Chapter 59

4230 Words

“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang hila-hila niya ang aking palapulsuhan. Katatapos lang naming mag-agahan nang yayain niya akong lumabas ng bahay, mabuti na lamang at nakaligo na ako kanina. “Just wait and see. May ipapakilala ako sa ‘yo,” sabi niya. “Sino?” kunot-noong usisa ko pa. “Just wait and see, curious cat,” nakangiti niyang ulit. Napailing na lamang ako. Sa tigas ng ulo niyan, malamang hindi niya ‘yan sasabihin sa akin. Naglakad kami ng ilang minuto bago namin natunton ang sementong daan kung saan sapat lamang para makaraan ang mga maliliit na sasakyan. “Mavi! Narito ka palang bata ka!” nakangiting anang ng may katandaang lalaki. Bumaba siya sa kapaparada pa lamang na pedicab saka lumapit sa amin. “Mang Leon, kumusta ho ang pasada?” tanong ni Mavi saka sila nag-man hug.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD