Kevin Zapanta's POV Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng mahigpit. Kay tagal kong hinintay na makasama at mahagkan ulit siya. "Kevin.. Wait.." aniya habang marahan akong tinutulak palayo. "I miss you.." sumamo ko. "So much.." I tried to kiss her lips, but she pushed me away. "Ano ba, Kevin? Anong ginagawa mo dito? Lasing ka ba?!" "I-i'm not. Kanina pa kita hinihintay dito. Gusto kitang makausap.." sinubukan ko siyang lapitan ulit ngunit humakbang siya palayo. "I'm sorry.." Alam ko, dapat matagal ko ng ginawa ito. Dapat matagal na akong humingi ng tawad sa kanya. Pero naduduwag ako. Duwag akong harapin siya matapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya. Ngayon lang ako nakapag ipon ng lakas ng loob. Pero sa tingin ko'y kulang pa rin ito. Hindi pa rin sapat ang paghingi

