"Hey Alex, may photo shoot ka ulit bukas.." Paalala ni Robin pagkatapos nhg shoot. Napailing na lang ako. Meron na naman akong photo shoot. Halos kakatapos nga lang ng pictorial, tapos meron na naman ulit?
Oh well, mas okay na ito. Mas gusto kong maging busy palagi.
"Na naman? Ayaw ko na.." pabiro kong sabi habang natatawa.
"Sige. Tanggihan mo na nga. Ano ba kasi ang nakita nila sayo? Hidi ka naman maganda.." asar niya. Napairap na lang ako. Napaka talaga ng lalaking 'to!
Si Robin, kapatid niya si Robert. Mas matanda siya kay Robert. Nagkakilala kami last year. Noong panahon na iniwan ko na ng tuluyan si Kevin. But I can't say we're totally separated because we're still married on papers. Wala na akong balita sakanya. Masyado kasi akong naging busy. Naging partners din kasi kami ni Charmaine sa isang business. Kaya ayun, lagi akong subsob sa trabaho.
Going back to Robin, nakilala ko siya ng magbukas kami ng maliit na restaurant ni Charmaine. Sinama siya ni Robert noong opening. Sa una ay nayayabangan ako kay Robin. Ang hangin magsalita, eh. Pero nang mas makilala ko siya, nasasakyan ko na ang kapilyuhan niya.
Siya rin ang dahilan kung bakit naging model ako ngayon. Bigla ba naman niyang sinumbit ang stolen shot ko sa isang magazine, tapos ayun, may agency na tumawag sa 'kin. Hanggang sa nagkaroon na ako ng maraming gig. Nagustuhan ko rin naman ang ginagawa kalaunan.
"Tara.. kain na tayo. Alam kong pagod ka na." Aya ni Robin. Tumango na lang ako. Nagugutom na rin kasi talaga ako.
"Sa resto na lang tayo? Para libre.." Ang kuripot talaga ng lalaking 'to!
"Oo na.." tawa ko.
Sumakay na kami sa kotse niya at nagtungo na sa restaurant.
Isang taon na ang lumipas simula ng huling makita ko si Kevin. Ang tagal na rin. Ngayon, masasabi kong ayos na ako. Noon kasi, halos hindi na ako makakain at makatulog sa kakaisip sa kanya. Pero sa pagdaan ng bawat araw, unti-unti akong nasanay na wala siya. Hanggang sa natanggap ko na lang na hindi talaga kami pwede.
Hindi alam ng mga magulang namin ni Kevin na hindi na kami nagsasama. Pero ewan ko lang din, kasi baka nasabi na ni Kevin. Matagal ko na rin naman kasing hindi nakikita at nakakausap ang mga magulang ko. Nasa ibang bansa pa rin kasi sila hanggang ngayon..
"Oy! Baka pwede na tayong bumaba, 'di ba?" napabalik ako sa sarili ko ng kalabitin ako ni Robin. Napahawak pa ako sa dibdib ko ng dahil sa gulat.
"H'wag mo nga akong ginugulat.." bulyaw ko.
"Tulala ka na naman kasi. Naisip mo kagwapuhan ko 'no?" asar niya.
"Asa ka!" sagot ko pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan. Natatawang bumaba na rin naman si Robin. Ang hangin nya talaga.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong akbayan. "Pikon. Joke lang yun, baby!" sabay halik sa pisngi ko pagkatapos ay tumakbo na papasok ng shop.
Nilapitan ko si Robin. Umupo na siya sa may bakanteng silya.
"So, what's your order Sir?" tanong ko habang tinatasan siya ng kilay.
"Hmm.. Pwedeng ikaw na lang?" pilyo niyang sabi sabay kindat sa akin.
"I'm sorry, Sir. Hindi po ako kasama sa menu.." panabla ko.
Sinabi na niya sa akin kung anong gusto niya. The usual na naman daw. Ako na mismo ang naghanda ng makakain namin. Gustong gusto kasi ni Robin ang luto ko. Sa unang pagkakataon nga may naka-appreciate na magaling akong magluto.
Paglabas ko, nakita ko siya na may kausap sa cellphone niya. Lumapit na ako sa kanya dala ang makakain namin.
"Mamaya na lang ulit.." aniya pagkatapos ay ibinababa na ang tawag.
"Sino yun?" tanong ko sabay baba ng mga dala ko sa table namin.
"Secret.."
"Tss. Babae mo no?" asar ko.
"Hindi, ah. Isa lang naman ang gusto ko.." mabilis na sagot niya.
"Sino? Ang malas naman nung babae.."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ko sasabihin sayo.." sagot niya pagkatapos ay kinuha na ang mga inilapag kong pagkain. "Hmm.. Ang sarap talaga."
Napangiti ako sabay iling. "Bolero! Gusto mo lang nyan maging libre ang kinakain mo, eh.."
Inirapan niya lang ako. Hindi na rin ako sumagot. Kumain nalang kami.
Hinatid ako ni Robin sa condo ko pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Tapos na ang trabaho ko ngayong araw. Sa wakas, maaga akong makakapagpahinga.
"Susunduin kita bukas, okay?" si Robin.
"Mmkay.."
"Magpahinga ka na.. Alam kong napagod ka sa maagang shoot kanina.." paalala pa nya.
Napangiti ako. Kahit na pilyo si Robin, hindi siya pumapalyang ipaalala na kailangan ko pa ring magpahinga.
"Sige na.. Akyat ka na."
"Sige.. Ingat ka.." sabi ko. Bumaba na ako sa kotse niya. Kinawayan ko pa sya. Pumasok na ako ng building ng mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya.
Pero bago pa ako tuluyang makapasok ay may sasakyan din na biglang dumaan sa harapan ko. Napatingin ako sa nagd-drive.
Parang si...
Kevin?
Hindi ako sigurado. Mabilis kasi ang takbo ng sasakyan.
Baka namalikmata lang ako. Tsaka ano naman ang gagawin ni Kevin dito? Sinusundan niya ako? Malabo yun! Eh hindi nga niya ako magawang mahalin, diba?