“So, it’s settled. We’ll do the photo shoot the next month and we’ll call your team for any updates that we will have.” Ani Mrs. Benitez, ang Feature Editor ng feature section na paglalagyan ng content ko. Nakangiti akong tumayo upang tanggapin ang pakikipagkamay ng staff na isa sa nag-meeting sa amin. Finally, natuloy na rin ang appointment namin with Macro. Kinakabahan man, aaminin kong hindi ako makapaghintay sa kalalabasan ng bago kong proyekto. Umayos na rin ng tayo si Freddie na nasa sulok at siyang kumukuha ng video ng deal namin with Macro. We want to release a content to show my journey from screen to tabloids and magazines, pati na rin ng behind the scenes namin. Nakasunod naman kami sa SocMed Manager ng Team Macro para sa unti-unting pag-release ng content at para maiwasan an

