Chapter 6

2909 Words
“Hey, who are you?” Natigilan ako sa akmang pagtatapon ng basura nang may nagsalitang lalaki mula sa likuran ko. Pinanood ko siyang lumabas ng kanyang itim na sasakyan at bahagya pa akong napakunot nang mamukhaan ko siya. Pero saan ko nga ba siya nakita? “Po? Ako po ba ang kinakausap ninyo?” tanging sagot ko, nakaturo pa sa sarili matapos tignan ang paligid. Malay mo naman kasi baka hindi ako ang kinakausap niya, ‘di ba? Tumingala ako sa kanya at pinakatitigan ang kanyang mukha, pilit na inaalala kung sino nga ba ang kamukha niya lalong-lalo na ang pamilyar niyang mata. Pinasadahan ko ang kabuuhan niya at napakalinis niyang tignan sa kulay gray na corporate attire na siyang suot niya. “Nagta-tagalog ka?” May bahid ng gulat ang mukha niya habang sinisipat ako ng tingin. “Opo . . .” “But you looked foreigner to me . . .” komento niya. Hindi naman na bago sa ‘kin ang mga ganyang komento. Dahil sa brown kong mata at buhok ay marami talaga ang napagkakamalan akong foreigner. Saka sabi ni nanay ay nagmana ako kay tatay kaya ganito ako samantalang sa kanya naman daw namana ni ate ang itim na mata at buhok nito. “Anyway, nakita kitang lumabas sa bahay na ‘yan,” itinuro niya ang malaking bahay sa likuran ko, saka bumaling ulit sa akin. “Sino ka? Ngayon lang kita nakita rito,” matigas ang boses niya dahilan para bahagya akong kabahan. Napalunok ako. “Ikaw rin po, ngayon lang rin po kita nakita rito . . .” napahalukipkip ako nang tignan niya ako ng matalim. “Ida po ang pangalan ko. Kasambahay po ako riyan sa bahay na tinuro ninyo.” “What? Mavi hired a helper?” nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Kilala niyo po si Sir Mavi?” Tumango siya, nakapamulsa pa rin. “Yeah. I’m Thomas and he’s my younger brother.” Patangu-tango lang ako. Kaya naman pala parang may kamukha siya kasi kapatid niya pala si Sir. . . “How’s he, by the way? Palagi bang pumaparty at nagba-bar?” “H-Hindi naman po siguro. Palaging masungit, oo.” Ngiwing sagot ko na nagpailing lang sa kanya. Inalok ko siya sa loob ng bahay habang patuloy lang siya sa pagtatanong tungkol sa kapatid niya. Gustong-gusto ko na ngang isumbong ‘yong mga pinaggagawa at pagsusungit ng kapatid niya sa akin eh pero bakit ko naman ‘yon gagawin, hindi ba? Gaya nga ng sabi ni Sir Mavi, muchacha lang ako rito. Muchacha, muchacha . . . at least maganda! Hmp! Kung anu-ano lang rin ang pinagtatatanong niya sa akin na sinagot ko naman. Sa ilang minutong pag-uusap namin ay nakita ko kung gaano kalaki ang kaibahan nilang dalawang magkapatid. Kung anong ikinabusangot ni Sir Mavi ay siya namang ikinaaliwalas ng mukha ni Sir Thomas. Mukha siyang istrikto kanina pero ngayong nakakausap ko siya ay nakakagaanan ko na rin ng loob. At kung si Sir Mavi ay may pagka-bad boy look, siya naman ay may pagka-babaerong tignan. At madalas siyang ngumiti, hindi katulad roon sa kapatid niyang akala mo ay palaging may regla. “May gusto po ba kayong ihabilin para masabi ko kay Sir Mavi?” tanong ko nang magdesisyon siyang aalis na. Kailangan niya na raw kasing pumunta ng kumpanya nila. “It’s okay. Pakisabi na lang sa kanyang dumalaw minsan sa bahay. Mom and dad want to check on him.” Sabi niya habang magkasabay kami sa paglalakad palabas ng bahay. Tumango lang ako bilang sagot. “And ‘yung mga pagsusungit niya, I hope pagpasensyahan mo na lang ang kapatid ko. Ganyan lang talaga ‘yun kapag umaandar ang pagiging isip bata. You’ll get used to it someday. Oh pa’no, I’ll go now . . .” “Sige po, sir. Ingat po kayo.” Ginulo niya ang buhok ko na para bang isa akong tuta saka na siya sumakay ng sasakyan at bago pa ‘yon imaniobra paalis ay muli niya akong nginitian. Kumaway lang ako sa kanya hanggang sa paharurutin niya na ang sasakyan palabas ng village. Matapos tanawin ang papalayong kotse ni Sir Tom ay nagpasya na akong pumasok upang ipagpatuloy ang mga ginagawa. Halos magkakasabay lang na dumating ang mga amo ko kinahapunan at ano pa nga bang aasahan ko kay Sir Mavi bukod sa matatalim niyang tingin? Edi wala. ‘Yun na ‘yon. Kasungitan overload. “Sir Mavi,” pagtawag ko sa kanya kaya’t natigil siya sa pagsubo. Nandito kami sa dining area at kumakain sila ng dinner. Agad namang dumapo sa akin ang nababagot niyang tingin. Ang iba ay napatingin na rin sa akin. “Ahm . . . pumunta nga po pala rito si Sir Thomas at pinapasabi niya pong—“ “Thomas who?” pamumutol niya, nakakunot na ang noo. ‘Hindi niya ba kilala ang kapatid niya? Tss.’ “Kapatid niyo raw po siya. Pinapasabi niya pong bumisita raw po kayo sa bahay niyo at nami-miss na kayo—“ “Who the f**k allowed you to let other people enter my house?” Natigilan ako sa biglaang pagsiklab niya. Ang mga matang kanina ay nababagot lang, ngayon ay para nang ulap na nag-babadyang magbuhos ng malakas na ulan dahil sa pagdilim. “Ikaw ba ang may ari ng bahay na ‘to at kung sino-sino na lang ang pinapapasok mo? Do I have to remind you who’s the boss here?” Ang kanyang mga kaibigan ay natahimik rin at mas lalo rin siyang sumeryoso, dahilan para mapalunok ako ng laway. “N-Nagpakilala po kasi siyang kapatid ninyo kaya p-pinapasok ko na . . .” “At paano kung nagpapanggap lang siyang kapatid at kakilala ko? Edi nanakawan pa ang bahay ko?” Natutop ang bibig ko sa sinabi niya. Binasa niya ang pang-ibabang labi. Matunog siyang ngumisi at saka dahan-dahang tumayo. Gumawa pa ng ingay ang kanyang upuan na bahagyang nagpagulat sa ‘kin dahil na rin sa bumabalot na katahimikan. Nakapamulsa siyang naglakad papalapit. Nakangisi man ay ramdam ko ang itim na awrang bumabalot sa kanya, dahilan para matulos ako sa kinatatayuan. “Mavi.” Lumingon ako kay Sir Vander nang magsalita siya, bakas ang pagbabanta. Nakatingin lamang siya kay Sir Mavi na animong binabantayan ang mga susunod nitong kilos. “She doesn’t have any idea. Just let it slide.” Ngunit hindi man lang siya pinansin ni Sir Mavi at nagdire-diretso lang sa paglapit sa akin. Agad na sumalubong sa akin ang kanyang pabango. Nanunuot iyon sa aking ilong dahilan para sandali akong mawala sa katinuan. Ang bango niya . . . Nang tumigil siya sa aking harap ay agad kong naiiwas ang paningin sa mukha niya. Ayokong salubungin ang mata niya at baka doon ko na makita ang masaklap kong kapalaran. Halos kainin na ng kanyang katangkaran ang akin. Maya-maya pa ay dahan-dahan siyang yumuko at inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga. Sobrang lapit niya sa akin nang huminto siya dahilan para mapigil ko ang sariling hininga. “Kung puro kapalpakan lang ang gagawin mo, you better leave my house. Nagsasayang lang kami ng pera sa ‘yo. Hindi ko kailangan ng palamunin, walang-kwenta at tatanga-tanga rito sa pamamahay ko.” Mahina niya lang ‘yong sinabi pero naroon ang diin. Ramdam ko roon ang galit, animong tinambol na hinampas niya ng malakas ang dibdib ko kaya ganito na lang ang pagkalabog nito. Parang karayom ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Kailangan bang laging ganito ang trato niya sa akin? Alam ko namang kasambahay lang ako pero hindi ba sapat na tao ako para bigyan niya ako kahit katiting man lang na respeto? Matapos sabihin ‘yon ay agad siyang lumabas ng dining area, ni hindi na tinapos ang kinakain. Samantalang ako ay nanatili lamang sa aking pwesto, nakayuko habang unti-unti nang nanlalabo ang mga mata. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buntong-hininga ko bago kinagat ang labi, pinipigilang tumulo ang nagbabadyang luha. “I’m so sorry on his behalf, Ida.” Napaangat ako ng tingin kay Sir Vander. Napaawang ang bibig niya matapos mapako sa nanunubig kong mata ang paningin. “Ida . . .” Pilit ang ngiting tumango ako. “Opo, sir. P-Pasensya na po. Hindi na po mauulit.” Hangga’t hindi pa masakit, patuloy akong magpapasensya at uunawa kung kinakailangan . . . parte ‘to ng trabaho ko hindi ba? Agad akong napayuko. Parang mas maiiyak pa yata ako sa nakikitang awa sa mga mata niya . . . nila. Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin. “Go on. Kami na ang bahala rito. You can go to your room now.” “Pero sir—“ “Sige na, Ida. Kaya na namin ‘to. Magpahinga ka na lang sa kwarto mo.” Napabaling ako kay Sir Odin at hindi ako sanay na ganito siya magsalita— ‘yung walang bahid ng kalandian. Kagat-labing napatango na lang ako. “Sige po.” Tulala lang ako habang dinadama ang buhos ng tubig sa aking ulo . . . na kahit nakabihis na ako’t lahat ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina. Bakit kaya gano’n na lang ang naging reaksyon niya? Base sa pag-uusap namin ni Sir Thomas kanina ay mukhang mabait naman siya . . . kung makapag-react siya para namang magnanakaw iyong pinapasok ko. Hello? Kapatid niya kaya ‘yon. Eh ba’t ba ako nangingialam? Ano naman kung may issue silang dalawa? Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit nang mag-alas dose ng gabi. Ilang oras na pala akong nakatunganga rito sa kwarto ko. Napaupo ako sa kama at saka tinipon ang lahat ng aking abot dibdib na buhok upang itali bago tumayo. Hindi pa ako lumalabas mula kanina at hindi ko alam kung ano nang hitsura ng kusina. Pagkarating roon ay hindi na ako nagulat nang madatnan ang mga hugasin roon. Napailing na lang ako. Si Sir Odin talaga. Lakas makapagsabi na sila nang bahala rito eh ano ‘to? Natatawa na lang ako sa tuwing maaalala ang seryosong mukha niya kanina. Hindi kasi bagay sa kanya eh. Kaunti lang naman iyon kaya mabilis lang rin akong natapos. Akmang iche-check ko na ang siradura ng mga pinto nang muli kong marinig ang mahinang tugtog, pero hindi katulad noong isang araw na parang nagpapatugtog lang ng radyo, ngayon ay tunog iyon ng piano. Mayroon ring kumakanta pero hindi ko masyadong marinig dahil mas nangingibabaw ang tugtog ng piano. Agad akong napatingin sa paligid. Bigla kasing umalingawngaw sa utak ko ang banta noon ni Sir Mavi. Kapag nahuli niya ako ay tiyak na tatanggalin niya na talaga ako sa trabaho. Idagdag pa ‘yong mga sinabi niya sa ‘kin kanina . . . Mukhang wala pa naman sa buto no’n ang magbiro. Napailing na lang ako at mas piniling i-check na lang ang gate saka isinunod ang mga pinto at bintana. Mas mabuti kung ako na ang iiwas sa gulo at sa kanya mismo. Mas ipapahamak ko lang ang aking sarili kung patuloy kong gagawin ang mga kinaiinisan niya. Hindi niya na nga ako gusto tapos gagawa pa ako ng mga bagay na ayaw niya? Gusto ko na bang mawalan ng trabaho? Syempre hindi ‘no. Pero maya-maya lang ay may kung ano sa loob ko ang nag-uudyok sa aking puntahan iyong kwartong iyon, lalo na nang mapamilyaran ko ang kinakanta ng kung sino mang naroon. Napatingin ako sa may hagdan at iginala iyon sa second floor ng bahay kung saan naroon ang mga kwarto nila. Madilim na sa loob pero dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok sa malaking bintana sa taas ay nakikita pa rin ang ilang parte ng bahay. ‘Tulog naman na siguro ‘yon ‘no? Hindi niya naman siguro ako mahuhuli . . . hindi rin ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung anong nando’n.’ Pamasid-masid pa rin sa paligid, walang ingay kong tinahak ang daan papunta roon kaya’t mas naging malinaw ang mga liriko ng kanta. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at doon ay bumungad sa akin ang nakapikit na si Sir Vander, ang mga kamay ay nasa piano habang puno ng damdaming kumakanta. Napayakap ako sa mga braso ko habang pinanonood siya. Ang lamig ng boses niya at napakalinaw nitong pakinggan. Nagmulat siya ng mata at agaran ‘yong tumama sa akin. Bahagya pa siyang nagulat pero hindi siya huminto sa pagkanta. Ngumiti siya habang tumutugtog. Bahagya siyang umusog sa kinauupuan at saka sinenyasan akong umupo roon na nagpakurap sa akin. Susko po ang puso ko, Lord. Napalunok ako bago pa man magsimulang maglakad papalapit sa kanya. ‘Kumalma ka, Ida! Inalok ka lang tumabi hindi inalok na magpakasal, bruha!’ Nang makaupo sa tabi niya ay parang nagsiputukan lahat ng fireworks sa loob ko. Nagbubunyi pati bituka at mga lamang loob ko. Natatakot nga ako at baka mautot ako bigla eh. Ngumiti siya sa akin habang kumakanta at muling nagbaba ng tingin sa piano. Nakatagilid siya sa akin kaya malaya kong napagmamasdan ang kanang parte ng mukha niya. Gusto ko iyong haplusin pero matinding pagpipigil lang ang ginagawa ko. Ang feeling ko naman ‘pag ginawa ko iyon. ‘Nababaliw na po ako, Lord. Send help po.’ Napatingin ako sa mga kamay niyang bihasang tumitipa sa piano at muling napaangat sa mukha niya. Sabay pa kaming napangiti nang magkasalubong ang tingin namin. Kahit sinong babae ay mahuhulog kay Sir Vander panigurado. Lalo na kapag nakilala siya sa personal. Mabait, guwapo, mayaman, matalino, pala-ngiti, hindi masungit at higit sa lahat, talented . . . ilan lang ang mga iyan sa katangiang hinahanap ng babae sa isang lalaki. At lahat ng iyan ay nasa kanya na. Pinanood ko siya hanggang sa ika-huling nota ng tugtog niya at nang matapos siya ay may ngiti akong pumalakpak. “Ang galing mo po palang tumugtog at kumanta, sir. Pwede na po kayong sumali ng singing contest.” Marahan siyang natawa. “Hindi naman gaano . . . marunong lang,” napakamot pa siya sa batok na parang ngayon lang nakarinig ng papuri. “Sus . . . ‘Yun ba ang marunong lang? Eh ang expert mong tignan kanina, sir. Hindi na ‘ko magugulat kung mahulog sa ‘yo ang mga kababaihan. Sa galing at gwapo mo bang ‘yan . . .” sunud-sunod kong puri sa kanya. “So, nahulog ka ba sa ‘kin?” nakangisi niyang tanong na nagpatikom ng bibig ko pero nagpa-ingay naman sa puso ko. “Hmm, Ida? And did you just say na— na gwapo ako?” nakataas na ang dalawang kilay niya. Itinukod niya ang kaliwang siko sa ibabaw ng piano at pinaglaruan ng daliri ang kanyang pang-ibabang labi. Napalunok ako. “N-Naku sir, w-wala pong gano’n ah,” pagtatanggi ko kahit ramdam ko na ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Buti na lang at medyo dim ang ilaw rito. Nailing lang siya, pero ang ngisi ay hindi pa rin nabubura sa labi. Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang segundo iyong nagtagal kaya naman pareho kaming natawa nang magkasalubong ang aming mga mata. Naiilang ako sa mga titig na ginagawad niya sa akin. Hindi pa nakakatulong ang malakas na kalabog ng puso ko. Parang anumang oras ay lalabas na siya sa katawan ko at magtititili sa buong kabahayan para lang mailabas ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Inilibot ko ang mata sa kabuuhan para lang mapagtakpan ang hiya sa katawan. May drums, mga nakasabit na gitara, mayroon ring malaking salamin sa ding-ding sa aming gilid at ilang gamit na pang-gym. Akmang magsasalita ako nang maunahan ako ni Sir Vander. “I want to say sorry for what Mavi did to you earlier, Ida. On his behalf, I sincerely apologize.” Natigilan ako. Napabaling ako sa kanya at muli ko lang nasilayan ang tinging nakita ko kanina sa hapag-kainan— hiya, humihingi ng pasenya, at awa. Napayuko ako sandali. Hindi ko alam kung bakit ba panay siya hingi ng pasensya gayong hindi naman siya ang nagsalita sa akin ng kung anu-ano. Tipid akong ngumiti nang mag-angat ng tingin sa kanya. “Okay lang po, sir. Kasalanan ko rin naman po kung bakit ako napagsabihan ni Sir Mavi. Saka, wala naman po akong karapatang magreklamo dahil parte naman po ‘yon ng trabaho ko—“ “No, Ida. Yes, trabaho mo ang tulungan kami rito sa bahay, but it’s not included in your job description na mabastos at hindi i-respeto. Ilang araw ka pa lang na narito sa amin but I know that you are strong. You are independent. And you know what’s right and wrong. At kahit amo mo pa si Mavi, you should learn how to stand up for yourself. Kahit ano pang katayuan ng tao, pare-pareho lang tayong nararapat para sa respeto. Don’t you think?” Napakurap ako habang nakatitig sa kanya. Ilang beses ko iyong pinapaalala sa sarili ko, pero napakasarap nga pala talaga sa pakiramdam na may sumasang-ayon sa mga bagay na gusto mong ipaglaban. Sa mga bagay na iyong pinaniniwalaan. Parang gusto ko tuloy maiyak. Naghahalu-halo ang pakiramdam ko at hindi ko alam ang kailangang sabihin kaya’t idinaan ko na lamang ang lahat ng iyon sa isang ngiti, sinasalamin ang mga ngiti ng guwapong nilalang na nasa harap ko. ‘Lord, pakilagay nga po ng pangalan ni Sir Vander sa unahan ng crush list ko, opo. Parang kumunoy eh, pinapahulog ako lalo.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD