"Maraming salamat," halos pabulong na sabi ko kay Mark habang pinagmamasdan namin ang mga bata naglalaro. Nagulat na lang ako ng bigla siya sumulpot sa ampunan kaninang umaga. Nagpaalam siya kay Lola Sol na dadalhin niya ang mga bata sa isang amusement park. Tututol sana ako pero nakita ko ang excitement sa mukha ng mga bata. Naisip ko rin na pagkakataon na iyon para maging masaya ang mga bata. Ngayon habang tinitingnan ko ang mga bata na masayang naglalaro ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Bakas sa mga mukha nila ang sobrang kaligayahan. Maririnig sa tawanan nila at makikita sa mga ngiti. Kasama namin si Eugene, Myla at tatlong volunteers para mag-asikaso sa mga bata. Hindi pumayag si Mark na umambag ako sa gastusin at sinabi niya na treat niya iyon sa mga bata. "No problem," walang

