Chapter One-Kingdom Of Fairies

2004 Words
-Kingdom Of Fairies- “JEWEL!” Hinihingal na bumaligwas siya ng bangon, she cough so hard. Hinawakan niya ang lalamunan at hinihingal na ginala ang tingin sa paligid. “Jewel?” Hanap niya sa kaibigan, kumunot ang noo niya nang makita na parang may kakaiba sa paligid niya. “Where the hell am I?” Pakiramdam niya ay nasa kabilang mundo siya base sa nakikita niya sa paligid niya. At kung hindi siya nagkakamali ay pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang ancient oak tree. Napapalibutan ng lumot at petal ng mga iba’t-ibang bulaklak ang walls. The windows are small and it was shape oval surrounded by twisted vines and vibrant flowers with a color pink velvet on it, as if the plants have naturally grown to both protect and adorn them. The glass is composed of crystal clear dewdrops that have merged, creating a beautiful effect when sunlight or moonlight shines through, scattering rainbows throughout the room. Fireflies dance around endlessly and the house feels like it's buzzing with magic, a home vibrant with nature and gentle, parang whimsical vibes. It feel so unreal. Everything really feels unreal. Lalo siyang nakaramdam ng pagkalito. “Huh? Saan yung hospital dito?” Bulong niya pa at tumingin sa itaas. Napamaang siya nang makita ang mga nagkikislapang diamond at bulaklak na humahalo sa bubong. And if she’s not mistaken it was like a masterpiece of a nature’s craftsmanship. Muli siyang tumingin sa paligid. Everthing is so unique, magmula sa mesa na hugis mushroom at sahig na kulay tea brown. Kumikinang pa iyon sa pagkamangha niya. Inamoy niya pa ang paligid, the air smelled honey and rain. It feels like different from a place she use to stay. Hindi ito ang amoy ng condo niya. Bumaba siya mula sa kinauupuan, ganon na lamang ang pagkamangha niya nang tumapak siya sa sahig. Napakalamig non sa talampakan na nanunuot sa balat niya. Pakiramdam niya ay ginagamot non ang anumang sakit sa katawan niya. “Okay…’’ Natawa siya ng mahina at ginala ang tingin sa paligid. “…in fairness ha, mukhang magaling si direct pumili ng shooting venue ha.” Natawa na lang siya sa isiping baka may nagaganap na shooting drama. “Pero bakit ako nandito? Alam ko bumangga…” Bulong niya at natigilan ng mapatingin siya sa isang salaming gawa sa halaman. “Huh.” Usal niya at tinignan ang sarili. She was wearing a rag dress clothe, It was a blend of green and beige color. Parang gawa iyon sa telang dahon, hinawakan niya iyon. It was kinda rough pero compare sa mga wardrobe niya, may kakaiba sa tela non. Muli siyang tumingin sa sarili sa salamin. May suot siyang maliit na pointed cap habang nakabraid sa likod ang mahabang buhok niya, may suot pa siyang belt na gawa sa ugat ng puno. May nakasabit pa na pouch na wala namang laman ng kapain niya. Lumapit siya sa salamin at tinitigan ang sarili. “Bakit ganito suot ko?” Bulong niya. She can still see herself, hinawakan niya ang noon na natatakpan ng bangs niya. Sa pagkakatanda niya ay bumangga ang sinasakyan niya at naramdaman niya ang pagkahulog ng sasakyan. “Oh shit.. Jewel.” Muli niyang naalala ang kaibigan. “Mabuti naman at nagising kana.” Natigilan siya ng marinig ang boses na iyon. Napanganga na lamang siya nang makita ang may-ari ng boses na iyon. There is tall woman standing infront of her, kumunot ang noo niya dahil sa kakaibang balat nito. It literally shining like a diamond. She was wearing a white robe and tunic garments combined with draping capes in a velvet purple. May suot pa itong korona na sumasabay din sa kinang ng balat nito. ‘How much do they pay for this?’ In fairness hindi tinipid sa pera. “Oh I am Nevara, do you know me naman ‘diba?” Proud na ngiti niya, nakita niya ang pagkakasalubong ng kilay nito na para bang hindi naiintindihan ang sinasabi niya. “Hindi kita maintindihan.” Nagtatakang tanong nito sakanya. Mas lalong kumunot ang noo niya. Both naman sila tagalog so bakit hindi siya nito naiintindihan? “Orla!” Sa sinabi nitong iyon mula sa kung saan may biglang lumitaw ang isang batang babae likuran nito. Pareho din sila ng damit nito, sinuri niya ng tingin ito mula ulo hanggang paa. “Paumanhin Prinsesa Irana..” may kaba pa sa boses nito at nilapitan siya. Pinandilatan siya nito. Wala sa sarili na napatingin siya sa tenga nito. It was pointed shape. Hinawakan niya din ang tenga pagkatapos ay ang tenga nito. “Wow it look so real. Sinong makeup artist mo?” Manghang sabi niya habang pinipindot ang tenga nito. “Aw!” Napangiwi siya ng paluin nito, lalo siya nitong pinandilatan. “Hindi ba sinabi ko saiyo na huwag ka lalabas kahit saan?” Bulong nito sakanya. “Ano ang iyong ginagawa sa bulwagan?” Narinig niyang tanong ng babaeng yon. Ito naman ang binalingan niya at nagkamot siya ng ulo. “Bulwagan?” Mahinang sabi niya “…ano wala ako magets e. Nasaan ba ako ngayon?” Tanong niya pa ditto. Naramdaman niyang nagulat ang katabi niya at paulit-ulit na humingi ng tawad dito. “Paumanhin prinsesa, nagkaroon ng malubhang sakit si Asteria. Walang nakapansin sa amin na unti-unti na pa lang nalalanta ang kanyang halumina.” Sambit pa nito. Tumikwas lang ang kilay niya at lalo siyang naguluhan. “Ganoon ba? Mabuti na lamang at ako ang nakakita sakanyang katawan. Kung nagkataon na si Lakan digma Alaric ang nakatagpo sakanya, wala akong anumang magagawa.” Sabi ng babaeng ‘yon. Muling yumukod ang babaeng katabi niya na may pangalan Orla. “Maraming salamat! Ako na ang bahalang kumausap sakanya!” Sambit nito at hinawakan siya sa braso. Napapitlag pa siya dahil sa sobrang lambot ng balat nito. As in iyong parang cotton balls. Kahit may gusto pa siyang sabihin hindi na niya nagawa nang hilahin siya niyo palabas. “Excuse me--- Natigilan siya nang bumungad sakanya ang labas. Nanlalaki ang mga matang nilibot niya ng tingin ang paligi. Sa ilalim ng sinag ng araw nakikita niya ang mga nagsasayawang alitaptap. Napansin niya ang isang dambuhalang puno na umiilaw ng kulay ginto ang ugat na parang sa ilalim non ay may kumikinang at buhay. Napakaraming bulaklak ang nasa paligid niya, she can smell a mix of honey and moss everywhere. Bukod doon ay napansin niya din ang mga bulaklak na umiilaw. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa loob siya ng isang malawak na hardin. But the garden is not that ordinary, buhay ito kumpara sa pinagmulan niya. “No way!” Nanlalaki ang mga matang libot niya sa paligid. “Hmp!” Napapitlag siya nang makita ang isang maliit na alitaptap na iyon papalipad sa direksyon niya. Napanganga na lang siya ng bigla iyong naghugis tao at nakataas ang kilay na binalingan siya. Kasunod non ay naghugis tao na din ang iba pang akala niya ay alitaptap. “Are they fairies?” “Dito tayo!” Hila ng may hawak sakanya at umiba sila ng direksyon. “W-w-wait are they fairies? Anong effect ginamit niyo sakanila?” Namamanghang sabi niya pa muling nilibot ang paligid. Sobrang vibrant ng paligid niya, a combination of purple and blue attract her the most. Pakiramdam talaga niya ay nasa kakaibang mundo siya. Sa bawat kislap ng mga bulaklak sa paligid niya ay nagbabago din ang kulay ng hangin. Tingin niya ang mga gumagawa non ay ang mga alitaptap na iyon. “Hindi ko alam ang iyong tinutukoy, ang alam ko lang kailangan mong harapin ang galit ni Inayaha. Ilang beses na kitang pinagsasabihan na huwag na huwag kang magtutungo dito sa imperyo nila hangga’t may pagtitipon!” May gigil na bulong ni Orla, kumunot lang ang noo niya. “Bakit? Naabala ko ba yung shooting nila? Saka nasaan ba si direk? For sure ako na kilala ako non.” Hindi nito pinansin ang sinabi niya, basta na lang siya nito hinila palabas ng isang malaking pintuan. Kung ano ang ganda sa loob na nakita niya kanina, ay ganoon naman kasimple ang dinatnan niya sa labas. To her estimate, there is a total of 15 small barns in the outside under the tree. Marami siyang nakikitang tao na kagaya din ng bihis sakanya. “Pero bakit parang same kami lahat ng damit? Ano ‘to uniform?” Natigilan pa siya dahil same kay Orla ang mga hugis ng tenga nito pati na din ang mga balat kulay brown na kumikinang. She began to feel uneasy. May mga binubuhat ang mga ito na malalaking bato. Ang iba naman ay nagwawalis, nakita niya pa ang isa sa mga ito na parang kino-control ang isang malaking kahoy paakyat sa bubong ng isang barn sa pamamagitan lang ng kamay. Nilibot niya pa ang paligid, baka kasi may makita siyang camera man or green screen. Pero kahit saan siya tumingin ay ibang mundo talaga ang nakikita niya. Napalunok siya at unti-unting kinabahan. “Okay calm down…baka nananaginip lang ako.” “Ano ba Asteria halika na!” Muli siyang hinila ni Orla. Wala sa loob na sumunod siya, nagtungo sila sa isang maliit na barn. “Ilang beses na kitang pinagsasabihan!” “Aray!” Napangiwi siya nang saktong pagpasok nila sa barn ay sumalubong agad ang mga nagliliparang gamit sakanya. Nakita niya ang isang matandang babae na kinukumpas ang kamay sa hangin. Kasunod non ay isa pang gamit ang humagis sakanya. Mabilis siyang umilag habang nakatangang nakatingin dito. “Mabuti na lamang at si prinsesa Irana ang nakatagpo sayo!” Galit na muling sabi nito at akmang ikukumpas ang kamay. “Wait!” Sigaw niya, nagsimulang lumalim ang paghinga niya. ‘no, no no…’ Tumingin lang sakanya si Orla pati na din ang matandang babae. Napalunok siya. “Hindi ko maintindihan, nasaan ako?” Mahinang tanong niya. Nagkatinginan pa ang mga ‘to at muli siyang binalingan. “Nahihibang kana talaga! Gumagawa ka lamang ba ng palusot para tumakas sa paglilinis sa imperyo?!” Marahan siyang umiling. “No, no I don’t belong here…what the fuc---“ usal niya at tinignan ang paligid. “---nasaan ako?!” napasigaw siya. Nakita niyang sabay napalundag ang mga ito sa sigaw niya. “H-hindi mo maalala? Nandito tayo sa labas ng kaharian ng mga diwata ng hardin.” Matinis ang tinig na sabi nung Orla at tinaas ang kanang kamay sakanya. Napapikit pa siya ng maramdaman ang matulis na hangin sa noo niya. Mula sa itaas ng ulo niya ay may isang hugis orb na kulay pula na lumabas. Nakangangang napatingala lang siya, narinig niya ang pagsinghap ng kaharap. “Inayaha, wala siyang basbas!” “Ibaba mo ang iyong kamay!” Sabi ng kaharap, nakita niyang natatarantang lumapit ito sa mga maliliit na bintana at sinara iyon. Nilapitan siya ng dalawa. “Hindi maaari! Kailan pa lumiliyab ang iyong enerhiya Asteria?” Hindi naman siya nakaimik dahil mas lalo siyang naguluhan. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga ito. “Hindi ako si Asteria, ako si Nevara. Saka.. naaksidente ako hindi ko alam ang mga pinagsasabi…” Natigilan siya nang biglang may naalala. “Inayaha kapag nalaman ito ni lakan digma. Sigurado ako na susunugin nila ang tirahan natin at ipapatapon tayo sa malayong lugar!” Kinakabahang sabi ni Orla ngunit hindi niya pinansin ang sinabi nito. May kinakalkal siyang ala-ala sa isip niya. “Hindi mangyayari iyon hangga’t walang nakakaalam. Sa ngayon ako na ang bahala na itago ang enerhiya niya habang inaalam pa natin ang nangyayari sa tadiryaha mo.” Napanganga siya nang maalala ang kaibigan maging ang first chapter na nabasa niya sa novel nito. ‘Beshy alam ko na hindi mo paniniwalaan ang mga sinabi ko but I am telling you the truth! They are real, magic is real and their world is real....’ Muli niyang ginala ng tingin ang mga mata. It might seem strange or perhaps even insane… “Nandito ako sa novel ni Jewel..” Pakiramdam niya ay unti-unting nablanko ang utak niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD