Alexandra Sue Imperial-Zapanta's POV "Like OMG, Alex! Hindi ko keri yung sinabi mo! For real talaga? Nasabi mo yun kay Kevin? Oh God! I'm so proud na po talaga sa pinsan ko!" masayang sabi ni Charmaine habang nakatingin sa itaas na tila nagpapasalamat sa Diyos sa mga nangyayari. Napailing na lang kaming pareho ni Robert sa sinabi nya. Naikwento ko kasi sa kanila yung mga sinabi ni Kevin kagabi. Yung pagmamaka-awa niya at paghingi niya ng tawad. Kagabi, wala akong naramdaman ka kahit ano. Naiyak lang ako kasi naisip ko na masyado akong tanga noong mga panahong magkasama pa kami. Ayoko ng maranasan ulit 'yun. Ayoko ng malugmok ulit sa parehong dahilan. Nakabangon na ko. "See! Nagsisi rin 'yang gago mong asawa! Ay soon to be ex-husband na pala!" dagdag ni Charmaine. Napag isipan ko na

