CHAPTER 3

2032 Words
Dinala ako ni Dominic sa garden office ni Tito Lorenzo—isang glass-walled room na malayo sa ingay ng party. Tahimik dito, ang tanging maririnig lang ay ang mahinang huni ng mga kuliglig at ang sarili naming paghinga. Huminto siya sa gitna ng silid at humarap sa akin. Ang seryoso ng mukha niya, parang papasok sa isang multibillion-dollar merger. "So, let’s talk," panimula ko, pinagsalikop ko ang mga braso ko para protektahan ang sarili ko. "Anong kailangan mo, Dominic?" "I want you back, Cassandra," diretsong sagot niya. No sugarcoating. No games. "And I’m here because I like to negotiate terms." Natawa ako nang mapait. "Terms? Dominic, hindi 'to kontrata. Buhay ko 'to. At hindi ko makita kung paano mangyayari 'yan. Sabi mo noon, 'that's just the way you are.' Na hindi mo kayang maging seryoso sa isang babae lang. Well, I don't like a womanizer for a boyfriend. I deserve better than being just another option." "But what happened last time... that’s not going to happen again," mabilis niyang sagot, humakbang siya palapit pero tumigil din nang makitang umatras ako. "I swear, Cass." "How can you say that?" tanong ko, nararamdaman ko na ang init ng luha sa mga mata ko. "Nakita ko kayo ni Carla, Dom. I saw how she looked at me like I was nothing, and you... you didn't even chase me that night. How can I trust a man who treats loyalty like it’s optional?" Dominic closed his eyes for a moment, looking like he was in actual pain. Pagdilat niya, wala na ang cold CEO facade niya. "I am so sorry, Cassandra," mahina niyang sabi, ang boses niya ay gumaralgal. "Noong gabing 'yon, I was a coward. I let my ego get the best of me. Carla was part of my past that I couldn't cut off properly, and I hated myself for hurting you. I thought if I let you go, you’d be happier without someone as broken as me." Lumapit siya uli, sa pagkakataong ito ay hindi na ako lumayo. "Pero limang buwan, Cass... limang buwan akong hindi makatulog nang maayos. Everywhere I go, I see you. Every coffee I drink, it tastes like you. I realized that being 'the way I am' was just an excuse because I was scared of how much I love you." "Love?" bulong ko. "You don't hurt the people you love, Dominic." "I know. And that's why I'm here to change the terms," he said, reaching out to gently take my hands. This time, I let him. "No more games. No more 'flings.' From this moment on, I am yours. Only yours. I’m offering you complete honesty. No secrets, no hidden phone calls, no past flings lingering in the shadows." Tiningnan ko siya sa mga mata, naghahanap ng kahit anong senyales na nagsisinungaling siya. Pero ang nakita ko lang ay pagsisisi. "I want us to be loyal to each other, Cass. Not because we have to, but because we want to," patuloy niya. "I’ll give you the password to everything I own—my phone, my accounts, my heart. If I’m late, I’ll tell you why. If someone from my past calls, you’ll be the first to know. I’ll be honest with you, even if it hurts." Pinunasan niya ang luhang pumatak sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. "Just give me one more chance to prove that I can be the man you deserve. Hindi na ako magiging 'womanizer' na nakilala mo. I just want to be Dominic—the man who loves Cassandra De Vera." Sa loob ng limang buwan, ngayon lang uli tumahimik ang utak ko. Ang sakit na nararamdaman ko ay nandoon pa rin, pero mas matimbang ang kagustuhan kong maniwala sa kanya. "Honest?" tanong ko, sinisiguro. "Every single word," he promised, leaning his forehead against mine. "Walang sikreto. Tayong dalawa lang laban sa mundo. Please, Cass... let me come home to you." Huminga ako nang malalim, hinahayaan ang bango niya na balutin ako uli. "One last chance, Dominic. Pero kapag sinira mo 'to uli, wala nang negosasyon. Hinding-hindi mo na ako makikita." "I won't blow it," he whispered, then he pulled me into a hug that felt like everything I had been missing. "I promise." Tahimik ang naging biyahe namin pabalik ng Maynila. Dominic insisted na ihatid ako, at dahil alam kong wala rin akong panalo sa pagiging pursigido niya, hinayaan ko na lang. Sumakay kami sa likod ng isa sa mga paborito niyang sasakyan—isang matte black na Rolls-Royce Ghost. Isa lang ’to sa koleksyon niya na balita ko ay mahigit limampung unit na yata ang nakaparada sa iba’t ibang properties niya. Si Sean Delgado, ang matagal na niyang driver at bodyguard, ang nasa manibela. Ramdam ko ang pasulyap-sulyap ni Sean sa rearview mirror, siguro ay nagugulat na kasama ako uli ng boss niya. Habang ang sasakyan ko naman ay si Rafael Cruz, ang isa pa niyang security, ang nagmamaneho para sumunod sa amin. Sa loob ng sasakyan, ramdam ang lamig ng aircon pero mas ramdam ko ang init ng kamay ni Dominic na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Parang ayaw na niyang bumitaw, na tila kapag binitawan niya ako ay bigla na lang akong maglalaho. "What are you thinking?" basag niya sa katahimikan. Ang boses niya ay malalim at kalmado, malayo sa mapusok na Dominic na nakilala ko noon. "Iniisip ko lang kung panaginip ba 'to," tapat kong sagot habang nakatingin sa labas, pinapanood ang mga ilaw ng kalsada na nagiging blur sa bilis ng takbo namin. "Five months ago, I was crying my eyes out. Ngayon, heto ka, hawak ang kamay ko na parang walang nangyari." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya. Dinala niya ang kamay ko sa kanyang labi at hinalikan ang likod niyon. "Maraming nangyari, Cass. And I’m not asking you to forget them. I’m asking you to let me overwrite those bad memories with better ones," seryoso niyang sabi. Tumingin siya kay Sean sa harap. "Sean, remind me to have the Aura Brews security checked tomorrow. I want the best surveillance system installed there, and I want a dedicated team to monitor the area." "Yes, Sir," mabilis na sagot ni Sean. Nilingon ko si Dominic, medyo gulat. "Wait, Dom. Kaya ko namang bantayan ang shop ko. Hindi kailangan ng surveillance team." "It's part of the honesty, Cass," sagot niya, isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya. "I want you safe. Hindi dahil pinapakialaman ko ang business mo, kundi dahil ayaw kong may mangyaring masama sa iyo habang hindi kita kasama. Is that okay?" Napabuntong-hininga ako. Ganyan siya. Masyadong protective, masyadong dominant. Pero sa pagkakataong ito, hindi ito nakakasakal. Ramdam ko na galing ito sa takot na mawala akong muli sa kanya. "Okay. Pero huwag mong pakikialaman ang management, ha? Manager ko si Sam," paalala ko. "I promise. I’m just the silent partner of your heart now," biro niya, dahilan para mapangiti ako nang tuluyan. Nang makarating kami sa tapat ng condo ko sa The Fort, bumaba si Rafael mula sa kotse ko at iniabot ang susi kay Sean. Pinagbuksan din kami ni Sean ng pinto. Bumaba si Dominic at hinatid ako hanggang sa lobby. "I'll call you tomorrow morning. Wear something comfortable, I’ll take you to breakfast." "May pasok ako sa shop, Dom." "Then I'll have breakfast at the shop," pilyo niyang sagot bago ako ninitigan nang matagal. "Goodnight, Cass. Thank you for giving me this chance." Hindi ko pa man naihakbang ang paa ko palayo, bigla niyang hinapit ang bewang ko at hinila ako pabalik sa kanya. Bago pa ako makapagsalita, nilapat na niya ang labi niya sa akin. It wasn’t just a simple "goodnight" kiss. It was deep, hungry, and incredibly long. Naramdaman ko ang pagpasok ng dila niya, tila ginalugad ang bawat sulok ng bibig ko na parang isang taong uhaw na uhaw na nakahanap ng tubig sa gitna ng disyerto. Napahawak ako sa batok niya, ang mga daliri ko ay nabaon sa malambot niyang buhok. Ang init ng katawan niya, ang pamilyar na lasa ng mamahaling scotch at mint, at ang higpit ng yakap niya—lahat ’yon ay tila sumisigaw ng pananabik. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya sa likod ko. It wasn't just lust; it was a desperate longing. Parang sinasabi niya sa bawat paghalik na hinding-hindi na niya ako hahayaang makawala pa ulit. Nang sa wakas ay humiwalay siya, kapwa kami habol ang hininga. Nanatiling magkadikit ang mga noo namin. Ang mga mata niya ay madilim sa sobrang emosyon habang nakatitig sa namumula kong labi. "I missed you so damn much, Cass," paos niyang bulong, ang boses niya ay puno ng gigil na pilit nilalabanan. "Kung alam mo lang kung gaano kahirap ang limang buwan na wala ka sa kama ko... sa tabi ko." "Dom..." ang tanging naisagot ko, dahil feeling ko ay nanlalambot ang tuhod ko. "Go up now," utos niya, bagaman hindi pa rin bumibitaw ang kamay niya sa bewang ko. "Baka kapag hindi ka pa tumalikod, hindi na kita pauwiin sa unit mo. I might just take you with me right now." Mabilis akong tumango, pilit na ibinabalik ang wisyo. "Goodnight, Dominic." "Goodnight, baby," he whispered. Paalis na sana ako nang muli niyang tawagin ang pangalan ko. "Wait, Cass." Huminto ako at lumingon. Nakita ko si Sean na mabilis na bumaba ng sasakyan at may inabot na isang box kay Dominic. Lumapit muli si Dominic sa akin, ang aura niya ay puno ng determinasyon. Inabot niya sa akin ang box. "Take this." Kumunot ang noo ko habang tinatanggap ang medyo mabigat na package. "What is this, Dom? Another gift?" Isang misteryosong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "Just open it upstairs. I think you'll find it... useful." Bago pa ako makapagtanong uli, muli niyang hinawakan ang batok ko at mabilis ngunit mariing nagnakaw ng isa pang halik. Hindi na ito kasing lalim ng kanina, pero puno ito ng pangako. "Sweet dreams, baby." Pinasadahan niya muna ako ng isang huling tingin bago siya tuluyang bumalik sa loob ng Rolls-Royce. Pinanood ko ang pag-alis ng sasakyan hanggang sa maging tuldok na lang ang mga ito sa gitna ng mga gusali sa BGC. Pag-akyat ko sa unit ko, agad kong nilapag ang box sa center table, katabi ng vase ng bulaklak na pinadala niya kanina. Dahan-dahan kong nilabas ang mga laman nito. Halos mapatili ako sa gulat. It was the latest iPhone 17 Pro Max—yung titanium finish na kakalabas lang ngayong taon—at isang box ng HP Spectre x360 14 Luxury Edition. Ito ’yong laptop na gold-trimmed at balita ko ay nasa mahigit 150k ang presyo dahil sa specs at design nito. May maliit na note na nakadikit sa screen ng phone: The phone has my personal, private number saved on speed dial. No secretaries, no assistants. 24/7, I will answer. The laptop is for your business—I want you to have the best tools while you build your empire. No more secrets, Cass. I’m an open book now. — Dom Napaupo ako sa sofa habang hinahaplos ang makinis na finish ng laptop. He’s really doing this. Binibigyan niya ako ng access sa buhay niya na hindi niya nagawa noon. Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko habang hawak ang bagong phone. Kinapa ko ang screen at lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang wallpaper—isang candid photo naming dalawa noong masaya pa kami, na tila ba sinasabi niyang he’s ready to bring back those days. Binuksan ko ang message thread namin at doon tumambad ang kaisa-isang mensahe na nagpabilis nang husto sa t***k ng puso ko. "Dream of me." Simple lang, pero ramdam ko ang pagkapursigido niya. Alam kong nakatingin siya sa phone niya ngayon, naghihintay ng sagot. Hinaplos ko ang screen bago nag-type. "Maybe. Thank you for tonight. Laters, baby." Iyon ang huling linyang madalas naming sabihin sa isa't isa noon bago matulog—isang laro, isang pangako. Pinindot ko ang send at niyakap ang unan. Sa kabila ng takot at sakit ng nakaraan, ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganitong klaseng excitement. Dominic is back, and this time, it feels like he’s playing for keeps.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD