Chapter Ten- The Prince Of Shadow

2803 Words
-The Prince of Shadow- HINDI mapigilan ni Nevara na mapalunok habang nakatingin sa kadilimang nasa harap niya. How is she supposed to say anything if she can’t see anyone around her? Lalo pa ngayon na nandito siya sa kampo ng kalaban nakakatiyak siya na anumang sandali ay goodbye other world na siya. ‘’Tila yata ay naputol ang kanyang dila prinsipe..” Narinig niyang sabi ng tinig na iyon. Ilang sandali pa matapos niyang marinig ang tinig na iyon ay bumukas ang malamlam na ilaw sa likuran niya, dumaan hanggang sa magkabilang side niya. Hanggang marating nito ang harap niya. “Magsalita ka..” His voice is deep and steady, doon niya nakita ang isang malaking trono sa harap. Napapalibutan iyon ng mga patay na ugat ng puno habang may hiyas na pula sa tuktok nito. May mesa pa sa harap nito at ilang kandilang nakasindi. May maliit din itong hagdan sa harap na ginagapangan ng maitim na usok. Napatingin siya sa magkabilang side kung saan nakatutok din sa direksyon niya ang mga taong nakasuot ng itim na cloak. Doon niya nakita ang isang bultong naka-upo, hindi niya maaninag ang mukha nito kagaya kagabi. “A-ahh…ano..” Bakit hindi lumalabas ang boses niya? Hindi siya mapakali lalo nang gumalaw ang kaharap. Sa isang kurap ng mata niya ay nasa harap niya na ito. ‘Paan---‘ “Ahh!” Napaigik siya nang maramdaman ang matulis na iyon sa likod ng binti niya dahilan para mapaluhod siya. Takot na tumingala siya sa kaharap, napasinghap siya nang mula sa kamay nito ay biglang lumabas ang isang espadang itim. Nanlaki ang mga mata niya nang ilang distansya na lang ang layo ng talim non sa mukha niya. “Masyado mong inuubos ang aking panahon sa pagtitig lamang sakin..” Malamig na sabi nito at muling nilapit sakanya ang tulis ng hawak nito. Napapalunok na lumayo siya. “…mabuti pa ay tapusin ko na lang ang iyong buhay.” Dugtong pa nito. “Sandali lang!” Tinaas niya ang dalawang kamay nang iangat nito ang hawak. “Kalma lang, magsasalita naman ako e.” Sabi niya pa saka nalunok. Nakangiwing tinapik niya ang hawak nito. “Saka ilayo mo nga sakin yan, kailangan mo pang gumamit ng dahas.” Mataray na sabi niya, nakita niya ang gulat na tingin sakanya ng nasa paligid niya. “Naligaw ako okay? Sinundan ko lang iyong batang pumunta doon sa labas, iyon lang..” Nakangusong sabi niya pa at tinitigan ang lalaki sa harap niya. Hindi ito nagsalita ngunit dama niya ang tingin nito sakanya. “Sinungaling!” Sabi ng isang lalaki malapit sa trono na iyon nakatayo. Nakita niyang ang katabi nito, doon niya napansin ang dalawang kadena na magkadugtong sa mga paa ng mga ito. “Hoy hindi ha! May ebidensya kaba?” Turo niya pa dito, tumalim ang tingin nito sakanya. “Ikaw--- Napapitlag pa siya nang biglang tinanggal ng kaharap niya ang hawak na espada. Umangat ang isang kamay nito at ibinaba ang suot na hood. “Ngunit prinsipe, hindi tayo nakakasiguro kung ano ang kanyang pakay. Marahil ay isa siyang espiya mula sa kabilang Imperiyo.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng tinig na iyon. The man infront of her is a kind of beauty that made danger look divine! Hindi niya maiwasang tittigan ang kaharap, Each line of his face seemed sculpted from grace itself. The contour of his jaw was exquisite and lethal, nakataas pa ang sulok ng labi nito habang nakatingin sakanya. His amber eyes shimmered like melted gold, warm and captivating. Bumagay pa ang kulay ng mga mata nito sa malamlam na ilaw sa paligid nila. His nose was high and sharply curved, a clean, elegant line that made his face look noble and severe. Naka-agaw pa sa pansin niya ang buhok nito hanggang batok. His wolf-cut hair, messy yet deliberate added a sharp edge to his handsome features and too magnetic to look away from. His aura was impossible to ignore--a magnetic pull that drew attention even before he spoke. ‘Siya ba yung prince of the fire? Hindi naman siguro yung prinsepe sa isang Imperiyo no?’ Hindi na napansin ni Nevara na napatagal ang titig niya sa kaharap. Napansin na lang niya na nagsalubong ang mga makakapal nitong kilay. Napakurap siya nang bahagya itong yumukod at pinantay ang mukha sakanya. “May gusto ka bang sabihin sa akin?” Tanong nito, mabilis siyang umiling. “W-wala ha..” ‘sheyt mas lalong pogi sa malapitan!’ “Paumanhin prinsipe, ngunit nagkakagulo na ang mga balwakan sa labas. Hinihingi na nila ang iyong desisyon kung anong parusa ang maaring igawad sa bihag. Isinisigaw nila na putulin ang magkabila nitong paa at ang ulo ay ipadala sa Imperiyo ng liwanag bilang tanda ng pagtapak sa ating Imperiyo. Sa aking palagay ay maari naming paghatian ang kanyang lamang loob para sa enerhiya nito.” Tumayo ang balahibo niya nang marinig ang sinabi ng tinig na iyon, “W-wow ha..” Maang na baling niya pa doon. “Ahh!” Napatili pa siya nang biglang sumabog ang katawan ng nagsalita na iyon, nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa sahig na puno ng likidong umuusok. Tumalsik ang itim na likido sa suot niya, ang iba ay pisngi niya. Mabilis niyang pinunasan ang mukha nang madama ang init non na parang sinusunog ang mukha niya. “Ayoko sa lahat ay pinapangunahan ang aking desisyon..’’ Sabi ng kaharap, napatingin siya muli dito. Nakita niyang tumalsik din ang likido na iyon sa pisngi nito, ngunit naglaho lang iyon na parang pumasok sa balat nito. Muli itong tumayo at tinalikuran siya. Nakita niyang tumingin ito sa lalaking malapit sa trono. “Masusunod prinsipe!” Sabay sabi ng dalawang lalaki na parehong may kadena ang mga paa. Lumapit ang mga ito sakanya. “S-sandali!” Napaurong pa siya, nagtungo ang dalawang iyon sa likod niya at hinawakan siya sa magkabilang braso palayo doon. Pailalim lang siyang nilingon ng lalaking iyon. “S-sandali lang! Patawad promise hindi ko sasabihin sa kabila na galing ako dito!” sigaw niya pa sa lalaking iyon. Kahit anong piglas niya ay hindi siya binibitawan ng dalawa. Natigilan siya nang mapunta sila sa ilalim, doon ay mayroong apat na kulungan. Binato pa siya ng dalawa sa unang selda. “Hoy pakawalan niyo ako dito!” Sigaw niya pa, ngunit tinalikuran lang siya ng mga iyon. Napakadilim sa seldang kinaroroonan niya, halos bahagya lang ang nakikita niya. Takot na napakapit siya sa malamig na bakal. “Pakawalan niyo ako dito!” Tili niya pa ngunit tila walang nakakarinig sakanya. Bitting her lower lip, she pulled her legs close and wrapped her arms around them. Bigla niyang naalala si Orla. Sa palagay niya ay nag-aalala na ito sakanya, tinaas niya ang kamay at mula doon ay lumabas ang maliwanag na aliptaptap. “Kaya mo namang lumabas hindi ba? Humanap ka ng daan, hanapin mo si Alaric..” Bulong niya pa sa aliptaptap, nilabas niya ang kamay sa selda. “Yan sige lipad!” Nawala ang ngiti niya nang hindi pa nakakalayo ito ng lipad ay nasunog na iyon. Napadabog naman siya. “Asar naman!” Bulong niya at sumandal sa malamig na bakal. Bigla niyang naala ang panaginip niya kanina. Bakit pakiramdam niya ay nagkaroon ng ugnayan sila Jewel at Alaric…mas lalo pa lang hindi dapat mahulog ang loob niya dito. ‘Pero kahit sino mahuhulog sakanya..’ Hindi niya alam ngunit biglang bumigat ang dibdib niya idagdag pa ang sitwasyon niya. Isa lang ang inaasahan niya na maaring magligtas sakanya. “Hindi mo ba naiintindihan ang utos saiyo? Hindi mo pwedeng galawin ang bihag lalo kung hindi inutos sa atin!” Napalingon siya sa nagsalita na iyon, nakita niya ang dalawang bulto na papalapit sakanya. “Alam ko! Ngunit gamitin lang natin ang pangalan ni Diwatang Solaila kagaya ng ginagawa natin sa ibang bihag, hindi na tututol pa ang prinsipe. Isa pa, ay kagat lang ang aking gagawin matikman lang ang dugo ng diwatang galing sa liwanag.” Nanlalaki ang mga matang napaatras siya sa huling sinabi. “Manahimik ka! Sa sandali na makita ito--- “Hindi mo ako mapipigilan pa, hindi mo ba naamoy na may kakaiba sa dugo niya? Kakaiba sa pangkaraniwan! Isa pa, hindi naman natin siya papaslangin. Sa palagay ko ay walang pakialam ang prinsepe kahit makita pa iyon. Sa atin padin naman ang bagsak ng kanyang katawan.” Nagsimulang kumabog ang dibdib niya lalo pa at papalapit ang mga ito, Napahinto siya sa pag-atras nang maramdaman ang wall sa likuran niya. Bumukas ang kulungan na kinaroroonan niya. “Tila yata ay nakahanda na siya..’’ Sabi pa ng isa habang nakatingin sakanya. Tinaas niya ang isang kamay. “H-huwag kayong lumapit!” Sigaw niya at kinumpas ang kamay, ngunit parang kiliti lang na tumama sa mga ito ang liwanag na ginawa niya. Narinig niyang tumawa ito. “Anong laban ng mahina mong mahika sa amin?” Sa isang iglap ay naramdaman niya ang presensya non sa harap niya, kasunod ay hinawakan nito ang braso niya. “Ahhh!” Isang sigaw ang um-echo sa paligid niya nang maramdaman ang matulis na iyon sa braso niya. Pilit niyang inagaw iyon ngunit malakas ang pagkakahawak nito, ramdam niya pa ang pagbaon ng mga matutulis nitong kuko. “A—ahgh..” Nanginginig na nilabanan niya ito ngunit masyadong mahina ang katawan niya. Tinaas niya ang isang kamay at hinampas hampas ito gamit ang liwanag ngunit nakakaloko lang ang tawang ginanti nito sakanya maging ang kasama nito. Napapikit siya ng mariin nang muling kagatin nito ang iba pa niyang balat. A single tear rolled down her cheek in agony. ‘“Aray!” Napangiwi siya nang humigpit iyon, naramdaman niya pa ang tusok sa kamay niya. Nanlalaki ang mata na napatitig siya nang makitang lumabas ang dugo sa wrist niya sanhi ng kadenang iyon. The pain is unbearable at habang humihigpit iyon ay mas lalong sumasakit.’ Napadilat siya nang biglang kumislap ang senaryo na iyon sa mata niya. Pakiramdam niya ay nangyari na ito sakanya.. Unti-unting dumidilim ang paningin niya habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang likidong iyon sa braso niya. “Prinsip--- Sinubukan niya pa magising nang marinig ang sunod sunod na ingay na parang may sumasabog sa paligid niya. The liquid splashed onto her face and reaching her lips. Kasunod non ay nakita niya sa dilim ang nagliliwanag na mga matang iyon. Unti-unting pumikit ang mga mata niya… “Magsalita ka!” Matapang na sinalubong ko ang mga tingin na iyon sa harap ko, puno ng galit ang mga iyon habang nakatingin sakin. Humigpit ang pagkakuyom ko at ngumisi. “Kung ang pagsasabi ng katotohanan ay labag sainyong batas. Mabuti pa ay tapusin mo na lang ang buhay ko..” Buong tapang na sabi ko. Lalong nagliyab sa galit ang kaharap ko, tinaas niya muli ang kamay na may hawak na matulis na latigo. “Kung ganon pagbibigyan kita.” Nakangising sabi pa ng kaharap ko at muling hinampas ang hawak. Napapikit ako sa sobrang sakit na bumalatay sa katawan ko, ngunit mas masakit ang nalaman ko lalo pa at malalapit sa akin ang damay dito. I can’t let that happen! “Kung alam ko lang na ito ang iyong dulot mula nang dumating ka sa Imperiyo, hindi ko sana hinayaang paikutin mo sa palad mo ang ulo ni Lakan digma!” Sigaw niya pa at malakas na hinampas ang hawak particular sa dibdib ko. Her blows keep coming, and I can taste my own blood with every hit. “Ano ang iyong ginagawa prinsesa Leora?!” Unti-unti akong dumilat nang marinig ang tinig na iyon. Nakita ko si Alaric na papalapit sa akin. Mabilis siyang yumukod sakin at hinawakan ang mukha ko. “Asteria..” Puno ng awa ang mukha habang nakatingin sakin. Mabilis niyang kinumpas ang kamay at tinanggal ang pagkakatali sakin. “Ano ang iyong ginagawa?! Malapit na ang gating kasal ngunit ito pa ang ganti mo sa akin Alaric!” Galit na binalingan siya ni Alaric. “Hindi ito ang pinangako mo sa akin, pumayag ako sa pag-iisang dibdib nating dalawa pagkatapos ng pangawalang sagradong daan. Ngunit ang kapalit non ay hindi mo maaaring saktan ang aking mahal!” “Hah..” Nakangising tinitigan ko si Alaric, mas lalo lang gumapang ang galit ko. “Naririnig mo ba ang iyong sarili? Hindi mo ba alam ang kanyang ginawa?!” “Hindi na iyon mahalaga— “Huh..mahal ha.” Nakakalokong ngisi ko sakanila. Binalingan ako ni Alaric, doon ay dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. “Kahit kailan huwag mo akong tatawaging mahal…” Galit na usal ko, nakita ko ang sakit na gumapang sa mukha niya. “Asteria..” “Wala akong alam sa iyong sinasabi! Ako ba ay iyong pinagdudahan prinsipe? At ano naman ngayon kung tikman siya ng aking kawal. Sa huli ay sakani---Aghkk!” Napadilat si Nevara nang marinig ang argumentong iyon. Ginala niya ang tingin sa paligid, napansin niya na nakahiga siya sa malaking kama. The black satin bed held red sheets that gleamed like blood in the dark. May mga naglalakihan pang silk na kurtina, nang mapatingin siya sa gitna ay ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita muli ang lalaking iyon na may sinasakal gamit ng mahika ang babaeng nakasuot ng mahabang itim na dress. “Huwag mong sagarin ang aking pasensya Solaila..” Puno ng galit na sabi ng lalaking iyon. Maang na napatingin lang siya sa dalawa. “B-b-bii—“ Pilit na pumipiglas pa ang babaeng iyon. Nakita niya ang pailalim na tingin sa direksyon niya ng lalaki. Binaba nito ang babaeng hawak. “Hah!” Hinihingal na bumagsak ito sa sahig at binalingan siya. Tumalim ang tingin nito sakanya. ‘’Ilabas nyo siya..” Utos ng lalaking iyon at tinalikuran ito. Bahagya pa siyang umatras nang lumapit ito sa direksyon niya. Nakita niyang binitbit ng dalawang kawal ang babaeng iyon na may pangalan na Solaila. “Kamusta ang iyong pakiramdam?” Tanong pa nito at sumampa sa kama. Nanlalaki ang matang umatras siya. “N-nasaan ako?” Tanong niya, ang naalala niya ay inutusan siya nito na ipasok sa kulungan hindi ba? Prente pa itong tumagilid ng higa paharap sakanya. Napahawak siya sa kumot. The corner of their mouth curled up. “Wala ka talagang maalala lalo pa at dumampi ang iyong dugo sa balat ng aking uri..” Naguluhan siya sa sinabi nito. “Siguro naman ay hindi mo ako nakakalimutan?” Nakakaloko pa ang ngiti nito sakanya, inirapan niya ito. “Malamang, saka ikaw yata yung tinutukoy sakin ni Nomera na magpapalaya sakin dito.” Lalong tumaas ang sulok ng labi nito at nilaro pa sa kamay ang dulo ng kumot na hawak niya. ‘’Sa tingin mo ba ay muli kitang papakawalan?” Naiirita na hinila niya ang kumot mula dito. “Kung sa tingin mo ay natatakot ako sayo nagkakamali ka. Marami akong alam na panlaban sayo.” “Hmm.. kagaya ng?” Parang wala lang dito. Nagpantay ang labi niya habang nakatingin dito. Tinaas niya ang palad at tinali ang buong katawan nito. Hinigpitan niya pa iyon. “Oh...ang ugat ng liwanag.” Anito na pintik pa ang tinali niya. “Aray!” Napaigik siya dahil naramdan niya ang pitik sa palad. “Matutuwa ako kung sa ibang paaraan mo gagawin sa akin ‘yan.” Nakakalokong sabi nito, naguluhan naman siya sa sinabi nito. “Walang saysay ang iyong mahika, kaya kung ako sa iyo huwag mo ng sayangin ang natitirang lakas mo.” Nakangising sabi pa nito, tumalim ang tingin niya dito. “Anong gusto mong gawin sakin? Kung may balak kang kunin ang impormasyon sakin nagkakamali ka ng kinuha. Kaya gawin mo kung anong gusto mong gawin sakin.” Natigilan ito at tinitigan siya. “Gawin ko kung ano ang gusto kong gawin sayo?” Napakurap siya nang maging aware sa sinabi niya. Tinaas niya ang hintuturo. “A-ahh ang ibig kong sabihin--- Bago pa siya makapagsalita ay hinawakan na nito ang braso niya at hinila siya paibaba sa kama. “Ahh!” Napatili siya nang bumalot sa buong katawan nila ang usok. “Nakikita mo ba ang mga iyon Asteria?” Bulong ni Valerius mula sa likuran niya. Doon niya napansin na nasa veranda sila, hawak pa nito ang beywang niya habang nakaturo ang isang kamay sa ibaba. Ganon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makita mga butong nakalutang sa hangin. Hindi lang iyon isa ngunit marami pa, ang ibang buto ay hindi na din kumpleto. “P-pano mo nalaman ang pangalan ko?” “Simula ngayon ay hindi kana makakaalis sa aking paningin...” Bulong ng nasa likuran niya na hindi pinansin ang tanong niya. Hindi siya nakapagsalita..a chill shivered along her spine, making her skin tingle. ‘Now that doom has fallen upon me…’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD