Chapter Three-The Encounter

1758 Words
-The Encounter- “HINDI ba sinabi ko sa iyo na huwag mo munang ipaalam sakanya ang lahat hangga’t hindi pa natin nalalaman ang dahilan kung bakit nagliliyab ang kanyang enerhiya?!” Napapikit na lang siya sa kawalan habang pinapakinggan ang nag-aaway sa gilid niya. Naririnig niya ang paligid pero hindi niya alam kung bakit sobrang hina ng katawan niya na halos hindi na siya makagalaw. “Inayaha, hindi ko naman inaasahan na mabilis mauubos ang kanyang enerhiya. Nalinang siya ng matagal na panahon, ni hindi ko na nga siya nakita na ginamit iyon. Kaya bakit sa simpleng paglilinis lamang ay nasagad ang kanyang mahika?” It’s Orla, so that’s it? Dahil sa pag-abuse niya sa mahika na iyon ay ito pala ang kinalabasan. Pakiramdam niya tuloy ay lalo lang siya naasar sa sarili. Kahit ba naman sa konting paggamit non ay mahina pa siya? “Orla! Manara! Halina kayo at hinahanap na tayo nila amang!” Narinig niya ang iba pang boses na iyon. “Mildred, maari ba na hindi muna makasama ang aking binhi sa pista? Masama ang kanyang pakiramdam.” “Ano ang nangyari kay Asteria? Kanina lamang ay nakita namin siya na masayang naglilinis sa labas. Maging ang aming tahanan nga ay kanyang nilinisan.” “M-matagal niyang nagamit ang enerhiya niya. Sa palagay ko ay naubos niya iyon sa imperyo.” Narinig niyang pagsisinungaling ni inayaha. “Ganoon ba kung ganoon ay ipaalam na natin kay amang. Halina kayo at baka sabay sabay pa tayong parusahan kapag wala pa tayo sa pista.” “Asteria babalik kami ha, kailangan mo munang ipahinga ang iyong katawan. Sigurado ako na aabutin ka ng bukang liwayway bago bumalik ang iyong lakas.” Narinig niyang sabi ni Orla. Hindi naman siya makapagsalita. ‘Hoy! Don’t leave me here!’ Sunod non ay narinig niya ang mga yabag papalayo pati na din ang pagsara ng pinto. Wala naman siyang nagawa, she can’t move her body. Kahit pagsalita ay hindi niya nagawa. ‘So anong gagawin ko dito? Para lang akong lantang gulay na nakahiga dito ganon?’ Kung alam lang niya na ganon pala ang consequences ay nag-limit sana siya, totoo nga talaga ang kasabihan na nakakasama ang sobra. Hindi naman kasi sinabi ni gaga sakanya. Natigilan siya sa pag-iisip ng marinig niyang unti-unting bumukas ang pinto. ‘Orla?!’ Pinilit niya ang sarili na idilat ang mga mata at kinurap-kurap iyon. ‘Bumalik k---‘ Natigilan siya nang may isang itim na usok na bumabalot sa katawan niya. Sa loob ng usok non ay may isang nagliliyab na parang hugis kadena. Nakaramdam siya ng takot kahit pa hindi niya maikilos ang katawan. ‘Oh God..’ Pinilit niyang galawin ang katawan ngunit kahit anong gawin niya ay hindi iyon sumusunod sakanya. Naramdaman na lamang niyang tumayo ng kusa ang kanyang katawan habang patuloy na nakapulupot sa katawan ang itim na usok na ‘yon. ‘Help! Help! Help!’ Ngunit kahit anong gawin niya siguro ay walang kahit na sino ang makakakita sakanya. Sigurado siya na wala lahat ng mga brownie sa lugar na ito ngayon. Naramdaman niyang umangat ang mga paa niya sa lupa, kasunod non ay ang puwersang humila sakanya papalabas ng bahay. “Ahh..” Mahinang usal niya nang humigpit ang pulupot ng itim ng usok na iyon sa katawan niya. Ginala niya ng tingin ang buong paligid gamit ang mga mata. Tama nga siya dahil kahit na isa sa mga kauri niya wala din doon. Nilabas siya ng itim na usok na iyon sa isang maliit na pinto. Nakita niya ang masukal na gubat sa labas na ngayon niya lang din nakita. May naramdaman muli siya na kumapit sa dalawa niyang paa na parang hindi nito hahayaang makawala siya. ‘Inayaha! Orla! Jewel tulong!’ Bumigat ang paghinga niya ng unti-unti siyang pumasok sa madilim at masukal na gubat. Ilang sandal pa ay bigla siyang binitawan ng usok na iyon. Nanlalatang umupo siya, dahil kahit pagtayo ay hindi niya magawa. This was the first time she felt such extreme fatigue na kahit paggalaw ng daliri ay hindi niya nagawa. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa kagubatan. Gumapang ang takot sa dibdib niya. ‘Papa…pa..’ “Inutil! Bakit ito ang iyong kinuha?! Nakikita mo bang mahina ang kanyang enerhiya?” Narinig niyang sabi ng tinig na iyon, mula sa kung saan ay may sumulpot na dalawang nilalang sa harap niya. Nakita niyang nakabihis ang mga ito ng itim na balabal habang lumalabas sa mga balat nito ang itim na usok. Naka-kadena din ang dalawang binti nito na magkadugtong sa isat-isa. Namumula din ang mga mata nitong puno ng pagnanasa na nakatingin sakanya. Hinawakan pa siya ng isa sa mukha “Wala na akong makita na iba pa maliban sa isang ito. Wala tayong magagawa kung hindi pagtiyagaan ang isang ito, kung hindi ay hindi tayo aabot sa bukang liwayway!” Sabi pa niyo at nilabas ang dila, ganon na lamang ang paghilakbot niya dahil mahaba ang dilang matulis nito na parang sa ahas. ‘Oh God please no!’ Nagkatinginan pa ang mga ito at nakakatakot na ngumisi. “Kung gusto mo, mauna ka. Huwag mo lamang akong ubusan.” Nakakalokong sabi ng isa, nakita niyang tinaas ng isang lalaki ang kamay nito at mula doon ay lumabas ang mahabang silver dagger. “Ititira ko saiyo ang kanyang laman.” Sabi pa nito. ‘eeeh!’ Halos hindi na siya makahinga nang itaas na nito ang isang kamay hawak ang dagger. She feel hopeless. Ito na ba ang ending na sinulat ng kaibigan niya sakanya? Now she regret na hindi man lang niya binasa ng buo ang sinulat nito. Madami sana siyang advantage ngayon sa katauhan ni Asteria. Akmang ituturok na nito sa leeg niya ang dagger nang mula sa kung saan ay may lumipad na bagay na tumama sa kamay nito dahilan para mabitawan ang dagger. “Sino--- Naputol ang iba pang sasabihin ng dalawa nang sabay sabay sumabog ang mga katawan nito. Naramdaman niya ang mainit na likidong tumalsik sa mukha niya. ‘Eeeeh???’ Naghilakbot siya lalo pa at naramdaman niya ang pagtulo ng mainit na likido sa gilid ng labi niya. Ang dalawang lalaki na kaharap niya kanina lang ay naglaho sa harap niya, ang tanging natira sa mga ito ay ang itim na likido sa lupa. Umuusok pa iyon. ‘Pwe! Pwe! Pwe!’ Gusto niyang punasan ang mukha ngunit hindi niya magawa dahil hindi siya makagalaw. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang malakas na hangin sa paligid. Kasunod non ay nakita niya ang isang malaking tao na naglalakad papalapit sa direksyon niya. Hindi niya makita ito ng maayos dahil sa mahabang hooded cloak nito na kulay velvet black. Pakiramdam niya ay kaharap niya si grim reaper dahil sa postura nito. Napansin din niya ang itim na usok na sumusunod sa yapak nito. ‘Sinusundo mo ba ako?’ She felt a shiver deep within her soul as he drew nearer. An intense darkness seemed to flow from his presence, heavy and suffocating. When she looked upon the figure for too long, her heart began to thump with unease. The air around her grew tense, charged with invisible energy, as the cloaked being stood surrounded by shadows. Kung kanina ay nakakatakot ang dalawang lalaki na kumuha sakanya, mas hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman niya sa kaharap. Nakita niya ang unti-unting pagyukod nito sakanya. Tinitigan niya ito para makita ang mukha ngunit masyadong malaki ang hood ng cloak nito. “Ah—‘’ Hindi makalabas ang boses sa bibig niya. Kahit pa hindi niya nakikita ang mukha nito ay nararamdaman niya ang titig nito sakanya. Nakita niyang tinaas nito ang kanang kamay kasunod non ay gumalaw naman ang kaliwa niyang kamay. Nagtaka siya dahil naramdaman niya ang hawak sa kamay niya ngunit hindi naman niya nakita kahit ang kamay nito, tanging nakaangat lang iyon. Isang mainit na hangin ang naramdaman niyang tumama sa mukha niya. “Aray!” Napapikit pa siya dahil naramdaman niyang may matulis na sumabay doon. Kinusot niya ang mga mata. ‘Ehh’ Nanlalaki ang mga matang yumuko siya at kumurap kurap. Napahawak pa siya sa lalamunan. “Gumagalaw na ‘ko!” Masayang tili niya pero agad ding natigilan dahil hawak pa pala siya ng kaharap habang nakaupo padin siya sa lupa. “A-ano..hindi ko alam kung ano ginawa mo but thank you so much.” Nakangiting sabi niya, akmang tatanggalin niya ang kamay mula dito nang biglang maramdaman niya ang higpit non. “Eeh??” Takang tanong niya, nanlaki ang mga mata niya nang lumabas mula sa katawan nito ang isang umuusok na kadena. Pumulupot iyon sa wrist niya. “Aray!” Napangiwi siya nang humigpit iyon, naramdaman niya pa ang tusok sa kamay niya. Nanlalaki ang mata na napatitig siya nang makitang lumabas ang dugo sa wrist niya sanhi ng kadenang iyon. The pain is unbearable at habang humihigpit iyon ay mas lalong sumasakit. “Aggh!” Hinawakan niya ang dumudugong kamay gamit ang kanan. Tears fell from her eyes. “Hmm..” A gentle, low chuckle emerged from the darkness, enveloping her like mist. It was not a sound of joy, but one that took pleasure in the fear of others, sharp and insightful. Lalo niyang naramdaman ang higpit ng puwersang iyon. She could feel the searing pain, unbearable and sharp, stealing her breath. “P-please tama na..” Nanghihinang sambit niya, nakita niyang umangat ang isa pa nitong kamay. Sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang balat porselana nitong kamay, may nakapulupot pa nakadena doon na nababalutan din ng usok. Itinaas nito ang palad sa mukha niya. Napansin niya pa ang mahahaba at itim nitong kulo. “AAAHHH!” Naramdaman niya lalo ang sakit sa buong katawan na para bang may tinatanggal sa loob ng buong katawan niya mula ulo hanggang paa. Kinakapos na siya ng hininga habang pilit na pumapalag sa pagkakahawak nito. Nakita niyang hinihigop ang liwanag niya papunta sa loob ng palad nito. “Asteria!” Isang sigaw ang narinig niya kasunod non ay ang malakas na puwersang humila sakanya mula sa likod papalayo sa taong iyon. Naramdaman niya ang paglipad ng katawan at ang pagsalo sakanya ng mga bisig na ‘yon. Her breath came in short, sharp gasps, and all she could focus on was the pounding of her heart. Nanghihina ang katawan na binalingan niya ang sumalo sakanyaat tinitigan ang mukha nito. Naalala niya ang lalaking napanaginipan niya bago nangyari ang lahat. Napuno ng pagtataka ang isip niya, “Laka---“ Bago pa siya makapagsalita ay unti-unti ng nilamon ng dilim ang paningin niya….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD