Simula - Trabaho
Hi, ito ang kauna unahang kong isusulat dito sa dreame but i have a w*****d account "Imhapeylikeu" ayan ang username niya.
" I'm Inlove with my Secretary "
written by: Imhapeylikeu
Si Alyssa Camille o mas kilalang Aly ay labing isang taong gulang na. Para kumita at magkapera ito ay rumaraker sa kung saan na pwede at hindi sa bar. Bata pa lang si Allysa ay wala na itong magulang ngunit dahil sa isang kaibigan ng kanyang nanay ay nagkaroon ulit ito na parang totoong magulang na si Nanay Ellen at ang kanyang asawa na si Tatay Ramon. Walang anak ang dalawa dahil hindi sila magkaanak, hindi nila alam kung bakit ngunit hindi hadlang iyon para sa pagmamahalan ng dalawa niyang magulang na natira.
"Alyssa hinahanap kana ng iyong ina" sigaw sa kanya ng tatay-tatay
"Sige po tatay, susunod po ako" sigaw nito pabalik ngunit hindi bastos ang dating.
Habang papunta si Ally sa kanyang Nanay Ellen ay napansin nitong may mga nagdi dikit ng papel sa paligid ngunit hinayaan na niya ito dahil mukhang sa botohon naman sabi ng kanyang isip kaya dumeretso na ito sa loob ng bahay nila.
"Nay, Nay" tawag ni Aly ng hindi makita ang kanyang nanay sa sala
"Andito ako, anak sa kusina" sigaw ng kanyang Inay na galing sa kusina ang boses.
Hindi nagdalawang isip na pumunta si Aly na tulungan ang kanyang Inay dahil nakita niya itong nagta trabaho sa kusina.
"Oh! bitiwan mo yan Alyssa dahil baka madumihan ka" bawal nito sa kanyang anak at inagaw ang na nang kanyang Inay ang hawak nitong sandok at plato " may pasok ka pa mamaya, Iha diba?" tanong ng kanyang inay at tumango naman si Alyssa.
Natapos na ang gawain sa kusina at tinulungan na lang niya ang Nanay na maghain sa simpleng lamesa nila.
"Tawagin mo na lang ang tatay mo, Alyssa" sabu ng kanyang nanay at tumango naman ito
lumabas si alyssa para hanapin ang kanyang tatay ngunit hindi niya ito nakita kaya lumabas siya ng bakuran nila dahil baka nanonood ng sabong ang kanyang tatay sa kabilang bakuran.
Hindi naman nagtagal ay nakita nga niya ang kanyang ama doon at nakaupo habang nanonood.
"Tayyyy!!....kakain na po tayo" sigaw niya sa kanyang ama at lumingon naman ito at tumango naman ang kanyang ama at tumayo na doon.
"Tapos na ba kayo ng nanay mo maghain, anak?" tanong nito sa anak at tumango naman si Alyssa at hinawakan ang kanyang tatay sa kamay.
"Tay alam mo po ba ang swerte swerte ko sa inyo ni Nanay Ellen kahit hindi ko kayo kadugo" biglang saad ng kanyang anak at doon nagulat ang ama niya kaya napahinto ito.
"Swerte din kami ng nanay ellen mo sayo, Alyssa Camille" sabi ng kanyang ama at mukhang seryoso dahil nabuo nito ang kanyang pangalan.
****
Nakarating sila ng bahay habang magkahawak kamay kanina pa nag aantay ang kaniyang Inay at asawa ni Tay Ramon sa bahay.
"hala Tay, lagot tayo kay nanay" kinakabahan na saad ng kanyang anak sa kanya at tinawanan lang niya ito.
"ayos lang iyan para naman makapag bonding din tayo kahit papaano at makapag exercise ako" saad ng kanyang ama.
Inalalayan ni Alyssa ang kanyang Nanay at Tatay para makaupo na ang mga ito at kumuha na ng baso para tuloy tuloy na ang kanilang kain.
Nagdasal ang kanyang Nanay Ellen at pagkatapos ay kumain na ang mga ito.
"Anong oras ang pasok mo, Camille?" tanong ng kanyang Nanay Ellen sa kanya habang kumakain sila.
"1:30 po nay... bakit po?" sagot nito kaya napalingon ang kanyang inay sa orasan at umiling ang kanyang nanay
" Ayos ka na ba doon?" Tanong nito na halatang nag aalala para sa kanyang anak.
"Oo naman po, Nay Ellen" sagot nito at kumain na ulit habang naka ngiti silang tatlo.
Unang araw pa lang nito sa restaurant kung saan siya papasok at nagta trabaho ay hindi na maganda ang pakikitungo ng ilang kalalakihan sa kanya.
Ramdam niyang lagi siyang binobosohan ng mga ito at hinihipuan ngunit hindi niya kayang magsumbong sa amo nito dahil kahit ang kanyang boss ay ganun din ang ginagawa sa kanya minsan man ay akala mong alang gagawin sa iyo pero kung makatingin ito ay hinuhuban ka na.
Kelangan niyang umabot ng isang buwan dito dahil naka advance na ang kanyang sweldo at nagastos na din niya ito dahil marami siyang binayaran sa bahay nila.
"Miss Alyssa anong ginagawa mo dito sa kusina hindi ba dapat ay nasa cashier ka" sabi ng kanyang kasamahan na kung makatingin sa kanya ay nire rape na ito. Hindi na lang niya pinansin ang binata at lumabas na ng kusina para pumunta sa cashier kung saan siya pinwesto ng kanyang amo.
Matalino si Alyssa ngunit hindi ito nakapag tapos ng college dahil hindi na niya kaya ang tuition nito kaya't tumigil siya sa pag aaral at tumulong sa kanyang magulang.
3rd year college na dapat siya ngunit hindi niya kayang bayaran ang exam at tuition niya dahil sa sobrang laki. Nawala din ito sa scholarship dahil hinipuan siya ng nagbigay sa kanya at hindi niya nagustuhan kaya iyon kaya pinamaga niya ang alaga nuon at mabilis na umalis kung asan sila.
"Ms", biglang saad ng isang lalaki sa harap niya at mabilis itong sumagot "Mukha kang may problema baka gusto mong umuwi muna" concern na sabi ng isang lalaki ngunit umiling lang siya at bumalik na sa realidad .
"No sir. Thank you for your concern but I'm okay!" magalang na saad nito at tumango naman ang lalaki at binigay na ang Atm card para makapagbayad.
Ilang minuto lang ay tinype na ng lalaki ang code ng atm niya at umalis na.
Nagpasalamat si Alyssa Camille dahil hindi siya nito binastos dahil sa uri ng kanilang uniform sa restaurant na ito.
Tatlong araw na lang at aalis na siya at nakikita na niya dito halos araw araw ang lalaking my concern sa kanya ngunit hindi naman ito pinapansin dahil wala naman dapat siyang pansinin o hindi niya pwedeng kausapin ang customer lalo na kung hindi mo naman ito kilala.