"Grabe ka Alexandra Sue Imperial-Zapanta! Ikaw na ang pinaka martyr na asawa sa balat ng lupa!" hysterical na sabi ni Charmaine, ang kaisa-isang pinsan ko.
Maliban kay Kevin na tinuturing kong kaibigan, isa rin si Charmaine sa mga pinagsasabihan ko tuwing may problema ako... lalo na kung tungkol kay Kevin. Sa kanya ko halos sinasabi ang mga problema namin ng asawa ko. Kinwento ko sa kanya ang nangyari sa amin kagabi. Pinuntahan niya ako ngayon at sermon kaagad ang salubong niya sa akin.
"M-mahal ko kasi.." simpleng sagot ko.
"Iba ang mahal sa pagiging tanga! Gaga!" inis niya sabi. "Alam mo, gustong-gusto ko ng magsumbong sa Mommy at Daddy mo!"
"Huwag.." pigil ko. Ayokong malaman ng mga magulang naming ang tungkol dito. Ang alam nila, masaya kami. Ayokong pati ang pagsasama namin ni Kevin ay problemahin pa nila.
"Dapat hiwalayan mo na lang kasi 'yang Kevin na 'yan! Nagtitiis ka pa sa kanya eh alam mo naman na si Bernice pa rin ang mahal niya." Dagdag ni Cha na siyang lalong nagpasikip ng dibdib ko.
Alam ko naman 'yun. Ngunit umaasa pa rin ako na balang araw, makikita rin ni Kevin ang halaga ko. Umaasa ako na mamahalin din niya ako pagdating ng panahon.
Pagkatapos akong sermonan ni Charmaine ay pinakalma na niya ako. Ganito naman kasi ang pinsan kong ito. Sesermonan ako pagkatapos ay papatahanin sa pag iyak. Buti na lang talaga at nandito siya. Kahit papaano'y meron akong napagsasabihan ng mga problema ko. Dahil kung wala, malamang ay matagal na akong nasiraan ng bait.
"Oh, huwag ka ng umiyak ha? Tahan na.." sabi niya. "Labas na lang tayo para naman ma-aliw ka."
Pumunta kami ni Charmaine sa mall. Inaya niya akong magshopping para naman malibang daw ako. Kaso, wala naman ako sa sarili dahil iniisip ko na naman si Kevin. Wala namang bago doon. Siya lang ang laman ng utak ko.
"Uy, Alex! Kanina pa kita tinatanong kung alin ang gusto mo sa dalawang 'to.." kinalabit ako ni Charmaine na siyang nagpabalik sa wisyo ko. Napatingin ako sa kanya habang nakalahad sa harapan ko ang dalawang damit.
"Uhm, kahit ano.." simpleng sagot ko.
Inis niyang ibinaba ang mga damit a hawak niya. "Wala naman dito ang utak mo!" maktol niya. "Tara na nga, kumain nalang tayo! Akong ang na-stress sa 'yo!"
Hinila na niya ako hanggang sa mapadpad kami sa isang Chinese restaurant. Ngunit pareho kaming natigilan nang may namataan na pamilyar na tao.
"Teka.. Si Kevin 'yun, ah?" Anang pinsan ko.
Pareho angt direksyon ng tingitingnan namin. Hindi ako maaaring magkamali. Si Kevin nga ang nakikita namin nagyon. Pero hindi siya nag iisa. May kasama siyang babae. Pareho silang nagtatawanan at nakahawak pa siya sa baywang ng babae. Papasok rin sila sa Chinese restaurant na pupuntahan namin ni Charmaine.
"Lapitan natin ang walang hiya mong asawa!"
"No.." pigil ko. "Hayaan mo na lang.."
"Hindi! Lalapit tayo. Asawa mo siya! May karapatan ka sa kanya!" Pumiglas si Charmaine sa hawak ko. "Punong-puno na 'ko d'yan sa Kevin na yan, ah!"
Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako patungo sa direksyon nila Kevin. Gulat na gulat si Kevin nang makalapit kami ni Charmaine. Napawi ang ngiting kanina'y nasa labi niya. Maging ang babaeng kasama niya ay natigilan na rin.
"Hoy lalake!" sigaw ng pinsan ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito sa restaurant. Hinawakan ko ang kamay niya para umalis na at huwan ng gumawa ng eskandalo.
"Excuse me, kilala ba namin kayo?" tanong ng babaeng kasama ni Kevin.
"Wag ka ngang makialam!" mataray na sambit ni Cha. "Alam mo bang asawa ng pinsan ko 'yang kasama mo?! Ano ka ba, ha? Kabit niya?"
Napatingin ako sa paligid. Mas lalong dumami ang mga taong nanunuod sa amin. Hinila ko ulit si Cha para umalis.
"Ano, Kevin? Bat hindi ka magsalita?! May asawa ka na! Tapos nambababae ka pa? Gago ka ba?!" dagdag pa niya.
"Tumigil ka.." giit ni Kevin sa mababa ngunit madiin na tono. Nararamdaman ko na ang galit niya.
Natatakot na ako. Panigurado lagot ako mamaya pag-uwi sa bahay.
"Titigil ako kapag tinigilan mo yang pambababae--" hindi na naituloy ni Cha ang sasabihin niya. Bigla na lang kasing hinila ni Kevin ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng mall.
Natatakot na talaga ako. Ang higpit ng hawak niya sa akin. Bumabaon na ang kuko niya sa balat ko.
"A-aray.." daing ko nang marahas niya 'kong pinasok sa kotse. Nagmamadali rin siyang pumasok sa driver's seat.
"Anong eksena nanaman ang ginawa mo, Alexandra?!" gigil na tanong niya pagpasok pa lang sa loob ng sasakyan. Napahampas siya ng marahas na manibela na mas lalong ikinatakot ko.
Hindi ko alam kung paano siya sagutin.
"Sumagot ka pag kinakausap kita!" singhal niya. Humarap sya sa akin.
"I.. I'm sorry.. K-kakausapin ko nalang si Charmaine.." mahinang sagot ko habang nanginging ang boses.
"Tsk! Ang laking kahihiyan ng ginawa mo, alam mo ba 'yun?" inis nyang pinaandar ang kotse. Panay ang mura niya habang nasa byahe kami. Nag uumpisa ng bumilis ang t***k ng puso ko. Natatakot ako sa maari nyang gawin pag uwi namin.
Pagdating namin ng bahay ay agad niya akong hinila palabas ng kotse. Puro daing ang sinasabi ko sa kanya dahil nasasktan na talaga ako sa higpit ng hawak nya. Kaso, hindi niya ako pinapakinggan. Ibinato lang niya ako sa sofa na para bang isang laruan.
"Ano? Iiyak ka na lang ba, ha?!" inis siyang napasabunot sa buhok niya.
Gusto ko siyang sagutin ngunit hindi ko kayang piligan ang hagulgol ko.
"Bakit hindi ka nagsasalita ngayon?" Marahas niyang inangat ang mukha ko gamit ang mainit na kamay niya. "Siguro ikinwento mo na naman sa pinsan mo ang ginagawa ko sa 'yo, 'no? Nagpapaawa ka na naman!" gigil niyang sabi. "Ba't hindi mo kaya subukang ikuwento na pinatay mo ang anak natin dahil lang sa gusto mong makuha ang apelyido ko?!"
"Hindi.. Hindi totoo 'yan!" depensa ko naman. Medyo napataas ng bahagya ang boses ko.
Hindi totoo ag ibinibintang niya. Dahil handa akong ibuwis ang buong buhay ko bumalik lang ang anak namin.
"Totoo 'yun!" sigaw nya sa mukha ko.
Humugot ako ng lakas. Sobra na. Hindi ko na kaya ang mga paratang niya sa akin.
"Hindi ko naman kasalanan ang lahat!" sigaw ko pabalik sabay hawi sa kamay niyang nasa mukha ko. "Kung inalagaan mo sa ako, hindi nawala ang anak natin!"
Nagulat ako ng sampalin niya ako ng malakas. Namanhid ata ang pisngi ko. Ito ang unang beses na dumapo ang kamay niya sa akin.
"Lumalaban ka na ngayon?!"
"N-nasasaktan na kasi ako ng sobra, Kevin.." puno ng hinanakit na sabi ko. "Maghiwalay n-nalang kasi tayo.."
Hinila niya ako patayo hanggang sa makalabas kami ng bahay.
"Gusto mo bang maghiwalay tayo?!" binitawan niya ako. "Sige! Umalis ka na sa bahay na 'to.. At h'wag na h'wag ka ng babalik pa!" tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad papasok ulit ng bahay.
Napapikit nalang ako ng mariin. Pinunasan ko na ang mga luha ko.
Tama na siguro to...
Ito ang kailangan namin. Patuloy lang akong masasaktan, pati na rin sya. Una pa lang kasi wala na talaga kaming pag-asa. Dapat ay hindi na ako umasa.. kasi hinding hindi ko makukuha ang puso niya. Kailangan ko rin bigyan ng pagmamahal ang sarli ko. Dahil baka pati sa sarili ko ay mawalan na rin ako ng respeto pagdating ng araw.
Ito na siguro ang pinakatamang desisyon sa buhay ko -- iwan ang taong mahal na mahal ko, dahil ito ang tama..