[“Take care, babe. Call me when you’re already there.”] Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Pilit kong itinatago ang ngiti habang binabasa ang huling mensahe ni Mavi. Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kong pagsugod sa penthouse niya. Gosh. Saan ko nakuha ‘yung lakas ng loob kong ‘yon huh? Nakaka-proud. Char. “At bakit pangiti-ngiti ang isa riyan?” Agad kong in-off ang cellphone at inilayo dahil nakikisilip pa si Cleo mula sa likurang upuan. “Che! Umaandar na naman ‘yang pagiging tsismosa mo, accla.” “At heto na naman po ang ating munting atribida.” Umikot ang mata niya bago hinablot ang buhok ni Sarah, dahilan para mapangiwi ito at gumanti rin. Nagsimula na naman ang dalawang ‘to. Kailan ba hindi? “Tumigil na kayo ha. Baka gusto niyong ihulog ko kayo pareho palabas rito sa van,”

