1ST POV
“HINDI ko maintindihan pero hindi ako taga-dito. I mean, I’m from another world. Hindi Asteria ang pangalan ko, ako si Jewel.”
Naguguluhang tumingin sa akin ang babaeng kausap ko.
“Paano mo nasasabing hindi dito ang iyong lugar kung gayon na kaharap kita.”
Kahit ilang beses ko pang ipaliwanag kung sino ako ay wala ding saysay dahil parang hindi naman naniniwala ang kaharap ko.
“Hindi dapat malaman ni prinsesa Irana na nagkatagpo kayo ni Lakan digma Alaric, kung hindi ay ako ang mananagot dahil hindi man lang kita nabantayan ng maayos!”
“Alaric? Siya ba yung kanina na kausap natin? Sino ba iyong lalaking iyon?”
Pinandilatan niya ako at tumingin sa paligid.
“Sa susunod na pagsinag ng buwan ay magtitipon ang lahat sa sagradong daan. Hindi ba ipinaalala ni prinsesa sayo ang balita na ilang diwata na ang mga nawawala? Ang iba sakanila ay naging binhi na lamang! Maging ang kanilang halumina ay naglaho na, isa lang ang ibig sabihin non.” Sabi pa niya at bahagyang lumapit sakin saka bumulong.
“…ang mga nawawalang enerhiya ng mga diwata ay lumabas na ng imperyo. Isa lang ang hinihinala nilang gumawa noon walang iba kung hindi iyong tinatawag nilang Anino. Sa susunod na pagsinag ng buwan ay ibubuwis ng mga mababang nilalang ang kanilang buhay upang ipunin ang enerhiyang nararapat upang mahuli si Anino.”
‘Huh?’
Kahit isa sa mga sinasabi niya ay wala talaga akong ma-gets.
“Kaya halika na at kailagan nating dumalo sa araw ng mga diwata.”
Wala sa loob na sumunod naman ako sakanya. Tinignan ko ang buong paligid, kahit saan ako tumingin ay talagang nasa ibang mundo ako. Magkasabay kaming naglalakad ng kasamang diwata sa mahabang hallway. The hallway was vibrant. The walls shone with a gentle, liquid light, sometimes golden, sometimes light purple it was like a moonlight caught beneath glass. If you looked too long, the colors would change. Napapalibutan ng mga magagarang bulaklak ang walls ng hallway. Nakita ko pa na may mga maliliit na alitaptap ang naghahagis ng mga ilaw sa mga bulaklak na iyon. The aroma of rain, parchment, and wildflowers hung in the atmosphere.
“Wait hala.” Nanamanghang huminto ako sa paglalakad habang pinakatitigan ng mabuti ang lumilipad na iyon.
“Oh are they fairies?” Natutuwang turo ko, this is my first time to see them. Their appearance perfectly matches how the book described them.
“Bilisan natin ang paglalakad diwata! Nararamdaman ko na ang galit ni prinsesa Irana.” Pagmamadali ng kasama ko. Nakangusong nagpatuloy na lang uli ako sa paglalakad. Biglang natuon ang atensyon ko sa isang malaking bulwagan na nadaanan namin. I can see them from the outside dahil salamin lang naman ang pagitan namin. Nakita ko ang tao sa loob non na parang animo’y may pagtitipon. Lahat sila ay nakabihis ng mga magagara na parang mga royals.
“Nagsisimula na sila, halika na diwata kailangan na nating makaalis dito!”
Hindi ko pinansin ang katabi ko dahil natuon ko ang atensyon ko sa lalaking iyon na nakausap namin kanina.
“Alaric..”
Unti-unti namang bumaling ang tingin sakin ng lalaking iyon na parang narinig ang bulong ko sa pangalan niya. Nagtama ang mga tingin namin, unti-unting kumabog ang dibdib ko sa titig niyang iyon..
“Diwata Asteria!”
“ASTERIA!”
Halos mayanig ang buong pagkatao niya nang marinig ang sigaw na iyon sa kabilang tenga niya. Naiirita na sinundot niya ang tenga at dumilat.
“Ano?! Sakit non ha!” Nakangiwing sigaw niya, nakita niya si Orla na nakapamewang na naman sakanya. Natigilan siya at nilibot ng tingin ang paligid.
“Ha? Nasaan tayo?” Natarantang sabi niya nang makitang nasa ilalim sila ng malaking puno. Doon niya napansin na nakahiga pala siya sa malumot na bato.
“Hindi mo matandaan?” Tanong ni Orla, binalingan niya ito.
“Malamang, magtatanong ba ako kung tanda ko?”
Bumuga ng hangin si Orla at maliksi na sumampa sa tabi niya. Nakita niya ang tuwang bumahid sa mukha nito.
“Hindi mo ba talaga matandaan?” Tanong pa uli nito.
“Hindi nga, ano ba kasi nangyari? Nasa bahay lang ako kanina ‘diba?”
“Alam mo ba na binuhat ka ni Lakan digma Alaric? Hindi mo iyon matandaan?” Natutuwang sabi nito. Natigilan naman siya, muli niyang naalala ang panaginip niya.
‘So talagang galing na dito si Jewel?’
“Hindi mo ba alam na walang kahit na sinong diwata ang nakahawak maski ang dulo ng kausotan niya? Tanging ikaw lamang at talagang binuhat kapa niya para dalhin dito!”
‘So hindi lang basta panaginip ang lahat, bakit parehong Asteria ang ginamit naming pangalan dito sa magkaibang katauhan?’
Napahawak siya sa ulo, isa pa ay hindi niya maintindihan ang nangyari kung paano siya nakapunta dito.
“Hoy hibang nakikinig kaba?”
“Mabuti naman at nagising kana.”
Sabay pang bumaling sila ni Orla nang marinig ang boses na iyon. Nagmamadaling bumaba si Orla at yumukod. Tinignan naman niya ang babaeng iyon, may mga kasama itong sa tingin niya ay mga diwata. Magkakapareho ang mga mahahabang robe na kulay berde na suot ng mga ito. They are wearing tiaras, braided din ang mga buhok nito na maraming accessories na nakadisplay. Tipically a fairies.
“Hoy!”
Wala sa loob na binalingan ni si Orla na nakayukod pa din, nag-make face ito na para bang may tinuturo sakanya. Nagsalubong ang kilay niya.
“Ha?” Aniya at ginaya ang make face nito.
“Hindi na kailangan pa, ipinapatawag ka ni Emperatris Cordelia.” Walang emosyon ang mukhang sabi ng babaeng nasa gitna. Mas malaki ang tiara na suot nito kumpara sa mga babaeng nasa likod nito. Compare pa sa iba ay mas maraming liwanag ang dala nito. Tinaas pa nito ang mukha at marahang tinalikuran sila.
“Huh! Kita mo ‘yon?” Hindi niya napigilang itaas din ang kilay na tinuro pa ito kay Orla.
“Hibang! Bakit hindi ka yumukod?” Nangigigil na sabi ni Orla sakanya nang lapitan siya.
“Bakit ko naman gagawin iyon sino ba kasi sila?” Turo niya sa dibdib. Gigil na pinalo naman siya ni Orla sa balikat.
“Hibang! Hibang! Hindi mo ba alam na sila ang isa sa mga katiwala ng mga herbal at binhing halumina? Narinig mo ba ang sinabi nila na pinapatawag ka ng Emperatris? Isa lang ang ibig sabihin non, kailangan mong harapin ang mga namumuno ng imperyo!”
Umirap lang siya at bumaba sa malaking bato na malumot.
“Bakit naman ako pinapatawag? Saka anong sasabihin ko sakanila? Na naubos yung energy ko dahil naglinis ako sa buong lugar ng mga brownies ganon?” Sabi niya pa at pinagpag ang damit.
“Alam mo ba na kahit ako ay naguguluhan! Sa pagkakatanda namin ni Inayaha ay iniwan ka namin upang magpahinga. Ngunit ngayon ay nakita kana lamang namin na buhat buhat ni Lakan digma..” Ngumiti pa ito pagkabanggit sa lalaking iyon. Umismid siya, sabay silang lumabas ni Orla.
“Alam mo ang bata mo pa lang, talandi kana ha.” Sabi niya pa dito, napanganga pa siya pagkalabas nila ay may tatlong buwan sa langit. Ang nasa gitna pa non ay kulay purple, samantalang ang nasa magkabila non ay kulay puting nagliliwanag. Napapaligiran din ito ng mga butuin na lalong nagpaliwanag ng kalangitan.
“Woah…” Natutuwang sabi niya, ginala niya ng tingin ang paligid. The garden radiated as though the night had been luminous with strands of light. Each flower, leaf, and vine radiated a soft light, casting gentle shades of gold, silver, and pale purple along the winding paths. The petals sparkled like miniature lanterns, and the dew on the grass twinkled like scattered diamonds. Tinignan niya ang nasa likod, hindi nga siya nagkamali nasa loob sila ng malaking puno. Kahit na iyon ay nagliliwanag din at buhay na buhay.
“Anong tawag nyo dyan sa punong yan?” Tanong niya kay Orla na turo niya.
“Anong punong iyan? Huwag mong lapastangin ang santuwaryo ng kalikasan sa pagtawag ng puno dito. Hindi mo alam na iyan ang nagpapalakas at nagpapagaling sa atin?” Sabi pa ni Orla.
“Ahh, parang hospital..” Tatango-tangong sabi niya pa at tiningala ang buwan.
“Ha? Hospe--?”
“Tatlo pala buwan niyo dito sa mundo nyo no?” Nakangiting sabi niya pa na hindi pinansin ang tanong nito.
“Alam mo ngayon pa lamang ay nagtataka na ako na baka hindi ikaw ang aking tadiryaha na nakalakihan. Maging ang tatlong simbolo ay hindi mo alam?”
Muli niyang nilingon si Orla.
“Ano ba kasi yang sinasabi mong tirada? Tama ba?”
Puno ng pagtataka na tinignan siya nito at huminto pa sa paglalakad.
“Maging iyon ay hindi mo maalala? Tayo ay iisang binhing pinagmulan mula kay Inayaha!” Hindi makapaniwalang sabi nito.
“Ahh…so magkapatid tayo at mother earth naman si Inayaha.” Tango tangong sabi niya. Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito. Validate naman ang nararamdaman nito since may mga bagay naman siyang sinasabi na hindi din nito alam.
‘Same feeling be, same feeling lang.’
“Kung ganon anong ibig sabihin niyan?” Turo niya muli sa tatlong buwan.
“Malamang ay buwan.”
Nakangising binalingan niya ito. “Pilisopo kana rin ha..”
“Hmp! Ang kulay lilang buwan na nasa pagitan ng dalawa ay tinatawag nilang Sintang Buwan. Ang ibig sabihin non ay muling magkikita ang dalawang taong matagal pinaglayo. Alam mo noong umamin ng nararamdaman ang emperador sa emperatris? Kinuha niya ang piraso ng buwan? Ang sabi pa nila ay inilagay iyon ng emperatris sakanyang korona.”
“Pano niya nakuha iyon? Bakit piraso lang hindi pa ginawang buo.” Nakangusong sabi niya.
“Hibang, sa pagkuha ng buwan o bituin sa kalangitan ay nangangailangan ng malakas na enerhiya! Walang kahit na sino ang maaring makakuha non kahit pa ang mga matataas na diwata. Tanging ang mga may dugong bughaw lamang ang may kaya gumawa non. Pero ang kapalit non ay maghihimlay siya ng tatlong henerasyon.”
“Pfff.. so tulog ngayon ‘yung Emperador tama ba or gising na?” Hindi niya mapigilang matawa.
“Bakit parang nakakaloko pa ang iyong tawa. Hindi mo ba alam na marami ang naantig sa Emperador at Emperatris? Isa pa, pangalawang henerasyon pa lamang ang mayroon ngayon. Kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan ng mahanap ni Lakan digma ang kanyang makakaisang dibdib.”
Napalabi lang siya at naalala uli si Jewel sa panaginip niya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit napunta siya dito. Hindi nga din niya alam kung bakit pareho pa sila ng pangalan ni Jewel na ginamit nang magpunta sila dito.
‘Habang nandito ako, aalamin ko ang mga nangyari noon sa kaibigan ko. Uunahin ko ang Alaric na ‘yon.’
“Mga lapastangan, bakit pinaghihintay niyo kami ng matagal?”
Napapitlag siya ng maabutan ang mga iyon na matalim pa ang tingin sakanila. Doon niya nakita na may dagat pala.
“Paumahin Diwata!” Sabi ni Orla at hinila siya..
Isang malamig na tingin muna ang ginawa sakanya bago nito itinaas ang isang kamay patapat sa dagat. Ganon din ang ginawa ng mga nasa likod nitong babae. Mula sa mga kamay nito ay lumabas ang animo’y sinulid na kulay puti patungo sa tubig. Ilang sandali pa ay umilaw ang ilalim ng tubig at nagkaroon yon ng hugis.
“Wow..” Manghang usal niya nang magkaroon ng malaking barko. Kulay ginto iyon na nagbibigay liwanag sa karagatan. Mayroon pa itong dalawang hugis pakpak na humahampas sa tubig. Biglang nagkaroon ng hagdan sa harap nila. Napatingala siya dito.
“Ehhh..” May nginig pa sa boses niya dahil lalo pang lumaki iyon.
“Sumunod kayo..” Sabi ng babaeng iyon at naunang naglakad papasok sa loob. Humawak siya kay Orla.
“Tadiryaha sobra ang biyaya natin, alam mo ba na ang mga mababang uri na kagaya natin ay walang kakayahan na tumapak sa mga likha nila?” Narinig niya ang excitement sa boses ni Orla. Kung ito ay tuwang-tuwa, siya naman ay halos hindi na makahinga dahil sa pataas ng pataas nilang lakad.
“Ayoko na.” Sabi niya pa at akmang baba uli.
“Ano ang iyong ginagawa?” Bulong ni Orla. Napalunok siya ng mapatingin sa baba, mukhang mas nakakatakot naman bumaba uli.
“Nahihilo ako dito bakla..” Wala sa loob na sabi niya habang nanginginig ang tuhod na sumasabay sa lakad nito.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang makapasok sila sa loob.
“Ayos ka lamang ba?”
“Malamang hindi..” Mahinang sabi niya, pakiramdam niya tuloy ay pinagpawisan siya ng malamig. Sa kabila ng nararamdaman ay hindi niya padin mapigilang mapahanga nang makapasok sila sa loob ng barkong yon. Everything is luminous, magmula sa mga gamit na ginto din ang kulay at kumikinang.
‘Billionaire na siguro ako kapag binenta ko mga ‘to.’
Napangiti siya at hindi mapigilang hawakan ang vase doon.
“Hala!” Nagulat siya nang biglang maglaho iyon.
“Walang kahit na sinong mababang nilalang ang dapat humawak sa aming likha.”
Napatingin siya sa nagsalita na yon. Isa yon sa mga babaeng kasama ng babaeng may malaking tiara. Nakita niya ang matalim na tingin na pinukol nito sakanya bago ito tumalikod.
“Bawal daw hawakan pero nakatapak naman kami.” Ismid na bulong niya. Mukhang harap-harapan ang mga racist sa mundong ito kumpara sa mundo niya.
“Tama ka diyan tadiryaha.” Sang-ayon ni Orla sakanya.
Tingin niya ay nainsulto din ito, wala naman siyang nagawa kung hindi ang tumingin na lamang at mamangha sa paligid niya. Hindi naman na siya nagtanong pa sa mga diwatang yon dahil sigurado siya na baka barahin lang siya ng mga ito. Obvious naman kasi na ayaw ng mga ito sakanila ni Orla.
“Tignan mo Asteria!”
Sinundan naman niya ang tinuturo ni Orla, halos malaglag ang panga niya nang makita ang mga naglalakihang building ilang metro ang layo sakanila. Kahit madilim sa paligid niya ay napansin niya pa din iyon dahil sa nagliliwanag nitong kulay ginto.
“Oh my gosh, is this a City of Gold?” Namamanghang sambit niya habang nakatingin sa bawat structure ng mga naglalakihang building na kulay ginto. Hindi lang iyon, mayroon pang isang kastila sa gitna non na sa tingin niya ay pagmamay-ari ng mga may matataas na katungkulan. It almost reach the sky, it feels like a City of Gold and the Royal Palace stood in the center of this city.
Magkahawak ang kamay na ginala nila Orla ang tingin nang makababa sila. Hindi na mabilang sa bibig nila kung ilang beses na silang namangha. .
“Buti na lang iyong mga nandito hindi kulay ginto.” Komento niya pa habang nakatingin sa mga taong nandon. Pansin niya ang mga kakaiba ding kinang sa mga balat ng mga ito, magagara din ang mga kasuotan. Ang mga mukha nito ay maliit at sobrang perpekto ng pagkakahugis. Halos wala nga siyang maipintas sa mga ito, they look like straight out from the manhua! Patulis din ang mga tenga nito kagaya ni Orla. Nakasunod ang mga tingin ng mga ito sakanila.
“Bakit nakatingin sila satin?” Bulong niya kay Orla.
“Tayo lamang ang kauna-unahang mababang nilalang na nakatapak dito. Kahit ang mga ibang diwata ay hindi pa nakakarating dito. Tanging mga malalakas na mahika at may malaking naiambag lamang ang nakatira dito.” Paliwanag ni Orla. Tumango-tango lang siya, iniwasan niya na lang na tumingin sa mga ito.
“Ikaw lamang ang maaring makapasok sa loob.” Sabi ng babaeng may malaking tiara nang balingan sila. Nakahinto sila sa harap ng gate ng malaking kastila.
“Ako lang? Bakit?” Maang na tanong niya pa, hindi siya nito sinagot. Kinumpas nito ang isang kamay sakanya kasunod non ay naramdaman niya ang malakas na puwersang lumabas sa loob ng katawan niya.
“Ahh!” Napaigik siya nang maramdamang parang nayanig ang buong katawan niya dahil sa sobrang lakas ng kuryenteng naramdaman sa puson niya. Ganon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makita niya sila Orla sa likuran kasama ang mga babaeng iyon. Sa pagkagulat niya pa ay nandoon din ang katawan niya, puting-puti ang mata niya ng makita niya.
“Aaahh!” Napasigaw pa siya ng lamunin siya ng liwanag.
“Narito na siya Emperatris Cordelia..”
Napakurap siya ng sa isang iglap lang ay nakaluhod na siya. Napangiwi pa siya dahil pakiramdam niya ay may matinis na bagay na pumasok sa tenga niya.
“Huh..” Naguguluhang napatitig siya sa gintong sahig. Nang mag-angat siya ng tingin ay ganon na lamang ang kabang naramdaman niya ng makita ang tatlong nakaupo sa mga naglalakihang trono. Ginala niya ang tingin sa paligid, The throne room of the palace inside was a place filled with light gold. There are crystal lanterns floating in the air. Umiikot pa iyon at nag-iiba iba ang kulay. Ang sahig naman ay sobrang kintab na halos makita niya ang sariling reflection.
The throne shone as though it had been touched by the light itself. Every part of its surface was crafted from pure gold, polished to the point where it mirrored the dancing torchlight like flowing sunlight. Elaborate filigree twisted along the arms and backrest, creating intricate designs.
“Ano ang iyong ginagawa sa kagubatan?”
Napapitlag siya ng marinig ang malamig na boses na iyon. Nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa gitna ng trono.
‘She looks like in her twenties? Twenty-eight years old na ako so baka mas matanda ako sakanya? Ang aga niyang maging Emperatris at ina ha. Siya ba yung tinutukoy ni Orla na binigyan ng piece of the moon? Shes really beautiful."
The queen wore garments of enchanted silk that glimmered like liquid gold, shifting colors. Her robes were adorned with gold-thread embroidery and precious stones, depicting stars and the moon. Her trailing capes were lined with starlight that twinkled and her golden crown seemed to gently vibrate with magic, symbolizing her authority. Mukhang ito nga ang tinutukoy ni Orla dahil nakita niya ang kapirasong buwan na kulay purple na iyon sa gitna ng malaking korona nito.
“Ikaw ay tinatanong mababang uri ng nilalang..”
Sabi naman ng lalaking nasa kanan nito, nakapatong pa ang baba nito sa palad nito habang nakataas ang sulok ng labi na nakatingin sakanya.
‘Wow need pa sabihin ha..’
“A-ah..” Tumukhim muna siya at yumukod. “..patawad hindi ko po maalala.”
“Kung ganon ay ilahad mo pa ang iba mong nalalaman bago ka magtungo sa kagubatan.”
“Ang alam ko lamang po ay nagpapahinga ako pagkatapos kong maglinis ng buong barangay.’’ Sabi niya habang nakatingin sa sahig
‘Ano ba kasi dapat kong sabihin?’
Nabingi naman siya sa katahimikan, mabilis siyang tumingala sa mga ito. Puno ng pagtataka na tumingin lang ang mga ito sakanya. Marahan siyang bumuga ng hangin.
“Okay ganito nangyari…” Sabi niya saka tumuwid ng upo.
“..ginamit ko iyong magi---mahika ko sa paglilinis kagaya ng sinabi ni Orla. Siguro kasi tuwang-tuwa ako kaya buong lugar namin nilinis ko na din. Ayon hindi ko alam na nauubos pala yung enerhiya ko. Pinagpahinga muna ako ni inayaha, alam ko lang nakatulog ako pagkatapos ay nagising na ako sa loob ng pun—ahh santuwaryo.” Nahihirapang paliwanag niya. Tinignan lang siya ng mga ito.
Matamis siyang ngumiti sa mga ito. “Hindi ko po talaga matandaan kung ano ang ginagawa ko sa labas.”
“Hindi siya nagsisinungaling Emperatris.” Malambing ang tinig na sabi naman ng isang babae sa kabilang trono.
“...siya ay nagsasabi ng katotohanan. Ngunit ako ay nagtataka.” Sabi pa nito at binalingan siya.
“Bakit naubos ang iyong enerhiya gayong paglilinis ang inyong pangunahing katungkulan? Kahit pa ang buong imperyo ay iyong linisin ay hindi ka manghihina ng ganon na lamang.”
“Hehe ewan ko din eh.” Nagkibit-balikat na lang siya. What if sabihin kaya niya na hindi siya taga dito?
‘Kaya lang hindi ko alam paano makaalis dito. Delikado para sakin kapag sinabi ko.’
Napasinghap siya ng bigla nitong ikumpas ang kamay at may tila matulis na bagay na tumama sa ulo niya. Naramdaman niya ang puwersa non hanggang sa likod ng batok niya. Narinig niya ang mahinang tawang iyon na galing doon sa lalaking nakaupo. Ginalaw niya ang mata at tinignan ang itaas ang ulo niya. Kagaya ng ginawa sakanya ni Inayaha, nakita niya muli ang hugis orb na iyon sa taas niya. Ngunit compare sa una ay lumiit ito na parang buto ng halaman.
“Mukhang hindi lang mahina ang kanyang pag-iisip, maging ang kanyang mahika ay mahina pa sa mas mababang uri.” Halakhak nito, binaba naman ng isang babae ang kamay nito. Sunod sunod na paghinga ang nagawa niya ng mawala ang puwersang yon sa ulo niya.
“Kung ganon ay bakit natagpuan ko siyang kinukuha sa kagubatan na tila ay may balak sakanya?”
Napabaling siya sa pamilyar na boses na iyon.
‘Alaric…’
Walang emosyon ang mukhang niyuko siya nito. Napanganga na lamang siya habang nakipaglaban ng titig dito.
Kumikinang ang mala-porselana nitong balat, mas lalong lumitaw pa ang dating nitong sa kumikinang at matingkad na gintong suot. Kumikislap pa iyon dahil sa liwanag na sumusunod dito, maging ang mahabang balabal nito na kulay pula naman ay naglalakad pababa sa talampakan nito. Gumagawa iyon ng sariling galaw at kislap. Wala sa loob na napatitig pa siya. This man is really something!
The man had a striking and authoritative presence, as if he were destined to lead. With this tall and well-built body, pakiramdam niya ay puno ito ng tiwala sa sarili. His eyes were deep and sparkling, mapupula din ang natural nitong labi. His hair was thick and perfectly styled, reflecting the light with a gentle gleam and his face was strikingly attractive, powerful yet captivating. Hindi napansin na napatagal pala ang pagtitig nilang dalawa sa isat-isa. Bumaling ito sa harap.
“Kung hindi ako nakarating agad ay mukhang magtatagumpay ang anino sa kanyang binabalak.” Sabi pa nito, nakatingalang nakatitig padin siya dito.
“Ano ang iyong ibig sabihin? Paanong makukuha ng mababang uri na ito ang atensyon ng kadliman.” Narinig niyang sabi ng Emperatris na iyon. Pakiramdam niya tuloy ay gusto niyang mainsulto ng sobra sa mga sinasabi nito.
“Iyon din ang aking inaalam sa ngayon mahal na Emperatris. Humihingi ako ng pahintulot mula sainyo na hayaan nyo akong pag-aralan ang nilalang na ito.”
“Sa paanong paraan mo gagawin iyon? Kung ang mga bantay ng halumina ay hindi din alam ang kasagutan. Sa palagay ko lamang ay mukhang nagkamali ang mga iyon sa pagkuha sa mababang nilalang na ito.” Sabi naman ng isang lalaki,
“Naiintindihan ko Haring Lukas. Narinig ko ang mga pag-uusap ng mga diwata sa labas ng entrada kung saan namataan nila na dinadala ng itim na usok ang katawan ng nilalang na ito. Kaya bilang may hawak ng sagradong daan ay agad akong nagtungo sa kagubatan…” Paliwanag pa ni Alaric. “..ngunit natagpuan ko ang dugo at enerhiya ng kalaban na sa palagay ko ay pinaslang nang hindi pangkaraniwan na kawal. Kung hindi ako nagkakamali ay si anino ang aking nakatapat.”
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mukha ng kaharap.
“Sinasabi mo bang si anino ang pumatay sa kanyang uri para lamang sakanya?” Gulat na sabi ng isang babae na may malambing na boses. Tumango si Alaric.
“Ganon na nga Reyna Amara. Bago pa ako makalapit kay anino ay agad na itong nawala sa aking paningin kung kaya’t hindi kami naglaban. Kung ako ang inyong pahihintulutan, gusto kong pag-aralan kasama ng mga bantay ng halumina ang nilalang na ito bago ang muling pagtitipon para sa pangatlong mga alay ng sagradong daan.”
Hindi naman umimik ang mga nasa harap niya.
“Kung ganon ay binibigyan kita ng basbas. Mas mainam na sa lalong madaling panahon ay malaman na natin ang pakay ni anino sa nilalang na ito.”
“Salamat mahal na Emperatris.” Sabi ni Alaric at binalingan uli ako. “..sumunod ka sa akin.” Anito at yumukod pa sa tatlo.
Nang tumalikod ito ay tumayo na siya, ramdam niya pa ang pinaghalong pangangalay at nginig sa binti niya habang nakasunod dito. Tama nga siya, matangkad ito. Tingin nga niya hanggang dibdib lamang siya nito. Napapalunok na naglakad sila sa mahabang hallway habang nakasunod siya sa likuran nito.
“Simula sa paglubog ng araw ay ipapasundo kita sa mga diwata para dalhin ka sa bago mong tahanan.” Narinig niyang sabi nito habang nakatalikod padin sakanya.
“Why do I need to relocate?”
Tumigil naman ito sa paglalakad at binalingan siya. Puno ng katanungan ang mukha nito.
“Ah haha..” Tawa niya lang. “bakit kailangan kong lumipat?”
“Kailangan kitang pag-aralan bago ang araw ng mga pag-aalay. Huwag kang mag-alala dahil maari mo pading puntahan ang iyong uri kung iyong nanaisin.” Sabi pa nito habang nakayukong nakatitig din sakanya.
“Ahm.. tanong ko lang nagkakilala na ba tayo dati?” Hindi niya napigilang tanong, baka maalala nito si Jewel kaya ganon ito tumitig sakanya. Marahan itong umiling.
“Ngayon lamang kita nakilala.” Sagot nito.
“As in wala kang kilalang Asteria?”
Bahagyang nagsalubong ang kilay nito.
“Narinig ko lamang ang iyong pangalan sa mga diwata sa entrada.” Sabi pa nito, tumango lang siya kahit nagtataka.
‘Baka nagpapanggap lang siya?’’
Naramdaman niya ang malamig na kamay nito sa baba niya, nanlalaki ang matang natigilan. Ilang sandali itong tumitig sa mukha niya.
“B-bakit?” Mahinang tanong niya. Napansin niya ang paglambot ng expression nito.
“Magkikita tayong muli..” Usal nito., kasunod ng sinabi nito ay may kung anong puwersang humila sakanya.
“Ahh!” Sigaw niya, napapikit pa siya dahil sa lakas ng puwersang bumalot sakanya. Ilang sandal pa ay naramdaman niyang tumama sa malambot ang katawan niya.
“Asteria!”
Hinihingal na napakurap siya, nang tumingin siya sa paligid ay nasal labas na muli siya ng malaking gate. Nakita niyang nandoon padin sila Orla at mga diwatang sumundo sakanila.
“Sino ang iyong kasama palabas ng kaharian?” Nagtatakang sabi ng isang babae. Hinawakan niya ang dibdib sa sobrang lakas ng kabog non.
‘What is happening to me?"
“Wala pang nagbibigay ng pahintulot sa amin mula dito? Paano ka nakalabas ng kaharian?”
“Si Alaric---si Lakan digma Alaric.” Sabi niya pa. Hindi niya alam na ganito pa pala ang pagdadaanan bago siya kumausap ng matataas na diwata. Like seriously, every minute ata ay namamatay ang katawan niya dito.
“Imposible ang iyong sinasabi! Kami lang ang nararapat na kumuha sa iyo mula sa loob. Hindi ang isang hamak mo lamang na mababang uri ng nilalang ang kailangan pang ihatid ni Lakan digma.” Sabi pa ni big tiara.
“Eh kung hindi ka naniniwala bakit hindi ka pumasok tanungin mo siya don sa loob.” Nakairap na sabi niya pa.
“Aba’t---“ Naputol ang iba pang sasabihin nito nang lumiwanag ang mga mata nito. Ganon na din ang apat na babaeng kasama nito. Halos umangat pa ang mga katawan nito. Binalingan niya si Orla.
“Hala sinasaniban na sila.” Sabi niya pa kay Orla. Ilang sandali pa ay nawala na ang mga liwanag sa mga mata nito. Matalim siyang tinitigan ni big tiara, tinaas nito ang isang kamay at doon ay lumabas ang kulay gintong bottle. Nagliliwanag pa ang bottle na iyon.
“Ihanda mo na ang iyong mga kagamitan at susunduin ka namin bago ang bukang liwayway.” Abot sakanya sa hawak.
“Kailangan mo itong ilagay sa iyong halumina upang kumalma ang iyong enerhiya. Kung ano man ang iyong nararamdaman ngayon ay dahil iyan sa napaligiran ka ng mga matataas na mahika.” Nakataas pa ang mukha nito, kinuha naman niya ang inabot nito.
“Huwag mong isipin na ikaw na ang pinapaboran ni Lakan digma. Ang kagaya mong galing sa mababang pinagmulan ay hindi tatagal sa mga mundo ng mga diwata. Ngayon pa nga lamang ay hindi mo na kaya ang presensyang dala nila..” Anito at naunang tumalikod si big tiara kasunod ang mga alipores nito. Nagmake face siya.
“Hindi ka papaboran, inggetera!” Bulong pa niya.
“Hoy ano ang sinabi saiyo?” Tanong ni Orla.
“Aba ewan ko, tinatanong nila pano daw ako napunta don sa gubat..'
“Totoo ba na muli ka nilang susunduin para saiyong bagong tahanan? Ang sabi pa nila ay hindi ka tatagal sa mundo ng mga diwata. Ibig sabihin iyon ang bago mong magiging tahanan?” Nanamanghang sabi nito.
“Pss, eh iyon ang sabi ni Lakan digma niyo eh. Ano pa bang magagawa ko, need niya daw ako pag-aralan kung bakit mukhang target ako ng ---anino ba yon.”
Narinig niyang tumili ito at tumalon-talon. Hinampas-hampas pa nito ang balikat niya.
“Ikaw na yata ang pinagpala sa lahat ng pinagpalaaa!” Matinis na tili nito, napailing na lang siya at tinanggal ang kamay nito sa balikat niyang hinahampas nito.
“Kung alam mo lang kung anong hirap ang---hoy!” Nagulat siya nang tumalsik si Orla ng hawiin niya ang kamay nito. Napasigaw naman ito, mabilis niyang hinawakan ang kamay nito gamit ang dalawang kamay niya bago pa ito humampas sa pader.
“Uy okay ka lang?” Nag-aalalang tanong niya, napatingin siya sa kamay. Bakit parang lumakas siya?
“Mukhang napuno ang iyong enerhiya sa pagpasok mo sa kaharian. Itabi mo ang ibinigay nila para ilagay sa iyong halumina!” Sabi pa nito.
“Ha? Ganon ba iyon? Nakatapat ko lang sila?”
“Kaya nga isang malaking basbas na ang makalapit sakanila.” Pandidilat pa nito at hinila siya. “…halika na!”
Wala sa loob na nagpahila na lang siya dito, muli niyang naalala si Alaric.
‘Bakit kaya hindi niya maalala si Asteria? Or naging malapit ba silang dalawa?”