HD 8

1511 Words
Alexandra Sue Imperial-Zapanta Napamulat ako nang marinig ang malakas na tunong ng cellphone ko mula sa bedside table. Inabot ko ito at inaantok na sinagot ang tawag. "Hello? Sino 'to?" hikab ko. "Anong sino 'to?" inis na sabi ng nasa kabilang linya. "Ako lang naman po si Robin Alvaro, ang pinaka gwapong photographer sa mundo. At kung hindi mo mamasamain magandang binibini, late ka na po sa photoshoot mo.." Bigla akong napaupo sa sinabi niya. Napatigin ako sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang 11AM na pala. Late na ako! Binaba ko na ang tawag at nagmamadaling mag ayos. Kailangan madaliin ko na dahil sobrang late na ako. Dapat kaninang alas nuebe pa nagsimula ang pictorial eh. Napasarap kasi ang tulog ko dala na rin siguro ng sobrang pagod. "After five hundred years, dumating na rin ang hinihintay natin.." bungad ni Robin ngpagdating ko. Tingnan mo 'tong lalaking 'to! Pinilit ko ngang dahan-dahanin ang pagpasok dito sa studio para hindi mapansin, tapos sisigaw pa siya. Napatingin tuloy ang lahat sa akin. Napaayos nalang ako ng tayo. "Sorry, late ako." tawa ko sabay peace sign. "Naku, okay lang 'yun Alex.. Wala namang kaso sa 'min 'yun. Malakas ka sa amin, eh.." sabi ni Cassie, ang make up artist ko. "Oh siya, halika na.. Aayusan na kita."  Nagsimula na siyang ayusan ako. Light lang ang pina-apply kong make up dahil summer theme 'tong pictorial. Okay nga lang kahit na wala ng make up, pero syempre ayaw ko naman magmukhang maputla sa camera. Actually, ito pa lang ang pangalawang beses na magiging cover ako ng magazine na naka bikini lang. Hindi kasi ako sanay sa ganun ka-revealing na suot. Sabi naman ni Robin, bagay ko naman daw. Alam ko naman na sinasabi lang niya 'yun para lumakas ang loob ko.  Pagkatapos akong ayusan ni Cassie ay lumabas na ako. Nakatapis pa ako. Tatanggalin ko na lang ito pag mismong pictorial na. Nakakahiya kasi talaga. Ewan ko ba! Nahihiya pa rin talaga ako kapag ganito ang suot ko.  "Oh, ano na? Start na tayo.." sabi ni Robin ng makita na niya ako.  Tumango ako at pumwesto na. Nahihiyang tinanggal ko na ang tapis sa katawan ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kaya ko 'to! Nakita kong natigilan si Robin ng tanggalin ko na ang tapis sa katawan ko. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.  "Uhm, pangit ba?" nahihiyang tanong ko. "A-aah.. No.. Umh, ano.. B-bagay.." nauutal na sabi nya sabay iwas ng tingin. "Mag umpisa na tayo para agad tayong matapos.." Minadali lang ni Robin ang photoshoot. Parang hindi nga niya pinag-iispian kung ano nga ba ang gagawin ko. Halos kalahating oras langa ang itinagal ng photoshoot. Agad din akong nagbihis pagkatapos. "Hoy, ano.. Maganda ba ang mga kuha?" nilapitan ko si Robin na nire-review ang mga shots pagkatapos kong magbihis. Abalang-abala siya sa pagtingin sa mga litrato ko. Tiningnang ko na rin ang mga kuha niya kanina. "Yeah.. You're beautiful.." aniya sabay tingin sa akin.  "Ah-hh.. Ano, tara. Lunch tayo? My treat.." pag iiba ko nalang. "Sure.." agad niya akong hinila palabas. Ni hindi man namin nagawang magpaalam sa mga natitirang tao sa studio.  "Grabe ka. Hindi man lang tayo nagpaalam sa mga tao dun.." sermon ko ng makasakay na kami ng sasakyan niya.  "Busy naman ang mga yun.." kibit balikat niya ta pinaandar na ang sasakyan. "Ako na ang manlilibre sayo ngayon.." "Ha? May sakit ka ba?" biro ko. Hindi naman siya madalas manlibre dahil nga kuripot ang lalaking 'to. Hindi kagaya ni Robert na magastos. "Tsk.. Masama bang ilibre ang pinakamagandang babae sa buong mundo?" sabi nya sabay tingin sa akin. Ayan na naman ang mga titig niyang nakakailang! "I-ikaw talaga.. Binola mo pa ako.."  "I'm serious, Alex.. You are very beautiful.." nakatuon ang mga mata niya sa daan. Hinihintay kong sabihin niya na joke lang yun o kaya naman ay tumawa siya. Kaso hindi, seryoso talaga siya sa sinabi. "Uhm.. T-thanks.." yun nalang ang tanging naisagot ko. Ang akala ko ay sa resto na naman kami kakain, pero sa iba niya ako dinala. Tahimik lang kami habang pumapasok sa isang fastfood chain. Natawa na lang ako sa loob ko, hindi nga to kuripot pero tinipid naman ako. Napailing nalang ako. Ayos na rin to. Ang tagal ko na rin hindi nakakatikim ng pagkain mula dito. Humanap ako ng mauupuan habang si Robin ay nakapila na sa may counter para sa order namin. Paano kaya kung hindi ko nakilala si Kevin, o kaya naman ay hindi nya ako nabuntis noon? Siguro hindi kami ikakasal at hindi ako makukulong sa relasyon na ako lang ang nagmamahal. Akala ko kasi sya lang ang lalaki na pwede kong mahalin. Pero sa paglipas ng panahon, nalaman ko na marami pa d'yan.  Kung sakali man na magkakagusto ako sa isang lalaki, siguro si Robin na 'yun. Kahit na mayabang sya at mahangin, alam ko na mabuti syang tao. Oo, hindi nga siya perpekto, dahil wala namang ganu'n. Pero sa tingin ko, kung sakali man, magiging masaya ako sa kanya. "Baka pwede na tayong kumain? Baka kasi lumamig na ang pagkain.." natigilan ako bigla. Nandito na pala sa harapan ko si Robin.  Tumawa na lang ako para takpan ang pagka pahiya ko. "Ba't ba kasi tulala ka? Iniisip mo ang asawa mo 'no?" napatuwid ang tingin ko sa kanya ng banggitin niya 'yon.  "Ha.. Hindi no.." tanggi ko. "Tara, kain na tayo.."  Ayaw ko ng pag-usapan pa namin ang tungkol kay Kevin. Dati kasi noong pinag-uusapan namin 'yun, umiiyak ako sa harapan niya. Nakakahiya! Para akong tanga na ewan. Pero kung ikukwento ko ngayon yun sa kanya? Baka matawa na lang ako. Kasi naman, napaka one-sided ng pagmamahal kong iyon.  Sa totoo lang kasi, alam ko na sa sarili ko na wala na akong nararamdaman kay Kevin. Kaibigan siguro, oo. Pero 'yung higit pa dun, gaya ng dati? Wala na.. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Pag nakausap ko na siguro sina Mommy, doon na ako magpa-file ng annulment. Kailangan ko pa kasi silang makausap ng personal. Umpisa pa lang naman kasi, wala na talagang saysay ang kasal namin. "Alam mo kung bakit kita dito dinala?" biglang sabi ni Robin. Natigilan ako sa pagsubo at tumingin sa kanya. "Bakit?"  Inilapag nya ang kubyertos na hawak nya at nag ayos ng upo. "Gusto ko kasing malaman mo kung ano ang naging buhay ko dati.." umpisa nya. "Lumayas ako sa amin para mapatunayan ko sa mga magulang ko na kaya ko. Na kahit hindi ako matalino gaya ni Robert ay mabubuhay ako.." Napakunot ang noo ko. Naglayas sya dati? Hindi ko alam yun, ah. Kung sabagay, hindi rin naman kasi sya pala kwento. Puro biro lang ang alam niya. "Pinaaral ko ang sarili ko. Nagtrabaho ako sa isang fasfood chain para lang mabuhay at makapag aral.. Siguro mahirap paniwalaan, pero nagawa kong buhayin ang sarili ko sa loob ng apat na taon nung college ako.." "B-bakit mo sinasabi sa akin to ngayon?" tanong ko. Napaka-random kasi ng topic namin. "Kasi gusto kong ipaalam 'to sa babaeng gusto ko.. Gusto kong malaman mo kung ano ang mga pinagdaanan ko dati. Making si Robert ay hindi alam ito.. Sa 'yo ko palang sinasabi to Alex.. Because I like you so much.. Hindi ako ganun ka-open sa ibang tao. Pero pagdating sayo, ewan ko ba. Basta bumibilis to oh.." sabay turo sa dibdib nya. "Robin.." sambit ko, hindi alam kung ano ba ang dapat sabihin. "Shh.. Hindi mo naman kailangan sagutin ang mga sinasabi ko. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko para sayo.. Basta tandaan mo Alex, aalagaan kita. Hindi ko gagawin ang ginawa niya sayo.." Napangiti nalang anko. Nararamdaman ko naman 'yun, eh. Nararamdaman ko naman na hindi niya ako sasaktan gaya ng ginawa niya.. "Text mo ako kapag nakauwi ka na.." sabi ko kay Robin pagkahatid niya sa akin. "Opo, ma'am.." malambing niyang sabi sabay haplos sa pisngi ko. "Magpahinga ka na.."  Simula ng magtapat sya sa akin kanina, mas lalo akong naging kumportable sa kanya. Pagkatapos naming maglunch ay dinala niya ako sa isang art exhibit. Ipinakilala rin niya ako sa mga kapwa niya photographer. Samantalang si Kevin... ni minsan ay hindi niya ako ipinapakilala sa mga business partners niya. Umalis na si Robin. Gusto ko sana syang imbitahan sa taas para makapag-kape kaso gabi na rin kasi. Medyo malayo pa ang byahe niya. Masyado ng delikado sa daan. Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nya ay napagpasyahan ko ng umakyat.  Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti habang nasa elevator ako. Buti nga walang sumasakay kung hindi baka isipin nila na baliw na ako. Nakangiti parin ako paglabas ng elevator. Pero napawi iyon nang may mapansin akong lalaking nakaupo sa tapat ng unit.  Nag angat siya ng tingin.  Hindi ko alam kung sino ba ang mas nagulat sa aming dalawa. Tumayo siya bigla at niyakap ako ng sobrang higpit. "Nandito ka na.. I m-miss you.." mas humigpit ang yakap niya sa akin at isiniksik pa ang mukha niya sa leeg ko. "Kevin.." 'yun nalang ang tanging nasambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD