Chapter Two-World Of Brownies

1895 Words
-World of Brownies- HINDI na siguro niya mabilang kung ilang beses na siyang umirap sa hangin habang nakatingin sa kawalan. Hindi na nga din niya alam kung gaano kahaba na ba ang tinulog niya. Ang alam lang niya, napagod at nawindang ng bongga ang kaluluwa niya sa nangyayari sakanya. “Sa dami dami ba naman ng role na ibibigay mo sakin ito pa talaga Jewel?” Parang bata na nagdadabog siya. Malakas ang pakiramdam niya na may dahilan kaya siya napadpad dito. Siguro nga ay siya ang iniisip ng kaibigan habang nagsusulat ito. “Pwede namang fairy or queen? Bakit brownies pa talaga?” Nagdadabog pa na bulong niya. Naalala niya ang kaibigan sa tuwing kinu-kwento nito ang mga fantasy na sinusulat nito. May iba’t-ibang rank ang mga creature na sinulat nito. Ang mga noble ay mga fae na kung saan matataas ang rank pagdating sa kalikasan. She support creativity, But that is just a simply bioluminescent pollen or a chemical reaction. Nature doesn't shine by itself. Magic isn't real. faes, fairies, magical rivers—none of it exists. ‘But how can I explain this?’ Frustrate na bumuga siya ng hangin dahil kahit saan siya tumingin ay nasa ibang mundo talaga siya. Biglang bumukas ang pinto. “Gising kana pala.” Sabi ni Orla, may dala itong platter na may lamang tinapay at gatas. Tumabi sakanya si Orla. “Itinago na ni Inayaha ang enerhiya mo. Sa palagay namin nakuha mo iyan nang hampasin ka ng ibang diwata.” Sabi pa nito, hindi naman siya umimik. “Hindi talaga ako galing dito.” Wala padin sa sarili na nasabi niya. “Kung ganon ay bakit ka nandito at sino ka?” Umiling siya at tinignan ito. “I don’t how to say this, pero hindi totoo itong mundo niyo. Nilikha lang kayo ng kaibigan ko gamit ang imagination niya.” Sabi niya pa at tinuro ang sentido. Naguguluhang tinignan lang siya ni Orla. “Paano mo ipapaliwanag na nasa harap kita kung ganoon?” Sabi pa nito, napabuga siya ng hangin at napasabunot na lang. “Iyon nga problema ko e..” Aniya at napakagat labi. “Sabi mo nasa mundo kami ng imahinasyon ng iyong kaibigan. Kung ganon ano pa ang ibang nalalaman mo? Bakit ka nagkaroon ng lumiliyab na enerhiya? Nakikita mo ba ang mga magaganap?” Sunod sunod na tanong nito. Natigilan siya at inalala ang mga binasa. “Actually…isang chapter lang nabasa ko nakatulog na agad ako.” Bulong niya, ang nabasa niya lang ang ‘yung pagdating ni Asteria sa mundong ito at nakita niya ang lalaking iyon na muntik pang patayin si Asteria sa panaginip niya. Nabasa niya din iyon sa novel ng kaibigan. Natagurian pa naman siyang chief editor ng publishing nila pero hindi man niya na-ireview ang sinulat ng kaibigan. Baka dahil sa sobrang pagod niya ng gabing iyon? ‘Pero sa first chapter hindi sa mundo ng mga brownies napunta si Jewel. Sa pagkakatanda ko galing siya sa empire ng mga fairies. How come na nandito ako? May nagbago ba sa story niya? Bakit Asteria din ang pangalan niya nang pumunta siya dito?’’ Natigilan pa siya nang maalala ang panaginip niya bago tumawag ang kaibigan. ‘’Lakan digma, anong ibig sabihin non?” Tanong niya kay Orla. Baka kahit papaano ay kakailanganin niya ang tulong nito. “Sila ang mga mandirigma ng imperyo laban sa mga kadiliman ni anino. Sila din ang nagbabantay ng sagradong daan patungo sa ibang panahon upang hindi na muling mapunta sa kamay ng anino. Noong bumalik ang anino galing sa ibang mundo, nagalit ang langit at napuno ng kadiliman ang buong imperyo at kaharian. Simula non, nagkaroon ng malaking pagtitipon ang mga mandirigma laban sa kadiliman. Ang sabi ni Inayaha, tanging ang anino lang ang kayang makatawid sa kabilang panahon at makabalik dito. Nangyari ang unang pagtawid noong lumiliwanag ang buwan. At sa pagkabalik ng anino ay sa panahon naman kung saan humihina ang liwanag nito. Matagal na panahon na ata nangyari iyon.” Paliwanag nito. Napasapo siya sa ilong “Ano ba ‘yan wala akong naintindihan sa sinabi mo.” Sabi niya pa na tingin niya ay magkakanose bleed pa siya. Pero inisip niya ang sinabi nito, may in-explain ang kaibigan niya before sakanya. Ang sabi nito iba daw ang mga panahon nito sa panahon nila. So let’s say na binanggit ni Orla ay lumabas ang anino na yon noong lumiliwanag ang buwan at bumalik ito sa paghina ng liwanag. “So moon phase ang ginagamit niyong time dito…’’ Bulong niya. “…isang buwan lang alam kong meron ganon. Waxing at waning gibbous..” Sabi niya pa at nagbilang sa isip. “Oh! So that was 10 years ago!” Gulat na sabi niya at tinignan si Orla. “Yung kaibigan na tinutukoy ko sayo, sinabi niya sakin na galing na siya dito!” Sabi pa niya. Kumurap kurap pa siya habang tinatagpi-tagpi ang kwento. Nangyari ang pagkawala nito ay October. Nawala si Jewel for atleast 1 month! “Alam ko na paano ako makakabalik sa panahon ko!” Natutuwang sabi niya kay Orla at hinawakan ang kamay nito, “Kailangan kong malaman kung saan yung sinasabi mong sagradong daan! Iyong kaibigan ko si Jewel, galing na siya dito nong panahon bago lumabas yung anino na sinasabi mo. Sa tingin ko doon siya sumabay..” Natigilan pa siya. ‘Oh… baka doon din siya namatay. Sinabi niya sakin na namatay siya!” Pero hindi niya alam kung paano dahil hindi pa nagagawa ng kaibigan ang huling pahina. “Nahihibang kana ba?! Ayoko sumama sayo, bago pa tayo makapunta doon baka naglaho na tayo sa hangin!” May takot na sabi nito. Ngumiti siya dito. “Huwag kang mag-alala ituro mo lang sakin yung daan. Kahit ako na lang mag-isa pumunta.” Nagdadabog na tumayo ito at namewang pa sa harap niya. “Sa palagay ko ay nasisiraan ka na ng katinuan. Kahit na sa pagbanggit ng lugar na iyon ay hindi ko magawa. Iyon pa kaya na puntahan. Bahala ka, kailangan mo ng magpahinga. Bukas ay pista ng mga Lakan digma, marami tayong kailangan asikasuhin sa imperyo.” Itunuro pa siya nito. “…at huwag kang gagawa o magsasabi ng kahit ano mula kanino. Maliwanag ba?” Sabi nito pagkatapos at tumalikod. Napabuga siya ng hangin at naasar na humiga. “Seriously, ipartner mo pa sakin may sayad..” Pairap na pumikit siya, muli niyang naalala ang huling nangyari sakanya bago napunta dito. ‘Kamusta kana kaya Jewel? I am so sorry...kung siguro sinabi ko agad sayo hindi mangyayari iyon sayo.’ ------------------- HINDI maipinta ang mukha ni Nevara habang nagwawalis sa labas ng bahay na tinutuluyan niya. Or bahay nga ba? Parang kalian lang, she have everything! Fame, money and friends. Halos mula pa dati ay walang kahit na sino ang nang-uutos sakanya pagdating sa gawaing bahay. Pero dito sa bagong mundo niya isa siya sa mga low creature or kung tawagin ng iba ay brownies. Inshort, mga katulong ng fairies kung tawagin. Hinawakan niya ang mukha, okay naman ang balat niya. Malambot din pero hindi kagaya ng mga ito na parang akala mo ay diamond sa pagkinang. All them has a brown skin and pointed ears. They look so magical at kung makita man ng ibang tao sila Orla at iisipin ng mga ito na kakaiba ang mga ito compare sa mga pangkaraniwan. Supposedly ang alam niya na mga brownies ay mga maliliit at halos wala ng mga buhok parang kagaya ni Smeagol. But if she is not mistaken si my precious ay isang corrupted and aside from that hindi din ito brownies. Napabuga siya ng hangin at tinignan ang mga kamay at kausotan. Siya padin naman ang nakikita niya sa sarili, she has a long dark hair, It ran down her back, lightly grazing the curve of her hips. Halos limang taon niya iyon pinahaba. Nandoon pa din naman sakanya ang bangs na every month tini-trim niya. Maging ang maputi niyang balat ay hindi naman nagbago. Hindi ba iniisip ng mga ito na hindi siya si Asteria base sa itsura niya na iba sa mga ito? ‘Kung dala ko padin ang appearance ko dito. Sino si Asteria na ginagamit ko?’ Napahawak siya sa sariliing mata at napakagat labi. Nawala ang eyelash extension niya. “Tss kung alam ko lang na mangyayari ‘to sana dinala ko man lang yung skin care ko. Kahit toothbrush ko hindi ko dala. Kahit nga man lang pan---“ Nakangiwing sinilip niya ang rag dress. “---kahit man lang panloob ko hindi ko nadala!” Ang tanging suot lamang niya panloob ay tela. Irap niya muli at tinatamad na nagwalis. “Ano ang iyong iniisip?” Napalingon siya sa nagsalita. Nakita niya si Orla na nakangiting papalapit sakanya habang hawak ang isang walis. Nakasuot ito ng green dress gamit ang pinagtagpi-tagping tela at halaman. “Wala naman... saka wait ilang taon kana? Sa tingin ko ay 14 years old kapa lang no?” Tanong niya dito, kumunot ang noo nito at nagkakamot ng ulo. “Ano ang iyong ibig sabihin?” “Age mo, I mean kailan ka pinanganak?” Napanguso lang ito habang nagkakamot. “Mag-tadiryaha tayo ngunit hindi mo alam? Ikaw ay dalawang henerasyon ng naninilbihan sa imperyo. Samantalang ako ay nag-aaral pa lamang gumawa ng basahan. Hindi pa ako buo upang manilbihan sa bulwagan.” ‘huh?’ Siya naman napakamot sa ulo. “Dapat talaga hindi na ako nagtatanong..” Nagpatuloy na lang siya sa pagwawalis bago pa tuluyang masira ang ulo niya. “Matagal mong nalinang ang iyong mahika. Bakit hindi mo iyon gawin sa paglilinis?” Binalingan niya si Orla hawak nito ang walis na mahaba. “Kagaya nito..” Nakangiting sabi pa nito at kinumpas ang kamay. “Ohh~!” Natutuwang sinundan niya ng tingin ang walis na kusang gumagalaw. Tumingin siya sa kamay. “Wait meron din ako?” Maang na tanong niya, tumango ito. “Lahat tayo ay merong basbas mula sa diwata..” Tumigil ito saglit at tumingin sa paligid. “..maliban sayo, pero nasisiguro ko na meron ka din.” Bulong nito. Natutuwang tumango siya at binitawan ang walis na hawak. Tinaas niya ang dalawang kamay. “Abra Cadabra!” To her dissapoinment it doesn’t move. Muli niyang kinumpas ang dalawang kamay sa hangin. “Abraaaa cadabraaa!” “Hibang!” Sabi ni Orla at dalawang beses na kinumpas ang isang kamay. “…ang bawat mahika may ibang hugis at lakas ng enerhiya. Gayahin mo ako.” Sumunod naman siya dito. “Owemji!” Natutuwang tili niya ng bigla niyang naramdaman ang bigat sa kanang kamay niya kahit pa wala siyang hawak. Naramdaman niya ang daloy ng bigat na nagmumula sa loob ng kanyang kamay. Itinayo niya ang walis at ginamit iyon. “Bilisan mo diyan at maya-maya gagayak na tayo papasok sa imperyo.” Sabi pa ni Orla at tumalikod. ‘This place is really amazing huh..not bad.’ Ginamit niya pa ang mahika sa pagbubuhat ng mga bato na nilalagay sa bubong nila. Pati na din ang bahay ng kapitbahay nila ay natutuwang nilinis na din niya. “My goodness hindi naman pala masamang mag-stay dit--- Sabay-sabay bumagsak ang mga gamit na hawak niya nang maramdaman ang pagkabog ng dibdib niya. “Hah---“ hinihingal na sinapo niya ang dibdib at pagod na napaupo sa lupa. ‘A-anong nangyayari…sakin.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD