-The Three Princes of the Dark Empire-
“PAKAWALAN niyo sabi ako ditooo!”
Halos mamaos na si Nevara kakasigaw, as usual after nitong sinabi na hind na siya makakaalis sa paningin nito ay muli siya nitong binalik sa kulungan. But this time, the room is not empty, mayroon ng lampara na nakasabit sa itaas at maliit na kama habang sa tabi ay may mesa pa.
“Wow ha, thoughtful kapa sa lagay na iyan.” Bulong niya at padabog na umupo na lang sa sahig at sumandal sa bakal. Muli niyang tinaas ang palad, nakita niya ang ibang ilaw na gumuhit sa palad niya.
“Ohh wow..” Aniya nang maramdaman na parang sumigla ang loob ng katawan niya, as if na parang na-recharge siya. Doon niya napansin na iba na pala ang kanyang suot.
“Ha? Panong---
She was wearing a black dress, umabot pa ang haba non hanggang sa tuhod niya. Along the sleeves, black chiffon drifts like smoke, its edges kissed with crimson beads that gleam like drops of blood. Nakasuot pa siyang mga accessory lalo na sa buhok.
“Hoy! Sinong nagpalit ng damit ko? Yung prinsipe nyo ba ha?!” Sigaw niya sa isang nagbabantay doon ngunit tinignan lang siya nito at inalis muli ang tingin.
“Kinakausap kita! Saka dalhin mo nga yang boss nyo dito may sasabihin lang ako!”
Hindi siya pinakinggan nito, napabuga siya ng hangin at tumingin sa kawalan.
“Kapag makalabas lang ako dito sinasabi ko sayo, gagantiha----
Natigilan siya nang marinig ang mga yapak na iyon papalapit. Nakita niya ang dalawang lalaking iyon na papalapit sakanya.
“Laya naba ako?” Masayang tanong niya sa mga ito nang buksan ang selda niya. Hindi siya nito pinansin, hinawakan lang siya ng mga ito sa magkabilang braso. Kahit naguguluhan ay sumunod naman siya sa mga ito.
“T-teka saan nyo ba ako dadalhin? Nasaan tayo?” Tanong niya habang paakyat sila sa mahabang hagdan.
Maang na napatingin siya sa paligid, It felt as though she had crossed into another world, unlike the empire she had left behind. Pinag-aralan niya ang paligid, the walls gleam with black marble, crimson and gold veins lacing through the stone like lightning frozen in time. Massive chandeliers hang from the vaulted high ceiling, forged from twisted iron and crimson crystal prisms hung like droplets of blood, emitting a warm scarlet light that flickered across all surfaces.
Nakita niya ang dalawang bantay sa malaking pinto na hinituan nila. Bumukas pa ng kusa ang pintong iyon sa harapan nila. Tumambad sa paningin niya ang malawak na loob, The walls shimmer with threads of liquid gold and black. Bawat curve ng gintong disenyo na iyon ay tila may sariling buhay, naglalakad pa ang liwanag non sa ibang bahagi ng wall. Black crystal chandeliers hang from the high vaulted ceiling, their facets drinking in the light and reflecting it in brief flashes across the stone floor. The black velvet drapes with gold trim frame tall arched windows, where the world outside lingers in an endless twilight.
This is not a room meant to welcome--its beauty chills more than it comforts. A sanctum where elegance conceals its own cruelty, and beauty is merely danger in disguise. Napatitig pa siya sa malaking kama na nasa gitna, may apat itong posteng nakatayo sa bawat corner, ang frame nito ay sobrang laki habang puno ng ginto ang sulok. Naglalakihan pa ang mga kurtina nitong itim na umabot hanggang sahig.
“Hah!” Gulat na napatalon pa siya nang magsara ang pinto sa likuran niya. Napahaplos pa siya sa braso niya habang ginagala ng tingin ang paligid.
“Sa palagay ko ay nagugustuhan mo na ang lugar na ito..”
Napabaling siya sa nagsalita na iyon, galing iyon sa kamang nasa harap niya. Kusang bumukas pa ang kurtinang iyon pahati at doon ay nakita niya ang lalaking iyon na nakasandal pa sa head board ng kama habang natatakpan ng kumot ang kahati nitong katawan. Napalayo ang tingin niya ang makita ang hubad nitong katawan sa itaas, his body is Adonis-like, a perfect balance of strength and form.
‘Pati ba naman iyon pinansin ko pa??’
“Natatakot kaba sa akin?” Narinig niyang tanong nito.
“Malamang.’’ Totoong sagot niya saka umirap sa hangin.
“May dahilan kaya kita pinatawag dito..” Narinig niyang sabi nito, kasunod non ay naramdaman niya ang puwersang iyon sa buong katawan niya.
“What the----“ Usal niya habang kusang umiikot pa ang katawan niya.
“Hmmm..” Usal ng kaharap niya, nang mapatingin siya sa lakaking iyon ay nakataas ang hintuturo nito sakanya. May munting usok pa na lumalabas doon na pumapalibot sa buong katawan niya.
“….alam mo ba na magkaiba ang batas ng liwanag at kadiliman?” Nakataas ang sulok ng labi na sabi pa nito.
“Alam ko at hindi ako interesado sa batas nyo.” Mataray na sabi niya dito, isa pa ay sapat na ang mga nabasa niya tungkol sa mga ito.
“Isa sa mga batas ang hindi mo maaring hawakan ang sino mang uri na nakatataas sayo..” Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “…ngunit may ginawa ka sa akin na nagpakalma ng nararamdaman ko na hindi magawa ng pangkaraniwang mortal o ibang diwata na kagaya mo.”
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “Kagaya ng?”
Wala naman siyang naalala na ginawa niya dito? Kung ang tinutukoy nito ay ang ginawa niya dito nang makita niya ito, normal lang naman na ginagawa iyon lalo pa at maaring maging delikado ang lagay nito.
“Hah!” Umawang labi niya nang umangat ang katawan niya.
“Waah!” Napatili siya dahil bigla siya nitong hinila papalapit dito. A smile of amusement plays on his lips as he looks at her.
“Ma--!” Napapikit pa siya habang nakataas ang dalawang palad.
“Maaari ko bang malaman kung ano ang mahika na ginamit mo sa akin?”
Doon siya unti-unting dumilat, gulat na napatingin pa siya sa posisyon nilang dalawa. Nasa ibabaw siya ng katawan nito ngunit may pagitan sa gitna nila. She floated above his body.
“H-hindi ko maalala yung sinasabi mo..” Nakangiwing pumikit siya nang makita ng malapitan ang katawan nito. Winasiwas niya pa ang palad dito lalo pa at nararamdaman niya ang sariling katawan na nakalutang sa ibabaw nito.
“Saka magdamit ka nga leche!”
“Nabanggit mo sa akin na gusto mong makabalik sa Imperiyo niyo. Alam mo naman siguro na ako lang ang maaaring makagawa non.”
Doon siya tumigil sa pagpiglas, mulagat na tumingin siya dito.
“Talaga?”
Tumaas ang sulok ng labi nito.
“Oo ngunit may kapalit..” Anito at dahan-dahan pang binaba ang tingin sa dibdib niya. Nayakap siya sa sarili.
“Hoy wala namang ganyanan..” Kinabahan siya sa paraan ng tingin nito sa katawan niya. For goodness virgin pa siya!
“Sa palagay ko naman ay wala kang mahika na ginamit sa akin. Tingin ko ay galing iyon sa halumina na nagmumula dito sa loob mo..” Tinuro pa nito ang bandang puson niya. Doon naman siya napahawak
“A-ah..hindi ko alam sinasabi mo ha. Saka dapat nga utang na loob mo sakin yon e, kung hindi dahil sakin siguro wala na yung prinsipe na sinasamba nila ngayon. Isa pa, hindi ko naman sasabihin sa mga nandito na ako yung nakakita sayo sa ganong posisyon. Safe ang secret mo sakin hehe..” Nakangiting sabi niya pa. Ilang sandaling tinitigan siya nito.
“Hindi mo ba alam na marami ang nais makalapit sa akin..”
“Yabang gwapo ka lang pero hindi kita gusto. Saka sabihin mo na sa akin paano mo ako ibabalik sa Imperiyo namin.”
“Asteria..lahat ng bagay sa mundong ito ay may kapalit. Bago kita ibalik sa inyong Imperiyo ay kailangan kong kunin ang halumina sa loob mo kapalit non ay ang iyong kalayaan. Huwag kang mag-alala tumutupad ako ng pangako, ibabalik kita sa Imperiyo niyo..”
Napamulagat naman siya, but it is what keeps her alive!
“Pwede bang iba na lang? Ito yung nagsisilbing buhay ko, wala ding silbi kung ibabalik mo ako sa amin kung patay na ako. Pwede akong manilbihan sayo kahit sa maikling panahon promise maasahan mo ako sa Imperiyo niyo. Wala na nga iyong liwanag sa halumina ko, pinag-iinteresan mo pang kunin. Awa na lang..”
“Hindi ako interesado kung ano man ang mangyari saiyo kapag kinuha ko ang iyong halumina..” Malamig na sabi pa nito, binaba nito ang kamay.
“Waah!” Napatili siya nang maramdaman ang pagbagsak ng katawan.
‘Ehgkkk!’
Halos tumayo ang balahibo niya nang maramdaman ang malaking katawan na sumalo sakanya. Sinubukan niyang tumayo ngunit bigla naman siya nitong niyakap pahiga sa ibabaw nito.
“Bi—tawan---“
“Hindi mo ba nararamdaman?” Tanong nito habang sapo ng isang kamay ang ulo niya.
“Alam mo ha! Simula ng dumating ako sa mundo nyo, ikaw lang yung manyak na na-encount----
Doon siya natigilan nang makita ang munting liwanag sa dibdib nito. Bumaba ang tingin niya dahil nakadugtong pa ang liwanag na iyon sa katawan niya.
‘Paano nangyari ‘yon?’
Naramdaman na lang niya ang paghigpit ng yakap nito.
‘Oh…it so warm..’
Hindi naman siya makapiglas lalo pa at dama niya ang kakaibang pakiramdam na iyon habang yakap ito. Pakiramdam niya ay may lakas na pumapasok sa katawan niya. It’s not overwhelming na kagaya ng nararamdaman niya kapag napapaligiran siya ng mga high rank fairies sa Imperiyo. These feelings give her balance.
“Kahit kailan huwag mo akong tatawaging mahal…”
Napakurap siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Ngayon niya naalala ang panaginip niya. Ibig sabihin ba non ay namagitan kina Jewel at Alaric? Pero bakit hindi maalala ng mga nasa Imperiyo ang nangyari noon? Bakit nawala sa ala-ala nila ang kaibigan? Dahan-dahang siyang nag-angat ng mukha, nakita niyang nakapikit si Valerius.
‘Kailangan kong makabalik agad.. kailangan kong malaman kung ano ang nangyari dati kay Jewel habang nandoon siya. At sino yung babaeng iyon na papakasalan ni Alaric? Bakit hindi ko siya nakikita sa Imperiyo?’
Nakangiwing pinilit naman niyang tumayo.
“Sandali na lang..” Narinig niyang bulong nito na hinigpitan pa ang yakap sakanya.
‘Tanong paano ako makakaalis sa bwisit na to..’
“Prinsipe.. may pinadalang mensahe ang babaylan.” Narinig niyang sabi ng boses na iyon mula sa labas.
“Pumasok ka Remus.” Utos ni Valerius, namula naman ang pisngi niya lalo pa ay may makakakita sakanila! Naradaman na lang niya ang makapal na kumot na bumalot sa katawan nilang dalawa. Nahihiyang tinago niya pa ang ulo sa kumot.
“Prinsip--p-paumanhin..”
‘Shet nakita kami!’
Napapikit siya ng mariin habang kuyom ang palad. Mukhang wala pa itong pakialam dahil instead na itago siya ay bahagya pa nitong binaba ang kumot dahilan para makita ang buhok niya.
“Ano ang nakalagay sa mensahe?” Parang wala lang na tanong pa nito habang nilalaro ang buhok niya.
“Nagbigay ng babala ang lakan digma sakanila, Sa ikalawang sinag ng susunod na buwan, ang Imperiyo ng mga Liwanag ay nakatakdang sakupin ang kanilang kaharian.”
Natigilan siya ng marinig iyon. ‘Si Alaric?’
“Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan aabot si Alaric..” May amusement pa sa tinig nito ng sabihin iyon.
“Makakaalis kana..” Utos nito.
“Masusunod prinsipe.”
Sumilip pa siya sa likod nang marinig ang pagsara ng pinto. Pumipiglas na lumayo naman siya dito.
“Alam mo napakamanyak mo ha!” Turo nya pa dito, hindi siya pinansin nito. Bumaba ito sa kama at dinampot ang mahabang kulay itim na robe nito.
“Dahil nasa iyo ang pinaka-importanteng bagay na kailangan ko. Maari kang manatili dito sa aking silid kung gugustuhin mo. Walang problema sakin na makatabi ka..’’ Sabi pa nito habang tinatali ang suot. Nanlaki ang mata niya.
“Ang kapal naman ng mukha mo, mangarap ka no.”
Pailalim na tinignan lang siya nito at pinatong ang isa pang makapal robe na velvet black ang kulay.
“Kung ganon ay bumalik ka sa kulungan..’’ Magkasalubong ang kilay na sabi nito saka tinalikuran siya. Tumaas ang kilay niya habang sinusundan ito ng tingin,
“Talaga!” Pagtataray niya at bumaba ng kama. Nagdadabog pa na lumabas siya ng kwartong nito.
‘’Akala mo gusto---
Naputol ang iba pang sasabihin niya dahil bigla itong nawala saktong paglabas nito ng pinto.
“Ang bilis naman non..” Bulong niya saka tumingin sa magkabilang side ng hallway. Tinignan niya ang dalawang bantay sa labas. Bumuga siya ng hangin.
“Ahh..saan ako dumaan kanina?” Tanong niya sa isa, tinaas nito ang isang kamay sa kanang direksyon habang ang isang bantay naman ay sa kaliwa.
“Niloloko nyo ba ako?” Sabi niya pa ngunit hindi umimik ang mga ito.
“Manang-mana kayo sa pinagmanahan nyo ha..” Turo niya sa mga ito at naiinis na namili sa dalawa.
“Alin man sa dalawa ay maari mong daanan diwata..”
Napalingon siya sa nagsalita na iyon. Nakita niya ang isang matangkad na lalaking may matamis na ngiti sakanya. Kumpara sa ibang diwata sa Imperiyo dito na nakita niya ay kumikinang ang balat nito na maputi. He was wearing a black simple robe, mahaba din iyon at halos sumayad pa ang tela sa sahig. Maliit din ang mukha nito na kung bibihisan ng damit na pambabae ay siguradong napakaganda. Napansin niya ang tatlong naka-rolyo na papel na hawak nito.
“Weh?” Paniniguro niya, tumango ito.
“Kung gusto mo ay sasamahan kita.” Sabi pa nito at tinalikuran siya. Sumunod naman siya dito.
“Tawagin mo na lang akong Remus, ako ang nagdadala ng mga mensahe sa bawat Imperiyo na nasa ilalim ng pamumuno ng Imperiyo ng kadiliman..” Pakilala nito, nagtatakang tinignan naman niya ito.
“Hindi ba Imperiyo to ng apoy? Saka sa pagkakaalam ko magkaiba kayong Imperiyo diba?”
“Tama ka…ngunit matagal ng nagsanib ang dalawa. Habang hindi pa ganap na Hari si prinsipe Valerius at nahahanap ang kanyang alay ay pansamantala muna siyang mananatili dito.”
“Pansamantala? So ibig sabihin ay hindi dito galing si Valerius kung hindi sa kabilang Imperiyo?”
Tumango ito. “May tatlong binhi ang Imperiyo ng kadiliman, ang tatlong prinsipe ay ipinadala sa ibang Imperiyo upang malinang ang kanilang kakayahan bago ipasa ang trono sa karapat-dapat. Sa ngayon ay pinapaboran ng Emperador ay si prinsipe Valerius. Ngunit kailangan kompletuhin ng prinsipe ang dapat niyang gawin bago maganap ang seremonyas.”
Tumango-tango siya. “Kung ganon nasaan na iyong namumuno dito?”
“Ang Emperador at Emperatris ng apoy ay nahihimlay hanggang ngayon. Sa pagdating ng pangatlong henerasyon ay muling magigising ang mga ito.” Sabi pa nito, natigilan naman ito marahil ay naging aware sa mga sinabi sakanya. Napatakip pa ito ng bibig, ngumisi lang siya.
Bigla niyang naalala ang sinabi ni prinsesa Delayna na ang ina ni Alaric ay nandito sa Imperiyo ng apoy. Possible na makita niya ito dito, lalong nahulog siya sa matinding curiosity.
‘Pero ano bang pake ko? I mean malalaman ko ang nangyari sa kaibigan ko kung nandoon ako sa kabilang Imperiyo. Labas na ako kung ano ang laban nila sa isat-isa. Sa ganitong scene pa naman unang namamatay ang mga bida.’
“You know what? Wala na akong pakialam kung anong nangyayari sa laban ng mga whatsoever Imperiyo nyo pero…pwede mo ba akong tulungan paano makakaalis dito?” Silip niya sa mukha nito, ngumiti lang ito at umiling.
“Hindi kita matutulungan sa bagay na iyan diwata. Inukit ko sa bato ng pangako mula pa pagkabata na kahit anong mangyayari ay mananatili akong tapat sa prinsipe. Hindi ko gagawin ang anumang kapangahasan na wala sakanyang batas.”
Bumuga siya ng hangin. “Kung ganon pwede mo bang sabihin sakin kung paano ko mapapapayag yang prinsipe nyo na ibalik ako samin?”
Huminto naman ito sa paglalakad at binalingan siya.
“Ikaw lamang ang makakagawa niyan…kung susundin mo ang bawat utos at kagustuhan niya. Baka sakaling makuha mo ang iyong nais.” Anito saka muling naglakad.
“Kagustuhan niya? Eh gusto niya madedo ako?” Nakairap na sabi niya at sumunod dito. Nang makarating siya sa selda niya ay muli niyang binalingan si Remus. Tinutok niya ang hintuturo dito.
“Sabihin mo sa prinsipe mo sa oras na makalabas ako dito, gagantihan ko talaga siya.” Irap niya saka nagdadabog na pumasok sa loob. Nang sumara ang selda niya ay umupo siya sa kama. Nakita niya lang ang na ngumiti si Remus at iniwan na siya. Muli siyang umirap sa hangin.
“Paano kaya ako makakaalis dito..” Bulong niya habang nililibot ng tingin ang buong paligid. Bigla niyang naalala ang panaginip, malakas ang loob niya na ang tinutukoy ng kaibigan na kailangan nitong gawin sa mundong ito ay nangyari sa pangalawang pagsara ng sagradong daan. As long as she is trapped within this Empire’s dominion, her plans are fated to fail. Kaya hanggat maari ay kailangan niyang gumawa ng paraan.
“Paano ko ibibigay ang gusto niya nang hindi ako uuwing bangkay. Eh minu-minuto ata namamatay ako sa mundong to e.” Inis na bulong niya lalo pa at naalala ang katangahan kung paano siya nakapunta dito, curiosity indeed kills the cat talaga. Natigilan siya ng may pumasok na ideas sa utak niya. Bigla niyang naalala ang book na binigay ni Alaric sakanya, tinaas niya ang palad at mula doon ay may lumabas na libro.
“Anong page ba iyon?” Bulong niya habang nililipat ang pahina.
“Imperiyo ng Apoy, ito ‘yon…” Aniya at binasa ang nakasulat doon.
“Makalipas ang panahon mula nang dumating ang Emperatris ng Imperyo ng Apoy, isinilang ang binhi na may taglay na kalahating liwanag at apoy, ngunit dahil hindi maaring magsanib ang dalawang enerhiya na magkaiba ang hangad ay agad itong naglaho. Nagdalamhati ang Emperatris ng apoy at dahil sa labis na pagsisisi ay inalay nito ang halumina ng liwanag upang buhayin ang natitirang ala-ala ng binhi, kapalit non ay ang mahabang paghimlay nito. Hindi kinaya ng Emperador ang nangyari kaya bilang kapalit sa kaparusahan sumunod ito sa Emperatris..”
Natigilan siya.. ‘Kung ganon may kapatid pala sa ibang nanay si Alaric? Pero patay na..’
Napatagal ang titig niya sa librong hawak at hinanap ang tinutukoy ni Remus na tatlong prinsipe.
“Ang tatlong prinsipe Valdemar ng kadiliman ang naglalaban sa trono ng kaharian ng Vaelthrosamor. Si Salvatore ay mandirigmang namuhay sa loob ng maraming siglo, nakipaglaban ito sa Lakan Digma ng Liwanag, at nauwi ang kanilang tunggalian ni isa ay walang nagwagi. Si Salvatore ang prinsipe na tinatawag nilang Heneral ng Kadiliman, dahil sa matagal nitong pakikipaglaban at pananakop ay napupuno ang katawan nito ng mga pilat na bakas ng mga nakaraan. Napapasunod ng kaparangyarihan nito ang mga hukbo kahit na ang mga pumanaw na kawal ng mga diwata.”
Napahawak siya sa ilong, hindi naman dahil sa hindi niya gets pero siguro lumaki siya na-adapt ang taglish. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa.
“Ang pangalawang prinsipe ay si Lorenzo, tinatawag nila itong Tagapangalaga ng Imahinasyon at Panaginip. Kumpara kay prinsipe Salvatore, ito ay walang paningin at mahina sa mga pisikal na laban. Ngunit ang kaparangyarihan nito ay sapat na upang ikulong ang kalaban sa mundong kaya nitong likhain gamit lamang ang imahinasyon. Sa sandaling maikulong niya ang mga ito sa kanyang mundo ay doon makukuha ang kahinaan na magagamit nito upang hindi makalaya sa kanyang ginawang patibong. Ang pisikal na anyo nito ay nakakabighani na animo’y kaya kang linlangin na tanging kabutihan lamang ang kaya nitong gawin.”
Napairap siya sa hangin at sapo ang ilong na humiga.
“Ang pangatlong prinsipe na kung tawagin nila ay Anino. Si anino ang prinsipe ng Imperyo ng kadiliman, mayroon itong kausotan na hinabi sa tela ng mga mababangis na hayop. Ang balat nito ay animo’y isang halimaw na ahas sa sobrang pagkakulubot---
Natigilan siya sa nabasa at mabilis na napaupo.
“Wait don’t tell me iisa sila?” Bulong niya at muling binasa iyon. Doon niya napansin ang paligid niya maging ang mga usok na iyon.
‘Ay ang boba koo..’
“….may mga maiitim na kuko at ang mukha nito ay galing sa mukha ng isang mabangis na hayop na mayroong mahabang balbas na halos umabot sa talampakan.’’ Basa niya pa at kunot noong inalala ang mukha ng binata.
‘Pero hindi naman ganon yung mukha niya?’
“Ang lasong amoy na hatid nito ay kakaiba na kahit ang mababang uri ay hindi malalanghap.”
Kung hindi siya nagkakamali ay hindi naman ganon ang amoy na nalanghap niya dito. There was a freshness to him, his scent was like early morning air—fresh and clean. Kabaliktaran sa katauhan nito, his scent carried was like wet grass and sunshine, with a touch of clean soap.
“Sinungaling author nito..” Turo niya pa sa libro. ‘Pero what if hindi naman talaga niya mukha iyon? Eww haa.’
“Si Valerius ang isa sa mga makapangyarihan na prinsipe ng mga Anino. Dahil sa laya nitong tumawid sa kabilang panahon ay naging malaki ang balakid nito sa Imperiyo ng liwanag. Tuso at mapanganib na nilalang na kahit na sino man ay hindi pa din ito nahahawakan. Sa sandaling mapasakamay muli nito ang sagradong daan ay wala ng kahit na sino ang maaaring makapagpigil pa sa gagawin nito.”
Nakangiwing tiniklop niya ang hawak na libro at tinago iyon. She took a deep breath.
‘Kung ganon ay gagawin ko na lang ang mga utos niya, kailangan makuha ko ang tiwala niya para hindi na siya mag-abalang kunin ang halumina ko..’