"Queen malapit na matapos ang contract mo. Anong plano mo?" tanong ni Joshua at napatingin ako sa kanya. Ang bilis ng araw at hindi ko namalayan matatapos na pala ang contract ko. Hindi pa ulit namin napag-uusapan ni Joshua ang tungkol sa bagay na iyon. Nabanggit ko sa kanya noon na hindi na ako mag-renew at tatanggapin ko ang inaalok na trabaho sa akin abroad. Kung tutuusin sobrang nagpapasalamat ako kasi willing sila hintayin na matapos ang contract ko. Ang hindi alam ni Joshua ay kinausap ko ang agent at sinabi ko sa kanyang nag-back out na ako. Nagbukas ako ng account na hindi alam ng kahit sino at nilipat ko roon ang pera ko. May naisip na akong lugar kung saan ako magsisimula ulit. Pagkatapos na pagkatapos ng huling project ko saka ako aalis. "Katulad ng sinabi ko sa iyo noon lili

