ ‘Nay, natanggap niyo po ba ‘yung pinadala kong pera?”
[“Oo, anak. Pero dapat ay hindi ka na nag-abala pa. Mas dapat mong paglaanan ang pambayad mo sa dati mong nobyo, para naman makauwi ka na agad rito sa ‘tin. Nami-miss ka na ng mga bata.”]
Napangiti ako habang pinakikinggan ang boses ni nanay sa telepono. Wala pa akong nabibiling cellphone dahil mas pipiliin ko pang mag-ipon ng pambayad kay Jake at pagpapadala kina nanay. Mabuti na lang at may telepono rito at saulo ko naman ang numero ni Eva kaya natatawagan ko siya.
[“O sige na anak. Ibibigay ko na ‘tong telepono sa kaibigan mo. Basta, mag-iingat ka d’yan ha? ‘Wag kang magpapalipas ng gutom. Wala ako riyan para alagaan ka kapag nagkasakit ka.”]
Ngumiti ako at tumango.
“Opo, ‘nay. Tatandaan ko po. Magpahinga na rin po kayo.”
Matapos magpaalam ni nanay ay boses naman ni Eva ang sunod kong narinig.
[“O, kumusta ka naman d’yan? Sinusungitan ka pa ba nung isa mong amo?”]
Napabuntong-hininga ako at muli na namang naalala ang mga sinabi niya sa akin kanina. Naikwento ko na rin kasi ang tungkol rito kay Eva kaya may alam na rin siya sa nangyayari sa akin at kung paano makitungo sa akin ang mga amo ko. Hindi naman sa nagsusumbong ako. Gusto ko lang talagang may mapagsabihan ng sama ng loob. Alangan namang kay nanay ko ipaalam ito ‘no?
At dahil nga nabanggit ni Eva ang lalaking iyon ay muli na namang nag-iinit ang ulo ko sa inis.
“Kung alam mo lang, bes. Minsan nga ang sarap ng kutusan eh. Kung hindi ko lang siya amo at kung hindi lang ako natatakot na masisante ay baka nakatikim na ‘yon sa ‘kin. Pasalamat siya at mahaba ang pasensya ko.”
Marahas akong bumuga ng hangin para doon ilabas ang nararamdamang inis.
[“Akitin mo kasi Bes, ang hina mo naman. Kapag naging jowa mo ‘yan, malay mo hindi ka na pagtrabahuhin riyan. Imbes na kasambahay, ikaw na ang prinsesa! O ‘di ba, bongga?!”]
Napaikot ako ng mata.
“Ewan ko sa ‘yo. Basta mga usapang kakengkengan talagang nagiging aktibo ‘yang utak mo eh. Saka hindi ako pumunta rito para maghanap ng jowa ‘no? Nagpunta ako rito para magtrabahao nang makabayad na ako kay Jake.”
Rinig ko ang pag-hagikhik niya sa kabilang linya.
[“Asus! Ah basta. Kapag naging close kayo, ‘wag mo ‘kong kalimutan ah? I-kwento mo naman ako sa kanila paminsan-minsan. Sabihin mo meron kang napaka-gandang kaibigan, napakabait, napaka-talented— lahat na! Sabihin mo lahat nasa akin na.”]
“Oo pati kabaliwan, kaharutan, at nag-uumapaw na katoyoan, nasa ‘yo na.”
[“Tse! Inggit ka lang kasi palagi kang sinusungitan. Saka malay mo maging interesado sila sa ‘kin tapos sila na mismo ang maghanap sa ‘kin dito sa Nueva Ecija, tapos mala-love at first sight sa ‘kin, tapos liligawan ako, tapos magiging kami hanggang—“]
“Hanggang sa hiwalayan ka kasi napaka-ambisyosa mo. Sila talaga, sila? Ang dami? Pinagpapantasyahan mo lahat?” pambabara ko.
[“Alam mo panira ka talaga ng imagination eh ‘no?”] nayayamot niyang sabi.
“Oo, alam ko. Kaya gumising ka na sa kabaliwan mo dahil hindi mangyayari ‘yan. O sige na Bes, sa susunod na lang ulit. Basta, pakibantay-bantayan na lang si nanay ha?”
[“Oo na. Basta ‘yung sinabi ko—“]
“Ba-bye.”
Napailing na lang ako nang maibaba ang telepono.
“Kahit kelan talaga ang babaeng ‘yon.”
Pagkatapos makigamit ng telepono ay nagsimula na akong maglibot sa loob ng kabahayan upang siguruhing nakasara na ang lahat ng bintana at pinto at maibaba na rin ang mga blinds. Dahil sa manipis na bestidang suot ay yakap-yakap ko ang sarili habang naglilibot dahil sa lamig. Pinatay ko na rin ang mga ilaw kaya’t dumilim na ang paligid pero nakikita ko pa naman ang nilalakaran dahil sa kaunting liwanag na nagmumula sa buwan at ilang poste sa labas.
Papasok na ako nang kusina nang mapatigil sa paghakbang dahil sa naririnig na tugtugan. Malamyos lang iyon kung kaya’t hindi naman nabubulabog ang buong kabahayan.
Marahan kong tinahak ang pasilyong makalagpas lang ng kusina. Ang alam ko kasi ay may bakante pang kwarto roon pero hindi ko pa ‘yon napupuntahan. Salamin rin ang pinto no’n pero may takip na blinds kaya hindi rin masilip ang loob.
Habang papalapit ako ay lumalakas rin ang tugtog at mas nagiging malinaw sa aking pandinig. Iyong tipong may nagmo-moment sa loob dahil kung makapagpatugtog ay akala mo paulit-ulit siyang nasaktan dahil sa pag-ibig.
Napatingin ako sa pinto at nakitang may kaunting siwang iyon, dahilan marahil kung bakit may umaalpas na tugtog. Hinawakan ko ang sliding door at akmang bubuksan na iyon nang makarinig ng boses sa likuran ko na muntik ko pang ikatalon sa gulat.
“Putting toes out of the line again, are we?”
Nakapikit akong napahawak sa dibdib dahil sa lakas ng t***k no’n. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang bilis ng t***k no’n dulot ng pagkakagulat.
Nakapamulsa si Sir Mavi nang lingunin ko. Nakasuot siya ng gray sweatpants at puting t-shirt. Halatang bagong paligo siya dahil sa magulo at basang buhok, samahan pa ng bangong umaabot sa pwesto ko at nanunuot na sa aking ilong.
“Magandang gabi po, sir.”
Nakayakap sa sariling bati ko sa kanya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi at napaiwas ako ng tingin nang hagurin niya ang kabuuhan ko mula baba hanggang taas. Buti na lang at nakatakip ang mga braso ko sa aking harap, sapat lamang para matakpan ang dibdib ko. Hindi na nga kalakihan tapos mabobosohan pa? Ay very wrong ‘yon.
“Stop wandering around. Baka ‘yan pa ang ikatanggal mo ng trabaho. And I’m not joking.”
Dahil sa kabang dulot ng banta niya ay dali-dali na akong umalis roon.
Grabe talaga siya! Bisitahin sana siya ng mga napanood niyang cannibal sa panaginip! Tse!